Chapter 7- Strange Feeling•

1957 Words
Third Person's POV Nagising si Brix sa hindi maipaliwanag na amoy. Lumabas siya ng silid para alamin kung ano iyon? Naalarma siya ng makitang umuusok na sa buong paligid. What a disgusting smell? Where did it come from? Sinundan niya ang pinanggagalingan ng usok. He finally spotted what he was seeking and headed in a determined manner across the kitchen. Nakita niya si Maria na abalang nagpapaypay ng apoy. "Whoa! What the hell is happening here? What have you done?!" he asked, looking so alarmed. He tried his best not to panic and stay calm. The very first thing that comes into his mind is to look for the fire extinguisher. Medyo malaki na ang apoy na nanggagaling sa electric cooktop. "Pasensya na, Sir Brix, ang sabi kasi ni Arthur sa akin ay isasaksak ko lang daw itong kalan tapos pwede na akong magluto. Hindi naman kasi umaapoy kahit isinaksak ko na d'yan sa butas na 'yan." Sabay turo ng electric outlet. "Wala naman akong makitang panggatong, saan po ba kasi nakalagay yung mga tuyong kahoy n'yo rito? May nakita akong mga naka-rolyong puting papel do'n sa lamesa kaya lang wala naman akong mahanap na pansindi. Kahit saan ako maghagilap ay wala naman akong makitang mga bato rito sa loob ng bahay mo. Napansin kong may mga pindutan itong kalan, sinubukan kong pindutin lahat kaya lang biglang nagliyab itong mga puting papel na nilagay ko," nagpapaliwanag ito habang abala naman sa pag apula ng apoy. "Sh*t! I need to unplug this first," ani Brix hindi na inintindi pa ang pinagsasabi ni Maria. Hinanap niya ang dulo ng saksakan at tinanggal sa saksakan ng plug. Sa pag ikot ng kanyang mga mata ay nakita rin niya ang fire extinguisher malapit sa exit door ng kusina. Dali dali niyang kinuha iyon at saka binuksan at itinapat sa nagliliyab na kalan. Ugh! Finally he felt relieved. Kung hindi pa siya dumating, this would be a big disaster na tatapos sa career niya bilang isang matagumpay na young hotelier. Nakayuko lang si Maria, halos magdikit na ang dibdib sa baba niya. Hindi magawang tumingin ng diretso kay Brix. Nahihiya siya sa binata dahil sa katangahang ginawa niya at natatakot din siya na baka pagalitan siya nito at palayasin. F*ck! She almost burned my penthouse into fire and if the worst comes to worst ang buong The Vander Suite might be affected. "You know how big the chaos would it be if we can't handle this fire out?" pasigaw na tanong ng binata, hindi niya mapigilan na tumaas ang kaniyang boses. Hindi parin tumitingin si Maria sa kaniya, kung pwede nga lang na itago nito ang kaniyang ulo ay kanina pa niya ginawa. "Hi-hindi ko po sinasadya, Sir. Gusto ko lang naman ipagluto ka ng almusal bago pumasok sa opisina." Sa pagitan ng pagsasalita ni Maria ay may narinig si Brix na impit na paghikbi. Hindi sanay ang dalaga na napapagalitan ng ibang tao. Tanging ang Apo Ibyang lang naman niya ang laging nagsesermon sa kaniya. Sh*t! This is why I hate women, they are so sensitive. He heaved a long sigh. "I want you to know how big the trouble it will cause. I have thousand of important guests here and sixty percent of them are foreigners most comes from high society. Pinangangalagaan ko ang safety ng mga guest dito sa hotel and it is our top priority. Billions of money ang mawawala sa Empire Dragons kapag tuluyang nasunog ang buong hotel. So, If you really want to work for me, be extra careful. Lagi mong iisipin ang mga gagawin mo. Pag aralan mo ang mga bagay-bagay para matutunan mong sumabay sa buhay rito sa siyudad." It's not his intention to hurt her feelings. He just wants her to learn a lesson from her mistake. He understands her situation and where she came from. She's not used to living in the city and she has lots of adjustments to make. "Will you please stop the sobs?" may pagkairitadong sabi niya. He heaved a sigh once again. "Look, Maria. I am not mad at you, okay! I am just disappointed. Don't misinterpret my reactions. Just go back to your room and we'll talk about the do's and don'ts later. I have an important meeting today. Huwag mo nang pakialaman ang mga kalat dito, the house keeping will take charge of it. Just take a rest." Tumahimik naman si Maria at mataman lang na nakatingin kay Brix. "Pasensya na po ulit, Sir!" She gave him an apologetic look. He shrugged in dismiss. "Forget about it. I have to go now." Tinalikuran na niya ito at nag umpisa ng lumakad palabas ng kusina. Ngunit, natigilan siya ng marinig ang pagtawag ni Maria. "Si- sir Brix...!" anito. Agad siyang napahinto sa paglalakad at pumihit paharap dito, medyo napakunot pa ang kaniyang noo. Nahihiya at medyo alumpihit na nagsalita si Maria. "Napansin ko lang po kasi na hindi ka nag a-almusal sa umaga, diretso opisina kana agad. Sana po kahit konti kumain ka para malamanan ang sikmura mo ng sa gayon ay gumana ng maayos ang utak mo. Ganun kasi ang turo sa akin ni Apo Ibyang. Mahalaga raw ang mag almusal sa umaga. Pasensya ka na sa katangahan ko pero sisikapin ko pong hindi na mauulit ang ganitong pangyayari sa susunod," mapagkumbaba na sabi nito. I can't help but admire her sincerity and how concerned she is to me. It made my heart skip for a moment. Tsh... strange! May sumilay na manipis na ngiti sa labi ng binta. "Yeah! I'll keep that in mind," matipid na sagot nito at tuluyan ng iniwan si Maria. _ Ang gusto lang naman ni Maria ay pagsilbihan si Brix. Tatlong araw na siyang nakatira sa penthouse nito at sa tatlong araw na iyon ay lagi niyang napapansin na hindi ito nag a-almusal, tapos gabing-gabi na kung umuwi at lagi pang pagod. Hindi nga niya alam kung naghahapunan din ba ito? Nag aalala siya para sa kalusugan ng binata. Gusto lang naman niyang suklian ang kabaitan nito sa kanya dahil hinayaan siya nitong tumira sa bahay niya. Kaya lang ay naiinis siya sa sarili dahil puro kapalpakan na lang ang ginagawa niya, imbes na makatulong siya rito ay binibigyan pa niya ito ng problema. Ngayon nanuod siya ng tv sa sala. Tinuruan siya ni Arthur kung paanong gamitin iyon kaya naman nag hahanap siya nang mapapanood na makabuluhan at makakadagdag sa kaniyang kaalaman sa pamumuhay niya rito sa siyudad. Naang magsawa sa panunuod ay nagtungo naman siya sa living room at naghanap ng mababasa. Ang daming magazines at libro dito kaya namili lang siya ng mga gusto niyang basahin. Nakailang oras din siyang nagbabasa ng maisipan niyang tumigil na at lumabas na ng silid na iyon. Nakakainip din ang nakakulong lang sa loob ng bahay at walang ginagawa. Hindi naman siya pinapayagan na maglinis ni Brix, dahil araw-araw namang may housekeeping na naglilinis sa loob ng bahay. Hindi rin siya nagluluto kasi may naghahatid na rin ng pagkain galing sa restaurant ng hotel at puro masarap pa ang mga iyon. Hindi lang niya alam kung ano ang tawag sa mga pagkaing iyon. "Ayos ka lang ba rito?" tanong ni Arthur ng sadyain niya si Maria sa penthouse. Inutusan kasi siya ni Brix na kumustahin ang dalaga. Alam naman ni Maria na nag aalala lang si Brix kung ano na namang kapalpakan ang gagawin niya habang wala ito kaya pinapunta nito si Arthur sa penthouse. "Hindi ako sanay na walang ginagawa. Parang gusto ko tuloy magsibak ng kahoy at mag igib ng tubig sa balon." Sinikap niyang gawing biro lang ang pagkakasabi niyon ngunit ang totoo ay parang gusto na lang niya na bumalik ng Baryo Masingkay. Kaya lang, ayaw naman niyang balewalain ang pangakong binitawan niya kay Apo Ibyang. Gusto rin niyang makita ang tunay niyang pamilya. "Kailangan mo lang mag-adjust, medyo busy lang ngayon si Sir Brix dahil marami siyang inaasikaso pero alam kong may plano siya sayo," ani Arthur na parang naiintindihan ang saloobin niya kahit hindi naman niya sinasabi. Nabaling ang tingin niya rito. "Huh! Ano ang ibig mong sabihin?" interesadong tanong niya. Nagkibit balikat lang ito at pagkatapos ay kumuha ng mansanas sa ibabaw ng lamesa. "Hindi ko pa alam. Sige bababa na muna ako, baka hinahanap na ako ni Sir Brix." Pagkasabi no'n ay walang lingon likod nitong iniwan sa kusina si Maria. Napabuntuntong hininga na lang nang malalim ang dalaga. "Tsk! Tingnan mo ang lalaking iyon, nagkukuwento tapos hindi naman pala alam," dismayadong sabi ni Maria na napasimangot pa. Wala ng makikitang bakas ng sunog sa kusina. Nalinis nang lahat ang dumi na nilikha ng nangyaring sunog. Pati ang electric cooktop ay napalitan na ng bago. Sa isip-isp ni Maria ay ganito pala talaga ang mayayaman, parang napakadali lang sa kanila ang lahat. Sa isang utos lang ay ginagawa ng ibalik sa dati ang mga bagay na nasira na. Samantalang doon sa kanila sa probinsya ang lahat ay pinaghihirapan. _ Ang buong araw ni Brix sa trabaho ay talaga namang nakakapagod. He don't know where do he got the strength to manage everything with enthusiasms. Pinagkasiya niya ang lahat ng trabaho sa isang buong araw. Pagkatapos niyang asikasuhin ang mga kailangang tapusin at pirmahang papeles sa The Vander Suite ay dumiretso naman siya sa Vander Law Firm para kamustahin ang kaniyang mga empleyado at alamin ang mga kasong hawak nila ngayon. Pagkatapos no'n ay may tinanguan pa siyang appointment. It's a contract signing to be the endorser of the number one international clothing apparel in Asia. When he finally got the chance to be at home it was like a relieved that he got rid of intellectual talks and he can now comfortably do whatever he wants without thinking of anything. Pwede na siyang makapag-relax at matulog. But, when he turns around, this cute little rascal sleeping so tightly leaning her head on the books that serves as her pillow reminds him that he's not alone in this big house anymore. Malalim na ang tulog ni Maria, may mahihinang hilik pa siyang naririnig buhat dito. What the heck is she doing there in the middle of the night? She was supposed to be at her bed at this very moment. She walked towards her direction. Nag aalangan siyang gisingin ito. "Hey, Maria, wake up!" Bahagya niyang tinapik ang balikat ng dalaga. Pupungas-pungas na bamagon si Maria buhat sa pagka kayukyok sa center table, hindi niya alam na nakatulog na pala siya. "Sir... mabuti naman dumating kana. Kanina pa kita hinihintay, eh," nakangiting sabi nito na medyo naniningkit pa ang mga mata. Napakunot ang noo ni Brix. "You intentionally stay here for too long just to wait for me to come home?" hindi makapaniwala na tanong niya sa dalaga. Sunod-sunod naman ang tango nito. "But why?" naguhuluhang tanong muli niya. "Gusto ko lang makasiguradong nakauwi ka na bago ako matulog. Ang kaso nakatulog na pala ako sa kahihintay sa'yo. Pero, ngayong nandito ka na ay pwede na akong pumasok sa kwarto ko. Sige po pupunta na ako sa silid ko," paalam nito at mabilis nang tumayo, kinuha ang mga libro sa lamesa, binibit iyon at lumakad palayo. Mga ilang hakbang palang ang nagagawa nito ng biglang pumihit paharap kay Brix. "Sir, goodnight and sweet dreams!" Bahagya pa itong yumuko sabay takbo papunta sa direksyon kung nasaan ang kaniyang silid. Saglit namang natigilan si Brix. "Huh! Where did she learn those words?" tanong niya sa sarili. "That makes sense," he said and then shook his head. Hindi niya maiwasang mapangiti sa ginawi ng dalaga. Maria is so naive and so innocent. He can't deny the fact that he's beginning to like her day by day. She never failed to surprise him in so many ways.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD