Chapter 11- Jealous•

1710 Words
Maria's POV "Maria, pinakamahal kong apo, makinig kang mabuti. Kailangan mong lumuwas ng siyudad. Ang kwintas.... Ingatan mo ang kwintas! Alamin mo ang tunay mong pagkatao. Mabuhay ka ng masagana at masaya, huwag mo kaming alalahanin ng iyong ina, nasa mabuti kaming kalagayan." Habang sinasabi iyon ni Apo Ibyang sa akin ay bakit parang unti-unti siyang naglalaho? Maya-maya ay nabalutan na ito ng makapal na puting usok. "Apo... Apo! Sandali lang po... hintayin mo ako, sasama ako sa inyo..." Pilit akong humahabol ngunit parang nakapako na ang aking mga paa. Hindi ko iyon maigalaw. Patuloy ako sa pagtawag kay Apo ngunit tuluyan na itong nilamon ng kawalan. "Apo...!" "Huh!" Panaginip... isang panaginip lang pala ang lahat. Napabalikwas ako nang bangon buhat sa aking higaan at ng hindi sinasadyang kapain ko ang aking mukha ay nararamdaman kong basa ang aking palad. Luha! Umiyak ako habang natutulog. _ Ilang linggo ng hindi ko nakikita si Sir Brix. Simula ng dumating si Miss Crissel ay lalong naging busy ito. Minsan hindi na umuuwi ng penthouse kung umuwi man ay gabing-gabi na. Alam kong hindi tamang malungkot pero kahit anong pilit kong sabihin sa sarili ko na hindi ito ang tamang maramdaman ko ay kung bakit nagsusumiksik pa rin sa akin ang katotohanang nami-miss ko ang presensya niya. "Maria!" Bigla akong napakislot ng marinig ang pagtawag na iyon sa aking pangalan. "Arthur!" Napakunot ang aking noo ng makita ko ito na nakatayo na sa aking harapan. "Ano'ng ginagawa mo rito?" nagtatakang tanong ko. Katatapos lang ng aking klase at pauwi na ako. Nang maipasa ko ang aking online class para sa high school ay nag aaral na ako ng kolehiyo sa Alekzander University na pag aaring eskwelahan ng mga Vander. Dahil masipag akong mag aral unti-unti ay nakakasabay na ako sa mga estudyante rito pag dating sa mga lectures. Marami nang nagbago sa akin, nasasanay na ako sa buhay sa siyudad. Ang hindi ko lang talaga makasanayan ay yung mga kaklase kong mga anak mayaman. Iba ang trato nila sa akin dito sa eskwelahan dahil isa lang akong mahirap at ako ang kauna-unahang estudyante na naging scholar ng sikat na paaralang ito. Ang totoo ang Alekzander University ay para lang sa mayayaman. Ang mga estudyante rito ay galing sa mataas na antas ng lipunan. Dahil ako ang naiiba sa lahat, ang tingin nila sa akin ay para lang isang basura at dumi sa paaralan. Magkaganun man ay hindi ko na iniisip ang mga bagay na iyon, ang mahalaga sa akin ay makatapos ako ng pag aaral ng sa gayon ay masuklian ko ang kabutihan ni Sir Brix sa akin. "Pinapasundo ka ni boss sa akin,"nakangiting sabi nito. May bahagi ng puso ko na biglang nagdiwang ng marinig ang pangalang, Brix. Tsh... Talagang nami-miss ko na siya. "Ba-bakit daw?" takang tanong ko. Tumingin muna si Arthur ng makahulugan sa akin bago sumagot. "Nag aalala siya sa'yo. Baka wala ka raw masakyan pauwi dahil nag-strike ang mga pampasaherong sasakyan ngayon." "Ha! Paanong nangyari 'yon kanina lang maraming sasakyan pagpasok ko, ah?" gulat na tanong ko. "Ngayong hapon lang nagsimula ang welga ng mga driver kaya natigil ang pasada. Halika na at naghihintay na siya sa 'yo." Napaawang ang aking bibig nabigla ako sa aking narinig. "Na-nandyan si Sir Brix!" hindi makapaniwala na tanong ko. Sunod-sunod naman ang tango nito. "Oo, pagpasok mo sa school