Revelation: She is the spirit in search of experience.
Kharmaine O'Hara 's Point of View
Nakatingala ako sa mataas na gusali ng University of Mount Carmel. Naglalakihang mga arko na tila nasa sinaunang panahon ka ng kastila, nagtataasang mga columns na nakadagdag sa pagiging elegante tingnan ng paligid, mga nagagandahang imahe ng santo at mga naglalakihang fountain. University ba 'to or museum? Wow lang taob na taob dito ang D University ah. Napasipol ako bigla. Ito ba? Ito ba ang bago kong paaralan?
Isang busina ang nagpabalik sa huwisyo ko, ay oo nga pala! Nakatayo pala ako sa gitna ng gate. Masama ang tingin na tiningnan ko ang sasakyan na nasa likod ko. Napasipol ulit ako nang makita ko ang isang mamahaling kulay puting sports car.
"Aba bigatin. Gwapo siguro may-ari niyan."
Bulong ko sa sarili na agad ko ring binawi dahil nagbusina ulit ito na para bang ilang kilometro ang layo ko sa kanya.
Aba't! Akmang susugurin ko na sana ang sasakyan nang biglang may kamay na dumantay sa balikat ko. Pagkalingon ko ay nakita ko ang gwardyang sinlaki ni 'The Rock' ang katawan at sinliit ata ng papaya ang ulo. Buti na lamang nakangiti.
"Miss, tabi po muna tayo ah."
Mahinang tinabi ako ni kuyang Darak para makadaan ang sasakyan. Dahil mabagal ang pagpapatakbo ay kitang-kita ko ang lalaking masama ang tingin sa'kin mula sa nakababang bintana ng driver's seat. Aba't!
Susugod sana ulit ako nang hilahin ako ulit ni kuyang Darak sa kwelyo at binalik sa dati kong pwesto.
"Hija, upo ka muna rito."
Parang masunuring bata na umupo naman ako sa harap ni kuyang Darak.
"Transferee ka ba hija?" Tanong niya habang masusing inoobserbahan ako.
Sasagutin ko na sana si kuyang Darak ng 'Ano sa tingin mo kuya' nang biglang sumingit sa isip ko si Olaf kaya binago ko ang dapat ko sanang sabihin.
Ngumiti ako ng pagkatamis tamis na kahit ako ay parang diabetic na sabay sagot ng, "Yiz na yiz koya."
Napaface palm ako sa aking isipan. Ideya 'to ni Ciel, mapapatay ko 'yon! Dapat kong baguhin ang salita at accent ko para magtagumpay ako sa misyon ko.
Kulang na lang ay malaglag sa kinauupuan si kuya matapos akong sumagot. Kung nawiwindang o natatawa ay hindi ko alam kung ano ang tawag sa reaksyon niya.
Sino nga ba naman ang hindi mawiwindang? Pink ang maikling buhok na 'di halatang wig, makapal na make up para 'di ako mamukhaan, over sa laking boobs na ang bigat dahil dito lang naman napunta ang donuts sa mansyon at decolor na medyas. Idagdag pa ang accent ko.
"Hij-- uh hijo uh hija, bawal dito ang ganyang buhok."
Turo niya sa shining shimmering na pink hair ko.
"Koya nachural 'yan. Pinaglihi ako sa penk na cotton candy enebe," sabay flick ng buhok ko.
"Bawal pala dito ang ganyan ka ladlad dito hijo ay hija pala. Tanggap naman ang mga third gender dito kaso may codex na dapat sundin sa proper wearing of uniform."
"Koya enebe babae po si ako, nakakahert ka ng filings ha."
"Patingin nga ng NSO mo."
Nakita kong naaasiwa na si koyang Darak kaya pinapasok na niya ako matapos niyang tingnan ang legal papers ko.
Step 1 accomplished! Malabruhang tumatawa ako sa loob ng aking isipan habang pakendingkending ako sa paglalakad. Alam kong weird look ang ibinibigay sa akin ng mga tao sa loob ng school pero pakebels ko ba? 'Andito ako para sa isang misyon at mahalaga ang nakataya rito.
Nang nasa harap na ako ng main door ay ibinuka ko ang aking mga kamay na para bang nilalasap ko ang hangin sabay pikit ng aking mga mata na kung tutuusin ay wala namang fresh air dahil nasa gitna ng Metro Manila ang paaralang 'to. Wala lang, feel ko lang mag emote.
Inhale, exhale, inhale, exhale, inha-- Napaubo ako dahil sa carbon monoxide na pumasok sa baga ko. Nasinghot ko ata lahat ng usok na nanggaling sa sasakyang huminto. Teka teka teka, siya 'tong mister busina kanina ah?
Alam kong nakita niya ang nangyari sa'kin kaso nilingon niya lang ako na para bang 'you are in my way look' like what the f**k? Dahil sa inis ay sinipa ko ang maliit na bato na nagkataong malapit lang sa paa ko.
Sapol sa likod. Pagkalingon niya ay siya namang pagtunog ng bell. Yehey! Saved by the bell! Taas noong liyad dibdib na nagmartsa ako palayo sa kanya pero kahit malayo na ako ay nararamdaman ko pa rin sa likod ko ang nagbabaga niyang titig. Nyay!
Magulong classroom at maingay na pag-uusap na tipikal sa first day of class, wala 'yon. Ang weird nila ha, tahimik nga pero palihim naman akong sinusulyapan. Alien ba ako? Napansin ko ring wala akong katabi, as in whole row wala miisa. Over na sila ha. Dakilang bully pala yata ang magiging role ko rito. Oh well, maaayos nga ey at hindi na ako magpapakahirap sa pagpanggap.
Isa-isa kong sinulyapan ang mga kaklase ko. Three years older ako sa mga estudyante rito at five years older sana kung ang totoong katawan ko pa ang gamit ko. Ilang ulit na ba ako nagbalik sa pagiging first year college? Hay nakakasawa rin pala. Dahil malapit sa bintana ay doon ko na lamang tinutok ang atensyon ko nang biglang bumukas ang pinto ng classroom at napuno ng bulung bulungan ang paligid.
"Good morning class, I will be your adviser throughout the semester. I'm Professor Temperence Yakanura. I'll make sure that you'll be able to enjoy this semester."
Kahit naka make-up ay nawalan yata ng kulay ang aking mukha habang nakatingin sa'kin ang inis na mata ni mister busina.
"Patay," tanging sambit ko sabay lunok ng imaginary laway.
Ano nga ba ang nangyari at nasout ako sa ganitong sitwasyon? Rewind rewind rewind.
"Hmmm..." Nakahawak sa baba habang nakatulangko ako ng upo rito sa gitna ng kwarto ko. Nakatutok naman ang atensyon ko sa maliit na itim na sobreng may tatak na babaeng yakap yakap ang isang dragon, ang bagong tatak ng Realm.
Wala sa tatak ang atensyon ko kun'di sa kung ano ang nasa itim na sobreng pinadala ni bheshy sa'kin. Mantakin mo nga namang pagkatapos ng mahigit kumulang isang taon matapos ang Taetoku Great War III ay padadalhan na naman ako ng itim na sobre, for the first in forever. Hay naalala ko tuloy si olaf ng Frozen. Teka!
Napatuwid ako ng upo nang bigla kong maalala ang stuff toy kong nawawala, si Olaf! Hanap sa ilalim ng kama, hanap sa cabinet, hanap sa cr, hanap sa balkonahe at hanap sa kasuluksulukan ng kwarto ko pero wala pa rin! Unti-unti ng nabubuo ang butil butil kong pawis sa noo.
Olaf! 'Asan ka na? Matalim na sinulyapan ko ang itim na sobre na salarin ng lahat. Kung hindi ba naman kasi 'to dumating ay hindi mawawala ang atensyon ko sa paghahanap kay Olaf na bago pa dumating ang itim na sobre ay nawawala na. Lintik na sobre 'yan!
Mabibigat ang hakbang na bumalik ako sa pagkakaupo at tinitigan ulit ang itim na sobre. Bumalik ako sa pagkakatitig dito.
Bakit? Bakit ako pinadalhan ni bheshy ng itim na sobre? May threat ba ulit sa Realm? Wala naman ah, wala nga ba?
Kesa sa makipagmatigasan ako ay binuksan ko na lang ang itim na sobre para lamang mahindik sa aking nabasa.
Hawak ko ang stuff toy mong snowman na may weird na ilong, Siren. Kung ayaw mong ibigay ko 'to kay Klen ay magreport ka agad sa headquarters.
Signed: Luciana S. Loong
Napaingos ako sa aking nabasa. Judgemental si bheshy sa ilong ni Olaf!
Oo nga pala, hawak nga pala bilang hostage ng walang puso kong bestfriend ang aking pinakamamahal na si Olaf. Olaf maghintay ka lang at ililigtas kita!