"What's bothering you? You're with me but your mind is not. What seems to be the problem? It has something to do with the business ba?" tanong ni Criselle kay Brix.
He heaved a long sigh.
He himself doesn't know what's going on with him. He supposed to enjoy the day with her after his exhausting business conference at the hotel with his fellow hotelier.
He's the one who asked her to go with him here in Japan. He just wants to be sure of his feelings, pero mas lalo lang siyang naguguluhan. He thought if they will spend more time together away from their family and friends ay malilinawan na ang bumabagabag sa kaniya.
"I'm so sorry, pagod lang siguro ako," pagdadahilan niya.
"Yeah! You need to take a break! Why don't we extend our vacation? Instead of two days, let's make it four," suhestiyon nito. "How do you like my idea? There's a lot of beautiful places here to explore, Brixton," excited na sabi pa.
He just nodded without him realizing it. He doesn't know what to say anymore and he can't complain anyway.
But, thinking of someone he left back home made him worry. He is not used to letting Maria be all alone at the penthouse for too long. For the past five months that she's been with him, he knows that she's not aware but he looks after her. Maria is so precious and naive, vulnerable enough and too fragile. He cares for her, he really does and this is the feeling that he needs to figure out.
Tsk! Why am I thinking of someone else? It's so unfair on Criselle's part.
Instead of two days, their stay in Japan last for four days. They roam around Arakurayama Sengen Park. There's a lot of beautiful places to discover in this country. Kaya lang bakit ba pakiramdam niya ay mas magiging masaya siya kung hindi ang nobyang si Criselle ang kasama niya ngayon.
Huh! Sino nga ba ang gusto kong makasama?
__
"Dito ka muna, Maria. I-text mo na lang ako kung tapos ka ng mag-window shopping. Papasyalan ko lang ang mga kaibigan kong bodyguard, nandito rin daw sila sa mall," paalam ni Arthur sa dalaga matapos niyang ihatid ito sa mismong harapan ng napakalaking Lucille's Jewelry Shop.
"Okay, sige! Take your time, i-message na lang kita kapag gusto ko ng umuwi," maagap na tugon ng dalaga.
Sumaludo pa muna ito sa kaniya sabay ngiti bago tumalikod at lumakad palayo. Sinundan lang niya ito ng tingin at nang hindi na ito abot ng kaniyang tanaw ay pumihit na siya paharap sa napakalawak na jewelry store.
Masyadong sosyal ang lugar at parang nagdadalawang isip tuloy siyang pumasok sa loob.
"What's stopping you to go inside?" Halos mapalundag siya sa pagkagulat ng bigla na lang may magsalita sa kaniyang likuran. Mabilis siyang pumihit paharap para makita kung sino ang nagsalita.
Nanlaki ang mga mata niya sa nakita.
Yung gwapong lalaki sa elevator! Tama, siya nga iyon. Kung hindi ako nagkakamali siya si Drake-Drake Montoya.
Kiming ngumiti siya rito. "Ikaw pala! Anong ginagawa mo rito?" tanong niya sa binata.
Ngumiti ito sa kaniya at maya'y tiningala ang malaking karatula sa kanilang harapan.
"I'm here to visit a very special lady! Makahulugang sagot nito. "And how about you? Bakit nakatayo ka lang d'yan? Bakit hindi ka pumasok sa loob, mukhang d'yan mo naman gustong pumunta?" Sunod-sunod na tanong pa nito.
"Ah, eh! Nakakahiya. Wala naman akong pambili gusto ko lang tumingin." nag-aalangang sagot niya na ikinataas naman ng kilay nito.
"You're wearing Alekzander U's uniform. It's my alma mater. Only rich kids can afford to go to that school. That only means mayaman ka."
Huh! Ang bilis palang makalimot ng lalaking ito. Huling pag uusap namin ay binanggit ko namang katulong ako ni Sir Brix.
Sunod-sunod ang iling niya. "Naku!Hindi ako mayaman, nagtatrabaho ako kay Atty. Brix Vander. Personal maid niya ako at siya ang nagpapaaral sa akin," pagtatama niya.
Napangiti ito ng may halong pagdududa sabay kibit balikat.
"Oh, I see! Such a good man with a good heart. The side of him that I hate the most. He knows how to handle his girl," may halong pang uuyam na sabi nito.
Tsh! Ano ba ang pinagsasabi niya?
"Excuse me!" Gusto niyang iparating dito na hindi niya nagustuhan ang sinabi nito. Iniisip ba nito na isa siya sa mga babae ni Brix?
"Hmm! Never mind me saying. I don't mean anything. Come on, let's go inside," aya nito na binalewala ang inis na reaksyon niya.
Labis siyang nabigla ng hawakan nito ang kanang kamay niya at hilahin siya papasok sa loob ng jewelry shop kaya wala na siyang nagawa kung hindi ang magpatianod na lamang.
"Good afternoon, Sir Drake!" masayang bati ng magandang crew na naka assign sa unang estante ng mga alahas na malapit sa may entrance.
"Good afternoon, Kiara! Is she there?" nakangiti namang bati rin ni Drake rito.
Nang balingan niya ng tingin ang babaeng kausap nito ay napansin niyang kinikilig ito sa gestures ng gwapong binata.
"Yes, Sir. She's in her office. Kararating din lang niya," maagap na tugon nito.
"Good! We'll go inside!" sabi ni Drake sabay hilang muli sa kamay niya. Hindi na binitiwan iyon hanggang sa huminto sila sa tapat ng nakasaradong puting pinto.
Nagulat siya sa ginawa nito na hindi man lang kumatok at binuksan agad ang pinto na para bang siya ang may ari ng store na iyon.
"How's my beautiful queen?" masiglang tanong nito habang lumalakad papalapit sa babaeng nakaupo sa puting couch. Hindi niya alam kung sino ang babaeng iyon dahil natatabunan ng binabasang magazine ang mukha nito.
Agad naman napa-angat ang ulo nito ng marinig ang boses ni Drake, binaba ang hawak na magazine at tuwang-tuwang tumayo para salubungin ang binata.
"Oh, my! I thought you wouldn't visit me here!" sabi na sinalubong pa ito ng yakap, binitiwan ni Drake ang kamay ni Maria para gumanti rin ng yakap sa napakagandang babae sa harapan nila. May edad na ito ngunit mukha naman itong bata. Napakaputi at kinis ng mamula-mula nitong kutis.
Napakurap siya habang nakatitig sa dalawa.
Naramdaman naman ata ng mga ito ang presensya niya. Binalingan siya ng magandang babae.
"Who's with you?" tanong nito na sa kaniya nakatingin.
Ngayon naman ay nakaakbay na si Drake sa kaniya.
"Meet Maria, my friend!" pagpapakilala nito.
Huh! Yung totoo kailan pa kami naging magkaibigan?
"Oh, she's very beautiful! No wonder, you are fond of beautiful woman, my son." May halong panunudyo ang mga ngiti ng ginang habang pinapasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa.
"Hahaha! Just like dad, he's very fond of you!" ganting panunudyo ni Drake rito.
At sabay na tumawa ang dalawa.
Naguguluhan na nakamasid lang si Maria sa kanila.
Teka... hindi ako maaaring magkamali, tinawag niyang "son" si Drake. Ibig sabihin mommy ni Drake ang babaeng ito? Kung hindi ako nagkakamali siya si Lucille Andrada.
"Hahaha! You looks so amaze. So cute of you!" Masuyong hinawakan ng ginang ang pisngi niya. "I'm Lucille, the owner of this shop and Drake here is my son," pagpapakilala nito sa sarili.
Hindi niya naisip na makikilala niya sa personal ang sikat na sikat na socialite at Jeweler na si Lucille Andrada.
"Naku po, ma'am! Kinagagalak ko po kayong makilala hindi niyo po naitatanong tagahanga niyo po ako. Napakaganda niyo po pala sa personal," tuwa at sinserong sabi niya.
"Oh, how sweet! Maganda ka rin hija. We are both pretty," wika nito sabay ngiti.
Kumapit ang ginang sa braso niya pumagitna ito sa kanilang dalawa ni Drake. Giniya silang maupo sa mahabang puti na leather sofa.
Ewan ba niya, bakit parang may iba siyang nararamdaman sa mga kasama niya ngayon at hindi niya maipaliwanag kung ano?
_
Finally I'm home...
"Sir Brix, kamusta ang bakasyon?" bungad tanong sa kaniya ni Arthur. Inumpisahan na nitong ipasok sa loob ang mga dala niyang maleta.
"Good," matipid na sagot niya.
Lumakad siya papalapit sa mahabang sofa para maupo sumunod naman sa kaniya si Arthur at naupo rin sa tabi niya.
"Good lang? Kasama mo kaya si
Miss Criselle," may himig panunudyo na sabi nito.
He looked at him in disbelief.
"Where is Maria?" Inilibot niya ang mata sa paligid. Linggo ngayon at wala itong pasok sa eskwelahan.
"Ah-eh... " Kakamot-kamot ulo si Arthur, hindi nito masabi ang gustong sabihin sa kaniyang amo.
He furrowed his brows in confusion.
"Ang sabi ko nasaan si Maria?" pag uulit niya sa tanong kanina.
"Eh, sir, kasama po ni Sir Drake?" alanganing tugon nito.
"Drake who?" he asked irritatedly.
"Drake Montoya, sir."
"Whaaat?" Gulat na tanong niya.
Almost one week lang siyang nawala and now si Maria ay nakikipag-date na. Of all people sa mortal pa niyang kaaway na si Drake. Kailan pa nagkakilala ang dalawang iyon?
"Saan daw sila pupunta?" Halata ang iritasyon sa boses niya.
"Hi-hindi ko po alam, wala namang nabanggit sa akin."
"Oh, sh*t! Why did you allow her to go out with that man without informing me?" Labis ang pagkadismaya niya at hindi niya maitago ang inis.
"Sir, mabait naman si Sir Drake at saka ang sabi niya ay ihahatid naman niya pauwi si Maria."
Natampal niya ang sarili nuo.
Hindi pwedeng wala siyang gawin.
Agad niyang inilabas ang kaniyang cellphone at dinial niya ang number ni Maria and to his surprised ay nag ring naman ito pero ang tunog ay nanggagaling sa bulsa ng pantalon ni Arthur.
"At bakit nasa iyo ang phone niya?" Hindi na talaga siya makapaniwala sa nangyayari ngayon.
"Sorry, Sir. Nakit-tawag ako saglit kay Maria tapos bigla na lang dumating si Sir Drake at sinundo siya, hindi ko na tuloy naibalik sa kaniya yung phone," paliwanag nito.
Sinamaan niya ito ng tingin.
"Ah, Sir, ipapasok ko lang itong mga maleta sa kwarto mo, excuse me lang," paalam nito.
Napapailing na pinagmasdan na lamang niya ang bodyguard habang hindi magkandaugaga sa kaniyang mga bitbit.
"Where can I find her?" tanong niya sa sarili.
This a bullsh*t!
Hindi talaga niya matanggap na lumabas si Maria na kasama ang lalaking iyon.
_
"Are you having a good time here, sweetie?" malambing ang tono ng boses na tanong ni Lucille kay Maria.
Kaninang umaga ay tumawag sa kaniya si Drake at sinabing iniimbitahan daw siya ng Mommy nito para mag-lunch sa bahay nila. Ngayon nga kumakain siya kasabay ang pamilya Montoya. Masasabi niyang sobra naman pala ang yaman ng pamilyang ito.
Bukod kay Drake ay nakilala rin niya ang kapatid nitong panganay na si Dave at ang modelong asawa nito na si Phoebe. Ang ganda ng pamilya nila at napakabait ng mga ito sa kaniya. Kahit napakataas ng estado ng mga ito sa buhay ay hindi naman nila ipinaramdam sa kaniya na ibang tao siya.
"Kumain ka nang kumain, Maria. Hinanda talaga naming lahat 'yan para sayo," sabi ni Phoebe.
"Huwag kang mahihiya ituring mo kaming hindi iba," dagdag naman ni Dave.
Ang sabi nito ay Kuya Dave na lang daw ang itawag niya rito.
Napatingin siya sa katabing si Drake. Tumango naman ito sa kaniya na para bang sinasabing "okay lang 'yan".
In-enjoy na lamang niya ang araw na kasama ang mga ito. Napakasaya ng pamilyang Montoya at sino ba naman ang hindi mangangarap na sana may pamilya rin siyang kagaya ng mga ito?
Binigyan siya ni Phoebe ng mga damit, lahat ay bago. Magkasingkatawan naman kasi sila, matangkad nga lang sa kaniya ito. Dahil isa siyang modelo ay maraming nag-i-sponsor dito ng mga damit at sapatos. Namangha nga siya ng isama siya nito sa walk in closet nito. Para siyang nasa loob ng department store.
Si Miss Lucille naman ay binigyan siya ng mga alahas. Noong una ay hindi siya makapaniwala.
Iniabot nito sa kaniya ang hawak na kwintas. Napakaganda niyon at kumikinang ang mga bato.
"I did this long time ago. This is one of a kind. I made this for a very special person. If she's still alive siguro kasing edad mo na siya ngayon." May lungkot sa tono ng boses ng ginang habang sinasabi iyon.
"Sino po ba ang tinutukoy n'yo?" interesadong tanong niya.
Tumingin muna ito sa kaniya at saka bumontonghininga nang malalim.
"My daughter Cassey. We lost her when she was five years old, She was being kidnapped, the kidnapper asked for ransom but when we're about to give the money wala naman si Cassey. Hindi nila kasama ang anak ko. Nahuli nga ang mga kidnapper pero hindi na namin makita si Cassey. Fourteen long years na walang tigil namin siyang hinahanap pero walang sinuman ang nakapagturo sa amin kung saan namin siya makikita. Our money and power is not good enough. Masakit man pero tinanggap na namin ang katotohanan na wala na siya. My precious daughter, walang araw na hindi ko siya napapanaginipan, and a part of me says that she's still alive."
Dama ni Maria kung gaano kasakit kay Miss Lucille ang pagkawala ng kaniyang anak. Kung may magagawa lang sana siya para mabawasan ang sakit nararamdaman nito ay gagawin niya.
Nagtataka siya sa kaniyang sarili. Habang nakikita niyang umiiyak ang butihing ginang at nahihirapan ay para bang nadudurog ang puso niya.
"Tama na po, 'wag na po kayong umiyak, walang imposible kung mananalig kayo sa Diyos, malay niyo isang araw bumalik siya sa inyo Huwag po kayong mawawalan ng pag asa." Hindi niya na pigilan ang sarili at niyakap niya ito. Kahit sa ganuong paraan ay maramdaman man lang sana nito na may taong nakakaunawa sa pinagdaanan niya.
_
"I was nine years old ng mawala si Cassey. I love her so much. Me and Kuya Dave treat her like a princess and so is Dad. Parang binagsakan kami ng langit at lupa ng mawala siya at napakahirap sa amin na tanggapin iyon," malungkot na kwento ni Drake.
"I'm so sorry, hindi ko alam na may ganun palang problema ang pamilya niyo."
Bumaling ng tingin sa kaniya ang binata at pilit na ngumiti, maya'y ibinalik na uli ang tingin sa daan.
Matapos niyang mag paalam sa mga Montoya para umuwi ay inihatid siya ni Drake.
"I don't know why, but after my Mom saw you in her shop last time ay naging masigla na naman siya at inilabas ang mga gamit ni Cassey. Gustong-gusto ka niyang makita, she reminds you of Cassey. Tsh! Sobrang weird nga ni Mom, but I don't want her to get upset that's why ng pakiusapan niya akong imbitahin ka sa bahay ay agad kitang tinawagan. I don't want her to feel bad. It breaks my heart whenever I see her sad. Thank you for taking your time to spend with us. You made my mom so happy."
Lalo siyang humanga sa pagiging mabuting anak ni Drake.
Nginitian niya ito.
Hinatid lang siya ni Drake hanggang sa entrance ng hotel at hindi na pumasok.
Mag isa lang ako siya bahay at hindi rin maganda na papasukin niya ito. Baka may makakita sa kanila at kung ano na lang ang isipin. Lalo na at kilala siya ng mga empleyado rito bilang personal maid ni Brix.
Alas siyete nang gabi iyon.
Pinindot niya ang pass code ng pinto ng penthouse at kusa na itong bumukas.
Hindi ko pa niya napipindot ang switch ng ilaw ay bigla na lang siyang may maramdaman na yumakap sa kaniya buhat sa kaniyang likuran.
"Where have you been? I'm so damn crazy looking for you the whole day." Hindi galit kung hindi may pag aalala sa tono ng boses nito.
"Huh, Sir Brix!" Hindi siya makapaniwala pero alam niyang boses ni Brix iyon.
Kailan pa siya nakauwi at bakit hindi man lang niya sinabi sa akin na pauwi na pala siya?
Pumihit siya paharap dito.
"Don't ever do that again, you made me so worried about you," sabi nito na hindi pa rin binibitawan ang pagkakapit sa bewang niya.
"Sir, lasing ka ba?" tanong niya medyo naamoy kasi niya ang banayad na alak sa bibig nito.
"No, I just take a shot of wine," maagap na tugon nito.
"Ganun ba? Bakit hindi ka pa natutulog? Pagod ka sa biyahe."
"Because I want to see you. I miss you so bad, Maria."
Dala lang ba iyon ng kalasingan o talagang galing sa puso nito ang sinasabi?
"I love you, Maria and I cannot keep this feeling anymore."
Sa ipinagtapat na iyon ni Brix ay bumilis ng husto ang t***k ng puso niya. Hindi niya kayang ipaliwanag ang nararamdaman sa mga oras na ito.
Isa lang ba itong panaginip o katotohanan?