dumating naman siya, hindi na kayo nagpang abot. Simula no'n ay hindi na siya umalis. Hindi rin siya pumasok ng opisina, mukhang masama ang pakiramdam. " _ Parang may pakpak ang aking mga paa sa bilis nitong lumakad. Excited na akong makita ang gwapo kong amo. Nagmamadaling binuksan ko ang pinto para magulat lang sa aking makikita. Napatutop ako sa sariling bibig ng mabungaran ko sa sala si Miss Criselle at Sir Brix na naghahalikan. Huli na para umiwas ako dahil nakita na ako ni Sir Brix. Agad itong bumitiw sa pagkakapulupot ni Criselle sa kaniya. Napabaling din ang atensyon ng nobya nito sa akin. May bahid inis ang mga tingin niya, iniisip sigurong wala akong modo na basta na lang pumasok ng walang pasabi. Sino ba naman ang matutuwa sa ginawa ko? Inistorbo ko lang naman ang intimate moment nila. "Maria!" Tarantang napatayo si Sir Brix, hindi ko alam kung bakit parang hindi ito komportable. Sa inakto nito ay para bang may nagawa siyang malaking kasalanan sa akin na dapat nga ay ako ang mahiya. Yumuko lang ako, ayokong salubungin ang tingin niya. "So-sorry po! Pasensya na kayo! Sige po papasok na ako sa kwarto ko." Nagmamadaling lumakad na ako at hindi ko hinintay sumagot ang mga ito. Pagpasok ko sa aking silid ay agad kong inilapat ang pinto at nanghihinang sumandal sa likuran nito. Hindi ko namalayan na kusa na lang tumutulo ang mga luha sa mata ko. Tsh! Bakit ba ako umiiyak? Nababaliw na ba ako? Inis na pinalis ko ng aking palad ang mga luha sa magkabila kong pisngi. Napabuga ako sa hangin. Napaka imposible na talaga ang nangyayari sa akin. Nagseselos ba ako? Inaamin kong may nararamdaman ako para kay Sir Brix, pero wala akong karapatan na magselos. Girlfriend niya si Criselle at natural lang na gawin iyon ng dalawang taong nagmamahalan. Pero ang sakit pala, lalo na kapag nakita mo ng harapan na ang taong mahal mo ay may mahal ng iba. Imposible namang magustuhan ako ng isang Brix Vander at walang -wala ako kung ikukumpara kay Criselle Limtuangco. Pero, bakit ba may isang bahagi ng puso ko na umaasa na baka magustuhan niya rin ako? Hindi ko alam kung ilang oras akong umiyak at dinamdam ang nangyari? Nakailang katok na si Arthur sa kwarto ko para ayain akong mag-hapunan pero sinabi kong busog pa ako. Natatakot akong lumabas at makita si Sir Brix. Namumugto pa ang mga mata ko, ano na lang ang iisipin niya? "Naku naman! Para ka talagang sira, Maria! Feeling mo naman may relasyon kayo ni Brix at nahuli mo siyang niloloko ka. Grabe ka kasi kung maka-react d'yan!" sabi ng subconscious ko. Ah, ewan! Basta ayoko muna siyang makita. ~ Ala una ng madaling araw, nakaramdam ako ng matinding gutom. Masakit na ang aking tiyan, hindi ko na matagalan ang gutom. Ang huling kain ko pa ay noong tanghalian. Hindi ko rin nakuhang mag-merienda sa school kanina, kaya naman napilitan na akong lumabas para magtungo sa kusina. Hindi ko na binuksan pa ang ilaw, kinapakapa ko na lang ang paligid papalapit sa kinaroroonan ng malaking ref. Pag bukas ko niyon ay tumambad sa akin ang samut saring pagkain. Sa dami ng laman ay nahirapan akong mamili. Sa huli, kinuha ko ang isang box ng strawberry cheesecake. Ito na lang ang kakainin ko dahil gusto ko ng matamis. Nang isasara ko na ang pinto ng ref ay muntik na akong mapalundag sa gulat. "Sa wakas lumabas ka rin!" "Ay kalabaw!" Parang nahulog ang puso ko sa kung saan