Chapter 1

2461 Words
PAUNAWA: "Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pag kakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoo buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa, maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po"   NOTE: Ang Kwento ito ay sinulat ko pa noong 2013, isa ito sa pinaka unang nobela na ginawa noong nag sisimula palang ako. Hindi ito perfect, marami itong error at medyo mabilis ang pacing pero malinaw at maayos naman ang takbo ng istorya.. Salamat sa pag unawa. ***** Si Tol ang Lover Ko AiTenshi Chapter 1 Ako yung tipo ng tao na punong puno ng pag mamahal. Marami akong kayang ibigay, marami rin akong kayang isakripisyo para sa taong mahal ko. Kung minsan nga ay nagiging priority ko pa sila higit sa aking sarili. Habang nag uumapaw ang pag mamahal ko sa kanila ay paunti naman ng paunti sa aking sarili. At nito ko lang napag tanto na tamang na ang kasabihang "ang lahat sobra ay nasasayang." Ngunit ano bang magagawa ko? Tao lang ako na may pusong tumitibok at kahit na paulit ulit akong nabibigo ay hindi pa rin ako nawawalan ng pag asang magiging masaya. At balang araw ay ngingiti rin ako katulad ng isang bida sa novelang aking madalas na binabasa. Masarap mag mahal, at hindi ito nakakasawa, lalo na kapag alam mong ang kaligayahan nandiyan lang sa harapan mo. Isang malalim na buntong hininga aking pinakawalan habang binibuksan ang text message ng mga taong bumigo sa aking pusong dinurog ng pinong pino. Daig pa ang paminta dinidikdik ng paulit ulit hanggang sa maging kasing pino nalang ito ng buhangin. Ganoon kasakit at ganoon kalupit.. Opening text message.. From:  ANNA MY LOVES *_* "Seph, im sorry, its not working my iba na akong mahal.. Pinilit kong kalimutan siya pero hindi ko talaga kaya. Sana maging mag kaibigan pa rin tayo after ng lahat ng ito. Break na tayo. Thanks. Salamat sa mga gifts mo, I really appreciate it." Agad akong napabangon sa aking pag kakahiga. "Hinde! No! Anna my Loves wag mo ko iwan!!" ang aking sigaw habang binabalot ng matinding lungkot. Dali dali kong pinindot ang aking cellphone upang mag reply. "Ana my Love,, please!! baka pwede ba natin itong ayusin. Hindi ko kaya na wala ka sa buhay ko. Lahat gagawin ko wag mo lang akong iwan. Ipag luluto kita, pag sisilbihan, pati nanay mo aalagaan ko, wag mo lang gawin sa akin ito. At isa pa hindi ko naman deserve na basta mo nalang iwanan dahil abot langit ang pag mamahal ko sa iyo at kung minsan ay lumalagpas pa nga." Maya maya ay sumagot si Anna sa text: "IM SORRY SEPH. GOODBYE" Gumuho ang mundo ko matapos mabasa ang text ng aking pinaka mamahal na GF. Wari'y pinag sakluban ako ng langit at lupa dahil sa kaganapang iyon. Wala akong tigil na pag iyak at pag mumukmok ang aking ginawa hanggang kusa akong mapagod. Si Anna ang pang labing-limang babae na nakipag hiwalay sakin sa loob ng dalawang buwan. At kahit paulit ulit akong nasasaktan ay hindi pa rin ako sumusuko sa pag mamahal. Dahil alam ko na balang araw ay makakamit ko rin ang kaligayahang inaasam ko at iyon pa rin ang pinang hahawakan ko. Tahimik.. Tuliro.. Habang na naka titig ako sa kisame ng aking kwarto ay nag balik sa aking ala-ala ang ilan pang babae na nakipag hiwalay sa akin sa ibat ibang mga dahilan. FROM: Joyce "Im sorry Seph, ayaw ng parents ko na may boyfriend ako dahil baka daw mabuntis ako at masira ang pag aaral ko." FROM: Carla "Seph Im sorry, ginamit lang kita, may mahal na akong iba. At naalala mo ba si best? Yung lalaking madalas nating ikainuman, siya talaga ang star ng pasko sa puso ko at ginamit lang kita I mean not totally ginamit, slight lang naman para pag selosin siya. Sorry talaga and thank you for the love! FROM: Vea "Siph suri dong. Uuwi na ako ng probensya. Don na ako tetera, Godbye sa emo." FROM: Clara "Seph, patawad ayaw talaga sa iyo ni itay, ayaw niya kasi akong makikipag kaibigan sa mga lalaki baka raw ako mabuntis, saka may napupusuan na kasi akong iba. Naalala mo ba si Dodong yung pinakilala ko sayo? Siya yung may ari ng mga kalabaw sa kabilang bayan. At mahal ko siya noon pa, as in noong grade six pa kami. Sorry talaga." FROM: Daisy "Hindi na ako maligaya e, hindi magaling mag finger! Hindi ka rin magaling dumila ng keps! At lalong hindi ako nag eenjoy sa f**k mo kasi pinoy size lang ang etits mo. Lalo ko lang tuloy na miss si Bradley ang ex kong n***o na may BBC. Anyway thanks for everything. P.S ikaw ang unang lalaking nakapag anal sa akin and it really feels good!" At sa lahat ng nakipag break sa kanya ay isa ito sa pinaka matindi sa lahat: FROM: Margarette "Seph sorry, may pag tatapat ako sayo.. LESBIAN ako at may girlfriend na ako. Pinilit ko naman maging tunay na girl e. Kaso hindi ko talaga kaya, sorry kung nag lihim ako sa iyo. Bye!" Halos maubos ang mga luha ko sa pag iyak at hindi ko lubos na malaman kung ano ba ang problema. Kung bakit ko nakakaranasan ang ganitong pag durusa sa buhay. Ibayong lungkot ang naramdam ko noong mga sandaling iyon. Pakiwari ko ba ay sasabog ang aking dibdib. Minsan ay itinatanong ko sa aking sarili kung ano ba ang kulang? Hindi naman sa pag mamayabang pero agandang lalaki naman ako, matangkad, makinis, maputi, kulay itim itim ang buhok, medyo singkit ang mga mata na halatang may halong ibang lahi. Sa tangkad kong 5'8 ay above average naman ito para maipag malaki ako ang aking sarili. Pero what went wrong? Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mahanap ang sagot kung bakit sa edad kong 20, hindi ko alam kung ano ang problema dahil malas ako sa mga babae, gwapo naman ako, mabait pag tulog. Masipag din ako at masayahing tao. Pero sadyang malas lang yata ako sa buhay pag ibig.. Ginawa ko ang kwentong ito upang ibahagi sa inyo ang ibat ibang karanasan ko sa pag tahak sa daan ng buhay kasama ang ibat ibang tao na makakapag pabago ng aking mundo. Samahan nyo din akong tuklasin kung bakit si Tol ang naging Lover ko. Ako po si Seph Sebastian at ito ang aking kwento." ****** Halos tatlong araw palang ang nakalilipas matapos ang masakit na pakikipag break sa akin ni Anna. Hindi ako maka kain at hindi pa rin ako gaanong nakakatulog. Kumikirot at parang dinudurog ang aking puso sa tuwing maririnig ko ang pangalan niya.. "ANNA- ANNA- ANNA- ANNA- ANNA- iyan ang sigaw ng aking isip. Para itong isang musikang sumpa sa aking pandinig.." "Anna my Love bakit mo nagawa sa akin to. Lahat naman binibigay ko sayo kahit hindi mo pa hinihingi minahal kita ng todo pati ang nanay mo, isama mo pa yung alaga mong iguana sa bahay nyo. Lahat kayo minahal ko bakit mo sakin to nagawa?" ang iyak ko habang naka upo sa kainan. Maya maya ay lumapit ang waitress sa akin para itake ang aking order. "Sir, can I take your order?" ang tanong nito habang naka ngiti kaya naman nag punas ako ng luha. "Ano bang best seller niyo?" tanong ko "Hmmm, sir you wa-anna beef steak?" tanong niya "Ano? Bakit Anna nanaman? Bakit puro siya ang naririnig ko?" sigaw ko sa aking isipan sabay takip sa aking tainga. "Sir are you alright? You w-anna halo halo? Or you wa-anna crispy pata?" tanong pa niya. "Lahat gusto ko! Samahan mo na rin ng alak! Tang ina!" ang sagot ko. "Sir you wa-ann apple flavor beer?" tanong pa nito. "Bakit ba Anna ka nga Anna? Hindi mo ba alam na sinaktan ako ni Anna kaya ayokong naririnig ang pangalan niya. Please! Tama na!" "Sir wala naman po akong sinasabing Anna. Ang sabi ko po ay "You want a", protocol po kasi sa amin ang kumuha ng order sa english." ang sagot ng waitress. Hindi ako naka kibo at napadukdok nalang ako sa lamesa. "Sige na, nagugutom na ako. Pasensiya na." ang sagot ko naman. Alas 2 ng hapon, paikot ikot ako sa mall, nililibang ko ang aking sarili pero ganoon pa rin ang aking pakiramdam kaya naman naisipan kong lumabas at mag lakad lakad nalang sa parte. Kailangan ko ng isang tahimik na lugar kung saan ako makapag rerelax ng maayos. Lugmok na lugmok ako noong mga oras na iyon. Nakatanaw ako sa malayo at nag iisip kung bakit lagi nalang akong nasasaktan.Hindi ko na kaya ang sakit na nararamdaman ko, bakit ganito ako kamalas sa mga babae? Mabuti pa ay wakasan ko na ang buhay ko. Para hindi na ko nakararamdam ng sakit. Dali dali kong kinuha ang cp ko at tinext ko si Ana upang makonsensya ito sa aking gagawin pag papatiwakal. "Anna, salamat sa lahat lahat, sana may maging masaya ka sa bago mong boyfriend. Paalam na sayo. Dalawin mo nalang ako sa aking burol. I love you" May maya pa ay may narecieve akong isang txt message.. tama galing ito kay Ana FROM: ANNA MY LOVES *_* "Hu u, sorry ha nag bura kasi ako ng number, saka wala na si Ate Ana dito nasa Cebu na siya.Ibinigay na nya sa akin ang cp nya. Kapatid nya ito, hu u po?" Lalong nagunaw ang aking mundo sa aking nabasa. Tila isang malaking bloke ng yelo ang pinakain sa akin. Prang naka ramdam ako ng ka unting hiya sa sarili. Pero kahit na, hindi nito mababago ang plano kong wakasan na ang lahat. Buo na ang aking pasya.. wawakasan ko na ang aking pag hihirap na nadarama. Agad kong sinuot ang aking paboritong damit at ang aking sapatos. Pinag handaan ko ang araw ng aking pag papatiwakal. Pag katapos kong mag bihis ay nag tungo ako sa aking music player at nag pa tugtog ako ng kanta.. Color It Red Paglisan   Kung ang buhay ay isang umagang nakangiti At ikaw ay ang lupang sinusuyo ng butuin Di mo man silip ang langit Di mo man silip, ito'y nandirito pa rin Kung ang lahat ay may katapusan Itong paglalakbay ay makakarating din sa paroroonan At sa iyong paglisan, ang tanging pabaon ko Ay pag-ibig Sa pagbuhos ng ulan, sa haplos ng hangin Alaala mo ay nakaukit sa pisngi ng langit Di man umihip ang hangin, (ah...) Di man umihip, ika'y nandirito pa rin Kung ang lahat ay may katapusan Itong paglalakbay ay makakarating din sa paroroonan At sa iyong paglisan, ang tanging pabaon ko Ay pag-ibig Ay pag-ibig Ay pag-ibig Labis akong napaiyak sa kantang iyon. Bagay na bagay ito sa aking gagawing pag papatiwakal mamaya. Sobrang sakit na, buong buhay ko ay bigo ako.. kung may world record lang sana sa pinaka maraming break up malamang ako na ang may hawak ng record.. Makalipas ang aking ilang minutong pag eemote at pag muni muni ay agad kong tinahak ang daan patungo sa kabilang barangay. Duon ay may isang mataas na tulay at may malalim na ilog. Alam ko na walang masyadong tao na pumunta ruon dahil luma na ang tulay ay hindi na ito maaring daanan pa ng mga mabibigat na sasakyan. Ilang minuto pa ay narating ko ang tulay, napaka ganda ng view dito, malamig ang simoy ng hangin. Ang sarap mabuhay.. Erase erase!!! Napa rito ako para mag pakamatay. Agad akong nag punta sa gitna ng tulay at dun ay tumayo ako.. "Paalam na Anna!! Paalam na sa inyong lahat. Eto ang bagay sa katulad kong sawi sa lahat ng bagay, wala na akong kapatang mabuhay pa!!" ang sabi ko sa sarili ko habang umiiyak ako.. Akmang lulundag na ako ng may makita akong lalaki sa di kalayuan, nasa tulay din ito at balak din yata ng mag paka matay.. Lumapit ito sa tapat ko at kumunot ang aking noo.. "s**t naman pare!! Kung kelan mag papakamatay ako saka ka pa dumating, istorbo ko naman!!" wika ko na hindi maitago ang pag kaasar. Sumagot siya  "Sorry, sa totoo lang gusto din gawin ang nais mong gawin, gusto ko na matapos ang sakit na nararamdaman ko." Agad akong tumingin sa kanya at parang nag tataka "bakit ka mag papakamatay?" Sumagot ang lalaki "iniwan ako ng taong pinaka mamahal ko ...ikaw?" "Iniwan ako ng Girlfriend ko" ang sabi ko habang naka titig ako sa tubig.. at akmang napalingon ako sa kanya, napansin kong gwapo ang lalaking ito at mukha siyang anak ng isang mayamang pamilya, hindi siya taga rito sa lugar na ito. Iyon nag kutob ko. Mukha siyang koreano, makinis, maputi, matangkad kung ganito lang sana ang itsura ko? Hindi na ako iiwanan ng mga babae, sila pag ang mag hahabol sa akin. "Pareho pala tayong iniwan tol" ang sabi nya habang malungkot na naka yuko "Ang lakas ng agos pare!! Sige mauna kana tumalon, ayos lang ako, susunod nalang ako pag katapos mo." Ang sagot ko, kanina pa ako naka titig sa tubig at malakas talaga ang agos nito "Huh??? Ikaw na una dito diba? Mauna kana tumalon" ang sabi nya "Hindi pare, mauna ka na tumalon, mukang handa kana kasi" ang tugon ko. Nagkatinginan kami at nag tawanan.. "Anna tol papaka matay pa ba tayo?" ang tanong niya. "Ano Anna?" tanong ko "Ha? Wala akong sinabing ganon." sagot niya sabay ngiti. "Ako nga pala si Lee, taga kabilang bayan pa ako" ang pakilala nya, tama ang kutob ko hindi siya taga rito. Parang may kung anong sumagi sa isip ko at nag bago ang aking pasya.. "hindi na ako mag papatiwakal" ang sabi ko sa sarili ko. Parang matinding takot ang dumaloy sa aking pagkatao nung makita ko ang rumaragasang tubig. "Ako si Seph, nice meeting you, sige pare ayoko na mag pakamatay. Hahanap nalang ako ng ibang babae na ipapalit sa Gf ko dati.. ikaw mag hanap ka na rin, ganyan talaga buhay.. hehe" ang sabi ko.. sabay tapik sa balikat nya.. Ngumiti ito at nag paalam na ako na aalis.. Naisip ko lang na hindi lang pala ako ang taong nag durusa. Isang halimbawa nito ang lalaki kanina. Halata sa mata nya ang labis na kalungkutan hindi mo maipipinta ang kanyang mukha.. naisip ko na mali pala mag padalos dalos ng desisyon. Kung sigurado kana pag isipan mo ulit ng maka pitong beses. Nag pasya akong bumalik na sa aming bahay at ipag diwang ang aking pangawalang buhay.. halos matauhan ako sa aking isang hanggal na desisyon kanina. Pinag isipan ko na ituloy ko ang pag harap ko sa agos ng buhay... Habang patawid ako sa kalsada ay may parating na isang single na motor ito ay gumegewang at para na a-out of balance ilang saglit pa ay tumilapon ang aking katawan. Nahagip ako nito. "Shittttt naman.. hindi na nga ako tumalon sa tulay kanina eto at nadali pa ko ng motor na to, pag minamalas ka nga naman!" ang sabi ko sa sarili ko habang parang suspended animation na bumabagsak mula sa ere. Hanggang sa tumama ang aking katawan sa lupa.. Parang hinahatak ako ng pag pikit ng aking mata, alam kong maraming tao sa paligid at iyon ang aking huling natandaan. Itutuloy..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD