NAPANGITI si Darlene nang makita ang labas. Nahawi na pala ang kurtinang nakatabing sa glass wall ng silid na tinutuluyan niya dito sa bahay ni Jaylord.
Pakiramdam niya nga, para siyang prinsesa dito. Wala lang katulong pero sapat na si Jay. Kaya nitong gawin ang mga nagagawa ng mga kasambahay kasama na ang ipagluto siya.
Dumeretso siya sa magarang banyo at naligo. Nakakahiyang humarap kasi sa binata na magulo ang sarili tapos walang ligo. Tamad pa naman siyang maligo simula nitong nakaraan dahil sa lamig.
“Good morning,” bati ni Jaylord sa kan’ya nang makita siya.
“G-good morning din,” tugon naman niya dito.
“Let’s eat.” Tumayo si Jaylord at lumapit sa kan’ya. Hinawakan nito ang kamay niya at iginiya siya papunta sa dining area.
Nakatitig lang siya sa likod ng binata hanggang sa makarating sila. Kagabi pa niya iniisip kung nasaan ang girlfriend nito.
‘Hindi kaya magselos ‘yon kapag nalaman nito nan nandito siya?’
“S-salamat,” aniya kay Jaylord nang ipaghila siya nito ng upuan.
Ngumiti lang ito at naupo sa tabi niya.
“Tayo lang kakain?” aniya at luminga. Walang ibang katao-tao sa komedor.
“Yes.”
“I-ikaw ang nagluto?” aniya nang makita ang hapag na puno ng pagkain. Pakiramdam niya tuloy mapaparami din siya ng kain dahil sa mga iniluto nito.
“Yeah.”
Sabagay, sila lang pala ang nandito. ‘Bakit nga ba natanong niya pa gayong alam naman niyang walang ibang tao dito maliban sa kanila?’
“Wow,” aniya.
“Sana magustuhan mo.”
“Mukhang masasarap sila, Jay. Salamat.”
“Basta para sa ‘yo.”
At akmang kukunin niya ang fried rice nang unahan siya nito. Ito na ang naglagay no’n kapagkuwan. Kahit ang ulam ay ito na rin ang naglagay sa plato niya. Kumuha din ito ng maiinom niya, juice lang dahil buntis siya.
Gano’n ang set up nila tuwing umaga kaya natutuwa siya kay Jaylord. Para siyang asawa nito tuloy. Talagang pinagsisilbihan siya nito. Kahit dinner time, maaga itong umuuwi para ipagluto siya.
Kung noong una ay sabi niya na masarap siguro itong maging boyfriend, ngayon naman, ang masasabi niya ay masarap siguro ito maging asawa. Hindi niya nakita iyon kay Blake nang tumira siya kasama ito. Ang laki ng pinagkaiba ng mga ito. Kahit sino siguro papangarapin ang isang Jaylord na makasama sa iisang bahay.
‘Hay, ang swerte nang mapapangasawa ni Jay.’
Hindi rin siya nito hinahayaang gumawa nang gawaing bahay. Tanging tauhan lang nito ang kasama niya minsan sa maghapon kaya hindi niya ramdam na nag-iisa siya. Minsan si Sixto ang kasama niya kaya may kinakausap siya, kagaya ngayon.
“Bakit nga pala hindi na nakatira dito ‘yong girlfriend ng boss mo?”
Natawa si Sixto. “Hindi mo pa pala natatanong si boss, ma’am? Bakit hindi mo kaya tanungin para malaman mo?”
“Hindi pa, e. Nakakahiya. Bakit, hiwalay na ba sila?”
Natawa ulit si Sixto. Tumayo din ito kapagkuwan. “Kailangan ko nang balikan si boss, ma’am. Pasensya na hindi kita masagot. Pero sana matanong mo si boss, parang hinihintay niya rin ang tanong na ‘yan.”
“Gano’n ba. S-sige, subukan ko ngang itanong mamaya.”
Ngumiti si Sixto sa sinabi niya.
“Ingat na lang sa pagmaneho,” bilin niya.
“Thank you, ma’am. Sabihin ko din kay boss na mag-ingat siya,”
“Huh?” aniya.
“Wala, ma’am. Sige po, nandiyan naman si Sandro, tawagin niyo na lang po kapag may kailangan ka.” Tumango siya rito.
Napangiti siya kapagkuwan. Hindi mawala sa isip niya si Jaylord. ‘Ano kaya kung itanong niya talaga dito ang tungkol sa babae nito pagdating nito?’ Sinabi lang niya kasi iyon kay Sixto para na magpumilit.
Sinundan niya nang tingin si Sixto na papunta sa parking lot. Susunduin nito si Jaylord nang ganito kaaga mula sa opisina dahil ipagluluto siya nito ng dinner mamaya. Araw-araw iyon. At lagi na lang siyang excited sa pagdating nito.
Napakapa siya sa dibdib niya kapagkuwan. Lately, kakaiba ang t***k ng puso niya kapag kasama si Jaylord, lalo na kapag katabi ito sa kama niya. Pero hindi sila nagtatabi magdamag, sinasamahan lang siya nito hanggang sa antukin siya. Ang sweet nito para sa kan’ya.
Wala pang kalahating oras nang dumating na ang sasakyan ni Jaylord na minamaneho ni Sixto. Lakad-takbo ang ginawa niya nang salubungin ito.
May dala kasi itong ice cream. Tapos na siya sa paglilihi pero lagi siyang nag-crave ng ice cream. ‘Alam niyang bawal pero anong magagawa niya, e ‘yon ang gusto ng dila niya.’
“I told you not to run! Damn it!” ani ni Jaylord sa kan’ya. Sinalubong at hinapit siya nito para hindi na siya makapalag
“Eh, may ice cream ka, e.” Tumingin siya sa hawak nito.
“Oh, God! Dapat pala hindi ko pinakita.” Tinampal niya ito dahil sa narinig.
“Akin na,” aniya sabay lahad ng kamay. Tinago lang nito kaya napaingos siya.
“Later. Okay? Kumain ka muna ng kanin.” Sabay kurot sa ilong niya.
“Eh, nag-gatas na ako, a, kasi alam kong may dala ka.”
“Hindi p’wede. Kumain ka muna ng dinner bago mo matikman. Let’s go.” Inakay siya nito papasok ng bahay.
Hindi maipinta ang mukha niya nang magbaba ito nang tingin sa kan’ya kaya napakunot ito ng noo.
“Darlene, ‘wag matigas ang ulo. Bawal nga dapat sa ‘yo ang malalamig.”
“Okay. Basta bilisan mo magluto para makakain na ako.” Ngumito ito sa kan’ya.
“Sige. Pero dito ka lang sa tabi ko.”
“Okay.”
Inilagay nito ang ice cream sa ref kapagkuwan. Nagtanggal ito ng coat at isinampay sa upuan.
“What's your day like?”
“Gaya ng dati pa rin. Ahm, pero sa hapon, excited ako sa pag-uwi mo,” aniyang nahihiya.
Napatigil ito sa paghugas ng karne na gagawing steak. “That’s new.” Ngumiti ito. “I like it.”
Siya naman ang napangiti sa sinabi nito.
Ibinalik nito ang tingin sa ginagawa. Siya naman, nakatunghay lang dito. Naupo pa siya sa upuang naroon.
Kakasalang lang nito ng niluto nang tawagin niya.
“Jay,”
“Yes, baby?” Napalabi naman siya sa endearment nito.
‘Kailan ba niya ulit iyon narinig dito?Matagal na kaya.’
“Ahm, ‘yong babaeng kasama mo d-dati dito. Girlfriend mo? Hindi ko kasi siya nakikita mula nang tumira na ako dito.”
Natigilan ito saglit.
“Ah, si Grace?” Tumango siya rito. “She’s nothing.”
“N-nothing. Pero may… nangyayari sainyo?” Lumunok siya nang matigilan ito. Tumitig pa sa kan’ya kaya nailang siya.
“Yeah,” seryosong sagot nito.
Bigla siyang napabuga ng hangin. Napahawak din siya sa dibdib dahil biglang kumirot.
“H-hanggang ngayon?”
Matagal bago ito nagsalita. Binitawan nito ang hawak na tongs at lumapit sa kan’ya.
Napaangat siya nang tingin dito nang makarating ito sa harap niya.
Bahagyang umawang ang labi niya nang ipagpantay nito ang sarili sa kan’ya. Hinawakan nito ang baba niya. Tumingin din ito sa labi niya.
“Mahalaga ba ang isasagot ko sa tanong mo, baby?”
Tumango siya dito.
“Simula nang tumira ka dito, hindi na kami nagkikita. Which means, wala na ring nangyayari sa amin.”
“T-Talaga?”
Napaayos ito ng tayo. “Yes. Pero ikaw, kung maniniwala ka ba, o hindi.”
Wala naman siyang nakitang Grace mula nang lumipat siya dito.
“N–naniniwala naman ako. A-ayoko lang kasi magselos siya sa akin.”
“Wala siyang karapatan kaya ‘wag kang mag-alala.” Pinisil pa nito ang matangos niyang ilong bago bumalik sa ginagawa nito.
Pabaling-baling ito sa kan’ya kapag hindi siya umiimik. Masuyo lang kasi siyang naghihintay kaya gano’n.
Sumapit na ang kainan kaya excited siyang humarap sa mesa. Nag-aayos na ang binata ng plato niya. Mas excited kamo siya sa ice cream.
“What?” aniya kay Jaylord nang mahuli siya nitong tumingin sa ref.
“Walang kakain niyan, baby.” Umiling-iling pa ito.
“Natakam ako bigla. I’m sorry.”
“It’s okay. Ang cute mo nga, e. Pero kumain sa tamang oras. Alright?” Ngumiti siya rito bago sinubo ang steak na hiniwa nito.
“Hmm, ang sarap mo talagang gumawa ng steak, Jay.”
“Thank you.”
“Hayaan mo sa susunod, ako naman magluluto para sa ‘yo.”
“I love that pero ‘wag ngayon.” Nagbaba ito nang tingin sa umbok niyang tiyan.
“Pero p’wede naman akong tulungan ni Sixto o ni Sandro, Jay. Gusto ko talagang ipagluto ka.”
Ilang saglit pa itong tumingin sa kan’ya. “Okay. Bukas, wala akong pasok sa opisina.”
“Talaga?”
“Yes.”
“Thank you, Jay.” Matamis na ngiti ang tinugon sa kan’ya bago kinain ang steak. Uminom din ito ng wine pagkatapos.
NAPANGITI si Jaylord nang makita ang reaksyon ni Darlene habang kumakain ng ice cream.
Parang minsan lang kumain ng ice cream dahil tutok na tutok sa kinakain. Sarap na sarap pa ito tingnan. Pero ikinakatawa niya sa sarili, hindi man lang siya inabalang alukin kahit tikim man lang. Ilang beses na ‘yan actually.
“You know what? Parang gusto ko naman ng ube flavor bukas. What do you think?”
“Hindi p’wede, baby. Three times a week lang, hindi araw-araw.”
“Eh, p’wede ba i-advance?”
“Walang advance-advance, Darlene.”
“Ano ba ‘yan, maghihintay na naman pala ako ng ilang araw,” anito na parang bata.
“Iba na lang kasi, ‘wag ice cream.”
“Hindi ko p’wedeng utusan ang dila ko, Jay. Ice cream lang, sapat na.”
“Oh, God. Look at you, tumataba na dahil puro malamig ‘yang kinakain mo.”
“Hey, normal naman ‘to dahil buntis ako. Hmp.” Tumigil ito sa pagkain ng ice cream at tumitig ito sa kan’ya. “Pangit na ba ako?”
“No! Ang ganda-ganda mo pa rin, walang kupas.” Bahagyang gumalaw ang kilay nito. Parang ayaw yata maniwala. “Sorry for the term, nagkakalaman I mean. Ayoko lang kasing tumaba ka ng sobra dahil baka mamanas ka. Baka mahirapan ka manganak. Gusto mo ba ‘yon?”
“Siyempre, gusto ko ng smooth delivery gaya ng mga napanood ko. Anong gagawin ko para mahinto ‘tong cravings?”
“Hindi ko rin alam, e.”
Saglit pa itong natigilan parang nag-iisip.
Tumayo ito mayamaya at lumapit sa kan’ya.
Napaangat ang kilay niya nang magsandok ito ng ice cream at iniamba sa bibig niya.
“Ahh,” anito sabay nganga nito. Akala mo naman ito ang kakain. “Ikaw na lang umubos nito.”
“Hindi ba ako antukin niyan? Nakaka-antok daw kasi kapag kinain mo ang tirang pagkain ng buntis.”
Kumunot ang noo nito. “Gano’n? Hindi naman, e. Ayaw mo lang yata dahil may laway ko.” Bahagya pang nalungkot ito.
Akmang ilalayo nito ang kutsarang may ice cream nang bigla niyang isubo. Pero bago pa man maubos tumayo siya at kinabig ang batok nito pagkuwa’y siniil ito ng halik, na ikinalaki ng mata nito.
“Para sa kaalaman mo, laway mo ang pinakamasarap sa panlasa ko, baby?”
Napangisi si Jaylord nang makita ang sunod-sunod na paglunok ni Darlene.