Maganda ang kaniyang tinutuluyan at napaka komportable ng lugar para kay Maria. Nagagawa niya ang lahat ng gusto niya sa bago niyang tirahan. Ilang araw na rin siyang namamalagi rito at nasanay na siya. Sa kabuuan ay napakalinis nitong tingnan dahil sa puting kulay ng pintura. Nasa ayos ang lahat, nakakatakot ngang galawin ang mga modernong kasangkapan at mamahaling pang display dahil baka mawala sa tamang posisyon. Isang sikat interior designer ang nag-disenyo ng buong bahay. Inabala niya ang sarili sa kaniyang libangan na paggawa ng mga alahas. Noong pumasyal siya sa bahay ni Lucille ay binigyan siya nito ng ilang mga tips kung paano mas mapapaganda ang kaniyang mga design. Natuto na rin siyang i-sketch muna sa papel ang gagawing alahas bago ito umpisahang gawin para alam niya ang pag