KAGAYA nang napag usapan ni Darlene at Blake, pumunta sila sa condo ni Ezekiel. Pero hindi niya inaasahan ang makasalubong si Kendra sa elevator. Mukhang bothered at halata ang inis base sa nakikita niya. Pero lalo lang nadagdagan nang nagkatinginan ito at si Blake. Hindi talaga maikakaila ang kakaibang tingin dito ni Blake.
Akala siguro ng nobyo, hindi niya mapapansin ang pananahimik nito after nitong nakita si Kendra. Ramdam na ramdam niya habang kaharap ang mga kaibigan nito. Kaya nawalan siya nang gana nang mga sumunod na sandali. Nag-excuse na lang siya sa mga magkakaibigan at nakitulog sa isang silid nila Ezekiel. Sinabi niyang biglang sumama ang pakiramdam niya dahil sa ipinagbubuntis, pero ang totoo, dinadamdam niya ang mga inaakto ni Blake nang mga sandaling iyon.
Wala naman siyang ginawa sa silid ni Ezekiel kung hindi ang mag-overthink ng mga bagay-bagay. Nagkunwari siyang tulog nang pumasok si Kent, ginising siya nito para sabihing ihatid siya nito sa condo.
Hindi niya maiwasang mag-isip nang sabihin nitong lalabas ulit ito kasama ang mga kaibigan nito. Malakas ang kutob niya na baka magkita ito at si Kendra. Hindi magbabago nang gano’n na lang si Blake kung hindi nito nakita si Kendra.
Pagkaalis ni Blake ay sumunod siya sa sinabi nitong bar na pag-aari ni Sebastian.
Natigilan siya sa paghakbang papasok nang makita ang babaeng kumakanta sa gitna ng entablado. Kaagad na hinanap ng mga mata niya si Blake.
Napatampal siya sa dibdib nang makita si Blake na masuyong nakatunghay kay Kendra. Never niyang nakita nang gano'n ang binata sa kan'ya noon.
"Ouch!" daing niya nang bigla na lang siyang banggain ng ilang kalalakihang palabas. Tumabi siya para makadaan ang mga ito.
Nang mapansin ang ilang papasok, iginiya niya rin ang sarili pasunod. Sumama siya sa mga ito para hindi mapansin nila Blake at ng mga kaibigan nito. Umupo siya sa pinakatagong lugar ng bar na iyon. Mas pinili niya ang madilim para hindi mapansin nang mga ito.
Umorder siya ng alak pero hindi niya iyon ininom dahil sa ipinagbubuntis niya. Ayaw lang niyang paulit-ulit lapitan ng mga waiters, baka sa kan'ya mabaling ang atensyon ng mga taong naroon.
Hinintay niyang matapos ang performance ni Kendra. Gusto niyang makita kung talagang wala na ngang pakialam si Blake kay Kendra. Kaya ilang oras pa siyang naghintay at pilit na nilalabanan ang antok.
Hindi niya napigilan ang sariling hindi pumikit. Nakaidlip nga siya, hindi niya alam kung ilang sandali, pero bigla siyang nagising nang makarinig nang nahulog na bote ng alak. Kaagad niyang hinanap ang nobyo.
Imbes na si Blake ang nakita niya, natuon ang pansin niya sa isang familiar na bulto ng lalaki, na kasalukuyang papasok sa pintuan ng Spotlight.
'Jay…' anang isang tinig sa isipan niya.
Isang familiar na pakiramdam ang naramdaman niya nang mga sandaling iyon dahil sa presensya nito.
Napapikit siya. Nami-miss niya ang binata, ang hirap itanggi sa sarili. Matagal-tagal na rin mula nang huli silang nagkita.
"Damn you, Jay!" naisatinig niya sabay sandal sa upuan.
Natigilan siya nang maupo ito sa isang bakanteng upuan kasunod ng isang babae. Nakangiti ito habang kausap si Jaylord.
Mayamaya ay inilapit ni Jaylord ang mukha nito sa babae at may ibinulong. Matamis na ngiti naman ang tinugon ng babae.
Nakaramdam siya nanng inis sa nakikita. Saglit na nawala sa isipan niya si Blake, nakatutok na siya sa dalawa. Pakiramdam niya, sinisilaban ang pang-upo niya nang mga sandaling iyon. Gusto niyang lapitan si Jay para tanungin kung sino ang nasa tabi nito pero pinipigilan niya lang ang sarili. Hindi niya p'wedeng baliin ang sinabi niya dito na layuan siya.
‘Pero ano 'tong nararamdaman niya?’
Napatingin siya kay Ezekiel nang tawagin nito si Kendra. Pero hindi lumingon ang dalaga. Patuloy lang ito sa paglakad hanggang sa makalabas. Mukhang iniiwasan din ni Kendra ang mga kaibigan ni Blake.
Saka lang niya napagtanto ang rason kung bakit siya naroon. Umisang sulyap pa siya kay Jaylord. Pero hindi niya akalaing titingin ito sa gawi niya. Kaya naman, nagtama ang kanilang paningin. Kumunot pa ang noo nito bago tumingin kay Blake, na noo’y patayo na rin.
Hinintay niyang makalabas si Blake bago lumapit sa magkakaibigan, nagulat pa ang mga ito.
“Nasaan si Blake?”
“D-Darlene,” ani ni Ezekiel nang makilala siya.
“Kakalabas lang niya. Sandali tatawagin–”
“Thank you, Axel. Ako na lang ang maghahanap sa kan’ya,” putol niya sasasabihin nito. Magkakaibigan talaga ang mga ito.
Tinalikuran niya ang mga ito at mabilis na iginiya ang sarili palabas.
“Darlene, wait!” Si Ezekiel iyon.
Dinig niya ang pagbulungan ni Axel at Ezekiel nang makarating din ang mga ito sa labas.
“Ako na ang maghahanap kay Blake,” prisinta ni Ezekiel.
“Narinig mo naman siguro ang sinabi ko kay Axel, Zeke?”
“Y-yeah,” anito.
“Madilim at baka mahamugan ka,” singit ni Axel.
“I don’t care, Axel. Alam ko ang ginagawa niyo, pinagtatakpan niyo lang siya.” Inilinga niya ang paningin at hinanap si Blake.
Kunot ang noo niya nang makita ang binata na nakatalikod. Napapikit siya nang mapagtantong may kaharap ito at saktong nakikipaghalikan ito kay Kendra.
‘Mga walang hiya!’
“Blake!” sigaw niyang nakapikit. Alam niyang narinig siya nito dahil hindi naman gaano kalayo ang kinaroroonan nito.
Narinig din niya ang boses ni Axel na tinatawag ang binata.
At hindi nga nagtagal ay lumapit si Blake sa kanila at halatang hindi mapakali. Nakailang lingon pa ito sa kinaroroonan ng sasakyan ni Kendra.
“H-hon. Anong ginagawa mo dito? S-sabi ko naman–”
Hinintay niyang tumalikod ang dalawang kaibigan ni Blake bago ito hinarap.
“Sobra ka na, Blake!” hindi na niya naitago ang galit. “Kita mismo ng mga mata ko, Blake, ang ginagawa niyo. Akala ko ba wala na kayo? You’re still into her! Damn it, Blake!”
Nagpakawala ito ng buntong hininga. “Sa condo tayo mag-usap, ‘wag dito. Please? Masyado ng malalim ang gabi. Baka mapano pa si baby.”
“Wow. Si baby. Masarap pakinggan pero alam kong napipilitan ka lang na akuin ang bata dahil sa babaeng ‘yon!”
“Darlene! I said, sa bahay tayo mag-usap, not here.” Hinawakan siya nito sa kamay at iginiya papalapit sa sasakyan nito.
“Bakit? Nahihiya kang marinig ng iba ang ginagawa mo sa akin, Blake? Niloloko mo ako ng harapan.” Tumigil naman ito.
“Shut the f*ck up, Darlene! Alam mong hindi ko sinsadyang mahalin si Kendra. I know mali, pero ito ang nararamdaman ko. Hindi ko kayang labanan, Darlene! Hindi! Ang tanging magagawa ko lang sa ngayon, akuin ang bata, pero ang ibalik ang dating tayo? Mahirap.”
“Blake,” tanging nasabi niya nang mga sandaling iyon.
“Ni minsan rin ba, nakarinig ka sa akin nang mahuli kitang nakipaghalikan sa iba sa Italy? Hindi, Darlene. Kaya kung tutuusin, parehas lang tayong nagloko. Nang ibigay mo rin ang virginity mo sa iba, nagalit ba ako? Hindi rin. Pinili kong manahimik dahil ang sabi mo, dahil ako ang mahal mo. Binalewala ko. Dahil kako hindi naman iyon ang basehan, e. Sa totoo lang din, trabaho lang ang mahal mo, hindi ako. Gusto mo lang akong kasama para ipakita sa iba na may nobyo kang hindi ka iiwan. Dahil ayaw mong matulad sa ina mo. Alam ko diyan sa puso mo, hindi naman talaga gano’n kalalim ang pagmamahal mo sa akin, kaya bakit mo ako pinipigilang mahalin si Kendra?”
Hindi siya nakaimik dahil mga sinabi nito.
Ipinagbukas siya nito ng pintuan ng sasakyan kapagkuwan, at basta na lang siya iniwan. Sumakay siya sa sasakyan nito na hindi kumikibo.
Napaka vocal masyado ni Blake. Hindi man lang nito iniisip na nakakasakit ito. Pero hindi niya ito masisi. Nawala ang p********e niya na hindi niya rin alam kung sino ang lalaking iyon. Tapos ito ngayong ipinagbubuntis niya, hindi rin niya alam kung sino ba talaga ang ama. Kaya ang dami niya ring kasalanan at pagkukulang dito kung tutuusin, bilang nobya. Ang mga kahilingan nito noong nasa Italy pa sila na hindi niya naibibigay. Magkasama nga sila sa bahay pero hindi nito ramdam siya dahil sa sobrang abala niya sa trabaho. Wala siyang ginawa kung hindi ang mag-ensayo araw-araw. Gusto na rin nitong lumagay sila sa tahimik pero tinanggihan niya. Kahit ang pag-uwi nito ng Pilipinas, pinaasa niya talaga ito. Sumang-ayon siya noong una na sasama, pero sa huli, nasaktan niya ito, hindi siya sumama pauwi ng Pilipinas.
Wala silang imikan habang nasa biyahe. Pero pag-akyat nila sa condo nito ay kinausap niya ulit ito.
“I’m really sorry, Blake. Kalimutan natin ang nangyari ngayon. Magsimula ulit tayo. Babawi na ako, pangako,” puno ng sinseridad niyang sabi.
“That’s what I am trying to do, Darlene. Hindi ko lang talaga alam kung paano mapigilan ang sarili ko kapag nasa paligid si Kendra. So please, be patient with me. Ang hirap, e.”
Tumango siya dito. Sa totoo lang din, nahihirapan na din siya sa kalagayan niya. Pilit na isinisiksik niya ang sarili at ang anak dito kay Blake. Eh, sa wala siyang ibang alam na paraan, kung hindi ang ipaako kay Blake ang dinadala. Isa pa, hindi p’wedeng sa iba niya ipaako dahil kamumuhian siya ng ina.
Bago sila natulog ni Blake, nag-usap sila ng maayos. Magsisimula silang muli, iyon ang pasya nila.
ARAW ng Sabado noon, dumaan siya sa boutique para bumili ng maisusuot para sa Martes. Tumawag kasi ang ina at inaanyayahan sila ni Blake na dumalo sa party na inihanda nito. Kakabalik lang nito at iyon talaga ang unang inatupag. Alam niyang ia-announce lang naman nito ang ipinagbubuntis niya sa mga kaibigan nito.
Napangiti siya nang mapansin ang ngiti ng staff na sumalubong sa kan’ya. Sadyang nakakahawa ang malapad at matamis na ngiti nito.
“Good afternoon, ma’am,” bati nito na kaagad niyang tinugon.
Iginiya siya nito nang sabihin niyang maternity dress ang hanap niya.
“Thank you,” baling niya rito.
Nagpaalam muna ito saglit dahil may dumating pa ito na customer. Hindi na niya inabalang tumingin sa bagong pasok na customer, basta pumili lang siya ng maisusuot niya. Hindi na kasi kasya sa kan’ya ang mga dress niya na nasa bahay nila, kaya nagpasya siyang bumili na lang.
Kinuha niya ang isang mahabang skin tone dress, na polka ang disenyo. Papatungan na lang niya siguro ng coat. Kahit ano naman kasi ang suot niya, babagay sa kan’ya kahit na malaki na ang tiyan. Ayaw niya kasi ng mga dark color. Mukhang nag-iba ang taste niya sa pananamit simula nang magbuntis siya.
“Miss, saan ang fitting–” Hindi na niya natuloy ang sasabihin nang malingunan si Jaylord na prenteng nakaupo sa sofang naroon sa loob ng boutique. Halata rin ang pagkabigla nito nang tingnan siya nito.
“This way, ma’am.” Tumingin siya sa staff na nag-assist sa kan’ya kanina.
Ngumiti siya dito at tumango.
Hindi pa man siya nakakahakbang nang makita ang pamilyar na babae. May bitbit itong dress din. Malapad ang ngiti nito nang lapitan si Jaylord.
Nakaramdam siya ng pagbigat ng pakiramdam nang mga sandaling iyon. Parang may bikig ding nakabara sa lalamunan niya.
“Sa tingin mo, Jay, bagay?”
“Yeah. It suits you, honey,” masuyong sabi ni Jaylord sa babaeng kasama nito.
Pero hindi mawala sa isipan niya ang tawag nito sa babae. ‘Bakit parang naiinis siya pakinggan? Ito na ba ang girlfriend nito?’
“Sige. Susukatin ko.”
“I think lalong lilitaw ang ganda mo sa damit na ‘yan,”
“Talaga? Wait, sukatin ko lang.”
Nang marinig ang sinabi nito ay mabilis na iginiya niya ang sarili sa itinuro ng staff na fitting room. Baka maunahan pa siya nito.
Hindi pa man siya nakakarating nang bigla siyang unahan ng babaeng kasama ni Jaylord. Nasagi pa siya nito na muntik na niyang ikatumba. Buti na lang may humawak sa kan’ya.
Napatingin siya sa kayumanggi at medyo maugat na kamay na nasa braso niya. Pamilyar, kaya nag-angat siya ng tingin.
“J-Jay.”
Bumitaw agad ito sa kan’ya at bumalik sa kinauupuan nito. Wala man lang siyang narinig na salita mula dito. Kahit man lang kumustahin siya. Sabagay, sabi niya nga dito, na layuan na siya. At ito na nga, nilayuan siya at itinuring na hindi estanghera. ‘Pero bakit parang nasasaktan siya?’
Kita niya ang pagmamadali ng babae na pumasok sa fitting room. Gusto niya sanang sigawan pero pinigil niya lang ang sarili dahil nando’n si Jaylord.
“Okay lang po kayo, ma’am?” tanong ng staff kapagkuwan.
Inayos niya ang sarili at tumingin sa staff. “Okay lang ako.”
“Maupo po kaya muna kayo doon sa sofa. Tatawagin na lang po kita kapag nakalabas na si ma’am.”
Tumingin siya sa sofa, nagtama muli ang mga mata nila ni Jaylord. Para na silang hindi magkakilala ngayon. Ni hindi man lang ito ngumiti sa kan’ya. Seryoso lang ito habang nakatingin sa kan’ya.
Parang ang bigat sa dibdib kaya napatampal siya doon.
Hindi niya yata kayang makita ang magiging reaksyon o papuri ni Jaylord oras na lumabas ang babaeng kasama nito.
Hindi na ito nakatingin sa kan’ya pero naroon pa rin ang atensyon niya. May isang tinig sa isipan niya ang nagsasabi na nami-miss niya ang boses nito. Ang tawa at lambing nito. ‘Yong paraan ng pagtawag nito sa kan’ya na baby.
‘Damn it, Jay!’
Nagpakawala siya ng buntonghininga mayamaya. Bumaling siya sa staff at sinabing hindi na niya susukatin, babayaran na lang niya. Sa tingin niya, kasya naman sa kan’ya iyon.
Nasa cashier na siya nang lingunin ulit si Jaylord, nakaupo pa rin ito doon at masuyong hinihintay ang babaeng ‘yon.
Sa dinami-dami ng boutique, bakit doon pa dinala ni Jaylord ang babae nito? Wala siyang karapatang mainis, pero ‘yon ang nararamdaman niya nang mga sandaling iyon. Natigilan siya bigla.
‘Hindi kaya gusto na niya talaga si Jaylord?’
Inis na iginiya na lang niya ang sarili pauwi ng condo ni Blake. Balak niya din sanang kumain sa labas, pero nawalan siya nang gana dahil sa pagtatagpong iyon nsng landas nila ni Jaylord.