"Happy birthday, Lola!" Sinalubong ng yakap ni Nicole ang kaniyang Lola Ellisa. "Oh, ang apo ko!" bulalas ng ginang. "Sino ang kasama mong pumunta rito?" tanong nito sa apo. "My Yaya Wilma," tugon naman ng bata. "Brix, ang anak mo narito." Binalingan nito ang anak na noon ay kapapasok lang sa dining room. Nabigla si Brix ng makita si Nicole. Agad nitong nilapitan ang anak. "Why are you here? I told you bukas ka na pupunta kay lola," anito sa anak. "But, today is Lola's birthday not tomorrow, Daddy." "Tsh! Makulit na bata!" natatawang sabi na lang ni Brix, ginulo nito ang buhok ng anak. Ang kaarawan ng dating presidente ng bansa na si Elissa Torres Vander ay totoo namang ngayong araw. Ngunit, dahil maraming gustong bumati sa dating presidente sa mismong araw ng kaarawan nito ay napag