CHAPTER 10

2642 Words
SIMULA nang araw na iyon, hindi na nawala si Jaylord sa isipan niya. Para siyang tangang pabalik-balik sa telepono niya habang hinihintay ang numero na sinendan ng mensahe. Pilit lang din niyang inalala iyon, at hindi niya alam kung iyon ba talaga ang numero nito. Hindi naman kasi niya kinabisado iyon. Nakuha niya din ang numero na nakita niya sa internet nang hanapin ang pangalan nito, pero hindi naman ito ang sumagot. Wala daw Jaylord doon. Nagmumukha tuloy siyang tanga. Gumamit pa siya ng ibang pangalan. Pero tumigil din siya sa pagtawag dito ilang Kasalukuyan siyang bumibili sa convenience store noon nang mamataan ang pamilyar na lalaki, ang assistant ni Jaylord. Kaagad na hinanap ng mata niya ang binata. Wala ito kaya nagdesisyon siyang lapitan si Sixto. “M-ma’am, kayo ho pala.” Lumunok muna siya ng laway bago nagsalita. “H-hindi mo kasama si J-Jaylord?” tanong niya rito. “Hindi po, ma’am. May binili lang ako dito para sa sarili ko,” “Gano’n ba,” aniyang bahagyang bumagsak ang balikat. Pero nag-angat din siya agad at tumingin dito. “P’wede ba akong makahingi ng numero ni Jaylord?” Napatanga lang si Sixto kaya kaagad niyang binawi. “Sige, ‘wag na lang.” Mabilis na tumalikod siya, kinagat niya rin ang labi dahil sa kahihiyang ginawa. Deperada na siya. “Ma’am!” Napalingon siya nang marinig ang tawag ni Sixto. Lumapit ito sa kan’ya kapagkuwan at may kinapa. Telepono pala nito ang inilabas. Nagtipa ito ng mensahe at ipinadala sa kan’ya. “Hindi tumatanggap ng tawag si boss ngayon, kaya puntahan mo na lang po. Nai-send ko na ang address sa numero mo po.” Nagbaba siya nang tingin at sinipat ang hawak na telepono. Binuksan niya at binasa ang mensahe ni Sixto. Ngumiti siya kay Sixto matapos na basahin ang address. “Thank you so much. Nandoon ba siya?” Tumango ito kaya mabilis na tumalima siya palabas. Hindi niya alam ang dahilan kung bakit siya na-excite nang makita ang address ni Jaylord. Basta masaya siya. Muli siyang napatingin sa telepono niya kung saan naroon ang address nito. Pupuntahan niya ito ngayon din. Napakagat siya ng labi nang makita ang malaking bahay ni Jaylord. Kaagad na bumaba siya pagkadating sa harap ng malaking bahay. Pero hindi niya alam kung makakapasok dahil may guard nga pala. “Nandiyan ba si Jaylord?” tanong niya dito nang lapitan siya nito. “Sino po sila, ma’am?” “D-Darlene, Darlene Dixon.” “Itawag ko lang po muna, ma’am,” anito pagkuwa’y tumingin sa umbok na tiyan niya. Sa tingin niya, naawa ito. Mabuti na lang pala. Bumalik ang guard mayamaya at pinapasok siya. Hindi siya nahirapan dahil siguro sa ipinagbubuntis niya. Hindi mawala ang ngiti sa labi niya nang makapasok sa loob ng malaking bahay ni Jaylord. Nag-angat siya nang tingin bandang silid nito. Baka naroon ito kaya iginiya niya ang sarili sa may hagdanan. Hindi pa man siya nakakahakbang paakyat nang may narinig na boses ng babae, at mukhang kausap nito ang binata. Natigilan siya nang makitang papalabas ng silid si Jaylord at isang babae. Ito ang babaeng kasama noon ng binata sa boutique at bar. So, nagsasama pala ang mga ito sa iisang bubong? Nagbaba siya nang tingin sa kamay ni Jaylord, nakahawak ito sa beywang ng babae habang kinakausap nito. Napaatras siya kapagkuwan at nagbaba nang tingin. Hindi niya alam kung anong gagawin nang mga sandaling iyon. Gusto rin niyang magtago pero hindi niya alam kung saan. Mukhang abala pa ang mga ito sa pag-uusap kaya dali-dali niyang tinungo ang pintuan. Pero hindi siya nakatakas sa paningin ni Jaylord. “Darlene! Ikaw pala ‘yan. Anong ginagawa mo dito?” Akward na napalingon siya dito. Napakunot ng noo ang babae nang makita siya. Marahil naalala siya nito. “Napadaan lang. Kaso kailangan ko na palang umalis, may biglaang lakad ako.” Ngumiti siya sa mga ito at mabilis na iginiya ang sarili palabas. Napasapo siya sa mukha nang maramdamang nag-iinit iyon. Nakakahiya ang pagpunta niya rito. ‘Bakit nga ba nawala sa isipan niyang may ibang babae na ito?’ Umisang lingon pa siya sa malaking bahay na iyon ni Jaylord bago pinasibad nang mabilis ang sasakyan. Naiinis siya nang mga sandaling iyon. Nagagalit din siya dahil sa katangahang nagawa. Napahinto siya sa unahan nang maramdaman ang dibdib na parang sasabog. Wala nang natira sa kan’ya. Si Blake, na napipilitan na lang sa kan’ya dahil sa batang pinapaako niya. Si Jaylord na inalok ang sarili para panagutan siya, na akala niya, makukuha niya ulit ang atensyon nito. Wala na. Huli na ang lahat. Napasigaw siya sa loob ng sasakyan dahil sa halo-halong emosyon. Naiinis na nagagalit siya. Naiinis siya sa sarili dahil pinakawalan niya ang kagaya ni Jaylord na handa sana siyang panagutan. Nagagalit siya sa mundo dahil pakiramdam niya nag-iisa na lang siya ulit. Wala na siyang karamay! Dahil sa nadatnang iyon sa bahay ni Jaylord, hindi rin naging maganda ang mood niya nang mga sumunod na araw. Naging mainitin ang ulo niya. Napatigil siya sa panonood ng palabas nang marinig ang sunod-sunod na pag-doorbell. Hindi naman siguro si Blake dahil maaga itong umalis. Tumayo siya at tinungo ang pintuan. “‘M-Ma,” nauutal niyang wika nang mapagsino ang bisita. “Si Blake ba nand’yan?” Umiling siya sa ina. “Tuloy po,” aniya at nilakihan ang awang. Tumingin ito sa tiyan niya. “Hanggang ngayon, hindi mo pa sinasagot ang tanong ko, Darlene. Bakit hindi pa kayo nagpapakasal ni Blake?” Tumuloy-tuloy itong pasok kapagkuwan. Napahawak siya sa ulo dahil sa sinabi ng ina. “Nasabi ko na sa ‘yong hindi pa namin napapag-usapan ‘yan, ‘Ma. alam mo ang status–” “Alam ko, Darlene! Kaya nga madaliin mo dahil hindi p’wedeng hindi ka ikasal kay Blake bago ka manganak! Pinagbigyan kita na iluwal ‘yan.” Tinuro nito ang tiyan niya. “ Pero hindi ako papayag na sirain mo ang pangarap ko sa ‘yo!” “‘M-Ma…” aniyang hindi alam ang sasabihin. Paano ba niya masasabi sa ina na nag-usap na sila ni Blake na papalayain na niya ang huli? Inamin na niya kay Blake at nag-usap na sila na samahan pa rin siya nito sa mga check-ups niya. Nagpaparaya na siya dahil nakikita naman niyang hindi na masaya sa kan’ya si Blake. Hindi na niya kayang ibalik ang dating Blake na mahal siya. Mahal niya pa naman ang nobyo pero parang may mali. Hindi niya maintindihan ang sarili. Saka wala siyang laban kay Kendra ngayon kung pagbabasehan ang pakikitungo ni Blake nitong huli bago niya ito kinausap nang maayos. Balak niyang magpakalayo-layo na lang pagkatapos niyang manganak. May mga naipon naman siya at sa tingin niya, sapat na para sa kanilang mag-ina. Pero kung bibigyan siya nang pagkakataon, babalik siya sa pagmomodelo, pero parang mahirap na dahil sa kalagayan niya. Walang ama ang anak niya at hindi magandang ehemplo. “Akala niyo ba, hindi ko alam ang tungkol sa babae ni Blake? Magpapatalo ka na lang ba? Ikaw ang nauna sa kan’ya kaya ipaglaban mo siya, Darlene! Wala akong pakialam kung hindi siya ang ama pero gusto ko siya ang pakasalan mo, kaya dapat mawala sa landas niya ang babae niya!” “A-anong gagawin mo kay Kendra, ‘Ma?” aniyang kinakabahan. “Eh ‘di, tanggalin siya sa landas ni Blake. Para makapokus siya sainyo ng magiging anak niyo.” “Ako na ang bahala kay Kendra, please lang, ‘Ma. Buntis din din siya. Ayokong kamuhian din ni Blake oras na malaman niya.” “What? Buntis na ang gagang ‘yon? Hindi p’wede! Madaliin mo ang pag-alis sa kan’ya sa buhay niyo, dahil kung hindi, baka hindi niyo parehas magustuhan ang gagawin ko,” galit na sabi ng ina sabay iwan sa kan’ya. Pero bago ito lumabas ay nagbigay pa ito ng taning sa kan’ya. At kapag hindi niya daw nagawa hanggang next week, ito na ang gagawa para maalis sa landas ni Blake si Kendra. Maghapon siyang pinag-isip ng ina dahil sa huling usapan nila. Hindi niya alam kung kanino hihingi nang tulong. Ayaw man niyang gawin pero mas malala pa sa kan’ya ang ina oras na ito ang kumilos. Namalayan na lang niya ang sariling dinadayal ang numero ni Sixto. Ito lang ang pinagsabihan niya nang problema. At handa raw itong tulungan siya pero kailangan niyang puntahan ito sa bahay ni Jaylord. Ayaw man niyang puntahan dahil baka makita niya ulit si Jay at ang babae nito, napilitan pa rin siya. Sa totoo lang, Isa sa nagpapagulo sa isipan niya si Jaylord. Kaya nga nagdesisyon siyang sabihin na lang din kay Blake ang lahat. Umasa kasi siya noon na aalukin ulit siya ni Jaylord na panagutan nito pero mukhang wala ng pag-asa dahil sa bagong babae nito. “Magandang gabi po. Ahm, p’wede ba kay Sixto? Nandyan ba siya?” tanong niya sa guard nang makarating sa malaking bahay ni Jaylord. Sana lang, wala si Jay, nakakahiya. Baka isipin nito nagpapansin siya. “Pasok ka po, Ma’am Darlene. Nasa loob po si Sixto ng bahay.” “Salamat. S-si Jaylord ba, nand’yan?” “Nand’yan po, Ma’am.” “Oh. P’wede po bang pakitawag na lang si Sixto? Dito ko na lang siya kausapin sa sasakyan ko.” “Nagbilin si Sixto kanina na papasukin kayo, kaya pumasok ka na lang po, Ma’am. Saka baka tulog pa po siguro si Sir.” Lumunok siya bago tumingin sa malaking bahay. “Sige po, pasok na lang ako.” Tumango ang guard kapagkuwan. Pinahatid siya nito sa isang guard hanggang sa pintuan dahil madulas daw ang sasahig, baka daw kasi madulas siya. Umilang katok siya sa pintuan bago iyon bumukas. Si Sixto ang bumungad sa kan’ya na naipagpasalamat niya. “P’wede bang sa sasakyan ko na lang tayo mag-usap?” Ngumiti si Sixto at nilakihan ang awang ng pintuan. “Dito na lang po, Ma’am. Saka hindi ako ang makakatulong sainyo. Si Sir po.” “What? Sinabi mo?” “Opo. Narinig niya kasi ang usapan natin.” “Oh.” Napatingin siya sa taas nang makita ang binata na nakatayo doon. May hawak itong kopita ng alak. Akala pa naman niya tulog pa ito. “Sige, ma’am, maiwan ko muna kayo.” Wala siyang nagawa nga nang iwan siya ni Sixto. Tumuloy na lang siya at naupo sa sala. Mukhang wala ang babae nito kaya nakahinga rin siya nang maluwag. Buti na lang dahil baka anong isipin nito sa kan’ya. Nakatitig lang sa kan’ya si Jaylord nang maupo ito sa harap niya, pero ngumiti din ito sa kan’ya kapagkuwan. “So desperate mapunta lang sa ‘yo si Blake,” Napalunok siya sa sinabi nito. Pero parang gusto niyang sagutin na ginagawa lang niya dahil sa ina. Paghihiwalayin niya si Blake at Kendra pero hindi ibig sabihin na pakakasalan niya si Blake. Napagtanto lang din niya na hindi siya magiging masaya kung pakakasalan niya ang nobyo. Mahal naman niya si Blake, pero hindi na gaya nang dati saka wala nang pagmamahal ito sa kan’ya. Bakit pa niya pipilitin ang sarili? Hindi naman anak ni Blake ang nasa sinapupunan niya, kaya nakapagdesisyon na rin siya. “Pumunta ako dahil sa usapan namin ni Sixto. Kaya sana ‘yon na lang ang pag-usapan natin, ang plano. Pero bago iyon, may kapalit ba?” Napatitig ito sa kan’ya. “Wala,” seryosong sabi nito. Pilit siyang ngumiti. Bakit parang nanghinayang siya? Hindi na ba nito aalukin ang sarili? Baka dahil sa bagong babae nito. Mayamaya may inilabas itong nakabote na maliit. Isang gamot para makatulong para maisagawa ang plano nila. Kapag nainom iyon ni Blake, magdedeliryo ito, at iisipin nito na may nangyari sa kanila. Pero magiging successful lamang kapag naabutan silang dalawa ni Kendra na magkatabi sa iisang kama. Siguradong mag-iisip na ito na may nangyari sa kanila ng huli. Ang pagkakaalam niya ngayon, nagsasama na ito at si Blake sa apartment nito. Kaya iisipin nitong niloloko lang ito ni Blake. At iyon nga ang nangyari nang isagawa niya ang plano. Napaalis niya si Kendra, pero hindi niya akalaing bibigay din siya. Inamin niya kay Blake na sadya ang pagkakapunta ni Kendra sa condo nito at naabutan sila. Kaya nagalit si Blake sa kan’ya. “Okay lang kayo, ma’am?” Napatingin siya kay Sixto na nagmamaneho. Umalis na siya noon sa condo ni Blake dahil nagalit ito sa kan’ya nang todo. Nagsisisi siya pero nagawa na niya dahil sa ina. At sinabi na nga niya sa ina na successful, pero hindi niya sinabing hiniwalayan din siya ni Blake. Hindi niya maaring sabihin dahil paalis ito ng bansa at pabalik ng Italy. Baka biglang hindi nito ituloy ang planong pag-alis oras na malaman na hiwalay na din sila ng nobyo. “Sa hotel tayo, Sixto,” aniya rito. “Ho? Pero inaasahan ka po ni boss sa bahay niya.” Ngumiti siya nang mapakla. “Pakisabi na lang sa kan’ya, salamat. Saka baka nandoon ang girlfriend niya, nakakahiya kung doon din ako tumuloy.” “Wala ho bang sinasabi si boss?” “Sinasabing ano?” “Siya na lang po siguro ang tanungin mo, ma’am.” “Sige. Pero sa pinakamalapit na hotel mo ako dalhin,” aniya. Sa hotel nga siya hinatid ni Sixto. Napangiti siya nang mapakla. Successful nga ang plano pero nalulungkot siya. Kinakamuhian na siya ni Blake. At sa tingin niya masama din ang loob sa kan’ya ni Kendra. Pagal ang katawan niya nang ihiga niya ang sarili sa kama. Kinapa niya ang tiyan niya at kinausap ang anak. Humihingi siya nang matinding pag-intindi dahil lalaki itong walang ama at magiging palaisipan ang katauhan ng ama nito. Kahit siya kasi walang alam kung sino man ang hinayupak na nang-rape sa kan’ya. Sinira lang nito ang buhay niya. Lahat-lahat. Nanginginig sa galit na naupo siya. Uminom din siya ng tubig kapagkuwan. Inilibot niya ang paningin sa loob ng suite niya. Malungkot, pero kapag naalala ang anak, nawawala. Ito na ang simula na mamumuhay na silang dalawa lang. Hindi na rin kasi siya magpaparamdam sa ina. Kailangan, may sarili na rin siyang desisyon, ngayon pang magkakaanak na siya. Kakapikit lang niya nang makarinig nang sunod-sunod na doorbell. Sapo ang tiyan nang bumaba siya at tinungo ang pintuan. Tumingin siya sa maliit na hole kapagkuwan. Napaawang siya nang labi nang makilala ang taong nag-doorbell. “Jay,” aniya nang pagbuksan ito. “Naghintay ako,” seryosong sabi nito. “I’m sorry. Kailangan ko nang–” Hindi na niya naituloy ang sasabihin nang kabigin siya nito sabay siniil ng halik. Napasinghap din siya dahil sa ginawa nito. Hindi siya tumugon kaya tumigil ito. “I-I’m sorry,” anito sabay bitaw sa kan’ya. “A-ayos lang. Ano palang ginagawa mo dito?” “Sabi kasi ni Sixto wala kang matutuluyan ngayon, kaya nandito ako para sunduin ka.” “Huh?” Sinabi na naman ni Sixto? Lahat ba kailangang ipaalam nito sa boss? “Salamat sa lahat, Jay. Pero aalis na ako bukas. Kailangan ko nang magpakalayu-layo.” Nagsalubong ang kilay nito kaya napalunok siya. “Sino nagsabi sa ‘yong papayagan kitang umalis? Sasama ka sa akin ngayon. Sa bahay ka na titira simula ngayon. Kasalanan ko kung bakit wala kang matirhan ngayon, kaya heto, bibigyan kita nang tirahan. Sa bahay ko.” “J-Jay… Sobra na ang naitulong mo sa akin. Ako ang lumapit sainyo kaya ako ang may kasalanan kung bakit ito nangyari sa akin.” “Whatever, Darlene, sasama ka sa akin.” Dere-dereto itong pumasok na at tinungo ang silid niya. Hinila nito ang maleta niya at bag. “Jay, sandali,” pigil niya dito. “C’mon, malapit nang lumalim ang gabi.” Hinawakan nito ang pulsuhan niya at iginiya siya palabas. Wala siyang nagawa kung hindi ang magpaubaya na lang kay Jaylord nang gabing iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD