Maria's POV
Napabalikwas ako ng bangon dahil sa tunog na nanggaling mula sa kung saan. Agad kong inikot ang aking mga mata sa paligid at natigilan ako.
Huh! Hindi ko silid ito.
Inagaw ng atensyon ko ang wall clock na nakasabit sa kanang bahagi ng dingding.
Alas siyete na pala ng gabi at narito pa rin ako sa kwarto ni Sir Brix.
Pero pa'nong nangyaring...
Natigil ako sa pag-iisip ng may tumunog na naman, para bang likha iyon ng isang cellphone.
Sinundan ko ang pinanggagalingan ng tunog. At tama ang aking hinala, tunog nga iyon ng cellphone. Nakapatong ito sa side table, agad akong lumapit doon upang alamin kung para saan ba ang tunog na iyon?
Brix Calling...
Huh! Pa'nong tumatawag si Sir Brix, sa tingin ko naman ay kaniya ang cellphone na ito?
Tsh! Bakit ba nawala sa isip ko na mayaman nga pala siya? Hindi imposibleng marami siyang cellphone.
Nag-aalangan na kinuha ko ito.
Baka importante ang tawag, kaya naman sinagot ko iyon.
"He-hello!" alanganing sabi ko.
"Maria!" Bungad ng nasa kabilang linya, hindi ako maaaring magkamali si Sir Brix nga iyon.
"Sir!" tanging nasabi ko.
"I've been trying to call you so many times, mukhang napasarap ang tulog mo." Alam kong nakangiti siya habang sinasabi iyon kahit hindi ko siya nakikita at dahil dun ay nakaramdam ako ng matinding hiya.
Kungdangan naman kasing nakatulog ako ng husto at sa silid pa talaga niya.
"Sir, pasensya na! Hindi ko sinasadyang makatulog," paumanhin ko.
"Hahaha! No worries! I just call to check on you and to say thank you for taking good care of me. I really appreciate it," masiglang wika nito.
Saglit akong natigilan.
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin.
"Ah! Sir, huwag n'yo na pong isipin yon. Ginawa ko lang naman po ang alam ko na makakatulong sa inyo," kiming sabi ko.
"Again thank you! I felt so good when I woke up, kaya naman tuloy ako rito ngayon sa airport. I am just waiting for my departure, hindi na ako nakapag-sabi sa'yo because
you're still sleeping when I leave. Anyways, I'll be gone for two days, may business conference akong pupuntahan sa Japan. If you need something you can reach me through this number, by the way I save it already on your cellphone."
"Cellphone? Pero, sir, wala naman po akong cellphone," takang sabi ko.
"The one that you're using right now, it's yours! I bought it for you," wika nito.
Huh! Totoo ba ito? Binili raw niya ang cellphone na ito para sa akin?
Mamahalin ito, ah! Ito ang latest model ng IPhone.
"Why so quiet?" tanong ng nasa kabilang linya ng ilang segundo na hindi ako nakaimik.
Napakislot ako ng marinig ko ang boses niya, Oo nga pala nasa kabilang linya pa rin si Sir Brix.
"Pero, sir, ang mahal po ng cellphone na ito at hindi ko po siya matatanggap," tanggi ko.
"Hahaha! Nakakatuwa ka talaga, Maria! Naisip ko nang iyan ang sasabihin mo sa akin. Just take it as my token of appreciation sa pag-aalaga mo sa akin when I was sicked, and you really need that kaya wag ka ng tumanggi, okay?"
"Naku, thank you po, sir! Maraming salamat talaga. Sobra-sobra naman po itong kabayaran sa ginawa ko sa inyo, isa pa ginawa ko 'yon ng walang hinihinging kapalit."
"No worries, Maria. You deserve it and it's nothing. By the way, I have to go now. Take good care of yourself. Arthur will be there to look after you. You can call me anytime kung may kailangan ka or if there's any problem," bilin pa nito sa akin.
"Yes, sir. Kayo rin po, mag-ingat kayo. Kumain po kayo sa tamang oras para hindi po kayo magkasakit."
"For you I will. I'll keep that in mind. Thanks for the concern," tugon niya sa paalala ko.
Buti na lang talaga at wala siya sa harapan ko ngayon. Ewan ko ba, kung bakit bigla akong pinamulahan ng pisngi?
Gusto kong isiping pinanganak talaga siyang mabait. Sa dami ng itinulong niya sa akin ay hindi ko na alam kung papaano ko pa siya mapasasalamatan. Hindi sapat ang mga salita para ipakita ko sa kaniya kung gaano ako nagpapasalamat sa mga kabutihan niya sa akin.
Dalawang araw na mawawala si Sir Brix, pero ngayon pa lang na mi-miss ko na siya.
Kasama kaya niya sa Japan si Miss Criselle? Maisip ko pa lang ang mga bagay na iyon ay nalulungkot na ako, pero hindi malayong mangyari ang nasa isip ko.
Haaay!
Ang dami kong buntong hininga.
Habang nakaupo sa gilid ng kama ay parang naamoy ko pa ang mabangong amoy niya. Ang minty scent perfume nito na kumapit narin sa aking katawan ng mahiga ako sa kama niya.
Tsk! Natulog kaya kami ng magkatabi? Ang huli ko lang naalala ay nakaupo ako sa tabi niya at siya naman ay tulog na tulog habang hawak-hawak ang isang kamay ko.
Ipinilig ko ang aking ulo.
Hindi mangyayari 'yon. May posibilidad nang magising si sir at nakita akong tulog ng nakaupo ay binuhat ako nito at pinahiga sa kama niya. Pero, ang isipin ko na natulog kami ng magkatabi sa iisang higaan ay parang imposible. Kaya lang kapag ini-imagine ko na binuhat niya ako ay talaga namang kinikilig ako. Hindi ko tuloy maiwasan ang mapangiti.
Huh! Wag ka ngang assumera, for sure hindi ka niya binuhat. Nang magising siya at nakita niyang nakatulog ka na pala ay hinayaan ka lang nun. Ikaw lang ang nagkusang nahiga, at dahil nakakahiya nga namang gisingin ang isang tulad mo na parang mantika kung matulog ay hinayaan ka na lang niya dahil no choice naman na siya. Siya na ang nag-adjust para sa'yo.
Tsk! Grabe ang subconscious, ko napaka sama niya. Bakit ba sobrang kontrabida niya? Ang ganda-ganda nang naiisip ko tapos sisingit siya at papasukan ako ng nakakadismayang ideya.
__
"Kamusta ka naman? Maya-maya tumatawag ni Sir Brix sa akin para kamustahin ka. Gusto pa yata ni sir na bantayan kita segu-segundo at i-report sa kanya lahat ng ginagawa mo rito," ani Arthur ng isang hapon ay pasyalan ako nito sa penthouse.
"Huh! Natatakot lang siguro 'yon na baka tuluyan ko ng masunog ang buong hotel niya habang wala siya," nakangusong sabi ko.
"Hahaha! Siguro nga natatakot si Sir na baka pagbalik niya ay abo nalang na makikita lahat ng pinaghirapan niya," pambubuska nito sa akin.
Kapag walang ginagawa ay madalas lang itong nakatambay sa hotel at kung may pasok naman ay hatid sundo ako nito sa eskwelahan gamit ang luxury car ni Sir Brix. Pinagpipilitan nito na iyon ang gamitin tuwing susunduin ako para siguradong safe raw akong makakauwi. Kapag iyon kasi ang sasakyan na gamit ni Arthur ay ingat na ingat itong mag-drive dahil natatakot ito na magsgasan ang mamahaling sasakyan ng aming amo.
Minsan tuloy gusto ko ng magduda sa mga ipinapakita sa akin ni Sir Brix, pero ayoko namang umasa dahil alam ko namang masasaktan lang ako sa bandang huli.
"Kilala mo ba 'yong Lucille na may ari ng sikat ng jewelry shop?" pag iiba ko ng usapan. Bigla ko kasing naalala ang sinabi ni Sir Brix tungkol sa babaeng iyon habang gumagawa ako ng kwintas.
Tatlong araw ko ng pinaghihirapan na gawin ito at hindi ko matapos-tapos dahil gusto ko talagang detalyado at tama ang kombinasyon ng mga bato at diamonds nito. Fake lang naman ang mga dyamante pero gusto kong mag-mukha siyang totoong tingnan sa ginagawa kong kwintas.
"Ah, 'yong socialite na si Lucille Andrada ba ang tinutukoy mo?" balik tanong ni Arthur sa akin na hindi naman nag abalang tingnan ako. Busy ito sa pagsasama-sama ng mga magkaparehong birth stone. Nabili ko kasi ang mga iyon ng mura sa divisoria. Nagkahalo-halo na kaya naman ibinagsak presyo na lang ng suki ko at ibinenta sa akin lahat. Hindi na raw niya maasikasong pagsamasamahin ang mga ito. Ngayon nga ay nagpatulong ako kay Arthur na trabahuhin ang pagpili ng magkakatulad na birth stone at dahil masipag siya ay nakalahati na niya ang maliit na planggana na halos mapuno ng laman. Pinagsama-sama niya ang bawat birth stone sa magkakaibang garapon na binigay ko rito.
"Oo, siya nga nabasa ko sa internet 'yon nga ang pangalan niya."
"Hmm… Sa pagkakaalam ko ang main branch ng jewelry shop niya ay nasa loob ng GAV Supermall. Bakit bibili kaba ng alahas? Naku! Maria, siguraduhin mo munang nakaipon ka na nang malaking pera bago ka pumunta roon. Pinakamura na ang one hundred thousand sa mga alahas niya dun. Mayaman lang ang nakaka afford bumili ng ganun kamamahal."
"Hindi ko naman sinabing bibili ako, eh! Gusto ko lang makita sa personal kung gaano kaganda ang mga designs niya," paliwanag ko.
"Ah! Ganun ba? Sige bukas pag uwi mo sa school, daan tayo sa GAV Supermall," suhestiyon nito.
Nagningning ang mga mata ko sa tuwa.
"Talaga sasamahan mo 'ko?" naninigurong tanong ko.
Sunod-sunod ang tango nito.
"Oo, 'yon ay kung tinitimpla mo ako ng isang tasang kape. Hindi pa ako nagme-merienda, eh. Baka pwedeng samahan mo na rin ng sandwich," hirit pa nito.
Mabilis pa sa alas kwatro tumayo ako para tunguhin ang kusina. Mahirap na, baka kasi magbago pa ang isip niya at hindi na ako samahang pumunta sa mall bukas. Sa totoo lang excited na akong makita ang mga jewelry designs ni Miss Lucille. Hindi pa man nai-imagine ko na mas lalo pang madadagdagan ang inspirasyon ko sa paggawa ng iba't-ibang mga accessories.