Napatingin si Jose sa labas ng bintana at napagtantong nagsisimula na ang pagsikat ng araw. Wala na ring ulan at malakas na hangin sa mga oras na iyon. Sinilip niya ang cellphone at alas sais na rin ng umaga.
Napatingin siya sa dalagang mahimbing pa rin na natutulog sa kanyang tabi, habang nakayakap sa kanya. Wala man lang pag-aalala ito sa sarili na baka masama siyang tao. Pero napangiti talaga siya sa tiwalang ipinapakita nito sa kanya. Sabagay, wala naman siyang masamang balak sa dalaga. Bagkus ay ang nais niya ay ang lahat ng makakabuti dito.
Mas isiniksik pa ni Neri ang sarili sa kanyang katawan. Kaya damang-dama niya ang init ng katawan at braso nitong nakayakap sa kanya.
"Hay naku, ang batang ito talaga," aniya at dahan-dahang inalis ang kamay ng dalaga sa katawan niya. Tinabihan niya ito ng unan niya, para ito ang magsilbing yakap-yakap nito.
"Jose," tinig mula sa labas ng bahay. Napakunot pa ang noo niya ng marinig ang sunod-sunod na pagkatok at pagbanggit sa pangalan niya.
Malapit na siya sa pintuan ng mapagtantong si Cypher at Rodrigo iyon.
Pagkabukas niya ng pintuan ay bumungad sa kanya ang mukha ng dalawang kaibigan na napakalawak ng ngiti. Itinaas pa ni Cypher ang supot ng pandesal na dala nito.
Tinitigan lang naman niya ang dalawa kaya nagsalita si Igo.
"Nag-alala kami sayo, lalo na at kagabi pang walang signal. Hindi ka naman namin matawagan ni Cy. Kaninang umaga ay nabungaran ko na itong mag-asawa at nangungumusta," ani Igo ng mas lawakan ni Jose ang pintuan. Napasilip pa siya sa pintuan ng kwarto niya. Mabuti na lang at naisara niya iyon pagkalabas niya.
"Nandoon kina Igo ang asawa ko. Doon daw muna siya at makikipagkwentuhan kay Shey. Lalo na at tuwang-tuwa sa baby ang asawa ko." wika naman ni Cy habang tuloy-tuloy patungong kusina.
"Kaya ng sinabi ni Cy na hindi ka pa niya nakukumusta ay sumama ako sa kanya patungo dito. Kahit naman sabihin mong may asawa na kaming dalawa. Hindi ka namin kayang pabayaan ng ganoon na lang lalo na at solo ka dito sa bahay mo. Tapos kagabi pang walang kuryente. Mabuti na nga lang at madaming solar pannel na nilagay ang daddy ni Shey sa bahay. Kaya hindi nanibago ang anak ko kahit bumabagyo."
"Kaya naman ngayong alam namin ni Igo na nasa maayos ka lang na kalagayan ay panatag na kami. Di Igo?" tanong ni Cy na ikinatago ni Igo.
"Dati kasi pag ganitong panahon. Basta tumigil ang hangin at ulan, kumakatok ka na sa bahay ko. Tapos pag nakita mo ako na ayos lang, umaalis ka na kaagad. Alam ko namang sinisigurado mo lang na maayos ang lagay ko. Tapos ay pupuntahan mo naman si Igo." Dagdag pa ni Cy.
"Kaya nga, tapos makikita ko na lang kayo ni Cy sa bahay ko at magkasama pa kayong kumakatok. Ngayon ay kanina pang madaling araw, humupa ang bagyo ay wala ka namang paramdam wala pa ngang signal." ani Igo sa kanya.
"Kaya naman, pinutahan ka na namin. Tapos ay may lutong pandesal na sa tindahan, kaya bumili na kami, bago magtungo dito. Kaya naman pakapehin mo kami. Kape tayo." ani Cy na siya ng kumuha ng takure at naglagay ng tubig doon. Ito na rin ang nagsalang sa kalan.
Si Igo naman ay kumuha ng tatlong tasa at ito na ang naglagay ng asukal at kape doon.
Kumuha naman si Jose ng itlog at ipinakita sa dalawa.
"Yown, kaya love na love ka namin eh. Omelet ha," ani Cy na sinang-ayunan ni Igo.
"Oi Jose, lagyan mo ng sibuyas, masarap iyong palaman sa mainit na pandesal." dagdag ni Igo.
"Oo nga, mas masarap iyon, dagdag aroma pa," pagsang-ayon ni Cy.
Dinagdagan naman ni Jose ang itlog na lulutuin niya. Kumuha din siya ng medyo malaking sibuyas na siyang ihahalo sa itlog.
Matapos kumulo ang tubig ay nilagyan na ni Cy ang mga tasa na may kape at asukal. Tapos ay naupo na rin ito sa tabi ni Igo na hinihintay na lang na lang na makaluto si Jose.
Tahimik lang na nakaupo ang dalawa ng sabay silang mapatingin sila sa may pintuan ng biglang may magsalita.
"Love," malambing na wika nito sa inaantok na tinig. Mumukat-mukat pa ito at nagkukusot ng mata.
Mangha naman silang napatingin sa dalagang sa tingin nila ay hindi sila napapansin. Naramdaman pa ni Igo ang pansisiko ni Cy kaya naman pinakitahan niya ito ng nakakuyom na kamao na tahimik na tinawanan ng huli.
"Love anong niluluto mo? Ang bago. Napabangon tuloy ako,"ani Neri at nakita pa nila ang pagyakap nito mula sa likuran ni Jose. Inihimpil pa ni Neri ang ulo niya sa likuran ni Jose.
Hindi naman makagawa ng ingay ang dalawa at baka mamaya ay magulat si Neri na nandoon sila gayong hindi pa talaga sila nakikita nito.
"Bakit nagising ka kaagad, gigisingin pa sana kita pagkatapos kong magluto." sagot ni Jose na ikinagulat ng dalawa.
Mula pa ng dumating sila ay umimik na sila ng umimik pero hindi man lang sila iniimikan ni Jose. Pero naiintindihan nila iyon. Pero ang pagsagot nito kay Neri. Iyon ang hindi talaga nila maintindihan.
Kung kailang nagsalita, saka pa sila nagtaka.
"Ay naamoy ko nga ang niluluto mo. Ang bango kaya bigla akong nagutom. Ano ba iyan?"
"Itlog."
"Ah masarap talaga iyang itlog mo," sagot ni Neri na siyang nagpabuhanglit ng tawa kay Igo at Cy.
Doon lang napatingin si Neri sa dalawa na hindi mapigilan ang pagtawa. Habang takang-taka ang dalaga sa ikinikilos ng mga ito at masamang tingin naman ang ipinukol ni Jose kay Igo at Cy.
"Bakit sila tumatawa? Kanina pa ba sila?" takang tanong ni Neri sa sarili.
Nang hanguin ni Jose ang itlog sa kawali ay inilapag niya iyon sa lamesa. Inalalayan naman niyang makaupo si Neri at ikinuha ng sariling tasa. Siya na rin ang nagtimpla ng kape nito.
"Good morning Kuya Igo, ganoon din sayo Kuya Cy, good morning."
"Good morning din Neri. Dito ka ba natulog?" curious na tanong ni Cy ng makatanggap ng paninipa mula kay Jose sa ilalim ng lamesa.
"Langya," ani Cy na napangiwi dahil sa sakit.
"Opo, tinawagan ko si love," napatigil sa pagsasalita si Neri ng marealize ang sinabi. "Nagpasundo ako kay love kahapon noong umuulan sa may palengke. Wala kasi sa bahay si mommy at daddy. Umalis din si yaya. Mabuti nga at nandito lang si Kuya Jose kaya naman masaya akong pinatuloy niya ako dito sa bahay niya." paliwanag ni Neri sa dalawa.
Ipinaglagay naman ni Jose ng itlog sa pandesal si Neri. Napangiti na lang si Cy at Igo sa pagiging maalaga ni Jose sa dalaga.
"Ganoon ba? Ibig sabihin dito ka nga nagtulog?" ulit na tanong naman ni Igo.
Napangiti na lang si Igo ng mapansin siya ang masamang titig ni Jose sa kanya.
"Hindi na lang kami magtatanong at hindi na lang din kami mangungulit. Maghihintay na lang kami ng kwento." sabat ni Igo at nagsimula ng magkape.
"Ano pong kwento Kuya Igo," tanong ni Neri na ipinagkibit balikat ni Igo.
"Bakit po kayo ganyan? Nacurious tuloy ako."
