Ang resthouse kung saan sila naroon ngayon ay malayo sa ibang bahay, kaya siguro ito ang napiling lugar ni Brix na puntahan nila dahil hindi malayo ito sa mga taong naninirahan sa lugar na iyon. Ito na ang pinakahihintay na pagkakataon ni Maria, ang masolo si Brix, na kahit ilang araw lang ay kaniyang-kaniya ito. Wala siyang kaagaw at walang dapat ipangamba na magkasama sila. "Napagod ka ba sa biyahe?" tanong ng binata sa kaniya ng makapasok sila sa villa. Umiling siya. "Ikaw ang dapat tanungin ko niyan kasi ikaw naman ang nag-drive, ako nga tulog lang buong biyahe, eh," sabi niya sabay bungisngis. Napangiti na rin si Brix. "I can't feel tiredness when I'm with you, baby," anito habang ipinapasok sa loob ng bahay ang mga dalahin nila na nakalagay sa dalawang hindi kalakihan na bag. K