ng mapag sino ang nagsalita na hindi ko namalayan na kanina pa pala nakamasid sa akin. Napangiti ito sa naging reaksyon ko. "I thought you will going to torture yourself by skipping meals. You know how long I have been waiting for you to come out?" Gusto kong matunaw sa tingin nito. Kahit sarado ang ilaw ay kitang-kita ko naman siya dahil sa liwanag na nagmumula sa bukas na refrigerator. "Si-sir Brix! Bakit gising pa po kayo?" Nagsalubong ang mga kilay nito sa tanong ko. "Sa tingin mo makakatulog ako kung alam kong may isang tao rito na hindi man lang nakuhang lumabas ng kwarto niya para mag-dinner?" May halong panunumbat sa tono ng boses niya. "And do you think I will just allow you to eat that? No way, Miss!" Nagtataka na nakatingin lang ako sa kaniya hindi ko makuha ang gusto nitong mangyari. Wala akong nagawa ng kunin niya ang box ng cake sa akin at ibalik iyon sa loob ng ref at pagkatapos ay isinara iyon. Nagulat ako nang bigla na lang niyang hawakan ang kamay ko at hatakin ako papalabas ng kusina. Tarantang napasunod lang ako rito. "Sa-saan tayo pupunta?" nag aalala na tanong ko ng makalabas kami ng penthouse. "Sa restaurant nitong hotel, doon tayo kakain," sagot niya. Hindi parin ako nito binibitiwan hanggang sa makasakay kami ng elevator. Pinindot niya ang buton papuntang second floor kung saan naroon ang high class restaurant ng hotel. Tahimik lang kami habang nasa loob. Palihim akong nagnakaw ng sulyap dito. Naka maong pants ito na kupas, sneakers na puti at naka t-shirt na green at white combination. Mabilis na napasadahan ko ng tingin ang kabuuan nito. Simple lang pero ang brand naman ng kaniyang mga suot ay talagang nakakalula. Napanganga ako ng bumukas ang elevator at bumungad sa akin ang buhay na buhay na kulay ng napakalaking restaurant na nagliliwanag dahil sa mga naggagandahan at nagkikislapang chandelier. Kahit mag aalas dos na ng madaling araw ay marami pa ring tao. At halos lamunin ako ng lupa sa kahihiyan ng mapagtanto kong nakapa-jama na ternong stripe na pink at white pala ako. Nakapantulog na ako at hindi pumasok sa isip kong magpalit manlang. Ito kasing si Sir Brix kung bakit bigla na lang nanghihila? "Sir!" Parang gusto ko ng magtago sa likuran nito dahil sa kahihiyan, halos lahat kasi ng madaanan naming tao ay pinagtitinginan kami. Lumingon ito sa akin. "Why? Is there any problem?" tanong nito. "Naka-pantulog na pala ako, nakakahiya!" Nag-aalalang napausog pa ako sa likuran nito. "It's okay. Don't mind them," balewalang sabi nito. Hinigpitan nitong lalo ang hawak sa kamay ko at sa ginawa naman niyang iyon ay para akong nakaramdam ng seguridad. Pakiramdam ko kaya kong harapin ang lahat basta siya ang kasama ko. Agad kaming in-assist ng waiter ng makilala si Sir Brix. Nakahinga ako nang maluwag ng nakaupo na kami. Iilan na lang ang nakatingin sa amin pero karamihan ay naggagandahang mga sosyalerang babae na nakataas ang mga kilay na halos umabot na sa anit. Hindi makapaniwala ang tingin ng mga ito sa akin. Hmp! Inggit lang sila dahil napakagwapo ng kasabay kong kumain ngayon. Gusto kong matawa sa aking kalokohan, ngunit pinipigilan ko lang. Habang pinagmamasdan ko si Sir Brix na umo-order ng aming pagkain ay hindi ko na naman maiwasang humanga sa kaniya. Hay! Hanggang pangarap ka na lang ba, Brix Vander?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD