“OH, Jay… ” anas niya nang simulan nitong isubo ang kaliwang bahagi ng dibdib niya.
Tumingin pa ito sa kan’ya nang laruin nito iyon habang ang isa ay malayang humahaplos sa kabilang bundok niya. Pinipisil din nito na may kasamang gigil.
Napalabi siya kapagkuwan. Init ang hatid ng dila at hininga nito sa buong katawan niya. Para siyang sinisilaban nang mga oras iyon dahil sa pinapalasap nito sa kan’ya.
Napaliyad siya nang bumaba ang halik nito sa puson niya. Underwear na lang ang natitirang saplot niya. Pinaulanan pa nito ng halik ang bahaging iyon pagkuwa'y dinilaan naman.
Napasabunot siya sa buhok nito nang bumaba pa lalo ito sa pagitan ng hita niya. Nakagat niya ang labi niya nang paulanan ng halik nito ang gitnang bahagi niya. Kaysarap nitong tingnan habang pinanggigilan nito iyon.
Bahagya niyang iniangat ang pang-upo para mahubad nito ang huling saplot niya.
Napuno lalo nang pagnanasa ang mga mata nito nang tuluyan nang masilayan nito ang kan’ya.
"Sh*t! Basa na, baby," anito at tumingin sa kan'ya.
Kakaiba ang kislap ng mga mata nito. Sinabayan kasi ng paghaplos at pagpikit nito, na nakakadala.
Kagat ang labi na tumango siya dito nang magmulat ito. Ngumiti ito bago nito sinunggaban ang labi niya, at saglit ding naghinang iyon.
Kumunot ang noo niya nang hulihin nito ang kamay niya at itinapat sa bumubukol nitong pantalon. Gusto pala nitong maipadama kung ano na ang nangyayari sa loob ng pantalon nito.
"You're making me hornier, Darlene. Ikaw lang ang nakakagawa nito. Simple gesture nga lang malakas na ang epekto mo sa akin,"
"J-Jaylord." Pakiramdam niya namula ang pisngi niya sa ginawa nito pero lamang ang pagnanasa niyang makita ang nasa loob niyon. Dama niya ang paninigas niyon at ang panaka-nakang paggalaw.
Mabilis na tinanggal niya ang sinturon nito. Hinayaan lang siya nito hanggang sa kumawala ang naghuhumindig nitong kaibigan sa boxer brief nito.
"God!" bulalas niya kapagkuwan. Sa laking tao ba naman ni Jaylord, expect na niyang malaki din ang alaga nito. Pero hindi niya akalaing higit pa sa inaakala niya.
Nakangiti ito nang mag-angat siya nang tingin. Hindi na siya nito pinagsalita dahil sinakop na kaagad nito ang labi niya nang mapusok.
Napaungol siya sa loob nito nang maramdaman ang paglaro nito sa hiyas niya. Panay din ang tudyo kaya para siyang high dahil sa sobrang sarap na pakiramdam.
Gusto niya din iyon paligayahin kaya hinuli niya ang kahabaan nito at sinimulang himasin. Taas baba ang kamay niya sa pagpapaligaya dito.
"Good, God! Ohhh," ungol nito nang humiwalay ang labi nito sa kan’ya. Bumaba ang tingin nito sa ginagawa niya.
Lalo nitong pinagbuti ang pagdama sa kabasaan niya din kaya parehas silang napapalakas ng ungol.
Pakiramdam niya malapit na siyang labasan kaya tinutok niya sa sarili ang kahabaan nito. Nahulaan nito kaya hinugot nito ang daliri at hinawakan ang nag-uumigting nitong kaibigan saka tinutok sa bukana niya.
Sabay silang napa-ungol nang malakas nang bigla nitong ipasok ang sarili nito sa kan'ya.
Hapdi ang nararamdaman niya nang mga sandaling iyon pero naroon pa rin ang sarap.
"Jaylord, ohh!" Kumapit siya sa braso nito nang magsimulang umulos ito. Kiliti na ang nararamdaman niya, hindi na kirot. Unti-unting nasasanay na kasi ang loob niya sa kahabaan nito. Pakiramdam niya kasi birhen pa siya. Ang totoo niyan, malaki kasi talaga ang alaga nito.
"Damn, baby! Hindi ko kayang pigilan ang sarili ko. I want you so badly. Do you mind if I f**k you hard?" tanong nito na ikinatango naman niya.
Ewan niya sa sarili niya. Wala na siya sa hustong pag-iisip.
Hinalikan siya nito ng mabilis sa labi saka nito pinagpatuloy at binilisan nito ang pag-ulos sa loob niya.
Saglit silang natigilan nang makita ang nakasalang na kumukulo na. Para sana sa tea iyon na nakahanda na. Nagtawanan pa sila nang magkatinginan.
Dahil siya ang malapit sa saksakan, siya na ang humugot ng nakasaksak na heater. Wala yatang pang-brew ito ng tea. Magarang coffee maker lang ang nakikita niya dito.
Hindi niya maiwasang umungol mayamaya nang malakas dahil sa pagbilis nang bayo nito. Sinasagad din nito kaya para siyang kakapusin nang hininga.
Napasinghap siya nang pangkuin siya nito at sinandal sa pader saka inangkin nang nakatayo.
Salpukan nang pag-iisang katawan nila ang tanging naririnig sa malawak na komedor nito– na sinasabayan din ng malalakas nilang ungol na parang mga hayok.
Hindi niya ini-expect na ganoon lang kadali kay Jaylord na angkinin siya ng patayo.
Mukhang mali yata ang pag-alok niya kay Jaylord ng sarili, ilang posisyon lang naman ang nasubukan nila sa apat na sulok ng komedor na iyon bago ito tuluyang nilabasan.
"Grabe ang stamina mo Jay!" nanghihinang yakap niya dito. Nasa malawak na mesa sila nang mga sandaling iyon. Mahigpit din ang yakap nito sa kan’ya habang natatawa. Panaka-naka din ang pisil nito sa hita niya.
"Kaya nga winarningan kita, dahil hindi ko alam kung paano kontrolin ang sarili ko pagdating sa s*x. I have a good stamina sa tingin ko, kaya 'wag mo ako inaakit," anito at pinisil ang ilong niya na ikinaingos niya dito. "How was my performance, anyway?" tanong nito na ikinatawa niya.
Bumitiw siya dito ng pagkakayakap. "I’m satisfied. Very much. Pero nakakapagod," aniya at muling isinandal ang ulo sa dibdib nito.
Ngayon lang siya napagod ng sobra pagdating sa s*x, kay Jaylord pa, na estranghero pa rin para sa kan’ya. Alam niyang wala lang itong nangyari sa kanila. Bukas o sa makalawa baka makalimutan na niya ito, kahit ito rin. Kaya sasamantalahin na niya. Bukas, babalik na sila sa totoong mundo nila. Kagaya niya, babalik siya kay Blake. Pero nag-enjoy siya ngayon, kung siya ang tatanungin.
Naramdaman niya ang paghaplos nito sa hubad na likuran niya. Inaamin niyang sa lahat ng estranghero, kay Jaylord lang siya komportable, lalo na sa yakap nito.
Siguro, masarap maging nobyo ito. Sayang lang at may sariling buhay na siya. Alam niyang mali ang nangyaring ito, pero anong magagawa niya kung nagustuhan niya?
"Pang-ilan na ako sa mga babaeng dinala mo dito?" tanong niya dito kapagkuwan.
Tumitig ito sa kan’ya saglit. "Maniniwala ka ba kapag sinabi kong ikaw pa lang?"
Napaangat ulit siya nang tingin dito.
"Talaga?" Pinakatitigan niya ito. Mukha namang seryoso. "Pero nakailang girlfriend ka na?"
"Wala pa."
"'Wag mo nga akong pinagloloko, Jaylord! Sa guwapo mong 'yan, wala pa?" Well, totoo naman. Guwapo naman talaga ito. Masarap pa. Kaso may edad lang.
"Palit na lang kaya tayo, baby. Ako ang magtanong tapos ikaw ang sasagot para sa akin. Tingin mo? Ayaw mong maniwala, eh."
Kinurot niya ito sa tagiliran dahil sa biro nito. Tumawa lang ito at kinabig siya. Pero hindi niya maiwasang mapangiti sa endearment na ginamit nito.
‘Bakit baby? Kasi mas bata siya ng ilang taon dito?’
"Seryoso ako, Jaylord. Pang-ilan ako? Gusto ko lang malaman."
"Seryoso din ako. Mamatay man mga langaw," natatawang sabi nito.
"Jaylord!" Pinanlakihan niya ito ng mata.
"Darlene!" anito na panggagaya sa boses niya. Pero sumeryoso din ito kapagkuwan. "I'm serious, okay? Wala pa akong dinalang babae dito. No girlfriend din since birth. But, someone took my virginity when I was in Italy four years ago. Okay na?"
Napatitig siya dito sabay kunot ng noo. "Sa Italy?"
"Yeah. Actually, parehas kaming inosente that time." Titig na titig na sabi nito sa kan'ya.
"Wow. Ibig sabihin, 33 ka nakatikim?" amazed na paninigurado niya rito.
Masuyo itong tumango sa tanong niya.
Bihira siyang maka i-encounter ng ganitong lalaki. 'Yong iba, bata pa lang may karanasan na. Pero ito, pinaabot pa ng 33 bago tumikim nang lutong langit.
