"Love!" sigaw ni Neri ng makita nito si Jose. Nakaupo naman sa bench ang huli na wari mo ay namamahinga. Nagpupunas pa ito ng pawis sa mukha, gamit ang puting tuwalya. Napansin pa niya ang isang truck na papaalis, doon sa malapit sa may pinagbababaan at pinagkakargahan ng gulay.
Kadarating lang niya ng palengke noon. Medyo tinanghali pa nga siya ng punta dahil wala kaagad siyang masakyang tricycle patungo doon.
Tatlong araw na noon mula ng hindi pumasok si Jose sa trabaho. Hindi naman niya ito mapuntahan dahil nakalimutan niyang itanong kung anong barangay nakatira si Jose. Wala naman si Jester dahil kasama daw sa byahe ng truck. Nahihiya naman siyang magtanong sa iba. Kaya naman pagnalaman niyang wala si Jose ay umuuwi na lang siya ng bahay.
Halos alas nueve na noon ng umaga. Kaya tamang-tama ang dating niya sa may palengke. Excited talaga siya ng mga oras na iyon na makita si Jose. Tatlong araw ba naman niya itong hindi nasilayan. Sinong hindi matutuwa na makita ito ngayon?
Tiningnan lang naman siya ni Jose, pero hindi siya pinansin. "Ang snob naman," wika pa niya.
"Love kumusta na ang pakiramdam mo? Wala bang masakit sayo?" may halong pag-aalala sa tanong na iyon ni Neri. Pero mukhang wala lang iyon kay Jose. Nag-okay sign lang ito para iparating sa dalaga na maayos ang kanyang kalagayan.
"Hindi ka man lang nagsasalita, nagbreakfast ka na? May dala ako para sayo oh." sabay taas ng lunch bag na dala niya.
Tiningnan lang naman ni Jose si Neri pero hindi naman nagsalita. Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Neri, bago isa-isang inalis sa lalagyan ang pagkaing kanyang dala.
"May dala akong pancake with chocolate syrup," aniya. Itinaas pa niya ang pancake na nakalagay sa isang disposable container. "May dala din akong tosilog. Hindi ko alam kung mahilig ka dito. Sabi kasi ni yaya masarap daw ito. Kaming dalawa ang nagmarinate n'yan, para sure na healthy at walang preservatives."
Ipinakita pa ni Neri ang tosilog na nakalagay sa isang transparent na bento box.
"Orange juice, tubig," na naka bote. "Black coffee." sabay taas ng paborito niyang lalagyan.
Akala niya ay hindi papansinin ni Jose ang dala niya ng kunin nito ang hawak niyang kape. Pero bigla din naman niya iyong inagaw na siyang ikinakunot noo ni Jose.
"Don't skip your breakfast love, kumain ka muna. Pancake or tosilog, tapos ay kape. Masama ang kape kaagad. Kumain ka muna," aniya ng iabot ni Jose sa kanya ang kape tapos ay kinuha nito ang bento box.
Napangiti pa siya ng maganang kinain ni Jose ang luto niya. Higit pa sa nagpapangiti sa kanya ay ang hindi nito pagkontra sa pagtawag niya ng love sa binata. Labis naman siyang kinilig ng maubos ni Jose ang laman ng bento box. Two cups of sinangag ang laman noon, tocino, sunny side up at scrambled egg. Hindi kasi niya alam kung anong prepare na luto no Jose sa itlog. Pero masaya siyang kinain iyon lahat ni Jose.
Napanganga naman si Neri ng ilahad ni Jose ang kamay matapos kumain. Nataranta pa siya dahil hindi niya alam ang ibig sabihin noon. Hanggang sa ito na ang nagkusang kunin ang kape sa tabi niya.
"Alam mo love, magsalita ka naman minsan. Nahihirapan pa akong maintindihan ang ibig mong sabihin eh. Manghuhula ba ako?" reklamo ni Neri habang nakapout.
