“ANO bang gusto mong kainin?” masuyong tanong ni Jaylord nang lingunin si Darlene.
“Pasta. Kahit anong luto,” aniya sabay upo sa magarang sofa nito.
“Right away, baby.” Ngumiti ito sa kan’ya bago siya tinalikuran. Sinundan niya na lang ito na nakangiti.
Pansin niya, madali siyang mapangiti ni Jaylord. Parang ang tagal na nilang magkakilala. Komportable sila sa isa’t-isa kapag magkasama. ‘Hindi kaya nahuhulog siya sa charm nito?’
Ipinilig niya ang sarili sa isiping iyon. Kailan lang niya ito nakilala kaya imposible, si Blake ang mahal niya. At ang nangyayari sa kanila? Dala lang nang pagnanasa. No strings attached, just pure s*x.
Sabi nga niya dito kinabukasan pagkatapos nang unang may mangyari sa kanila, dahil sa ipinagbubuntis niya kaya tumataas ang libido niya.
Hindi pa ito nakakarating sa kusina nang tawagin niya ito bigla.
“Jay!”
“Yes, baby?” Napangiti na naman siya sa endearment nito.
“Do I look like a baby to you?”
Natawa ito nang mahina. “Why?” Nang mapagtanto nito ang ibig niyang sabihin ay natawa itong muli. “Oh, dahil sa endearment ko.”
“Um, y-yeah.”
“Ayaw mo ba?”
Matagal siya bago nakasagot. At mukhang naghihintay ito sa sagot niya.
“No. I love it. Napapangiti mo ako. And I thank you for that.”
Imbes na magpatuloy ito sa paglalakad papuntang kusina, bumalik ito at kinabig nito ang batok niya sabay diin ng labi nito sa kan’ya.
Napapikit na lang siya nang magsimulang maging malikot ang dila nito. Hindi niya na napigilan ang sarili, yumakap siya sa leeg nito at tinugon niya ang mapupusok na halik nito.
Bago pa lumalim iyon, bumitiw na si Jaylord.
"Dahil sa sinabi mo, you're my baby now." Hinaplos nito ang pisngi niya. "My very sweet Darlene."
Napangiti na naman siya sa narinig. "Being with you tonight saved me from feeling lonely. Thank God I met you, Jay."
"Anything for my baby," nakangiting sambit nito. "Be my guest, please?" Tinuro nito ang kitchen kapagkuwan.
"Sure!"
Magkahawak ang kamay na tinungo nila ang kusina. Pinangko siya nito at pinaupo sa countertop ng lababo. Masuyong pinanood niya lang ito habang naghihiwa ng bacon para sa cheesy carbonara na sinasabi nito. 'Yon lang daw kasi ang stock nito na p’wedeng maluto. Medyo alangan pa nga ito dahil baka hindi niya magustuhan ang carbonara na lulutuin nito.
Imposibleng hindi niya magugustuhan, isa kaya ‘yan sa paborito niya.
Nakangiting bumaling ito sa kan’ya mayamaya. Kakatapos lang nitong ihanda ang mga gagamitin. Nakasalang na rin ang pasta at hinihintay na lang na lumambot. Hindi naman komplikado magluto niyon. Inalok niya rin ang sarili dito na tutulong pero tumanggi lang ito, pagsisilbihan daw siya nito.
“Gutom na ba?”
Umiling siya rito. “My baby can wait. Okay?”
“Great. Pero ako…” Hindi na nito itinuloy ang sasabihin dahil humakbang na ito palapit sa kan’ya. Pinaglandas nito ang hita niya at pumaloob doon.
“Ako nagugutom na. P’wede mo ba akong pakainin?” bulong nito na ikinainit niya. Hindi siya bata para hindi maintindihan ang sinasabi nito.
“J-Jay…” nauutal niyang sambit.
“I missed you, Darlene,” anito sa baritonong tinig.
Hinalikan nito kapagkuwan ang leeg niya pagkuwa’y umakyat papunta sa pisngi niya. Ngumiti ito nang makita ang bahagyang nakaawang na labi niya.
Ang lapit na ng labi ni Jaylord sa labi niya kaya bumilis ang t***k ng puso niya. Napahawak na rin siya sa balikat nito para kumuha ng suporta.
Singhap na ang inilabas ng bibig niya nang mapusok siyang halikan ni Jaylord. Kagaya kanina, mapusok at parang ayaw nitong tumigil. Mukhang na-miss nga siya nito nang higit pa. Parang gusto niyang sabihing na-miss niya rin ito.
Napaliyad na siya bigla nang maramdaman ang kamay nito sa pagitan ng hita niya. Gumapang mayamaya ang kamay nito at pumaloob sa suot niyang damit.
Malakas na ungol sa loob nito ang pinakawalan niya nang panggigilan nito ang dibdib niya. Inulit ulit nito kaya nakaramdam siya ng kirot, pero naroon pa rin naman ang sarap. Nakagat niya tuloy ang labi nito pero wala lang dito, nagpatuloy lang ito sa ginawa.
“U-um, Jay… M-masakit. Oh, d-dahan-dahan lang. A-alam mo namang nagkakalaman na ‘yan dahil sa ipinagbubuntis ko.”
Nailayo nito ang sarili nito nang marinig ang sinabi niya. “I’m sorry, baby. F*ck!” Tumalikod pa ito pero humarap din naman ulit. “S-sobrang sakit ba?”
Natawa siya rito nang makita ang mukha nitong puno ng pag-alala. “Actually, masakit na masarap.”
“Aww. Still, masakit. I’m so sorry.” Akmang aalis ito nang hawakan niya ang damit nito.
“Saan ka pupunta?”
“Lalayo lang saglit. Baka hindi ko mapigil ang sarili ko, masaktan ulit kita. Ang hirap pakalmahin.” Nagbaba ito ng tingin sa pagitan ng hita nito na ikinatawa niya ng malakas. “What?” anitong nakakunot ang noo.
Namumula na ang mukha nito.
“Ngayon lang ako nakakita ng matandang cute. Nagba-blush pa.”
“What? Me? Matanda?”
“Oo. Bakit? Ilang taon ka na ba? ‘Di ba, mas matanda ka sa akin?” aniyang natatawa pa rin pero napalis iyon nang makitang titig na titig ito sa kan’ya.
“Hey, nagbibiro lang ako.” Hindi na talaga ito umimik kaya nakonsensya siya. “Jay,” aniyang tinampal ng mahina ang pisngi nito. “Sorry na.”
“Okay. Singilin na lang kita mamaya,” anito at iniwan siya. Hinalo nito ang pasta na nasa kaserola.
“Galit ka?”
“Nope. Hindi ko lang talaga maamin sa sarili ko na matanda ako. Tapos… galing pa sa ‘yo.”
“Sorry na nga. ‘Di bale, masarap ka naman,” nakangiting sabi niya rito.
Napangiti si Jaylord sa sinabi niya. “Is that a compliment or what?”
“Compliment, Jay.”
“Great. Let me finish this first, baby, bago kita singilin. I’m sure, gutom ka na.” Hindi na niya ito inistorbo pero nasa kinauupuan pa rin siya, masuyong nakatunghay dito.
Hindi niya maiwasang ikompara si Jaylord kay Blake. Mas malambing si Jay magsalita kapag nasa harap niya. Madali din siya nito mapatawa kompara kay Blake. Saka mas masarap ito kasama. Si Blake kasi medyo seryoso.
Sa ngayon, ‘yan pa lang ang napapansin niya kay Jaylord. Pero kung bibigyan sila ni Jaylord ng pagkakataon, p’wede niyang i-consider. Mukhang mabuting tao naman ito.
Ilang minuto pa siya sa counter bago ito lumapit sa kan’ya para ipatikim ang ginawa nito. Mabilis lang naman kasi talaga gawin iyon.
“Tikman mo nga,” anito at iniamba ang tinidor na may carbonara. Naghalo ito sa platito ng kaunti para ipatikim sa kan’ya.
“Ano ka ba, amoy pa lang masarap na. Kaya sigurado akong masarap talaga ‘yan.” Sinubo niya pa rin ang iniamba nito. Natigilan siya at tumitig dito.
“A-ano? Hindi masarap?”
“Oh, sh*t, ang sarap, Jay!”
“Talaga?”
“Uhm. Yes.”
Pero natigilan ito saglit.
“Parang may mali,” anito na ikinakunot niya ng noo.
“A-anong mali?” Bahagya pang naningkit ang mata niya.
“Sabi mo ako lang ang masarap?” Halata sa mukha nito na parang nagtatampo.
Bigla siyang natawa. “Yeah, masarap ka, pero iba ka naman. Okay? Pero kung ikokompara ko, magkasingsarap kayo ng carbonara mo. Are we good?”
“Good answer, baby. Pero baka niloloko mo lang ako.”
“Hindi, a! Sige na, ihain mo na at biglang kumalam na ang sikmura ko dahil sa sarap niyo.” Bigla naman itong tumalima dahil sa narinig. Natawa na lang siya.
Sinabayan siya nito kumain mayamaya. Para pa silang couple nang subuan nila kanina ang isa’t-isa. Hindi nito naitago ang sayang nararamdaman nito, kusang namutawi iyon sa bibig ni Jaylord. Malapit na niyang sabihing matagal na siyang kilala ni Jaylord. Alam din nito kung ano ang mga nakakapagpatawa sa kan’ya. Napalis na naman tuloy sa isip niya ang problema niya kay Blake. Ganito talaga ang epekto nito sa kan’ya.
PAAKYAT sila noon ng silid ni Jay nang madaanan ang isang malaking silid din. Na-curious lang siya kaya nilingon niya ito. Katabi iyon ng pintuan ng masters’ bedroom.
“Kaninong kwarto ‘yan?”
Bahagyang nalungkot si Jaylord sa naging tanong niya. “Sa kapatid ko.”
“Oh… Nasaan siya ngayon? Bakit hindi ko nakikita?”
Matagal ito bago sumagot. “She’s missing.”
Napasinghap siya sa sinabi nito. “Oh, my God! I’m sorry, Jay.”
Ngumiti ito ng pilit. “It’s okay. ‘Wag na lang muna natin sigurong pag-usapan ‘yon. It makes me sad, sobrang tagal na kasi tapos wala man lang akong balita. Okay lang ba?”
“Y-yeah, sure! Again, I’m sorry.”
Napayakap ang isang kamay niya sa beywang din nito nang kabigin siya. Hinalikan nito ang buhok niya at nagpasalamat.
Napakapit siya sa leeg ni Jaylord nang igiya siya nito pahiga sa kama. Pumaibabaw ito sa kan’ya. Langhap na naman niya ang mabangong amoy nito kaya lalo niyang inilapit ang sarili sa binata. Nababanguhan kasi talaga siya.
“Dito ka ba matutulog, baby?” masuyong tanong nito sa kan’ya.
Tumango siya rito kaya napangiti ito.
“Good.”
Napatingin siya sa tali ng roba nito nang hawakan nito at hilahin. Hindi niya napigilan ang sariling mapalabi nang tanggalin nito iyon. Tanging brief lang pala ang suot nito sa ibaba.
“Maniningil na ako, baby. Can I?”
“May utang pala ako?” aniyang natatawa.
“Nothing. Pero may kasalanan ka sa akin.”
Nahulaan naman niya ang ibig nitong sabihin. Tinawag niya kasi itong matanda.
“Ipaparamdam ko sa ‘yo ngayon kung paano magalit ang isang matandang gaya ko,” dugtong pa nito.
“Oh, God! Gusto kong maramdaman, Jay!”
Ngumiti ito at walang sabi-sabi na siniil siya nang halik. Naramdaman niya ang pagkalal*ki nito nang idiin nito ang sarili sa kan’ya. Hindi naman nagpapabigat ito, sapat lang para maglapat ang katawan nila.
“Oh, Jay…” ungol ni Darlene nang bumaba ang labi nito sa leeg niya pagkuwa’y sa dibdib niya.
“F*ck, baby… I love the way you moan– especially my name.” Sabay ulos nito sa ibabaw niya kahit na may saplot pa. Napayakap siya sa beywang nito para maramdaman ang init na nagmumula dito.
Nagbaba ng tingin si Jaylord sa tiyan niya nang may naalala. Tumigil ito sa ginagawa mayamaya.
“Does he know already?”
Malungkot na tumango siya rito. ‘Hay, bakit naman kasi pinaalala nito? Panira tuloy ng mood.’
“A-anong sabi niya?” tanong nito at tumitig lang sa kan’ya.
Matagal siya bago nakasagot kay Jaylord. Naninikip na naman ang dibdib niya. At kahit anong pagpigil niya, nangibabaw pa rin ang sakit kapag naalala ang mga binitawang salita ni Blake sa kan’ya.
Naitulak niya sa Jaylord nang bahagya. Nahulaan naman nito na gusto niya itong umalis sa ibabaw niya kaya umalis naman ito at pabagsak na nahiga sa tabi niya.
“I guess, hindi naging maganda ang pag-uusap niyo,” anito nang lingunin siya.
“I don’t know kung aakuin niya ito. He confessed to me that he no longer loved me, na si Kendra na ang gusto niya. God, Jay! Ang sakit! Ipinagpalit niya ako sa babaeng ilang buwan niya pa lang nakikilala. Gano’n kabilis na pinalitan niya ako.” Napapikit siya. “At nang sabihin kong buntis ako, wala man lang siyang sinabi. Pakiramdam ko hindi niya aakuin ang bata, Jay. A-anong gagawin ko?” Napahagulhol siya matapos iyong sabihin.
Kinabig siya nito kapagkuwan para aluhin. “Ssshhh, I’m here, baby. Kung ayaw niyang akuin, let me be the father of your child, Darlene. Pangako, magiging mabuting ama ko sa kan’ya.”
Bumitaw siya sa pagkakayakap nito. “Thank you, Jay. Sana nga, ikaw na lang ang ama ng ipinagbubuntis ko. Pero hindi, e!” Muli na naman siyang humagulhol, niyakap niya ito ng mahigpit at pinakawalan ang nais na kumawala sa kan’yang mata.
“I’m serious here, Darlene. Kung ayaw niyang akuin ang bata, akin na lang. K-kahit ikaw, baby, akin ka na lang din, please?” anitong may halong pakikiusap.
Napaangat siya nang tingin kay Jaylord. “Kung ang isip ko lang, Jay, ang masusunod, sige, ikaw na lang. Pero si Blake ang mahal ko. Patawad. Hindi ako susuko nang ganun-gano’n lang. Gusto kong bumalik sa akin si Blake. Matutulungan mo ba ako, Jay?”
Matagal na hindi nakaimik si Jaylord. Ngumiti ito sa kan’ya kapagkuwan pero hindi na gano’n kaganda ang ngiti nito, mas lamang kasi ang lungkot. Parang hindi siya sanay na gano’n ito ka-seryoso.
“Matutulungan kita, Darlene. Pero sa isang kondisyon.” Napakunot siya ng noo dito.
“A-anong kondisyon?”
“Magpapakasal ka sa akin kapag hindi ka nagtagumpay na mapabalik si Blake sa buhay mo. You will be mine, and so will your child.”
“J-Jay…” tanging nasambit niya matapos marinig ang sinabi nito.