Chapter 13- Comfort*

1433 Words
Maria's POV Ano ka ba Maria! Mali ang nararamdaman mo, pwede bang tigilan mo na ang kakaisip sa lalaking 'yan? Isa lang siyang pangarap. Pangarap na kahit kailan ay hindi mo maaring makuha. Para akong baliw na kinakausap ang aking sarili habang nakatitig sa life style magazine na front cover ang larawan ni si Sir Brix at tungkol sa kaniya ang feature ng mga artikulo nito. Hmp! Bakit ba naman kasi nasa 'yo nang lahat, mayaman, mabait at gwapo? Hindi ko na napigilang yakapin ang babasahin na para bang si Sir Brix mismo ang aking kayakap. Habang nakatitig ako sa kawalan ay lalo ko lang nakikita ang katotohanan kung bakit hindi pwedeng maging kami? Langit at lupa ang pagitan namin. Ang lapit-lapit lang naman niya sa akin pero bakit ba parang napakahirap naman niyang abutin? "Tumigil ka na sa kahibangan mo, Maria! Hindi porke't mabait siya sa iyo ay may iba ng kahulugan iyon. Huwag kang mangarap ng mataas, lumugar ka kung saan ka lang nararapat." Muli para akong isang baliw na pinangaralan na naman ang aking sarili. Hindi ko alam kung paanong maalis siya sa sistema ko? Nakatulugan ko na lang ang ganuong isipin. __ "It's good that you're here!" Awtomatikong napaangat ang aking ulo ng marinig ko ang pamilyar na boses na nanggagaling malapit lang sa akin. "Huh, Sir Brix!" Agad akong napatayo buhat sa aking pagkakasalampak sa sahig. Kasalukuyang nasa sala ako ngayon at gumagawa ng mga accessories. Naging libangan ko na ang paggawa ng mga kwintas bracelet hikaw at singsing na yari sa beads, pearl at mga crystals na mura ko lang nabibili sa aking suki sa may Divisoria. Nagsimula ang pagkahilig ko sa paggawa ng mga ito nang una kong makita si Miss Criselle. Kung gaano kagaganda ang mga suot niyang burloloy sa katawan ay talaga namang humanga ako nang husto. Mula noon ay nanuod na ako ng mga tutorial video tungkol sa paggawa ng mga accessories. "Well you seems so busy kasama ba 'yan sa project mo sa school?" tanong niya. Nakita kong parang namangha ang itsura niya habang sinisipat ang ilang piraso ng bracelet na natapos ko nang gawin. "Ay, naku! Hindi po, sir. Matagal ko ng tapos ang project ko at naipasa ko na rin sa professor namin. Ito kasi ang naging libangan ko ngayon kapag wala ako ginagawa. "Wow! Your doing great. Very detailed ang pagkaka-design it looks like it has done by a pro," papuri niya sa akin na talaga namang nakakataba ng puso. "There is only one person who's the best in this craft. Her jewelries is known all over the world. You have a potential. You should meet her. You will learn a lot from her." Ngumiti ito sa akin at maya'y binalingan ang mga purselas na hawak niya at marahang ibinalik sa lamesa. "By the way, her name is Lucille. " Umupo ito sa sofa at tinapik ang espasyo sa tabi niya wari bang sinasabing maupo rin ako, kaya naman mabilis akong tumalima at sinunod ito. Ang malaking problema ay ang makatabi pala sa upuan ang isang Brix Vander na halos once inch lang ang pagitan ay talaga namang nakakanerbiyos. Ewan ko ba parang napakalakas na boltahe ng kuryente ang gumagapang sa buo kong katawan, bigla nalang bumilis ang pintig ng aking puso na sa palagay ko ay hindi na normal. Tsssh! Ano bang nangyayari sa akin? Ipinilig ko ang aking ulo. Huh! Pero may sinabi siyang Lucille. Parang pamilyar ang pangalan, parang narinig ko na iyon dati, kaya lang saan? Maraming ganuong pangalan sa mundo pero bakit iba ang dating niyon sa akin? "Hindi po ba kayo pumasok, sir?" Ang totoong tanong ko sana ay kung bakit narito siya sa kaniyang suite sa oras ng trabaho? "I'm not feeling well, my headache triggers again after taking my lunch." "Hah! Ganun po ba? Uminom ka na ba ng gamot?" nag aalalang tanong ko. Iling lang ang naging tugon nito. "Mas makabubuting pumasok ka na sa kwarto mo para makapag pahinga. Ihahatid ko na lang ang gamot dun." Hindi ko alam, pero sana ay hindinniya nahalata ang pagkataranta ko. Talaga namang pinag-aalala niya ako ng husto. Tumango-tango ito habang hinahawakan ang sentido. "Yes I think it's the best thing that I should do. I can't handle the pain." Tumayo siya at nagsimula ng lumakad papunta sa kaniyang silid. __ Nang pumasok ako sa kanyang kwarto ay nakabihis na ito ng t-shirt na puti at black short, habang ang corporate attire na suot kanina ay naiwan lang sa sahig. Kaya naman agad ko itong pinulot at maayos na itinupi at saka inilagay sa laundry basket. Nakapikit siya at ang kanang kamay ay nakapatong sa kaniyang noo. "Sir!" tawag ko habang marahang tinatapik ang kaniyang balikat. "Hmm..." sagot naman niya ngunit nanatili lang sa kaniyang posisyon. "Inumin mo na itong gamot mo para mawala na ang pananakit ng ulo mo," utos ko. Kinuha ko ang baso ng tubig, tinanggal ko ang paracetamol sa pagkakabalot at agad inabot iyon sa aking amo. Bumangon naman ito para umupo, isinandal ang likod sa headboard ng kama at saka kinuha sa akin ang gamot. Isinubo iyon at sinundan ng pag inom ng tubig. "Ang mabuti pa mahiga ka na uli at papahiran ko ng maanghang ang sintido mo para ma-relax ka at mabawasan ang sakit." Nakakita ako sa medicine cabinet ng menthol oil at naisip kong maganda rin itong pang lunas. Kapag kasi ipinahid iyon sa sintido ay makakaramdam ka ng ginhawa sa katawan. Madalas ganun ang aking ginagawa kapag sumasakit ang ulo ng aking Apo Ibyang. Sumunod naman siya sa sinabi ko. Inayos ang higa kaya naman inumpisahan ko nang buksan ang takip ng maliit na bote at nagsalin nang konti sa aking palad. Unti-unti ay pinahiran ko ang magkabilang sentido nito at marahang hinilot. Tinlngin ko naman ay nagustuhan niya ang ginagawa ko dahil bahagyang naging kalmado ang mukha nito. Ngayong napakalapit ko sa kaniya ay malaya kong napagmamasdan ang maamo nitong mukha. Wala akong maipipintas, napakaperpekto ng panlabas nitong anyo. Sino ba naman ang hindi magkakagusto sa lalaking ito? Hay, Sir Brix, paano ba kita magagawang hindi mahalin kung lahat naman ng nakikita ko sa 'yo ay nagugustuhan ko? Makailang ulit akong napabuntunghininga. Natigil lang ako sa ginagawa ng mapansing kong nakatulog na ito. Marahan akong tumayo at tinungo ang aircon para masiguradong sakto ang lamig ng silid. Gusto kong maging kumportable siya sa pagtulog. Masyado siyang naging busy lalo na ng dumating ang girlfriend niyang si Criselle. Nagkasunod-sunod na rin ang mga project nila na magkasama, fashion shows, tv commercial at lately nag ge-guest na rin sila sa mga talk show. Napaka visible nila sa tv at tuwing nakikita ko silang magkasama isa lang naman ang pumapasok sa isip ko. Na talaga namang bagay na bagay sila sa isat-isa at walang puwang ang isang katulad ko para ibigin ni Sir Brix, dahil wala ako kung ikukumpara sa girlfriend niya. Dahan-dahan akong lumakad papunta sa may pinto para lumabas ngunit ng pipihitin ko na ang seradura nito ay bigla akong napakislot ng magsalita si Sir Brix. "Stay! Just stay please!" nakikiusap na sabi niya. Huh! Ako ba ang sinasabihan nito? Pero nakapikit naman siya... Tssh! Nanaginip siguro. Ipinagpatuloy ko ang ginagawang pagbukas ng pinto ng magsalita na naman ito. "Maria! Come back, just stay beside me, please!" pakiusap na naman nito. Huh! Ako nga ang sinasabihan niya. Alumpihit na lumakad ako pabalik sa higaan nito. Umupo ako sa gilid ng kama ngunit bigla nalang akong natigilan ng pumihit paharap sa akin si Sir Brix at bigla na lang hawakan ang kanang kamay ko na nakapatong malapit sa kanya. Hindi niya na binitiwan iyon, nag aalangan naman akong bawiin ito. Tsk!Paano na? Ganito nalang ba ako hanggang magising siya? Pero nakikita ko sa mukha niyang mas kampante siyang natutulog na hawak ang kamay ko, kaya naman hinayaan ko na lang. Inayos ko lang ang posisyon ko. Sumandal ako ng upo sa headboard ng kama para hindi naman ako mangalay. Hahanap na lang ako ng pagkakataon na makaalis kapag binitawan na niya ang kamay ko. Tiyak ko namang mangyayari iyon kapag malalim na talaga ang tulog niya. Naging magandang pagkakataon rin iyon para sa akin na malaya ko siyang natitigan. Masarap sa pakiramdam na hawak ng mainit niyang palad ang aking kamay. Hindi ko maipaliwanag pero gustong-gusto ko ang ganitong pakiramdam na nasa tabi ko lang siya. Wala akong ideya kung gaano na katagal kaming ganun.Unti-unti na akong nilalamon ng antok. Bumibigat na ang talukap ng aking mga mata at hindi ko na napigilan pa ang makatulog. Ilang saglit pa ay nawala na ako sa reyalidad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD