NAPASINGHAP si Darlene nang ilapit ni Jaylord ang sarili nito sa kan’ya. Hinigit lang nito ang isang dulo ng seatbelt para pagdugtungin. Nahirapan kasi siyang kapain iyon kanina, kaya, ito na ang nagkapa sa tagiliran niya. So, yeah, he's trying to act like a gentleman. Kuha niya, at na-appreciate niya ang ginawa nito.
“Many thanks,” mahinang sabi niya nang ilayo nito ang sarili sa kan’ya.
“My pleasure.” Ngumiti ito at inayos na din ang sarili para magmaneho.
Hindi niya maiwasang mapatitig dito habang nagmamaneho ito. Medyo matured tingnan ito kay Blake, pero hindi maikakailang magandang lalaki din ito, lalo na kapag tinagalan ang titig dito.
Napangiwi siya nang bigla itong lumingon sa kan’ya. Nahiya siya bigla. Mukhang nahuli siya nito sa ginawa niyang pagsipat dito. Kanina pa kasi siya nakatitig dito.
“Kung yelo lang siguro ako, kanina pa ako tunaw.” Mahinang natawa pa ito kapagkuwan.
Ang sexy din nitong tumawa kaya hindi niya maiwasang mapalunok. Kita niya ang panaka-nakang paggalaw ng adams apple nito. She found him sexy. Parang gusto niyang pagalitan ang sarili sa isiping ‘yon.
“Kaso tao ka, kaya hindi ka matutunaw.”
“Yeah. So, sinadya mo ngang titigan ako. Why? Iniisip mo ba kung guwapo ako o hindi?” Baling ulit nito pero ibinalik din ulit ang tingin sa daan.
Pakiramdam niya namula ang pisngi niya sa mga sinabi nito. Buti na lang gabi. Dim din ang ilaw ng sasakyan nito, kaya hindi nito kita ang pamumula ng pisngi niya.
“Ilang taon ka na nga pala?” pag-iba niya ng usapan.
“So, mali ako? Edad ko ang nasa isip mo?”
Natawa siya dito. Kasama na rin. Pero gusto lang niya malaman kung ilang taon na ba talaga ito. “Just answer me, and I will reveal mine.”
“Sure? Hindi mo ako pagtatawanan?”
“Bakit naman kita pagtatawanan, huh?” aniya at iningusan ito. “Sige, ‘wag na lang.” Nalungkot siya nang bahagya.
‘Masama bang malaman?’ Para alam niya sana kung paano ito i-address, e.
“I’m already 37,”
Nanlalaki ang mga mata niya na humarap dito. “Oh, my God! Totoo? Anyway, 29 pa lang ako.” Mas matanda pala ito kay Blake ng limang taon. ‘Infairnes, hindi halata na may edad na rin pala ito.’
Napangiti siya kapagkuwan.
“Is that a smile or giggle?” seryoso ito kaya natigilan siya.
“Hey, don’t get me wrong. Nagulat lang ako, promise!” Humagikhik pa siya nang mahina.
“I can hear you, lady.” Tumingin ito sa kan’ya na nagmamaneho pa rin. “But, it’s okay. Makita lang kitang nakangiti, masaya na ako.”
Napatitig siya dito. Bigla tuloy niyang naalala si Blake at umayos ng upo. May problema nga pala siya. Nakalimutan niya saglit dahil sa lalaking ito.
Tumingin siya sa labas. Kakaunti na lang ang mga sasakyang nasa kalsada, madaling araw na kasi.
Hindi niya mapigilang mag-isip kung ano ang ginagawa ni Blake at Kendra ngayon. Wala sila sa sinaunang panahon, malakas ang pakiramdam niyang may ibang nangyayari sa dalawa, at nasasaktan na siya sa isiping ‘yon.
Napapikit siya nang maalala ang huling tagpo nila ni Blake noong nasa Italy. Halos ayaw nitong humiwalay sa kan’ya, sa totoo lang. Masyado siyang mahal ng nobyo. Ilang taon ding binuro nito ang sarili sa Italya masamahan lang siya. Panay pa ang banggit nito na mahal na mahal siya nito nang mga sandaling iyon.
‘Pero bakit gano’n? Hindi pa nga matagal si Blake sa Pilipinas meron na kaagad ito? Hindi kaya si Kendra ang nagpupumilit sa nobyo? O baka, bina-blackmail nito si Blake?’
Naikuyom niya ang mga kamay sa isiping ‘yon.
Sumluyap siya ulit kay Jaylord nang mapansing pumasok ito sa magarang subdibisyon. Hindi niya akalaing makakalimutan niya saglit si Blake dahil sa lalaking sandali lang din niya nakilala. Inaamin niyang magaan ang loob niya dito. Wala siyang nararamdamang takot.
Napaawang siya ng labi nang makita ang magarang bahay nito. Napakalawak din kaya hindi niya mapigilan ang sariling sukatin sa isip.
White and gray ang tanging kombinasyon ng kulay ng bahay nito. Maliwanag na ilaw ang tumatanglaw sa buong kabahayan nito. Transparent glass ang pader, kaya kita niya ang magarang loob.
“Wow!” aniya nang tuluyan na silang huminto.
Kita niya rin ang malawak na pool area din nito mula sa sasakyan
Ngumiti ito sa kan’ya habang nagtatanggal ito ng seatbealt. “Like it?”
“Yeah,” aniya nang lingunin ito. Pero bigla siyang natigilan. “W-wait. Are you married?”
Bigla itong natawa ng malakas. “Mukha lang akong matanda pero wala pa akong asawa,”
“Seriously?”
Pinakita nito ang kamay nito. May mga ilang singsing sa daliri nito pero wala sa mismong palasingsingan ng isang lalaki.
Lumabas ito ng sasakyan nito mayamaya. Hindi pa rin siya makapaniwala, kaya sinundan niya ito nang tingin. Papunta ito sa gawi niya para ipagbukas siya nito ng pintuan.
Titig na titig pa rin siya dito hanggang sa makababa.
Ngumiti ito. “Why? Hindi ka ba naniniwala?” Ipinasok nito ang sarili sa loob ng sasakyan nang bahagya para tanggalin ang seatbelt na nakasuot sa kan’ya. Nawala na tuloy sa isip niyang tanggalin iyon.
Napalunok siya nang malanghap ang mabangong amoy nito. Sobrang lapit nito. ‘Pag lumingon ito sa kan’ya baka sumakto sa labi niya ang labi nito. Pero hindi niya maiwasang langhapin ulit ang amoy nito.
Sa lahat ng matanda, ito yata ang mabango. At sa lahat ng matanda, ito rin ang hot tingnan.
Nanatili lang siyang nakatingin nang deretso hanggang sa matapos ito. Nakahinga siya nang maluwag nang ilabas nito ang sarili mula sa sasakyan. Napatingin siya sa kamay nitong nakalahad. Inabot niya din iyon mayamaya.
Saglit na naghiwalay ang kamay nila dahil sa spark na naramdaman. Pero hinuli din ulit ni Jaylord at masuyo siyang hinawakan sa kamay pagkuwa’y iginiya na siya palabas ng sasakyan.
Hinayaan niyang magkasiklop ang kamay nila hanggang sa loob ng bahay nito.
Mas lalo siyang namangha nang tuluyan nang makapasok.
Iginiya siya nito sa sala para umupo. Tinanggal nito ang jacket nito kapagkuwan at bumaling sa kan’ya.
Ang linis nito tingnan sa suot na v-neck white shirt– na hapit sa katawan nito. As in, plain lang pero ang hot nito tingnan. Halatang mamahalin din ang tela ng shirt nito
“Coffee or tea?” tanong nito sa kan’ya na ikinatanga niya.
Bigla niyang pinilig ang ulo nang maalalang ‘yon nga pala ang sadya niya rito.
“T-tea na lang,” sagot niya rito.
“Okay. Feel at home. Ihahanda ko lang ang tea,” anito at tumalikod na.
Sinundan niya ito ng tingin na papasok sa malaking komedor. Binuksan nito ang ilaw doon. Kita niya ang ginagawa nito mula sa kinaroroonan niya.
Sobrang laki ng bahay pero mukhang napaka-lungkot. Ang tahimik. Alam niyang madaling araw na pero dapat may sumalubong ditong kaanak o katulong man lang. Pero, mukhang nag-iisa lang ito sa malaking bahay na ito.
Hindi niya maiwasang maawa dito kung gano’n. Kung mag-isa lang ito, nasaan ang mga magulang nito? Mga kapatid?
Mukhang matatagalan pa ito sa komedor, kaya nagpasya siyang tumayo at iginiya ang sarili papasok doon.
Napansin nito ang pagpasok niya kaya bumaling ito sa kan’ya na nakangiti.
“I’m sorry, nainip ka ba?”
“No!” Minuwestra pa niya ang kamay para hindi ito mag-worry. “Gusto lang kitang panoorin. Don’t mind me.” Ngumiti pa siya dito.
“Okay. Come.” Inilahad nito ang kamay. Gusto nitong lumapit siya sa tabi nito.
Wala sa sariling sumunod siya dito. Tumabi siya habang pinapanood ang ginagawa nito.
Napatingin siya sa kamay nito nang maramdaman iyon sa beywang niya. Pumisil pa iyon kaya napalunok siya. Tapos may kung anong kiliti siyang naramdaman kaya nag-angat siya nang tingin.
Nagtama ang kanilang paningin kapagkuwan.
Wala siyang maramdamang takot dito. Kung tutuusin, unang beses lang nila itong nagsama. After nang nangyari sa kan’ya sa Italy, naging ilag siya sa mga kalalakihan. Nakakaramdam siya ng pagtaas ng balahibo at takot. Pero dito kay Jaylord hindi, siyempre kay Blake din, hindi. Pero dapat iba ang maramdaman niya dito dahil estranghero pa ito sa kan’ya.
Bahagyang nakaawang ang labi nito kaya napatitig siya doon. May kung anong urge siyang naramdaman. Parang gusto niyang tikman kung ano ang lasa ng labi nito.
Wala sa sariling tumingkayad siya para abutin ang labi nito. Ang tangkad nito kaya nahirapan siyang abutin ang labing iyon. Pero bigla siyang napasinghap nang salubungin ni Jaylord ang labi niya. Saglit siyang natigilan dahil parang pamilyar ang halik na iyon. Pero pilit na iwinaksi niya iyon, at yumakap sa batok ng binata.
Mapusok at parang sabik na sabik ito habang ninanamnam ang labi niya. Hinuli nito ang dila niya kapagkuwan at nilaro iyon. Ginaya niya ang ginawa nito, nakipag-espadahan siya rito, gamit ang dila.
Napaungol siya nang sipsipin at kagatin nito ang dila niya habang ang kamay nito ay malayang humahaplos na sa hita niya– na laong dumadagdag sa sensasyong nararamdaman niya ngayon.
Aaminin niyang hindi ganito ang nararamdaman niya kapag si Blake ang humahaplos sa kan’ya. Iba ang kay Jaylord, hinahanap-hanap niya, kaya minsan, pinipigil niyang ‘wag nitong alisin doon.
Bahagya pa nitong iniangat ang hita niya para iyakap nito sa sarili.
Masyado siyang maliit para dito kaya napilitan itong pangkuin siya at iniupo sa island counter. Pinaglandas nito ang hita niya at pumaloob doon saka awtomatikong yumakap naman ang hita niya sa beywang nito.
Nagmamadaling hinubad ni Jaylord ang kan’yang coat.
“Sh*t!” anas nito sabay titig sa tayung-tayo niyang bundok.
May nighties pa siya kung tutuusin pero kung makatitig ito ay parang wala na siyang damit. Tagos kumbaga.
“Tell me to stop, Darlene. Hindi ko maipapangakong maging masuyo ako sa’yo kapag ipinagpatuloy natin ito,” sabi nito na hindi inaalis ang titig sa kan’ya.
Nahulaan niya ang ibig nitong sabihin. Gusto niya. ‘Yon ang isinisigaw ng isip at katawan niya ngayon. Ayaw niyang maputol iyon.
Para hindi ito umatras, hinubad niya ang nighties. Nakatunghay lang ito sa kan’ya na puno nang pagnanasa ang mga mata, lalo na nang tumambad ang dalawang bundok niya dito.
Napapalunok ito kapag napapatingin sa dunggot niyang matigas na.
“Kiss me, Jay…” may pang-aakit na sabi niya sa binata. “I'll be yours for the entire night.”
Lumabi siya sabay haplos sa pisngi nito. Bumaba ang daliri niya sa labi nito at tinudyo-tudyo iyon. Napaangat ang sulok ng labi niya nang mapansing habol na nito ang hininga. Inawang nito ang bibig para maipasok niya ang daliri sa loob nito.
Napangiti siya nang kagatin nito nang bahagya. Nakatingin na naman ito sa kan’ya na puno pa rin nang pagnanasa.
Hinawakan nito ang daliri niya at pinalis iyon sa bibig nito. Naka-angat pa sa ere ang mga kamay nila.
“You’re driving me crazy, baby!” Sabay sakop nito sa labi niya nang mapusok.