Habang nasa klase ay tahimik lang si Maria, iniisip niya ang mga nangyari sa buhay niya simula ng lumuwas siya ng Maynila at ngayong nasa poder siya ni Brix. Marami nang nangyari, natuto na rin siyang magmahal at kahit nahihirapan ay kinakaya niya. Kahit ano naman kasi ang gawin niyang pagpupumilit ay hindi mapapasakanya ng buo si Brix. Ayaw niyang iwan ito dahil mahal niya ang binata, kaya kahit masakit ay tinanggap na lang niya ang katotohanan na hanggang pangalawa lang siya sa buhay nito, lalo pa at magkakaroon na ito ng anak. "Oh, bakit wala kang imik d'yan, may problema ka ba? Ang lungkot-lungkot mo, eh," tanong ni Patricia. Ito lang bukod tanging kaibigan niya sa eskwelahang iyon. Napansin kasi nitong kanina pa walang kibo si Maria at para bang ang layo-layo ng iniisip. "Nagk