CHAPTER 2

1175 Words
Revelation: A butterfly ready to suck your nectar anytime, beware. Karmy's Point of View Checking of attendance at dahil first day of school ay bawat pagtawag ng pangalan sa isang student ay dapat tumayo sa harap at magpakilala. Boring. Paisa isa na silang tinawag at dahil last row seater ako ay malamang mamaya pa ako tatawagin. Habang busy busyhan sila sa mga pacute at pahambog na introduction nila ay busy naman ako sa pagkukutingting sa kuko kong may extension. Hanggang ngayon ay wala pa rin akong katabi, ano ba 'yan. Napakasuperficial naman ng mga tao sa taas. Naalala ko pa 'yong panahong kakapasok pa lang ni bheshy sa Dark High, hay ang bilis ng panahon. Ngayon may junakis na siya at kakompetensya ko pa sa pagkokolekta ng mga Olaf items. "Miss Perenial miss Perenial," nakailang tawag muna si Sir bago ako makadiabetic na ngumiti sa kanya sabay pitik ng mga pilikmata ko. "Sir?" "Tayo," utos niya kaya tumayo naman ako. Nakatingin naman sa'kin ang mga kaklase ko. "Tumayo ka at magpakilala." Inis na saad ni sir.  "Ay akala ni ako, tatayo lang sir. Sareh." Nag peace sign ako kay sir sabay taas noo liyad dibdib na nagmartsa sa harap ng klase sabay flick ng buhok ko. Ala asia's top model lang ang peg ey. "Konnichiwa, moshi moshi, ola ola, kumusta ka people and aliens of Mother Earth! Barbie Perenial, 17 at anak ni Eba. 'Yon lang annyeong!" Nagwave ako sa kanila at nagbow kaya todong luwa naman ng mga mata ng mga classmate kong lalake. Disgusto naman ang nakita ko sa mga mukha ng mga classmate kong babae. Please insecurities be like d to the u to the h duh! Nilingon ko si sir na nakataas ang kilay at istriktong nakatingin sa'kin. Nang makita niyang nakatingin ako sa kanya ay mabilis niyang inayos ang eyeglass niya sabay harap ulit sa klase. Si sir oh pakyut masyado! "Gusto kong malaman niyo na dapat ay sinusunod niyo ang codex ng unibersidad. Sad to say, may ibang nakalagitnaan yata ang pagbasa nito." Hindi man siya tumingin sa'kin ay ang mga classmates ko naman ang gumawa nito para sa kanya. Pakebels ko ba? No hurt feelings na nakikinig ako sa mga kachurvahan ni sir nang biglang may nagtaas ng kamay. "Sir!" "Yes Miss Tan?" "How about her hair sir? 'Di ba bawal ang hair colors?" Pasweet man ang boses ng impaktitang nagtanong ay magkadikit naman ang mga kilay nito na nakaturo sa'kin. As useless, nasa akin na naman ang atensyon ng buong klase plus kay sir na ikinatuwa yatang may pumuna sa'kin. "FYI, nachural 'to noh. 100 percent organic." "Eh bakit pink? May pink bang buhok?" Aba aba! Ngumiti ako ng ngiting singtamis ng tobleron, "Pinaglihi 'to sa penk na cotton candy eh, pakebels mo ba? Gawin kitang loam soil para sa buhok ko ey." "Stop it, ayokong may nag-aaway sa harap ko." Galit siya pero sa akin lang yata. Sa'kin lang nakatingin ey. 'Nak ng! Mabigat yata dugo niya sa'kin. Matapos ang humigit kumulang anim na oras na klase ay uwian na sa wakas. Dahil wala naman akong gagawin sa school ay napagdesisyunan ko na lang na umalis na at tumalak sa Underworld Realm City. Hindi na ako nagbihis pa kaya naiintindihan ko ang mga reapers na hinarang ako nang akmang papasok ako ng headquarters. Dati kasi ay labas masok ako without scanning may tattoo pero dahil naka hundred percent disguise ako kaya hindi nila ako nakilala. "Naligaw ka ata," isang baril ang tinutok sa mukha ko nang harapin ko ang mga bantay na reapers. Hay naku, hassle talaga! Lagot sa'kin ang Ciel na 'yon! Naku naku naku! Inilihas ko ang balikat ko kaya tumambad ang tattoo ko na simbolo na isa ako sa Twelve Guardians. Ang tattoo ng isang itim na paru-paru ngunit wasak ang pakpak. "Miss O'Hara!" Tarantang saad nila sabay bukas ng gate. "Hindi ko pa namin nakilala, pasensya na po!" Sabay din silang nag bow. Tinapik ko na lang ang kanilang balikat sabay pakingkoy na tumawa, "Obviously!" Pagkapasok ko sa headquarters ay takaw pansin na naman ako. Pinanindigan ko na lang ang pagngiti ko pero deep down ay gusto ko nang kainin ng buhay si Ciel. Pabagsak kong binuksan ang throne room kung saan nakapwesto ang dalawang malaking trono at nakapalibot dito ang labingdalawang magagarang upuan na may kanya-kanyang tatak. Ang upuan ng Twelve Guardians ng Realm. Pagkapasok ko ay ang Lord Kiel at tatlong guardians lamang ang nandito. Walang bheshy at Ciel, sayang! Bilog na bilog ang singkit na mata ng asawa ni bheshy matapos akong makilala. Humalagapak naman ng tawa ang iba. Kahit nakangiti ay inis na inis na ako! Hoo! Akala ko mapaninindigan ko ang disguise na'to o ang katauhan ni Barbie Perenial. Paaskad na umupo ako sa aking pwesto,  "Care to explain further about this mission, Lord Kiel?" Alangan ang ngiti ni Kiel. " 'Yan pala ang sinasabi ni Ciel na master plan niya, Siren." Alam kong pigil lang niya ang pagtawa niya. "Nasaan ang Ciel na 'yon!" Ibinagsak ko ang kamao ko sa mesa. "Calm down, Siren." Tiningnan ko ng masama si Dark Phoenix na nakikitawa kay Secondus at Lilith. "Eeeh! Ano ba!" "Bakit ka ba naman kasi nagpauto sa kutong lupang 'yon?" Tanong ni Kiel. Hindi na ako sumagot dahil alam kong kasalanan ko naman talaga kung bakit ganito ang kinalabasan ng lahat. Gusto ko tuloy magmukmok sa isang sulok. Bumukas naman ang pintuan at bumungad ang aliw na aliw na si bheshy na alam yatang 'andito na ako. Ginagawa na nila akong clown ey! "Siren!" Akmang yayakapin niya ako nang lumayo ako. " 'Wag mo kong lapitan at sasabunutan talaga kita," banta ko kahit ramdam kong nanunulis na ang nguso ko na ikinatawa ulit nila. Sige tumawa lang kayo! Mga traydor naku naku naku! Tumikhim si bheshy nang mahimasmasan at tumabi na kay Kiel sa trono. "Down to business, Siren." Seryoso na ang boses ni bheshy kaya pumormal kaming lahat. "Your mission is a very delicate one." Umilaw bigla ang malaking mesa na nasa gitna namin at lumabas ang hologram. Isang blueprint ng misyon ko. Isang hologram ng Metro Manila ang nasa harapan namin ngayon. "Mula sa isang intel, may isang organisasyon sa labas ng Realm na gustong ibunyag sa publiko ang mga sekreto tungkol sa Realm. Kung magtatagumpay sila, magkakaroon ng imbalance ang mundo natin. We vowed since then to live in secrecy. At  misyon mo ang eeliminate ang organisasyong ito." Nagzoom in ang hologram at nagfocus sa isang building, ang bago kong paaralan. "At dito na trace ang mga transactions ng nasabing organisasyon. Sa University of Mount Carmel. Kaya ka nandito with that disguise." "May tanong ako, leader." "Ano 'yon?" "Hindi bawal ang pumatay 'di ba?" Wala na ang kengkoy na anyo ko at pinalitan ng isang nakakalokong ngiti. Ngisi naman ang sinagot ni bheshy. "Suck their nectar to death, Siren." Ako si Kharmaine O'Hara,  codename Siren at isa sa myembro ng Twelve Guardians. Ang pinagsamang Phoenix at Inferno. Nagmula ako sa mahabang linya ng mga O'Hara warrior. Ako ang may dala ng tattoo ng isang itim na paru-parung may malaking tabas ang pakpak. The deadliest among the Twelve Guardians with the new title 'Siren Incarnate'. The sole responsible of the waking technique na ginawa ko sa aking katawan pati sa minsan ng namatay na Reyna ng Realm. And I believe that nothing is impossible with rocket science and logic.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD