Chapter 6- Her Innocence•

1555 Words
Brix's POV I couldn't help but smile as I watched Maria's innocence in so many things. Like now, when we got into my car, she looks very happy and excited, para itong batang sinisipat ang kabuuan ng sasakyan. Ngayon naman, habang bumibyahe kami ay nakasilip lang ito sa bintana, tinitingnan mabuti ang mga nadaraanan namin. Nagulat ako ng bigla itong mapakislot sa kinauupuan. Nasa tabi ito ni Arthur na siyang nagda-drive ngayon dahil may sakit ang driver kong si Mang Ambo. "Huh!" Ang sabi nito sabay pihit paharap sa akin na nasa kaniyang likuran, dahil sa backseat ako nakapwesto ng upo. Pinasadahan nito ng tingin ang mukha ko sabay baling ng tingin sa bintana at tingalain ang malaking billboard. "Sir!" sabi nito na takang nakatingin sa akin sabay turo doon sa billboard. Tamang-tama naman at nakatigil ang sasakyan namin dahil naka red light pa. Napakunot ang noo ko, hindi ko makuha kung ano ba ang gustong sabihin nito. "Why?" matipid na tanong ko. Nahihiyang sumagot naman ito. "Kamukha nyo po yun, oh! Yung nasa higanteng larawan," sabi pa na ang tinutukoy nga ay yung billboard mismo. Napangiti ako sa sinabi nito. "Hindi 'yan kamukha ni Sir, siya talaga 'yan," sabi ni Arthur na hindi na mapigilan ang sumabat. "Ha?Pa'nong nangyaring siya 'yun, eh, nandito siya?" inosenteng tanong nito na binalingan ng naguguluhang tingin ang aking bodyguard. "Ugh! Ang hirap ipaliwanag!" Kakamot-kamot ulo na tugon ni Arthur. "Pero ang masasabi ko lang ay e-expect mo nang makikita ang mukha ni Sir Brix sa mga billboard sa lahat ng lugar dito sa Maynila, kahit sa mga mall, tv, magazines at mga social media accounts, dahil si Sir Brix ay sikat na model," paliwanag pa ni Arthur. Nanatili lang akong tahimik at nakikinig sa pag uusap ng dalawa. "Model! Ano 'yon? At saka ano yung, mol, magasin at sosyal medya akawnt?" takang tanong na naman nito. "Hay! Malalaman mo rin sa katagalan," medyo inis nang sabi ni Arthur. Maria has been asking so many questions already and my poor bodyguard is getting tired of answering and explaining to her everything. Mga ilang minuto pa lang ng muling umandar ang aming sasakyan ay bigla namang mapatili ito. "Kyaaa…! May malaking bubuyog!" tuwang sabi sabay turo sa sikat na fast food chain. "Huh!" "Hindi totoong bubuyog 'yan!" sabi ni Arthur. "Restawran ba 'yan? Bakit maraming tao? Pwede bang kumain d'yan?" tanong na naman nito. "Oo syempre, fast food chain yan eh!" ani Arthur. "Pwede ba tayong bumaba, Sir?" she asked and turned her gaze to me. "Gusto kong yakapin ang malaking bubuyog. Ang cute-cute kasi at lagi pang nakangiti," siyang-siyang niyang sabi habang ina-acting pa na kunwari ay kayakap ang tinutukoy niyang malaking bubuyog. "Hindi pwedeng lumabas si Sir Brix, pagkakaguluhan siya ng mga tao," tanggi ni Arthur. As my bodyguard, he only thinks about my security. Bigla naman natigilan si Maria at nagbago ang reaksyon ng mukha, ang kaninang masaya ay napalitan ng lungkot. F*ck I hate to see her like that. I know she's hungry. Clark said, a possible reason why she fainted is because of stress and hunger. "It's okay, Arthur! Park the car, bababa tayo," I commanded. "Pe-pero, Sir!" nag alalang protesta ni Arthur. I understand that he is just concerned about me and he's afraid that he can't take care of my security because he's the only bodyguard I have with me right now. Apart from being a famous model, I have recently received death threats. Bilang isang magaling na abogado ay naipanalo ko ang isang controversial case na hinawakan ko kailan lang laban sa isang taong may mataas na katungkulan. Ngayon nga ay pinagpipyestahan na ito ng lamok sa kulungan. Sa lahat kasi ng ayaw ko ay iyong may mga naapi at walang kakayahang lumaban. I'm not after the money, hindi ako nagba-base sa estado ng buhay ng aking kliyente. Basta alam kong nasa tama ay pinaglalaban ko kahit wala pa siyang pambayad sa serbisyo ko. Ang tatlo ko pang bodyguard ay pinaiwan ko muna sa The Vander Suite. Malapit lang naman kasi ang Vander Hospital at palagay ko naman ay hindi totohanin ng taong iyon ang banta niya sa akin. Tinatakot lang ako nito at hindi naman niya ako kayang takutin. Nang mag abogado ako ay tinangap ko narin ang mga kaakibat sa propesyon ko. The more na marami akong maipanalong kaso, the more na makakatanggap ako ng mga death threats. Magagamit ko na naman ang mga pang-disguise ko. I have a baseball cap, shades and hoodie jacket in all of my cars. I'm always prepared in any kind of situation. Ang kailangan ko lang gawin ay isuot ang mga ito para makalabas ako ng sasakyan ng walang nakakakilala sa akin. _ I managed to get unrecognizable inside the fast food chain. We chose to take a seat in the corner where people would not notice us. Lahat nang negosyo ay meron kami ito na lang yata ang wala. Ano kaya kung mag franchise ako? Hmm! Parang magandang ideya, yon. I'll make a proposal with my brothers about this. Habang si Arthur ay nasa counter at umo-order ng kakainin namin, si Maria naman ay walang kasawa-sawa na nakatitig sa estatwa ng malaking bubuyog. Maya'y hinihimas pa ang mukha at kamay nito, tapos hindi na nakuntento, niyakap naman ito ngayon. Ang estatwa ay nakapwesto sa main entrance kaya pinagtitinginan siya ng bawat pumapasok at lumalabas ng building. Hahaha! Nakakatuwa siyang tingnan, dinaig pa niya ang bata. Natigil lang ito ng dumating na si Arthur kasama ang isang crew na naghatid ng mga in-order namin. "Wow! Mukhang ang sasarap!" Excited na agad kumuha ng french fries at isinubo. "Whoaaa! Ang init...!" bulalas nito, mangiyak-ngiyak pa at medyo namumula na ang mga mata. Agad ko naman siyang inabutan ng softdrinks. "Here, drink this!" utos ko. Agad niya iyong kinuha at ininom. "Maraming salamat, Sir!" sabi nito ng matapos makainom. Tumango lang ako at ipinagpatuloy ang pagkain. Napakaganang kumain ni Maria at para bang nahawa narin ako. Nakikipag agawan pa ito ng fried chicken kay Arthur at hindi ko rin alam kung bakit ang fries imbes na sa catsup ay sa ice cream niya sinasawsaw at talaga namang sarap na sarap siya do'n. "Ang sayang kumain dito, lahat ng pagkain ay masarap!" bulalas nito. "Tama ka, kaya nga maraming kumakain dito," sang ayok ni Arthur, nakapalagayan na nito si Maria at nakikipag kulitan na rin siya rito. Nakikita kong nagkakasundo ang dalawa. Mabuti iyon at nakahanap din ng kaibigan si Maria. Mukha namang matiyaga ang aking bodyguard na turuan siya ng mga bagay-bagay na hindi pa nito nalalaman. Sa loob ng limang taong pagtatrabaho ni Arthur sa akin simula pa noong nasa college ako ay itinuturing ko na rin itong kaibigan. Sa tingin ko nga'y mas marami pa itong alam tungkol sa akin kaysa sa sarili kong pamilya. After college, nagkanya-kanya na kaming magkakapatid. Si Iñigo ay tumira na sa Infinity Tower, ang condominium building na pag aari ng aming pamilya. Si Clark naman ay may mansion sa likod ng Vander Hospital at ako simula ng ibinigay ni dad ang pamamahala ng The Vander Suite sa akin ay sa penthouse na nito ako nanirahan. Pagkatapos namin kumain ay dumiretso na kami sa tunutuluyan ko. Kung namangha si Maria sa nakita ng mga mata niya sa labas ay triple ang pagkamangha nito ng makapasok na kami ngayon sa loob ng The Vander Suite. "Huh... ang ganda, grabe! At ang ilaw kumikinang sa sobrang liwanag!" humahangang sabi nito sabay turo sa napakalaking chandelier sa bulwagan ng hotel. "Sir, ang ganda rito sobra! Ikaw ba ang may ari ng gusaling ito?" tanong nito habang patuloy na nakabuntot sa paglalakad ko. "Bakit mo naman naitanong?" "Ah! Kasi Sir, lahat ng taong madaanan natin ay yumuyuko at bumabati kapag natatapat sa 'yo naisip kong boss ka nila at ikaw ang may ari nito." Hmm! Magaling din pala siyang mag-observe. "I don't own this, it's one of our family businesses. I just manage the hotel." "Pamili bisnes! Ibig sabihin nun mayaman ka nga," anito. Nagkibit balikat ako. "I have savings that can sustain me for life even if I don't work. So, I guess mayaman nga ako," tugon. Ipinagpatuloy ko ang paglalakad habang napahinto naman si Maria, waring pinag iisipan ang sinabi ko. Lihim akong napangiti sa kainosentihan nito. "Sir... hintayin mo ako!" Lakad takbo na sumunod ito sa akin. "It's not bad to ask questions. But, if you're going to work with me, you need to study on your own for what you want to know," I advised "Po?!" tanging nasabi nito. "What I mean is, ayoko ng matanong, magkakasundo tayo kung hindi ka masyadong magsasalita." She really has a lot to learn to keep up with life in the city. Nasanay na akong mag-isa sa matagal na panahon. Tama na sana sa akin ang kakulitan ni Arthur kaya lang pag nagsama ang dalawang ito ay hindi ko na alam kung paano ko pa sila iintindihin. Sa kabilang banda ay ayos lang naman na pumayag akong manatili siya sa poder ko. Hindi naman ako papayag na hayaan na lang siya na pagala-gala sa lansangan. Mas mabuti narin siguro ang ganito, gusto ko rin na may mapatunayan ako sa sarili ko. Na hindi totoong nagugustuhan ko ang babaeng ito. Na humanga lang ako sa maganda niyang mukha at hanggang doon na lang iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD