Chapter 12- Encounter•

1739 Words
Maria's POV Isang hapon, nasa loob na ako ng The Vander Suite at tinatahak ang daan papuntang elevator. Abala ako sa pagtingin sa laman ng plastic bag na aking pinamili at hindi ko alintana ang aking dinadaanan nang bigla na lang akong bumangga sa kung saan. Awtomatikong napaangat ang aking ulo para mapag sino ang nagmamay ari ng itim na sapatos at slacks na pantalon na nabangga ko. Nabungaran ng aking mga mata ang isang may edad na lalaki. Sa tantiya ko ay nasa mga limampung taong gulang na ito ngunit higit siyang batang tingnan sa kaniyang edad. Maaliwalas ang mukha, mestiso at masasabi kong higit siguro itong gwapo noong kaniyang kabataan. Napansin ko ang limang bodyguard na nakapaligid dito. Ang isa ay bigla na lang lumapit sa akin at tinangka akong hawakan upang mailayo sa aking kaharap na tingin ko ay isang malaking tao na may mataas na katungkulan sa lipunan. Natigil ang bodyguard ng itaas ng ginoo ang kanang kamay nito na wari bang sinasabing huwag niyang ituloy ang balak na gawin. Nakaramdam ako ng matinding takot, kaya naman ang unang pumasok sa isip ko ay humingi ng tawad sa aking kaharap. "Si-sir! Pasensya na po kayo, hindi ko po sinasadya!" yuko ulong sabi ko. "Hahaha!" malakas na tawa niya. Agad napa-angat ang aking mukha ng marinig ko ang halakhak nito. Nagtatanong ang aking mga mata na napatingin sa ginoo. "You remind me of someone I used to know." Nakangiti pero bakit parang may bakas ng lungkot sa mga mata niya? "Be careful next time. Paano na lang kung hindi ako ang nabangga mo? What if kung sa matigas na bagay ka bumangga gaya ng pinto or worst poste? You might get hurt, take good care of yourself young woman," sabi nito sa akin. Isang paalala iyon, sa tingin ko ay mas concern siya sa akin at na-appreciate ko naman. Ikinagulat ko pa nang bigla na lang siyang lumapit sa akin at guluhin ang buhok ko. "See you when I see you, young lady!" Bahagya pa itong tumango at diretso ng lumakad. Nagsipag-sunuran naman ang mga bodyguard nito sa kaniya. Malayo na ang mabait na ginoo pero bakit hindi ko maiwasang sundan pa rin ito ng tingin? "Psst! Sino ang tinatanaw mo d'yan?" Bahagya akong napakislot ng maramdaman ko ang mahinang pag-kalabit ni Arthur sa aking balikat. Ito talagang lalaking ito parang kabute, bigla na lang sumusulpot sa kung saan-saan. "Kilala mo ba yung mamang 'yon?" baling na tanong ko rito habang ang nguso ko naman ang ginamit kong panturo sa papalayong lalaki. "Ah, 'yung maraming bodyguard ba?" balik tanong nito sa akin. "Oo." Sunod-sunod ang tango ko. "Iyon si Gener Montoya, ang presidente ng Infinity Business Community Club, samahan ng mga mayayamang negosyante sa bansa. Isa siyang business tycoon. Ang mga Montoya ang pinakamayaman sa bansa syempre, pangalawa sa mga Vander, " mahabang paliwanag nito. "Huh! Ganun ba? Kaya pala napapaligiran siya ng mga bodyguard," halos pabulong lang na sabi ko kaya hindi umabot sa pandinig ni Arthur. "Oh, ano ba 'yang mga pinamili mo? Ako na nga ang magbubuhat." Inagaw nito sa akin ang dalawang plastic bag na may lamang school supplies at iba pang accessories. "Para sa project ko 'yan," sagot ko naman. Nagpauna na itong lumakad patungo sa direksyon ng elevator at sumunod naman ako rito. _ Hindi ko napigilan ang mapahanga sa napakataas na building sa aking harapan. Para lang akong isang langgam kung ikukumpara rito. MONTOYA GROUP OF COMPANIES ang nakasulat sa itaas niyon. Huh! Pamilyar ang pangalan parang narinig ko na sa kung saan. May nakalimutang damit si Sir Brix na gagamitin nito sa photoshoot kaya naman tinawagan niya ako para isunod ko sa venue ang coat nito. Sa rooftop pala ng building ginaganap ang photoshoot. Ibinigay ko ng aking ID sa front desk at dali-dali akong humabol para makasabay sa unang bumukas na elevator na nabungaran ko. "Sandali lang pasabay!" Habol takbo ako habang bitbit ang coat ni Sir Brix na nakalagay sa itim na plastic. Napaangat ang kilay ng lalaki na sakay niyon, pipindutin na sana nito ang buton para sumara ang pinto ng elevator pero natigilan ito ng makita akong humahangos na tumatakbo papalapit dito. "Salamat, mister!" nakangiti pang sabi ko sabay yuko bilang paggalang sa kabutihan nito. "Pwede bang pakipindot yung sa may rooftop nagmamadali lang ako," pakiusap ko pa. Lalong tumaas ang kilay niya pero hindi naman nagsalita at sumunod lang sa sinabi ko. Tanging ang tunog lang ng makina ang maririnig. Ang tahimik sa loob, dahil nasa 40th floor ang rooftop, medyo nainip ako kaya naman binalingan ko at pinasadahan ng tingin ang lalaking kasabay ko. Huh! Ngayon ko lang napansin na napaka gwapo naman pala nito, tisoy na tisoy at namumula pa nga ang mga tenga at pisngi. Naka coat and tie ito na mamahalin ang tatak, alam ko iyon dahil halos kapareho ng dala kong coat ni Sir Brix ang suot nito. "Are you done scanning me?" sarkastikong tanong niya sa akin. Napa-diretso ako ng tayo. Waaaah! Nahuli niya akong nakatingin sa kaniya. "Ah, pasensya na ang gwapo nyo po kasi! Oops!" Napatutop ako sa aking bibig sabay tampal dito. Hay... ang tanga ko naman! Bakit ko ba nasabi ang nasa isip ko? "Hahaha!" tawa ng katabi ko. Tsh! Tuwang-tuwa siya sa kagagahan ko. "Don't worry, pang isang milyon ka ng nagsabi sa akin n'yan. I got used to it, but thanks anyway, I will take it as a compliment," nakangiting sabi nito. Tsk! Grabe, hindi naman siya mayabang. Napanguso na lang ako sa sinabi nito. "You look so cute doing that pout thing! sabi nito, sabay kindat sa akin. Agad naman akong pinamulahan ng pisngi. "Drake. I am Drake Montoya, and you little cutie what's your name." Inilahad nito ang kanang kamay sa akin para makipag-shake hands. Tsh! Tinawag niya akong "little cutie" ano'ng tingin niya sa akin bata? Dalaga na kaya ako, nineteen na ako, eh! "Maria- Maria Santos," walang ganang sagot ko pero inabot ko naman ang kamay ko dito para makipag-shake hands na gusto kong pagsisihan kung bakit ginawa ko pa. Napakalambot naman kasi ng kamay niya, maski ang bulak ay mahihiya sa kalambutan ng kamay ng lalaking ito. Bigla tuloy akong nahiya sa magaspang at puro kalyo kong mga kamay. Kaya naman agad kong binawi ang aking kamay dahil dito at itinago sa aking likuran. Sumabay naman ang pagbubukas ng elevator, agad akong lumabas at sumunod ito sa akin. "Dito rin ang punta mo?" tanong ko. "Yap!" sagot niya sabay tango, nakapamulsa pa ito habang naglalakad na bahagyang nilakihan ang hakbang para magkapantay kami. "And you! What is your business here?" interesadong tanong nito. "Ah…ako ba?" Itinuro ko pa ang aking sarili. Tumango ito bilang tugon. "Ibibigay ko lang itong coat sa amo ko, naiwan niya." Kumunot ang noo niya. "Who?" tanong pa nito "Boss ko, ayun s'ya." Sabay turo ko kay Sir Brix na kasalukuyang mini-make up-an. Agad siyang nakita ng mga mata ko pagpasok na pagpasok ko pa lang. Wheew! Ibang-iba ang itsura niya ngayon, lalo siyang gumuwapo at bukod tangi ang itsura niya sa lahat nangingibabaw iyon. "You're working for, Brix Vander?" patanong na sabi nito na nakatingin din sa direksyon ng tinitingnan ko. "Oo," sagot ko naman pero ang atensyon ko ay na kay, Sir Brix. "Kailan pa?" tanong na naman nito. Tsk! Bakit ba ganu'n siya ka-interesado kung makatanong? "Mga limang buwan na bakit?" balik tanong ko. Umiling ito. "Never mind me asking," sabi pa. "Sige ibibigay ko muna ito kay Sir Brix." Hindi ko na siya hinintay makasagot, lumakad na ako sa direksyon ng aking amo. Hindi ko alam kung para saan ang ginagawa niyang project ngayon? Natigilan lang ako nang bigla na lang dumating si Criselle, bago pa ako makalapit kay Sir Brix ay naunahan na ako nito. Yumakap siya rito at mabilis na humalik sa labi nito. Anupa't nakaramdam ng kirot ang puso ko. Lalo pa ng makita ko kung gaano sila ka-sweet sa isa't isa. Parang may tumutusok na karayom dito sa dibdib ko. "Maria, pakiusap, tumigil ka na! Huwag kang umasa sa imposible," sigaw ng isang bahagi ng utak ko. Iyon naman talaga ang gusto kong gawin, sinasabi ng utak ko tumigil na ako pero ayaw naman ng puso ko. Sino ba ang susundin ko, ang utak ko ba o ang puso ko? Naguguluhan na rin ako. Dumistansya ako at nagtungo sa gilid, doon sa hindi ako makikita ni Sir Brix.Naghihintay lang ako ng tamang timing para lumapit. Ayokong maging istorbo sa kanila. Ilang minuto pa at tumayo na si Criselle. Parang aalis na ito at nagpapaalam kay Sir Brix. Hinintay ko lang ng makaalis siya bago ako lumapit. Hindi ko maiwasang sundan ng tingin si Criselle. Agaw pansin ang itsura nito. Umiindayog pa ang balakang habang naglalakad. Napakaganda at seksi talaga niya. Nanliliit ako sa sarili ko kapag nakikita ko siya. Napansin kong hindi lang pala ako ang nakasunod ang tingin kay Criselle. 'Yung lalaking kasabay ko sa elevator kanina ay hindi rin inaalis ang mga mata rito, na para bang ang laki ng paghanga niya kay Criselle. "Maria!" Napakislot ako ng marinig kong may tumawag sa pangalan ko. Nilingon ko ang direksyon kung saan nanggaling ang pagtawag. Nakita ko si Sir Brix na nakatingin sa akin at nag aantay. Tarantang lumakad ako papalapit dito. "Where have you been? Kailangan ko na ang coat na 'yan. Hindi kami makapag-simula dahil wala ka pa," may halong iritasyon na sabi nito sa akin. "Sorry po, Sir!" paumanhin ko. Paano ko ba kasi sasabihin na hindi ako makalapit sa kaniya dahil bising-busy siya at ayokong makaistorbo sa kanila ng girlfriend niya? Huh! huwag na lang, hindi na ako nangatwiran pa at inabot na agad sa alalay nito ang dala kong coat. "How did you get here? Hinatid ka ba ni Arthur?" biglang nagbago ang timpla ng boses niya. Naging mahinahon na ito ngayon. Medyo na-conscious pa ako sa tingin niya sa akin. "Hindi po, nag-taxi lang ako," sagot ko. "Ganu'n ba? Hintayin mo na lang ako. Last na 'to, pack-up na rin kami," aniya. "Si-sige po, Sir!" maagap na sagot ko naman. Pabor sa akin na hindi pa niya ako pinauwi dahil gusto kong makita kung paano ba ginagawa ang photoshoot? Tinawag na si Sir Brix, isinuot na ng stylist nito sa kaniya ang coat na dala ko. Bakit ganu'n, kahit araw-araw ko naman siyang nakikita ay hindi ko pa rin maiwasan ang hindi mamangha sa taglay niyang kagwapuhan?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD