Third Person's POV
Pilit mang utusan ni Brix ang kaniyang puso na kontrolin ang kaniyang damdamin ay huli na, hindi na niya kaya pang pigilan ang kaniyang sarili. Sa ngayon ay mas nanaig ang udyok ng kaniyang puso at wala ng magawa ang kaniyang utak kung hindi ang sumunod na lamang sa dikta nito.
Sa sinabing iyon ni Brix ay talaga namang bumilis ng husto ang t***k ng puso ni Maria. Hindi niya maipaliwanag kung ano ba ang pakiramdam na iyon?
"Si-sir! Ayos lang po ba talaga kayo?"
Naguguluhan siya sa mga nangyayari. Totoo nga kaya ang sinabi ni Brix na mahal siya nito? Pero imposible!
Ipinilig niya ang kaniyang ulo.
Panaginip lamang ang lahat. Tama isa lang iyong panaginip.
Si Brix Vander ay mayroon ng girlfriend at hindi lang basta-bastang babae si Criselle Limtuangco. Siya ang first love nito at walang-wala siya kung ikukumpara sa babaeng iyon. Isa lamang siyang maituturing na dumi sa kuko ng magandang modelo.
Bigla ay parang napaso si Brix at mabilis na bumitiw sa pagkakayakap kay Maria.
"I-I'm so sorry! Pumasok na nga siguro sa sistema ko ang alak. Huwag mong seryosohin ang mga sinabi ko, lasing lang ako. Just go to your room and take a rest." Ilang ulit na napabuntunghininga nang malalim ang binata. Nakakalungkot isipin na kung kailan nagkaroon na siya ng lakas ng loob na ipagtapat dito ang kaniyang nararamdaman ay nangyari pa sa maling pagkakataon.
"Hindi tama ito. Kailangan ayusin ko muna ang sa amin ni Criselle," sabi ng utak niya.
"Ah, okay po sir, goodnight!" alanganing tugon ni Maria, hindi niya ipinahalata na labis siyang nadismaya sa ginawa nito.
Nakaramdam siya nang matinding panghihinayang. Kahit naman inaasahan niya na hindi ito sinsero sa sinabi nito ay masakit pa rin pala na marinig buhat sa bibig nito ang mga katagang iyon. Ang pag asang sumilay sa kaniya ay mabilis ding napalis.
"Sinabi na kasing huwag umasa sa imposible dahil masasaktan ka lang ng husto," sermon ng isang bahagi ng utak niya.
Iniwasan niyang tumingin pa sa binata dahil ayaw niyang makita ang reaksyon nito. Mas lalo lang siyang nalulungkot.
Bakit ba kasi kailangang sabihin pa nito ang mga bagay na iyon sa kaniya kung wala naman palang katotohanan? Pakiramdam tuloy niya ay ginu-goodtime lang siya nito.
Habang nasa kaniyang silid ay pabiling-biling siya sa kaniyang kama. Paulit ulit at parang echo na bumabalik sa kaniyang isip kung paano sinabi ni Brix na mahal siya nito at sa bandang huli ay binawi rin naman.
"Ahhh! Ano ba talaga ang gusto mong mangyari, Brix Vander? Gusto mo bang paglaruan ang damdamin ko?" Inis na dumapa siya sa kama at ipinadyak ang mga paa. Hindi niya mapigilan ang mapaiyak. Ngayon lang siya nakaranas na magmahal at sa malas sa maling lalake pa.
"F*ck! F*ck! Ano bang nagawa ko? "Paulit-ulit na pinagsusuntok ni Brix ang sementadong dingding sa kaniyang silid. Natigil lamang iyon ng may maramdaman siyang kirot buhat sa kaniyang kamao.
Hindi siya ang tipo ng lalake na nanakit at naglalaro sa damdamin ng mga babae, pero sa nangyayari ngayon at sinabi niya kay Maria kanina ay talaga namang pagsisihan niya ng husto ang kaniyang nagawa. Alam niya sa sarili kung sino talaga ang mas matimbang sa puso niya. Pero, sa ngayon ay kailangan niyang pigilan ang kaniyang damdamin. Hindi siya pwedeng pumasok sa isa na namang relasyon hangga't hindi pa natatapos ang sa kanila ni Criselle.
Katulad ni Maria ay hindi rin siya dalawin ng antok.
_
"Papasok ka na ba? Gusto mo bang ihatid na kita sa school mo?" tanong ni Brix kay Maria nang nakasalubong niya ito sa pasilyo.
Matapos ang nangyari kagabi ay alam niyang hindi na sila magiging kagaya ng dati. Pinipilit niyang kumilos na para bang normal lang ang lahat sa kanila ngunit nakakaramdam siya ng pagka-ilang.
Saglit na natigilan si Maria, hindi niya alam kung paano pakikiharapan ngayon si Brix.
"Naku, hindi na po, sir, mag co-comute na lang ako," tanggi niya sa alok nito.
Isa sa mga pangarap niya noon ang ihatid siya sa eskwelahan ni Brix kagaya ng mga school mates niya na hinahatid-sundo ng mga boyfriends nila. Kaya lang kapag nakita ito sa school na kasama siya ay siguradong magiging malaking issue iyon. Hindi lang sa kanilang eskwelahan kung hindi pati na sa kanilang bansa. Si Brix ay anak ng presidente at alam ng lahat na si Criselle ang girlfriend nito.
"I insist! Doon din naman ang punta ko. Mom called me, nasa Alekzander U raw siya ngayon and she wants me to pick her up."
Wala ng nagawa si Maria nang hawakan nito ang kaniyang kamay at igiya siya palabas ng penthouse.
Nakakabingi ang katahimikan sa loob ng sasakyan. Wala silang imikan. Si Arthur naman na siyang nagda-drive ay pinakikiramdaman lang ang dalawa. Para bang may nasasagap siyang tensyon sa pagitan ng dalawa. Hindi naman niya magawang magtanong dahil alam niya na hindi tama at hindi sakop ng kaniyang tabaho ang kaialam sa buhay ng iba kaya nanahimik na lang din siya.
Si Brix ay maya-mayang palihim na sinusulyapan si Maria, naninibago siya sa hindi pagkibo nito. Malaki na ang pinagbago nito. Hindi na ito katulad ng dati nang una itong napadpad sa Maynila na walang kamuwang-muwang. Ngayon ay kayang-kaya na nitong mabuhay sa siyudad.
_
Hindi alam ni Brix kung bakit siya ang napiling tawagan ng kaniyang ina para magpasundo. May mga bodyguard naman ito na umaalalay rito. Ganun pa man nakakataba ng puso na sa kanilang tatlong magkakapatid ay siya ang unang naisip ng kanilang ina.
"Sir, nandito na po tayo. Mas okay siguro na mauna ng bumaba si Maria bago pa pumasok sa loob ng eskwelahan ang sasakyan. Maraming nagkalat na reporters sa paligid, mahirap na baka mapitikan kayo," suhestiyon ni Arthur.
Sabay na napasulyap sa labas sina Brix at Maria.
"Tsh! Sabi ko na, dapat talaga ay hindi na lang ako sumabay sa kaniya," pabulong na sabi ng dalaga. Magiging problema pa ngayon kung paano siya bababa ng sasakyan na walang nakakita sa kaniya.
"No, ideretso mo lang ang sasakyan hanggang parking," utos ni Brix.
"Pero, Sir!" apela ni Arthur, iniisip lang naman niya kung ano ang makakabuti para sa dalawa.
"There's a lot of reporters outside the school premises. Don't you think na hindi rin maibabalita ito kung hahayaan ko siyang bumaba na mag isa? Baka dumugin siya ng mga paparazzi. Paano siya makakatakas sa mga iyon? Just proceed to the parking and cover us. Humingi ka rin ng tulong sa mga PSG ni mommy."
"Okay, Sir!" maagap na sagot nito.
Wala sa hinagap ni Brix na mas higit pa ang dami ng reporters na nasa labas ng eskwelahan at nag aabang ng pwedeng maibalita. Wala na siyang pagpipilian. Kailangan niyang linlangin ang mga ito. Kaya naman inutusan niya si Arthur na maunang lumabas at magpanggap na siya at pagkatapos ay ibinigay niya kay Maria ang suot niyang jacket para pantakip sa mukha nito. Dumaan sila sa likod kasama ng ilang bodyguards. Dahil nagawa na ni Arthur na kunin ang atensyon ng mga reporters ay malaya silang nakalayo ng walang nakakapansin sa kanila.
"I'm so sorry if I caused you any trouble. I didn't expect na ganito pala ang mangyayari. If I know earlier ay hindi na ako nagpumilit na ihatid ka," abot-abot ang paghingi niya ng paumanhin sa dalaga.
"Okay lang, sir! Ang mahalaga ay hindi nila tayo napansin at nakalabas tayo ng sasakyan." Nagpapasalamat pa rin siya sa pagiging gentleman nito. Mas inisip nito ang kalagayan niya kung sakali. Hindi siya nito iniwan sa ere. Sinigurado nito na magiging ligtas siya, kaya naman mas tumindi pang lalo ang paghanga niya rito.
"Kailangan ko ng umalis, sir, bago pa may makakita sa atin." Ewan ba niya, wala naman silang masamang ginagawa para magtago pero bakit ba pakiramdam niya ay nagkakasala siya?
"Okay! Take good care!" Matipid na ngiti ang binigay nito kay Maria. Kahit gustuhin nito na ihatid ang dalaga hanggang sa classroom nito ay hindi niya magawa.
He feels so terribly bad of what happened. Bakit ba kasi hindi pumapasok sa utak niya na isa siyang celebrity at ang kaniyang ina ay presidente ng bansa? Lahat ng kilos niya ay binabantayan ng publiko. Isang maling galaw ay malaking epekto sa kredibilidad nila bilang mga Vander.
Nasa loob ng conference room ang kaniyang ina kasama ng dean, mga professor at staff ng university para sa isang pagpupulong. Habang abala ang kaniyang ina sa speech nito ay umalis muna si Brix. Lumabas siya at kunwari ay naglibot-libot sa campus ngunit ang totoo ay gusto lang niyang silipin si Maria sa classroom nito. Hiningi niya kay Arthur ang schedule nito kaya alam niya kung saan ito pupuntahan.
Tilian ang mga estudyante ng makita siya. Naglabasan ang mga mamahaling cellphone ng mga ito at kinuhanan siya ng picture, ang iba naman ay nag-video pa. Lumapit na nga ang mga security guard ng eskwelahan para hindi siya dumugin ng mga gustong magpakuha ng litrato na kasama siya.
"Guys! Si Brix Vander nasa labas!" humahangos na balita ng kaklase ni Maria na si Crisanta.
"Ah, talaga!" Nagsipag tayuan na rin ang lahat ng kaklase niya at lumabas para makiusyoso at makita ng personal ang sikat na modelo at anak ng presidente. Naiwan si Maria sa kaniyang upuan. Bakit ba siya makikugulo sa mga ito eh araw-araw naman niyang nakikita si Brix?
Inabala na lamang niya ang sarili sa pagsusulat. Bago umalis ang professor nila para um-attend ng meeting ay nag iwan ito ng kopyahin sa white board.
Naririnig niya ang hiyawan ng mga estudyante na tila ba kinikilig, binalewala lamang niya iyon at ipinagpatuloy ang ginagawa.
Nangunot ang kaniyang noo ng sa kaniyang pagkakayuko ay may napansin siyang pares ng pamilyar na sapatos sa kaniyang harapan. Inangat niya ang kaniyang ulo at nagulat siya ng makita si Brix na nasa kaniyang harapan.
"Masipag kang mag aral, gusto kita!" nakangiting sabi nito na nakatingin ng diretso sa mga mata niya.
Iba ang naging kahulugan sa kaniya ng huling salitang binigkas nito. Binawi niya ang tingin sa binata dahil naiilang siya. Ang lahat ng mga kaklase niya ay nakatingin sa kaniya ngayon, nakapalibot ang mga ito sa kanila ni Brix.
"Gayahin ninyo ang kaklase ninyong ito, pursigido sa pag aaral." Binalingan ni Brix ang mga estudyante sa kaniyang paligid.
"By the way, I'm just here to visit. Please go back to your respective seats. Pasensiya na kayo at naabala ko ang pag aaral ninyo.
Ngumiti ito at kumaway sa mga kinikilig na estudyante. Bago tuluyang lumabas ng classroom ay palihim nitong sinulyapan si Maria at hindi nakaligtas iyon sa paningin ng dalaga.
Sa mga kinikilos ni Brix, nararamdaman niyang espesyal siya rito. Parang nais na niyang maniwala na totoong mahal siya nito. Ayaw niya sanang mag-assume pero pakiramdam niya ay may gusto rin ito sa kaniya.