Si Tol ang Lover Ko
AiTenshi
Chapter 2
Ang daming ilaw sa paligid nung ako ay mag kamalay. "Teka nasa langit na ba ako? Bakit lahat ng makita ko naka kulay puti? Hindi kaya na todas na ko sa aksidente kanina?" ito ang aking tanong sa sarili habang pinag mamasdan ang mga taong nag dadaan sa aking harapan. Bahagyang naka dilat ang aking mga mata bagamat mabigat pa rin ang mga talukap nito.
"Sir, sir!! Mabuti naman po at gising na kayo." ang sabi ng isang babae na bumulaga sa aking paningin, naka puti ito at naka ngito sa akin.
"Nasaan ako? Patay na ba ako? White lady ka ba?" tanong ko kanya.
Natawa siya."Palabiro ka naman sir, nurse pi ako at buhay po kayo, nandito po kayo sa ospital" ang sabi ng babae habang naka ngiti.
Nakaramdam naman ako ng sakit sa aking hita at binti. "Bakit sobrang sakit ng binti ko?"
"Na fracture po sir. Medyo nag ka c***k yung buto pero curable naman po. Kayang irepair kaya dont worry." tugon ng nurse habang naka ngiti. "Bakit naka ngiti lagi? Masaya ka ba na may fracture ako?" tanong ko
"Ay hindi po sir, sinagot ko na kasi yung manliligaw ko kanina at ngayon ay official boyfriend ko na siya."
"Hmmp, mag hihiwalay rin kayo rin kayo niyan. Alm mo sa panahon ngayon ay betlog nalang ang di nag hihiwalay." tugon ko dahilan para matawa ang nurse. "Ikaw talaga sir sobrang palabiro ka. Huwag ka muna gagalaw para di mamaga yung binti mo." ang wika niya.
Namuo ang inis sa aking ulo. "pag mina-malas ka nga naman.. tsk tsk. Broken hearted na nga ako, pati legs ko broken pa rin."
"Nga pala sir pag kailangan mo ng assist ay tawagin mo lang ako. Ang pangalan ko po ay Joanna."
"Ano Anna?" tanong ko
"Joanna po sir. Pwede rin pong Joan or Anna."
Hanggang dito ba naman! Bago umalis ang nurse ay tinanong ko siya "excuse me nurse na sexy, asan yung taong naka aksidente sakin?yung motor?"
"Ah sir nasa emergency room po siya. Pero kataka taka at galos lang ang tinamo nya mula sa aksidente."
"Ganun ba nurse, baka pusa siya kaya di agad agad namamatay. Iharap mo sakin ang tao na yan at kailangan ko siyang panagutin sa nangyari sa akin. Lagot sa akin iyan! Walang hiyang gagong iyan, hindi nag iingat!" utos ko.
"Yes sir, nasabi po nya sakin na bibisitahin ka nya once na bumalik po ang malay mo."
"Good naman kung ganoon." ang tugon ko naman sabay higa. "Grabe talaga.. pag minamalas ka, hindi na nga ako tumalon sa tulay eh nadale naman ako ng motor sa kalsada." ang pag mamaktol ko sa sarili aking sarili habang naka tanaw sa kisame. Sinubukan kong igalaw galaw ang mga paa ko at ang aking braso. Pero masakit pa ito, marahil ay nabugbog sa pag kaka tama sa akin ng motor. Wala akong magawa kundi tumitig sa orasan at bilangin ang bawat pag takbo ng mga kamay nito. Wala naman sila mama at papa may seminar sila out of town kaya ang inaasahan ko lang na bisita ay ang aking tiyahin.
Maya maya pa ay dumating na ang taong naka aksidente sa akin.
"Tol, how are you?" ang sabi ng isang lalaki habang palapit sa akin.
Hindi ko siya pinansin at naka pikit lang ako. Kunwari ay tulog ako. "bahala na, ayokong makita ang mukha nya, baka kung ano pa ang masabi ko. Or else baka mag away pa kaming dalawa." ang bulong ko sa aking sarili.
"Excuse me nurse, sigurado ka bang ayos na ang isang ito?" ang tanong na lalaki.
Lumapit sa akin ang nurse at ginising ako nito "Sir, nandito na po ang hinihintay nyo kanina pa, gising na po sir." ang magalang na bulong sa akin ng nurse.
Wala na kong nagawa kundi unti unting ibukas ang aking mga mata. Naisip ko kung paano ako uumpisa ang pakikipag usap sa kanya.
a.) "sino ako? Bakit wala akong maalala? Ano pangalan ko?"
b.) "wala akong makita!! Bakit ganon?? Bulag na ko!!"
c.) "naka tulala lang ako at parang na trauma sa tindi ng aking takot."
Pero bago ko pa ibukas ang aking mata ay bumulaga na sakin ang mukha ng isang lalaki, naka ngiti ito at naka titig sa akin.
"Ayos, mabuti naman at gising kana" ang bati nito na parang masaya pa. Pati ang nurse ay naka ngiti rin.
"Sir may pilay, fracture at pasa lamang po ang natamo nya, sa ngayon ay namamaga pa ito kayat hindi pa nya ito maigalaw ng maayos" ang paliwanag ng nurse, pero mga one week lang ay magiging maayos na siya at mawawala na rin yung pagiging bitter niya."
"Mabuti naman kung ganoon. Kumusta? Ayos ka lang ba?" ang tanong ng lalaki.
Umasim ang aking mukha sa aking nakita. "Pag katapos akong idamay sa kamalasan nya itatanong nya kung ayos lang ako? May fracture ang binti ko, maga ang leeg ko, hindi ko maigalaw yung braso, yung t**i ko ay parang pakiramdam. Tapos itatanong mo sa akin kung okay lang ako? Ikaw okay ka? Saka mukha ba kong okay pare? Tingnan mo nga ang itsura ko? Mukha akong 101 dalmatian sa dami ng pasang natamo ko. Tapos itatanong mo kung ayos ba ako? Ikaw kaya dito.. halika palit tayo."
Natawa siya "Sobra ka naman tol, hindi ka naman mukhang dalmatian, para kang buldog, alam mo kaya rin kita nahagip ay dahil lutang ka, para bang wala ka sa sarili habang nag lalakad doon sa kalsada, tapos ay nag busina ako pero wala kang naririnig. Ang akala ko nga ay bingi ka o kaya ay bulag." dagdag pa niya.
"Dahil broken hearted ako at iyon ang mga oras na masakit ang puso ko. Anong karapatan mong mang himasok sa feelings ko? Nasaktan ka na ba? Dapat alam mo kung gaano kasakit!" galit kong sagot.
"Woaah, relax. Hugot na hugot ha." biro niya habang natatawa.
Napansin ko ang lalaki. Nasa taas siya ng 5'9 at napaka puti at nya. Maganda ang pangagatawan at magandang lalaki ito. Kulay itim ang mga buhok at maganda ang hugis ng kanyang labi at ilong. Mapapansin mo sa kanyang mga mata ang pag kakaroon ya ng ibang lahi. Magada rin siyang mag damit na animo isang modelo sa isang sikat na magasin. Ang hubog ng kanyang katawan ay hinulma sa isang perpektong pag kaka gawa.
"Tol? Ano na? Ano pangalan mo? Ayos ka lang ba?" ang tanong ng lalaki habang kumakaway siya sa aking mukha. marahil ay natulala ako at napa titig ako sa kanya.
"Ahhh eehhh ako si Anna este Seph.. Seph Sabastian."
"Anna? Bakla ka ba?" tanong niya.
"Gago, Seph ang pangalan ko." sagot ko naman.
"Ako naman si Arvin Santos" ang pakilala nya sabay abot ng kamay.
"Pwede bang kagatin ko nalang ang kamay mo pare? Nakita mo naman na hindi ako magalaw ng maayos diba?"
Natawa nanaman siya.."Oo nga pala pasensiya na. Wag ka mag alala tol, ako na ang mag babayad ng mga expenses mo dito sa ospital."
Tumingin ako sa kanya "Teka pare, sino mga magulang mo? Dapat inereport natin sa kanila ang mga nangyayari sayo. Akin na ang number ng mga magulang mo at ipag bibigay alam ko ang nangyari."
Nanlaki ang mga mata nya at mistulang napalunok "Hindi na tol, kaya ko naman ito, ako na mag babayad ng gastusin mo dito. Saka mag worry pa sila kapag sinabi ko at grounded ang aabutin ko dahil naka aksidente ako diba? Magiging worst pa ang sitwasyon."
"Teka bakit parang natatakot ka sa mga magulang mo? Dapat malaman nila to para maturuan ka ng leksyon."
"Hindi talaga pwede, kasi pag nalaman nila to ay siguradong mapapahamak ako." Huminto siya sa pag sasalita at nag isip sandali. "Hmmm, ganito nalang tol, gagawin ko lahat ng gusto mong pagawa sa akin sa loob ng isang linggo, at ako na rin ang mag babayad nitong gastos dito. Pero sa isang kondisyon, wala dapat makaka alam nito." ang sabi nya
"Matalinong unggoy to" ang sabi ko sa aking sarili. "Ano sabi nya? Mag papa alipin siya sa akin sa loob ng isang linggo?"
"Ano tol, ayos na ba sayo ang set up natin?" ang tanong nya
At doon na pumasok ang isang karumaldumal na binabalak ko sa kanya. "Dapat sa mga kagaya mong happy go lucky ay pinaparusan." ang bulong ko sa sarili ko. "Col!!! Sige pare payag na ko."
At iyon nga ang napag kasunduan namin. So ganito ang set up, papayag siyang mag pa alipin sa akin sa loob ng isang linggo sa kundisyon na hindi ko irereport sa mga parents nya ang nagawa nyang matinding violation.. "hmmmm lagot ka sakin Arvin Santos" ang bulong ko sa sarili ko.
"Maliwanag ba sayo ang kondisyon mr. Sebastian?" ang sabi nya sakin
"Oo naman Santos" ang sagot ko
Lumipas ang 2 araw at mabuti na ang aking pakiramdam. Si Arvin na rin ang nag bayad ng gastusin ko sa ospital katulad ng napag kasunduan. At ang set up namin ay sa isang linggo na magaganap. Medjo busy daw kasi siya kaya hindi pa nya ako mahaharap sa ngayon. So okay lang naman sa akin iyon, may time pa ko para mag hanap ng babae magiging gf ko.
Balik sa normal naman ang buhay, pero kahit ilang araw na rin ang nakakalipas mabuhat ng makipag hiwalay sa akin si Anna my loves ay parang hindi pa rin ako nakaka alis sa anino nya. Bumabalik sa ala ala ko ang masasayang araw namin na mag kasama. Naalala ko nung time na mag kasama kami sa parke, halos langgamin kami sa sobrang ka sweetan namin. Kaso nga lang kasama nya yung epal nyang pinsan. Kaya nag ginagawa ko ay binibili ko ng mga pag kain yung pinsan nyang kasing size ni Godzilla para matahimik. Kaso habang tumatagal tumatahimik din ang bulsa ko.
Naalala ko rin nung nag punta ako sa kanilang bahay halos habulin ako ng alaga nyang aso dahil pinakawalan ito ng daddy nya. "badtrip talaga yung daddy ny at isama mo pa yung kapatid nyang parang Christmas Tree ang ulo sa dami ng ipit na nakalagay." pero higit pa man ay wala akong masasabi sa kanyang mommy dahil napaka bait nito sa akin. At iyon ang labas na nakakapalungkot sa sakin sa tuwing maalala ko ang lahat ng ito.
Sa dami yata ng naging girlfriend ko ay si Anna my Loves ang pinaka malaki ang investment ko. Imagine hindi pa nya hinihingi ay binibigay ko na agad sa kanya. Pati pag katao ko ibinigay ko rin sa kanya. Kulang nalang ay wala nang matira sa akin.
Halos ilang minuto rin akong nag muni muni sa aking higaan ng dalawin ako ng antok. Mas minabuti ko muna ang mag pahinga para maka recover ako mentally, emotionally at physically. Halos hindi ko namalayan na umaga na pala. Isang mainit na sinag ng araw ang tumama sa aking mukha. kasabay nito ang bagong pag asa na pinang hahawakan ko para makapag bagong buhay at piliting maging masaya sa kabila ng sakit at pangungulila ko sa pag wala ni Ana sa aking buhay.
Mas minabuti ko munang mag li-lo sa pakikipag relasyon at napag desisyunan ko rin na huminga muna at mag relax. Mas okay siguro na ipahinga ko muna ang aking puso para mas tumibay ito at sa mga susunod na panahon ay may maibigay ako ng buo sa taong naka takdang mahalin ko. At syempre iyong taong mamahalin ako.
Noong araw ding iyon ay nag pasya muna akong mag lakad lakad sa labas upang makalanghap ng sariwang hangin. Naalala ko ang kasunduan namin ni Arvin. Sa totoo lang hindi ko alam kung seryoso ba ang tao na iyon. Pero hindi na rin ako aasa, sa itsura nya at sa pananamit ay parang laging nanloloko. Yong tao bang parang lahat ng bagay madali sa kanya. Marahil ay anak mayaman siya. Sa mga oras na to ay hindi na ko aasa na tutupad siya sa aming set up na napagkasunduan.
Pinilit kong iwaksi sa aking isipan ang mga negatibong agam agam na bumabagbag sa aking pag iisip. Kaya nag tungo ulit ako sa tulay upang makapag relax, tahimik kasi doon at pakiradaman ko ay makaka pag isip ako ng maayos.
Naupo ako sa ilalim ng isang puno dahil malilim dito at dama ko ang lamig ng hangin na nangagaling sa ilog. Napaka sarap ng pakiramdam. Sumagi tuloy sa isip ko yung oras na naisipan kong mag patiwakal dito. Doon ko na realize na maganda ang ilog, hindi dapat ito bahiran ng masamang imahe. Hindi ko namalayan na tumatakbo ang oras at nauubos ito marahil ay nalibang ako dahil dito ay payapa ang aking pag iisip..
Kinahapunan ay nag pasya na akong umuwi ng bahay. Bumaba ako sa aming gate sakay ng isang trisikel. Laking gulat ko ng may isang lalaki na naka upo sa aming tarangkahan. Parang may hinihintay ito. Hindi naman kasi normal na may tumatapat na tao sa aming bahat lalot lalaki pa. Kaya naman nilapitan ko ito.
Habang palapit ako ay nakita kong naka ngiti siya sa akin..
Kumaway ito..
"kumusta tol?"
Siiii
ARVIN????
itutuloy..