ILANG beses na tumingin si Darlene sa telepono niya. Bukas na ang check up niya pero wala pa rin si Blake. Sabi nito, dito ito matutulog sa condo, pero pasado alas diyes na, wala pa rin ito. Kaya naman tinawagan niya ito. Nanlumo lang siya nang sabihin nitong uuwi ito sa apartment nito.
May kinuha itong bahay pero hindi pa niya alam kung saan iyon. Wala siyang oras sundan ito dahil sa ipinagbubuntis niya.
Tamad na tamad siyang sundan si Blake para alamin ang mga pinaggagawa nito, talagang ayaw makisama ng katawan niya. Pero malakas ang pakiramdam niya na kaya ito kumuha ng bahay para malaya itong puntahan lagi sa apartment si Kendra.
Simula nang sabihin niyang buntis siya, kakaiba na ang mga ikinikilos nito. Lalo lang siyang naguguluhan. Wala pa itong sinasabi sa kan’ya kung aakuin nito ang anak niya o hindi.
Nakatulog na lang siya kakahintay kay Blake, nagising siya umaga na.
Pagmulat niya, nasa loob na ng silid na inuukupa nila si Blake, nakatunghay ito sa kan’ya.
“Umorder ako ng pagkain, ihahanda ko lang.” Tumayo ito at tinungo ang pintuan pagkuwa’y lumabas.
Gan’yan ka-lamig si Blake sa kan’ya ngayon, at nasasaktan siya sa pinapakita nito.
Naligo muna siya bago iginiya ang sarili bago lumabas ng kuwarto. Nadatnan niya si Blake na nasa sofa.
“Hindi ka ba kakain?” aniya.
“Kumain na ako pag-alis,” mahinang sabi nito.
“Gano’n ba. Sige.”
Malungkot na iginiya niya ang sarili at kumain ng almusal nang mag-isa.
Hindi niya maiwasang ikompara si Blake ngayon noong normal pa ang relasyon nila. ‘Yong wala pang Kendra at wala pang bata sa sinapupunan niya. Masaya sila kahit papaano. Kahit abala siya, wala itong sawang maghintay kung kailan siya libre. Basta ang daming pinagbago nito at nagbago lang iyon nang bumalik ito ng Pilipinas.
“After lunch ang schedule natin sa CMC, kaya magpahinga ka muna kung gusto mo.” Tumingin siya kay Blake na kakapasok lang sa komedor.
“Salamat, Blake.”
“Ginagawa ko ito para sa bata, Darlene.” Nagpakawala ito ng malalim na buntong hininga. Parang nahihirapan ito sa kalagayan nito. “Let’s start over again.”
Napaawang siya ng labi sa narinig. ‘Totoo ba ang narinig niya mula kay Blake?’
“T-talaga, B-Blake?”
“Y-yes.”
“So, dito ka na ulit uuwi?” Hindi maikakaila sa boses niya ang saya nang mga sandaling iyon.
Tumango ito sa kan’ya kaya napatayo siya, at niyakap ito nang mahigpit.
Tama lang pala ang pang-reject niya kay Jaylord, sa alok nito kapalit nang tulong nito. Ngayon niya lang napagtanto na hindi naman pala niya kailangan ng tulong nito.
Matagal-tagal na rin mula nang huli silang magkita ni Jaylord, at may huli siyang mensahe dito, na puputulin na niya ang koneksyon dito. Binura na nga niya ang numero nito. Nalulungkot siya sa desisyon niya, pero ‘yon ang tingin niyang tama. Gusto na niyang mag-pokus sa anak at kay Blake. Kaya naging normal sila nitong mga nakaraan ng nobyo. Pinipilit ni Blake na ibalik sa dati ang samahan nila, at na-appreciate niya nang sobra. Handa rin niyang kalimutan ang lahat bumalik lang ito.
Hindi napalis ang tuwang nadarama nang araw na iyon. Lalo na nang magpatingin sila sa pinsan nitong si Nikki. Isang OB-Gyne ito sa Chavez Medical Center at ito ang kasalukuyang doktor niya.
Tumingin siya sa nobyo niya na masuyong nakikinig sa pinsan nitong si Nikki. Ang daming tanong nito gaya lang ng kung paano ba mag-alaga ng buntis. Maselan kasi ang ipinagbubuntis niya kaya gusto nitong maging hands on sa kan’ya. Maaga itong uuwi para ipagluto siya. Ginagawa nito ang mga sinuggest ni Nikki kaya nakakatuwa.
“May gusto ka bang ipabili?” masuyong tanong ni Blake pagkatapos nilang kumain.
“Hon, naman, kakakain ko lang kaya. Pero sige, mag-iisip ako ng bibilhin mo bukas pag-uwi.”
“Okay.” Humarap ito sa laptop nito kapagkuwan. “Ah, nga pala, nagyaya si Ezekiel bukas sa condo niya. Okay lang ba sa ‘yo na lumabas, kahit gabi na? Pero kung makakasama sa ‘yo, hon, ‘wag na tayong pumunta.”
“Pupunta tayo, hon. Bihira lang naman ito. And besides, hindi ko pa sila nakakasama simula nang umuwi ako.”
“Alright. Pupunta tayo, kaya magpahinga ka bukas maghapon.”
“I will, hon.” Natigilan siya nang may naalala. “Mukhang alam ko na ang ice-celebrate ni Ezekiel. I saw Athena's post. Are they back together?”
“Um, yeah, just like us,” mahinang sambit nito. Bahagya siyang ngumiti. Alam niya ang ibig sabihin nito.
SAMANTALA…
“Sigurado ka ba, boss, na itigil na ang pagsubaybay kay Ma'am Darlene?”
“Yes. Pumunta ka sa AO and tell them I sent you,” walang buhay niyang sambit.
"Yes, boss." Mabilis na tumalikod ito at iginiya ang sarili sa palabas ng library niya.
Tumingin siya sa numero ni Darlene at hirap ang kaloobang binura iyon.
Now is the time to let her go. Ginawa na niya ang lahat, pero mukhang hindi sila para sa isa’t-isa. Mukhang masaya na si Darlene kasama si Blake, gayon din ang huli. ‘Yon ang nakita niya nang papalabas ang mga ito ng ospital.
Pero hindi niya maiwasang magalit nang mga sandaling iyon. Darlene rejected his offer. At hindi lang ‘yon, gusto na nitong mawala siya sa buhay nito nang ganun-ganon lang. Pagkatapos nang mga pinagsaluhan nila? Mahirap sa side niya dahil mahal niya ang dalaga. Kung alam lang nito ang sakit na idinudulot nito sa kan’ya araw-araw habang bukambibig si Blake, lalo na kapag pinapamukha nitong ang nobyo nito ang mahal.
Napakuyom siya ng kamao.
Ilang taon niyang ibinuro ang sarili kay Darlene. Ang dami niyang sinayang na oras sa dalaga, tapos wala naman siyang napala. Tama naman si Sixto kanina, he deserves to be happy. At sa tingin niya, oras na para ibaling niya ang tingin sa iba. Isa pa, kailangan na din niyang mag-focus sa paghahanap sa nawawalang kapatid.
Napatitig siya sa flyers na hawak kanina ni Sixto. Flyers iyon ng club na tinutukoy nitong puwede niyang puntahan– kung gusto niyang maglibang. Matagal siyang napatitig doon.
Namalayan na lang ni Jaylord ang sarili niya sa club. Hindi siya pamilyar sa lugar na iyon. Naging sunod-sunuran lang siya sa babaeng nag-assist sa kan’ya.
“You choose, sir.” May itinuro itong malaking monitor
He paid for a VIP membership kaya nasa isang room lang siya kasama ang babaeng sa tingin niya ay may mataas na posisyon sa club na kinaroroonan niya.
Sa pamamagitan ng monitor na naroon sa silid na iyon, makakapili na siya kahit hindi na lumabas.
Iginala niya ang tingin sa buong silid. May isang pribadong silid pa pala para sa kanila kung sakali.
Pinakatitigan niya ang isang babaeng na nakatayo sa may mataas at bilog na mesa. Wala itong kasama na lalaki nang mga sandaling iyon, hindi kagaya ng iba na meron.
Tahimik at mukhang malalim ang iniisip habang humihithit ng sigarilyo. Maganda, makinis at balingkinitan ang katawan nito. Kasing-katawan ito ni Darl– ‘Oh, f*ck!’ Hindi na niya naiwasang mapamura sa isipan. Pumunta siya dito para maglibang hindi ang isipan ang babaeng hindi naman siya gusto.
“I like her,” aniya sa babaeng naghihintay sa sagot niya. Masuyo lang itong nakatayo sa gilid niya.
Ayon naman sa babae, mga malilinis ang mga alaga ng mga ito, kaya safe naman daw. Sinabi din iyon ni Sixto sa kan’ya.
Ngumiti nang matamis ang babae sa kan’ya. “Sir, we'll have her here shortly.”
“Thank you, miss.” Tumango ang babae sa kan’ya bago lumabas.
Pagkalabas ng babae ay sumandal siya sa kinaaupuang malambot na sofa.
At ilang sandali nga lang ay may narinig na siyang yabag sa labas. Pero napakunot siya ng noo nang marinig ang dalawang babaeng nagtatalo sa labas. Wala sa sariling tumayo siya at lumapit sa pintuan.
“Hindi mo naman ito kailangang gawin, Grace. I can provide you with everything you need. J-just stop this…”
“Tama na, Vida. Nakapagdesisyon na ako. Buhay ko ‘to, at ginusto kong pumasok dito. Bumalik ka na sa customer mo, may naghihintay na sa akin sa loob.”
Hawak niya ang seradura nang bigla na lang iyong bumukas. Nagkagulatan pa sila ng babaeng pinili niyang makasama ngayon gabi.
“H-hi,” alangang sabi niya.
Napatitig siya sa babaeng maganda rin na nasa likuran nito. Nang mapansin nitong nakatitig siya ay umangat ang kilay nito, tumingin ito sa babaeng kakapasok lang ng room na iyon.
“Ikaw po ba ang makakasama ko ngayon?” Napatingin siya sa babaeng pinili niya.
Wala sa sariling napatango siya sa kaharap. Mas bata pala ito sa malapitan. Parang nakonsensya siyang patuluyin ito.
“G-Grace,” tawag ng babae sa likuran nito.
Nilingon ng kaharap ang babaeng nasa likuran nito. “Bumalik ka na, Vida. Mag-usap na lang tayo mamaya pagkatapos.” ‘Yon lang at isinara na nito ang pintuan.
Magsasalita sana siya nang biglang iniyakap ni Grace ang sarili sa kan’ya. Napamura siya sa isip nang maramdaman ang dibdib nito na sadyang idiniin sa kan’ya. Kasabay niyon ang pag-lock nito ng pintuan.
Hindi siya nakapagpigil, tinugon niya nang mapusok ang halik nito, at iyon naman talaga ang pakay niya dito.
Dinig niya ang pagdaing nito nang isandal niya ito sa pintuan. Awtomatikong yumakap ang mga binti nito sa kan’ya nang pangkuin niya. Dinala niya ito sa silid na naroon at mabilis na tinanggal ang damit nitong hapit sa katawan nito.
Isang malakas na ungol ang pinakawalan nito nang isubo niya ang dunggot nitong nandedemonyo sa kan’ya kanina pagkapasok pa lang.
Akmang isusubo niya ang kabilang dibdib nito nang pigilan siya nito.
“M-may condom ka ba?” Napatitig siya sa mukha nito. Mukhang sigurista din. “Ang hot mo, pero baka makalimot tayo, Sir.”
May hinugot siya sa bulsa at inilabas ang pitaka saka kinuha ang gusto nitong makita. “Okay na ba ‘to?”
Sunod-sunod ang paglunok nito nang ipakita niya ang apat na pakete ng condom.
“Wow,” sambit nito kapagkuwan.
Hindi na siya sumagot. Pinatong niya iyon sa mesang naroon.
Napakagat ito ng labi nang tingnan niya kaya sinunggaban niya agad ang labi nito. Kasabay niyon ang paglamas niya sa bundok nitong pinagpala.
Hindi pa man siya tapos sa dibdib nito nang pigilan siya nito. Napatitig siya dito. Unti-unting napapalitan ng mukha ni Darlene ang mukha nito kaya nawala na siya sa huwisyo.
Sinalubong niya ulit ang halik nitong mapupusok. Pero ang hindi niya inaasahan ng mga sandaling iyon, tinulak siya nito pahiga at ito ang umibabaw sa kan’ya.
“Oh, f*ck!” mura niya nang makita ang mukha ni Darlene.
Dahan-dahan nitong binubuksan ang zipper ng pantalon niya. Ito na rin ang naghubad kaya habol ni Jaylord ang hininga. Hindi niya inaalis ang tingin dito dahil baka mawala si Darlene sa paningin niya. Talagang na-miss niya ang dalaga.
“Darlene, stop!” biglang pigil niya nang makitang isusubo ni Grace ang naghuhumindig niyang pagkalal*ki.
Tumigil naman ito. “Palalampasin ko ang pagtawag mo ng Darlene sa akin, sir. Pero sana sa susunod, Grace na ang sambitin mo,” malanding sabi nito.
Natigilan siya sa sinabi nito. Saka lang remehistro ulit ang mukha ng babaeng kasama niya ngayon. “G-Grace.” Umiling-iling pa siya. “I’m sorry.”
“Good, sir. It’s Grace,” anito sabay taas-baba ng kamay nito sa kahabaan niya na ikinapikit niya.
“F*ck!” ungol niya. Pero lumakas pa iyon nang maramdaman ang hininga nito habang inilalapit sa bibig nito ang naninigas at maugat niyang kahabaan. Pumikit pa siya nang tuluyan nang isubo ng maiinit na bibig nito.
Naitukod niya ang magkabilaang siko para panoorin ang ginagawa nito sa baba niya. Hinawi niya ang mahabang buhok nito para hindi magtakip sa mukha nito.
“Oh, God, Grace,” ungol niya pero si Darlene ang nasa isip.
Lalo lang siyang nabaliw sa pagpapaligaya nito gamit ang bibig at dila. Hindi nga niya napigilang bayuhin nang sagad ang bibig nito, kaya muntik na itong mabilaukan.
Hindi niya alam kung ilang minuto siyang pinaligaya ni Grace. Basta namalayan na lang niya ang sariling bumabayo na dito ng mabilis, sagad hanggang sa siya’y labasan.
Hinihingal na napahiga siya sa tabi ni Grace. Napatingin siya sa pagkalal*ki niyang puno ng pinaghalong katas nila ni Grace.
Kapwa sila nakatitig sa kisame ni Grace. Walang may gustong magsalita. Pero sa loob-loob niya, humihingi siya ng tawad dito. Natapos lang naman ang pagtatalik nila na si Darlene ang nasa isipan niya, na dapat ay si Grace. Hindi ito kasalanan kay Darlene dahil wala namang sila. Lalaki lang siya. At binuhay ni Darlene ang matinding pagnanasa niya, kaya hindi na niya napigilan ang sarili. Pero inaamin niyang mas hinahanap ng katawang lupa niya ang dalaga.
“I’m sorry,” aniya.
“Okay lang. Inisip ko na lang na ako si Darlene. Kahit ano kasing pigil mo, pangalan niya pa rin ang binabanggit mo.”
Napahawak siya sa noo. Hindi niya matandaan kung kailan niya naisatinig ulit ang pangalan ng dalaga, pero sa isipan niya, oo, lalo na sa tuwing bumabayo siya dito.
Tumayo siya at tinanggal ang panghuling condom na ginamit.
“Pero nag-enjoy naman ako. Salamat.”
“Welcome,” wala sa sariling sambit niya.
Naupo ito. “Grace nga pala. Okay lang ba, sir, kung p’wedeng malaman ang pangalan mo?”
“J-Jaylord.”
“Nice name. Pakiramdam ko, Diyos na bumaba sa lupa. Kailan nga pala ang balik mo?”
“I-I don’t know.” Pero kumuha siya ng calling card at ibinigay dito. “Tawagan mo ako dito.” Kaagad na kinuha nito ang calling card.
“Salamat.”
“Numero ng assistant ko ‘yan, sabihin mo lang ang pangalan mo para mai-forward niya sa akin.” Isinuot na niya ang damit kapagkuwan.
Bago siya tumalikod, nag-iwan siyang tip para dito. Pero hindi pa siya nakakalabas nang pigilan siya nito.
“Pauwi na ako, Sir Jaylord. Okay lang ba kung p’wede akong makisabay?”
Nilingon niya ito. "May dadaanan pa ako nearby. I don't think maihahatid kita."
"It's okay, Jay." Napatitig siya nang marinig ang tawag nito sa kan'ya. Hindi siya sanay na iba ang tumatawag niyon sa kan’ya.
It's Darlene again!
"F*ck!" biglang sambit niya na ikinatigil nito.
"I'm sorry, Sir. Akala ko kasi—"
Nag-alala siya bigla dahil sa naging reaksyon nito. "It isn't you that I am cursing.”
Nakahinga naman ito nang maluwag. Ngumiti din ito sa kan’ya nang matamis.
“Akala ko ako, Sir,” anito.
“Hihintayin kita sa parking lot," ani na lang niya ay tumalikod na dito.