Katatapos lang ng maghapong klase ni Maria. Pauwi na siya at kanina pa siya naghihintay sa sundo niyang si Arthur nang biglang may pumaradang bagong-bagong puting Mercedes-Benz sa harapan niya. Umatras siya ng konti at gumilid, inisip niyang baka may hinihintay ang kotse na nag aaral din sa eskwelahan nila. Bumukas ang bintana ng sasakyan. "Sumakay ka na!" Napaawang ang bibig niya ng malaman na si Brix pala ang sakay ng sasakyan na iyon. May tatlong luxury car ang binata na palit-palit niyang ginagamit at ang isang ito ay hindi pamilyar sa kaniya. "Hop in!" utos nito ng hindi siya tuminag sa pagkakatayo. Napangiti siya at nagmamadaling binuksan ang pinto. Tinted ang sasakyan kaya hindi nakikita ang nasa loob. Agad siyang yumakap kay Brix ng makapasok sa kotse. Hinalikan naman siya