NOTE:
Ang kwentong “SI TOL ANG LOVER KO” ay ang pinaka unang story nagawa ko noon pang 2013. At dahil nga hindi pa ako ganoon kabihasa ay makikita ang maraming errors, mabilis ang pacing at maraming typos. Kaya ngayong 2020, makalipas ang ilang taon ay naisipan ko na itong irevise. PERO hindi ko masyadong inedit dahil gusto ko pa rin ipreserve yung pagiging classic ng kwento. Gusto ko pa rin makita niyo na ganito akong gumawa ng story noong baguhan ako. Kumbaga ito yung remembrance na minsan rin akong dumaan sa katakot takot na bashing dahil hindi “perfect” at pulido yung kwentong ginagawa ko.
Ano ba ang bago?
Dito sa revise version ay nag karoon tayo ng bagong chapters, medyo binagalan ko ang pacing at inalis yung mga details na hindi naman kailangan katulad ng sobrang pag tawag ng “tol” bilang endearment ng mga bida at yung “hahaha” at “hehehe” effects sa linyahan ay inalis ko rin. Inayos ko rin ng kaunti yung mga hindi maayos ng stanza. Kumbaga retouch lang ang aking ginawa pero kung icocompare mo sa old book ay masasabi kong mas maayos ito.
Salamat po.
Ai_Tenshi