"Wala iyon, ibig kong sabihin pag hindi ka busy, pwede kang dumalaw sa bahay para makita ang anak ko. Napaka cute ng baby namin ng asawa ko," parang nangangarap pang wika ni Igo ng sikuhin na naman ito ni Cy.
"Ano na naman Romero?" singhal dito ni Igo.
"Paano ay tuwang-tuwa ka na kamukhang-kamuha mo ang inaanak ko. Mabuti na lang na kahit si Jose ang pinaglinhan ng asawa mo. Ay mas tumalab pa rin ang inis niya sayo kasi pangit ka daw."
"Hindi ah, gwapo ako sa paningin ng asawa ko kaya."
"Sus sabagay ako din naman," pagsang-ayon ni Cy kaya nagpatuloy na lang sila sa paghigop ng kape.
Napangiti naman si Neri sa bangayan ng dalawa. Natutuwa siya sa pagkakaibigan ng mga ito. Sobrang nakakatuwa ng samahan ng tatlo. Kahit tahimik si Jose alam niyang masaya itong kaibigan nito ang dalawang nasa harapan nila.
"Kuya Cy, Kuya Igo bakit po ang aga ninyo?" takang tanong ni Neri.
"Kinukumusta kasi namin si Jose, kasi walang signal hindi namin siya matawagan. Nag-aalala kami sa isang iyan. Kasi akala namin ay nag-iisa mabuti na lang at nandito ka. May kasama siya." ani Igo.
"Mas natakot pa nga ako kagabi ng mawalan ng kuryente, mabuti na lang at pumayag si Kuya Jose na kwarto niya ako matulog at magkatab---."
Hindi natapos ni Neri ang sasabihin ng pasakan ni Jose ng itlog ang bibig ni Neri. Muntik pa siya nitong ibuking sa dalawa na natulog sila sa iisang kama. Oo nga at wala namang silang ginawa na iba maliban sa matulog.
Pero kung malalaman ng dalawang kaibigan na magkatabi silang natulog, sure na hindi siya titigilan ng dalawa at pipilitin siya ng mga ito na magsalita.
"Anong sinasbi mo Neri?" nakangising tanong ni Cy.
Napalunok naman ng laway si Jose. Gusto man niyang pigilan si Neri sa pagsasalita. Kaya lang siguradong makakahalata lalo ang dalawa sa kinikilos niya.
"Masarap po itong itlog ni Kuya Jose," walang prenong sagot ni Neri na nagpahagalpak na naman ng tawa sa dalawa.
"Wala naman pong nakakatawa. Masarap nga Kuya Igo at Kuya Cy. Tikman ninyo. Masarap din pag humihigop ng kape," pamimilit pa ni Neri na ikinatango ng dalawa.
Alam naman nilang seryoso si Neri sa sinasabi nito, kaya lang dahil kilala na nilang tatlo ang isa't-isa hindi nila mapigilang matawa sa ganoong usapan.
Naalala tuloy ni Igo ang asawa niya noong panahon na una silang magkita. Palagi din itong si itlog mo kung magsalita, na ngayon ay naririnig na naman niya, kay Neri para kay Jose.
"Oo walang duda. Masarap magluto yang si Jose ng itlog niya," sagot ni Igo na tinawanan naman ni Cy.
"Aray!" Biglang sigaw ni Igo ng sipain siya ni Jose. Napakainosente pa nitong tiningnan si Neri at nginitian.
"Napaka mapanakit talaga. Si Jose lang talaga ang may lahing kabayo sa atin sa galing ng tyempo sa paninipa. Sapol ang lulod ko eh." reklako ni Igo.
"Ako din kanina. Siya na nga ang kinumusta, ay napakamapanakit pa." sang-ayon ni Cy.
Natawa na kang si Jose sa reklamo ng dalawa. Pero masaya siyang nandito ngayon sa bahay niya ang mga ito.
Ipinagpatuloy na lang nila ang pagkakape habang kumakain ng pandesal na may itlog. Kahit naman hindi na ulit nagsalita si Jose at si Neri lang ang nagsasalita ay masaya si Igo at Cy para sa kaibigan.
Wala pa mang sinasabi si Jose tungkol sa kung ano ang meron sa dalawa, ay sapat na kay Igo at Cy na masaya si Jose pag kasama nito si Neri.