NAKATULALANG hinatid ni Darlene nang tanaw ang doktor na tumingin sa kan’ya. Palabas na ito kasama si Jaylord. Napahilamos din siya mayamaya gamit ang kamay, at sinabayan iyon ng mura.
Ano na ang gagawin niya? Paano kapag nalaman ni Blake na buntis siya tapos hindi ito ang ama?
Napasigaw siya sa sobrang inis sa sarili. Naguguluhan na siya. Hindi na niya alam ang gagawin. Paniguradong hihiwalayan siya ni Blake kapag nagkataon. Ngayon pa bang may Kendra na itong kinakatagpo?
Humahangos si Jaylord nang bumalik sa silid na iyon. Narinig nito marahil ang sigaw niyang pagkalakas.
"What happened?" nag-aalalang tanong nito.
"Buntis ako, Jay…" aniyang humagulhol na. Narinig naman nito kanina ang sinabi ng doktor pero binanggit niya pa rin "Hindi maaari…" Umiling-iling pa siya. "Hihiwalayan ako ni Blake kapag nalaman niya," mahinang sabi niya, pero dinig iyon ni Jay.
"So, anong plano mo?" seryosong tanong nito.
"Ano bang magandang gawin, Jay? Huh? Sabihin mo nga. Ipalaglag ko kaya? What do you think?" parang tangang tanong niya dito.
"Anong ipapalaglag? Hindi ako makakapayag!" Napapitlag siya nang biglang sumigaw ito.
"J-Jay…" aniyang napahawak sa dibdib.
Napapikit ito. "I'm sorry, baby. Hindi ako galit. Kontra lang talaga ako sa abortion. Hindi ka ba natatakot na gawin ‘yon? Huh?"
"Then, tell me what to do, Jay! Ayokong hiwalayan ako ni Blake. Mahal ko siya, at hindi ko kayang mawala siya sa akin,"
Napakunot ito ng noo. "W-what do you mean? Hindi aakuin ni Blake ang batang nasa sinapupunan mo? But why?” Natigilan ito at pinakatitigan siya. “Don’t tell me, hindi siya ang ama ng dinadala mo? Then, who?" seryosong tanong nito.
Hindi siya nakasagot kaagad. Alam niyang iniisip nitong madumi siya ngayon, dahil pumaptol siya sa kung sino. Tapos pumatol din siya dito. Marami na sigurong pumapasok sa isip nito.
"I-I was r-raped, Jay.” Nahihirapan siyang banggitin ang salitang raped nang mga sandaling iyon. “A-at hindi ko alam kung sino ang gumahasa sa akin. Basta nagising na lang ako na nangyari ang hindi ko inaasahan," aniya sabay pikit. "At kaya ako umuwi ng Pilipinas dahil alam kong malaki ang posibilidad na mabubuo ang nangyari nang gabing iyon. G-gusto ko sanang ipaako kay Blake kung sakaling mabuntis nga ako dahil hindi ko nga kilala ang gumawa no’n sa akin." Napahagulhol siya matapos iyong sabihing.
"Oh, God…" Napapikit siya nang kabigin siya ni Jaylord. "I'm sorry… Sana pala hindi ko na natanong. Hindi ko alam na may mabigat kang pinagdadaanan."
"It's okay, Jay. Hindi mo naman sinasadya." Bumitaw siya dito pagkuwa'y suminghot-singhot.
Napatitig si Jay sa kan’ya mayamaya. “Ano kaya kung ipaako mo nga sa boyfriend mo ang nasa sinapupunan mo?”
“P-paano ko sasabihin, e, nakauwi na siya dito noon. At imposibleng hindi magbibilang ‘yon kapag nagkataon.”
“May nangyari ba sa inyo bago siya umuwi rito?” seryosong tanong nito.
Tumango siya kay Jaylord.
“Good. eh, ‘di, ipaako mo sa kan’ya, kaysa ipalaglag mo ‘yan, Darlene. Maraming may gusto ng anak, tapos ipapalaglag mo lang? God! Kung ayaw ng nobyo mo sa dinadala mo, eh ‘di, ibigay mo sa akin. Hindi ko hihindian ‘yan. Saka hindi ko maatim makita na pumatay ka ng walang kamuwang-muwang na bata, baby.” Hindi siya nakaimik matapos nitong sabihin iyon.
May punto naman si Jaylord. Hindi rin naman talaga niya kayang pumatay ng bata. Kaya nga pinili niyang umuwi sa Pilipinas para makapag-isip din, hindi para patayin ang walang muwang na bata. Gaya sa unang plano niya, paakuin niya kay Blake ang nasa sinapupunan niya. At iyon na lang nga ang tanging paraan para masolusyunan ang problema niya.
MALUNGKOT na tinanaw ni Jaylord ang sasakyang kinalulunanan ni Darlene, na noo’y papalabas na ng bakuran niya. Hawak ang kopita na may lamang alak, sumimsin siya ng dalawang beses bago nilingon si Sixto. Nakatayo lang ito na parang sundalo na mahigpit na nagbabantay. Magsasalita lang ito kapag kinakausap niya. Kaya minsan, pakiramdam niya, parang wala siyang kasama.
"Gusto kong bantayan niyo nang maigi si Darlene. Baka kung anong hindi maganda ang gawin niya sa bata."
"Yes, boss!" malakas na sagot ni Sixto sa kan’ya.
"Anything, Sixto. Kahit i-set up mo siya to make love with her boyfriend everytime, I don't care. As long as ligtas hindi makapag-isip si Darlene nang masama. Hindi ko hahayaang maging mamamatay tao siya. Hindi p'wde!" Naikuyom niya ang kamao.
Si Blake lang ang makakatulong kay Darlene para makapag-isip ang huli nang tama. Hindi naman siya mawawala sa tabi ng dalaga kahit na ikasal pa ito kay Blake, kahit hindi siya nito kailangan. Isang tawag lang nito, darating agad siya.
Today was a tough day for him. Akala niya, matatapos ang maghapon na ito na kasama pa rin si Darlene, hindi pala. Sa huli, bumalik din ito sa nobyo nito. Masakit makitang humahakbang ito palabas ng bahay niya. Ang tagal niyang hinintay na tumuntong ito sa pamamahay niya tapos hindi naman pala magtatagal. Pansamantala lang pala. Pagkatapos nang nangyari sa kanila kagabi, akala niya magbabago ang isip ni Darlene, na baka p'wdeng i-consider siya nito, since alam nitong nagloko ang nobyo nito. Pero hindi, mas pinili pa rin nitong bumalik kay Blake.
Sa kabilang banda, masaya siya, lalo na sa nangyari sa kanila kagabi. Iba ang naramdaman niya sa dalaga nang angkinin niya.
Napaka-submissive nito sa kan'ya ng dalaga. He can feel it. Ang paraan nang mga haplos nito sa kan'ya, nagustuhan niya. Parang walang hadlang din sa kanila nang mga sandaling iyon, nagawa nila ang nais, ang isinisigaw ng kanilang katawan.
Pero panandaliang laya lamang iyon para kay Darlene, nakapagitna pa rin si Blake sa kanila. Sana, matagal na siyang nagpakita sa dalaga, baka hindi ganito ang kinahihinatnan. Kung hindi lang siya natakot na i-reject nito, baka masaya silang dalawa ngayon.
Wala siyang ginawa magdamag kung hindi ang hintayin ang tawag ng dalaga. Sabi kasi nito, tatawagan siya nito. Ito na nga ang ikakatakot niya, wala siyang natatanggap, kahit ni text, wala din.
Kung hindi pa siya uminom ng sleeping pill, hindi siya makakatulog.
SAMANTALA…
"I-i'm sorry, Darlene, pero mahal ko na si Kendra. And, yeah, sobrang bilis, pero 'yon ang nararamdaman ko para sa kan’ya. Minahal kita, pero hindi kagaya nang pagmamahal ko sa kan'ya ngayon.” Tumigil ito sa pagsasalita saglit. “Ayokong mawala siya sa buhay ko, Darlene. Siya ang gumugulo sa aking isipan nitong mga nagdaan. At mas lalo kong napagtantong siya na nga ang mahal ko nang dumating ka."
Napapikit siya sa sinabi ni Kent sa kan'ya ngayon. Wala man lang preno ang bibig nito. Sa sobrang tapat nito, hindi nito pansin na nakakasakit na ito nang damdamin.
"Kilala mo ba ang nasa harapan mo, Kent? I'm Darlene! You're fiancée! Now you're talking about someone you care about? Oh, God! Alam mo ba kung gaano kasakit ang mga sinabi mo?"
"I-I'm sorry. My point was that we should end our relationship. I-I don't love you anymore, Darlene."
Napasinghap siya sa narinig. "K-Kent…"
"I'm sorry. Please try to—"
Itinaas niya ang kamay para pigilan ito sa maari pa nitong sabihin. "Stop it! You're hurting me! You're hurting me, Blake!" paulit-ulit niyang sigaw sa nobyo pagkuwa’y binayo niya ang dibidb dahil sa sakit na nararamdaman. Pumatak na nga ang luhang kanina pa pinipigilan.
“Iwan mo muna ako, please?” aniya habang pinupunasan ang luha. “Pero hindi ako pumapayag na basta na lang matapos ang relasyon natin, Blake. Bibigyan kita ng chance para mag-isip.”
“Nakapag-isip na ako, Darlene. At ito na nga ang desisyon–”
“Buntis ako, Blake!” hindi na niya napigilan ang sariling mapasigaw.
Kita niya ang muntik ng pagkawala nito nang balanse sa narinig. Muntik na itong matumba, buti na lang nakahawak ito sa mesang nasa tabi nito. Marahil, hindi nito inaasahan ang naging rebelasyon niya. Sana lang maniwala ito sa kan’ya.
“Maatim mo bang iwan ang anak mo? Huh? ‘Di ba, ito naman ang pangarap mo noon? Ang magkaroon tayo ng anak? Kaya nga inalok mo ako ng kasal, ‘di ba? Nakalimutan mo na ba? Ang dami mong plano sa atin, tapos masisira lang dahil sa sekretarya mo? Mag-isip kang mabuti, Blake, at timbangin kung ano ba talagang dapat mong gawin.”
Nakatitig lang sa kan’ya si Blake nang mga oras na iyon. Napasabunot din ito sa buhok nito kapagkuwan. Mukhang malaki ang epekto nang sinabi niya sa magiging desisyon nito. Sigurado siya doon.
“I-I don’t know… ” hindi nito alam ang sasabihin ng mga sandaling iyon. Umiling-iling pa ito kapagkuwan. Pero sa huli, iginiya nito ang sarili palabas ng silid nila. Dinig din niya ang malakas na pagsara ng pintuan ng condo nito.
Napahagulhol siya nang mapagtantong nag-iisa na siya sa silid. Talagang nahirapan si Blake sa pagtimbang nang desisyon niya. Hindi na nga ito ang dating Blake na kilala niya. Ang laki ng ipinagbago nito.
Kinapa niya ang tiyan niya kapagkuwan. Ano nang mangyayari sa kanila ng anak kapag hindi siya pinanagutan ni Blake?
Nakatulog siyang hilam ang luha. Kaya naman nang magising siya, naramdaman niya ang hapdi sa mga mata niya.
Napatingin siya sa magarang wall clock na nakasabit sa pader, pasado ala una na pala ng madaling araw. Nilingon pa niya ang tabi niya, walang bakas ni Blake. Hindi pa ito umuuwi mula kanina.
‘Pinipili na ba nito si Kendra?’ Napaluha siya sa isiping iyon.
Nakaramdam siya ng gutom kaya iginiya niya ang sarili palabas ng silid nila. Buntonghininga ang pinakawalan niya nang makitang walang pagkain. Napaupo siya sa upuan.
Biglang sumagi sa isipan niya si Jaylord. Medyo matagal na rin pala nang huli silang mag-usap. Puro text na lang kasi siya rito nitong nakaraan para humingi ng advice.
Tumayo siya at tinungo ang silid nila ni Blake. Kinuha niya ang telepono at idinayal niya ang numero ni Jaylord– na agad nitong sinagot naman.
“Hey, baby! Bakit gising ka pa?” halata ang sigla sa boses nito nang sagutin nito ang tawag niya.
Hindi niya tuloy maiwasang mapangiti nang mga sandaling iyon.
“Can you cook for me now?” wala sa sariling tanong niya.
“S-sure. But how? Wala ka naman dito,”
“Pick me up, Jay. I need you.” Saglit itong natigilan sa kabilang linya.
“O-okay. Ipapasundo kita.”
“Thanks a lot.”
Wala pang labinlimang minuto nang tumunog ang doorbell. Kasabay niyon ang pagtawag ni Jaylord sa telepono niya para sabihing tauhan nito ang nasa labas ng pintuan.
Wala nang gaanong traffic kaya mabilis na narating nila ang magarang bahay ni Jaylord.
Kita niya mula sa sasakyan ang pagmamadali ni Jaylord na bumaba matapos marinig ang busina ng sasakyan na kinalulunanan niya. Kaya bago pa man siya makarating sa pintuan nito, bumukas na iyon at iniluwa ang bagong paligo na si Jaylord– na roba lang ang suot.
Napakagat siya ng labi nang matuon ang tingin niya sa mabalbon nitong dibdib. Namamasa pa nga. Mukhang kakatapos lang nga talaga nitong maligo.
“Hi,” nakangiting bati nito sa kan’ya.