"Hindi kasi ako sanay na palaging nagsasalita. Nasanay na rin kasi ako buhat noong. . ." hindi natuloy ni Jose ang sasabihin ng bigla itong tumayo at iniwan si Neri.
Naguguluhan naman si Neri sa ikinikilos ni Jose. Bigla tuloy niya itong hinabol, dahilan para bigla na lang siyang matapilok at bumagsak sa lupa.
Masakit iyon ang nararamdaman niya. Dumudugo ang tuhod niya pati na rin ang siko at palad.
"L-love." Nauutal pang tawag ni Neri habang naiiyak. Doon naman ay napahinto si Jose sa paglalakad. Pagbaling niya sa dalaga ay nakasubsob pa ito sa lupa.
Hindi tuloy niya malaman kung matatawa o maaawa sa dalaga. Halos iyakap na nito ang sarili sa lupa sa pagkakasubsob nito.
"Anong ginagawa mo dyan?" hindi mapigilang tanong ni Jose na ikinasama ng tingin ni Neri. Naudlot tuloy ang kanyang pag-iyak ng dahil sa tanong na iyon ni Jose.
"Anong ginagawa ko dito love? Nagsu-swimming ako dito love. Kita mo? Ligong-ligo ako sa alikabok." may pagkasarkastiko pa ang tinig ni Neri na siyang ikinatawa ni Jose.
Masakit man ang dumudugong tuhod, siko at palad ay nagawa din namang matawa ni Neri sa kalagayan niya. Hindi niya alam ang dahilan ng pagwo-walk out ni Jose. Pero sa nakikita niya ngayon na binalikan siya nito at natatawa sa kalagayan niya ay sapat na para hindi pansinin ang hapdi na kanyang nadarama. Nagasgasan lang naman siya. Pero hindi siya weak.
Natigil ang pagtawa ni Neri ng maramdaman na lang niya ang pag-angat niya sa ere. Napakapit tuloy siya sa balikat ng lalaking may dahilan kung bakit siya umangat.
"L-love." nauutal pa niyang tawag dito ng bigyan siya nito ng tipid na ngiti.
Ibinalik naman siya ni Jose sa bench kung saan sila nakaupo kanina. Sinuri pa nito ang gasgas na nasa tuhod, siko at palad niya. Tapos noon ay bigla na lang itong tumayo na wari mo ay iiwan na naman siya.
"Aalis ka? Iiwan mo ako dito?" nag-aalalang tanong ni Neri ng haplusin ni Jose ang kanyang pisngi.
"Bibili lang ako ng gamot na pwede nating ipanlinis at ilagay dyan sa sugat mo. Sorry sa bigla kong pag-alis kanina. May nalala lang ako. Wag kang aalis dito. Hmm. Bibili lang ako ng gamot sa pharmacy." malambing na wika ni Jose kasabay ng mabilis na pagtibok ng puso ni Neri.
Sa damdaming kanyang nadarama kahit sa napakabilis na panahon ay totoong nahuhulog ang puso niya kay Jose. Damdaming hindi niya nadama sa iba, kahit sa mga naging kaklase niya noon. Kay Jose lang talaga.
"Paano ka bibili ng gamot, ako nga halos hindi mo kausapin. Samahan na lang kaya kita?" tanong ni Neri ng ilabas ni Jose ang cellphone nito at doon nagtipa.
Napangiti na lang si Neri ng ipakita ni Jose ang mga gamot na bibilhin nito na nakatype sa cellphone nito. "Sige na, maghihintay ako dito." wika ni Neri kaya agad ding umalis si Jose sa harap niya.
Napansin naman niya ang kape ni Jose na nakalagay sa tasa. Halos hindi na nito iyon nabawasan pero malamig na. Mabuti na lang at mahigit dalawang tasang kape ang laman ng lalagyan niya. Kaya naman itinapon na lang niya ang laman ng tasa at papalitan na lang niya iyon pagbalik ni Jose.
Naalala na naman niya ang bawat pagtawag niya ng love sa binata. Hindi niya alam kung hindi nito napapansin o kaya naman ay talagang hinahayaan na lang siya nito na tawagin niya itong love.
"Mukhang nagsasanay na rin si Kuya Jose sa tawag kong love sa kanya. Bagay naman kaya sa kanya."
Ilang minuto lang ang itinagal ni Jose at bumalik din ito. Dala ang mga gamot na binili nito sa botika. Si Jose na rin ang naglinis ng kanyang mga sugat. Ito na rin ang naglagay ng gamot at gasa doon.
"Thank you love." aniya ng makaupong muli si Jose sa may bench. "Heto nga pala ang tira mong kape kanina. Itinapon ko na iyong nakalagay sa tasa kanina, medyo malamig na kasi."
"Thanks. Salamat din sa breakfast. Balak ko na sanang magtungo kay Aling Lucing namamahinga lang ako. Tapos dumating ka naman."
"Akala ko nga ayaw mo pang kumain. Kape kasi ang uunahin mo."
"Hindi naman, titikman ko lang naman sana ang kapeng dala mo. Iniuwi mo kasi noong nakaraan ang dala mo sa bahay. Mapait pa ang panlasa ko noon kaya hindi ko gaanong nalasahan. Ngayon nalasahan ko na masarap. Pati ang pagkaing dala mo." puna ni Jose sa kape at pagkaing dala niya na mas ikinatuwa ng kanyang puso.
"Salamat naman at nagustuhan mo. Isa pa dalasan mo ang pagsasalita love, maganda kaya ang boses mo."
"Teka nga! Bakit ba love ang tawag mo sa akin? Akala mo ba hindi ko napapansin 'yon?" tanong ni Jose na siyang ikinahagikhik ni Neri.
"Napansin niya ang pagtawag ko ng love pero hindi niya napansin na napapadalas na ang pagsasalita niya. It's a good start isn't it?" wika niya sa isipan na talagang nagpapakilig sa kanya.
"May masama ba kung love ang itawag ko sayo? Hindi naman iyon makakapanakit sa kahit na sino kaya naman hayaan mo na." sagot ni Neri na ipinagkibit balikat na lang ni Jose.
Iniabot na lang ni Neri ang pancake na dala niya na ipinartner na lang ni Jose sa kapeng iniinom niya. Sa tingin niya ay talagang nasarapan siya sa pagkaing dala ng dalaga. Dahil kahit iyon ay naubos niya.
Hindi naman maipaliwanag ni Neri ang sayang kanyang nararamdaman. Sobrang effort niya, matutunan lang lutuin ang mga pagkaing dinala niya para kay Jose. At sobrang saya ng makita niya ng maubos iyon ng binata.
Halos nasa sampung minuto pa, mula ng matapos kumain si Jose at maubos ang kape. Patuloy lang din sa pagkukwento si Neri ng kung anu-anong bagay. Lalo na kung paano niya pag-aralan ang pagluluto.
Tulad pa rin ng dati, tahimik lang si Jose at nakikinig na lang sa kanya. Nawala na naman ang pagsagot nito. Pero hinayaan na lang niya, mahalaga sumagot ito kanina.
Sabay naman silang napatingin ni Jose sa tumawag sa binata. Magsisimula na ulit ito sa trabaho nito at siya, kailangan na niyang umuwi ng bahay.
"Thanks for the food. Alam mong may trabaho ako kaya hindi kita maihahatid. Kaya ingat ka pag-uwi. Magsabi ka din pagnakauwi ka na." malambing na wika ni Jose ng walang anu-ano'y pinatakan nito ng halik ang noo ng dalaga. Bago walang lingon na iniwan nito si Neri sa bench.
Natulala naman si Neri sa ginawang iyon ni Jose. Napasunod na lang ang tingin niya sa papalayong bulto ng binata.
"Hinalikan niya ako sa noo." hindi pa rin niya mapaniwalaang wika at sinalat pa ang parteng noo niya kung saan siya hinalikan ni Jose.
"I love you na talaga, love." impit niyang tili habang tinatanaw si Jose mula sa pwesto niya.