Hindi maiwasan ni Maria na hindi kabahan. Matagal-tagal na rin simula ng makipag-date siya at ito ang unang pagkakataon na makikipag-date siya sa kapwa niya Filipino kaya mas lalong nakakadagdag ng kaba. Hindi naman niya gustong ma-impress sa kaniya ang kaniyang magiging ka-date kaya hindi siya nag-effort na magbihis ng bonggang damit at mag-make up. Ngunit, pagtingin niya sa salamin ay kung bakit humanga siya sa kaniyang sarili? "Whoah! Who's this beautiful young lady?" gulat na sabi ni Gener ng makasalubong ang anak sa paanan ng hagdan. Nakababa na si Maria at paakyat naman sana ito. Kauuwi lang ng negosyante galing sa meeting ng IBCC na kung saan ay ito pa rin ang presidente. Napangiti si Maria sa over acting na reaksiyon ng kaniyang ama. "I'm your daughter, remember?" Sinakyan niy