"So, anong ginagawa mo kapag nakakaramdam ka ng- you know?"
Bigla itong natawa sa tanong niya.
"Nagsasarili," anito at parang proud pa.
"Oh. Hindi ka kumukuha ng babae?”
Umiling ito.
“So, parang ako ang pangalawa mo?"
"Parang gano'n,"
Napaawang siya ng labi sa sagot nito. Walang halong biro, seryoso ito. Nababasa niya iyon sa mga mata nito.
"Eh, bakit parang pro ka na? Nakakabaliw ang ginawa natin, alam mo ba 'yon?" Siya na nga lang ang sumusuko, e.
"Paano mo nasabing pro? Hindi ko alam ang sinasabi mo. Pero ang masasabi ko lang, dahil sa tawag nang laman,"
"Sabi mo, e. Okay lang ba kung magtatanong ako?" aniya mayamaya dito.
Saglit na natigilan ito pero tumango din naman.
"Nasaan na siya? I mean 'yong babaeng naka-una sa'yo," natawa siya sa termino niya.
"I don't know." Nag-kibit-balikat ito kapagkuwan. Kita niya ang pagguhit nang lungkot sa mukha nito. "Baka may iba na rin,"
"Sabagay, matagal na rin, ano?" Ngumiti ito at hinaplos ang mukha niya.
"Let's clean up together." Tumango siya dito kaya pinangko siya nito. Nakakapit lang siya sa leeg nito habang pangko.
Wala itong pakialam kahit na parehas silang walang saplot nang lumabas sa komedor. Mukhang sila lang ang tao sa malaking bahay na ito.
Umakyat sila at tinungo ang silid nito.
Masuyo siya nitong ibinaba pagdating sa banyo. Hindi niya mapigilan ang sariling mamangha sa disenyo ng banyo. Mayaman naman kasi talaga si Jaylord.
Napatingin siya dito nang isara nito ang pintuan ng banyo. Napalunok siya mayamaya.
‘Sasabay ito sa kan'ya?’
"Sasabay ka?"
"Yes. Bawal ba?"
Parang tanga lang ang tanong niya. Nag-angkinan na nga sila kanina, magpapakipot pa siya.
"H-hindi naman," aniya at humarap na sa dutsa.
Binuksan niya din iyon at binasa ang sarili pagkuwa'y nagsabon.
Napasinghap siya nang yumakap si Jaylord sa kan'ya. Ramdam niya sa likurang bahagi niya ang pagkalal*ki nito. Naging malikot din ang kamay nito mayamaya. Binubuhay na naman nito ang pagnanasa niya. Gumapang ang kamay nito pababa, kaya hinarap niya ito. Binigay niya dito ang hawak na body wash na sabon.
Nahulaan kaagad nito ang gusto niya kaya kinuha nito iyon.
Ilang sandali lang ay muling napuno ang magarang banyo ng kanilang halinghing, na umabot pa sa malambot na kama.
Nagising siya kinabukasan na parang hinahalukay ang sikmura niya. Naduduwal din siya.
Kahit na masakit ang buong katawan at kaselanan ay bumangon siya para i-release ang nais na kumawala sa bunganga niya.
Pagdating sa pintuan ng banyo ay inilang hakbang niya ang papuntang sink. Hinawi niya ang buhok para maisuka na niya ang kanina pa gustong lumabas. Hindi niya mabilang kung gaano na siya katagal doon. Ang nakakainis kasi halos tubig ang sinusuka niya.
Napabaling siya sa kaliwa niya nang maramdamang may humahagod sa likuran niya. Nag-aalalang mukha ni Jaylord ang nabalingan niya.
Mayamaya ay nagmumog siya at nilingon ulit ito. Sapo niya ang ulo din dahil nakaramdam siya ng pagkahilo.
"May nakain ka yatang hindi maganda kagabi,"
Nagkibit balikat lang siya. "Nahihilo rin ako, Jay," nanghihinag sabi niya nang kumapit sa kamay nito.
“Nasusuka ka pa ba?” tanong nito. Umiling siya bilang sagot na napapapikit dahil sa hilo.
Mayamaya ay naramdaman niya ang pag-angat niya sa ere. Pinangko siya nito at masuyong pinahiga sa kama.
Sinundan niya ito ng tingin nang kinuha nito ang telepono nito. Mukhang doktor ang tinatawagan nito. Maaga pa kaya, alas-sais pa lang ng umaga.
Sabi na nga ba, doktor ang tinawagan nito, at papunta na daw ayon dito.
Mayamaya ay nagpaalam ito na baba para magluto lang ng soup. Nahiga na lang siya habang hinihintay ang doktor na sinasabi nito.
Napasapo siya ulo bigla nang may naalala. Bigla siyang kinabahan.