#4

1118 Words
--Noah-- "Walang biyahe ngayon sa bus station dahil sa bagyo. Pag tumila na ang ulan saka lang kayo makaka-biyahe" turan sa kanya ng matandang lalaki nakasabay sa paglalakad. Halos kalahating-oras na rin siyang naglalakad, pasan-pasan ang sobrang bigat na babaeng nakasabay niya sa airport. Good thing talaga, natatambay siya sa gym kaya kahit papaano may lakas siyang buhatin ang babae ng matagalan. Pansin niya nakatulog na ata ang babae sa likod niya. Isang malalim na paghinga ang pinakawalan niya. "Ganoon po ba--meron po ba kayong alam na Inn na malapit? or pwede naming matuluyan pansamantala?" Hindi na siya umaasa meron motel na malapit dahil masyadong rural area ang napuntahan nila. Nagbaka sakali lang siya na merong lodging Inn. "Meron--kapatid ko ang may ari ng Inn. Kaso may kalumaan na kaya pagpasensyahan nyo na lang. May ibang turista rin ang nandoon dahil na istranded din kagaya nyo" Nabuhayan siya ng loob. Mabuti na lang at meron dahil pagabi na rin. Delikado kung patuloy silang maglalakad patungo sa bayan kung nasaan ang bus station. Paambon-ambon na lang ang ulan ngunit malakas pa rin ang ihip ng hangin. Nagpaubaya siya sa matandang lalaki ng iginiya sila nito patungo sa lodging Inn. Ginising na rin niya si April. "Wake up--hindi na kita kayang buhatin. Hindi ako si Superman" seryosong sabi niya. Kaagad naman gumising ito at bumaba sa likod. Napaigik si April ng bahagya. "Ouch--masakit ang paa ko" daing wika nito ng maiapak sa lupa ang paa. Napailing siya saka hinawakan ito sa braso upang alalayan. Marahil namaga na ang paa nito dahil sa natapilok kanina. "S-Saan tayo pupunta? Malayo pa daw ba ang bus station?" "Oo malayo pa. At saka--walang biyahe dahil sa bagyo." saad niya. Patuloy pa rin ang paglalakad nila nakasunod lang sila sa matandang lalaki. "P-Paano ako nito? Kelan pa ako makakarating ng Cebu? Ang malas ko naman! Ouch--" reklamo nito sabay daing ng binilisan niya ang paglakad. "--bagalan mo naman ang lakad mo! Kulang na lang kaladkarin mo ko!" He just huffed and rolled his eyes. "--ang bagal mo maglakad. Look--sobrang layo na ni manong!" "Sorry naman! Ang sakit kaya ng paa ko--" paasik na wika ni April sa kanya. Malapit na siyang maubusan ng pasensya. Giniginaw na kasi siya dahil kanina pa sila basang basa sa ulan. Wala siyang ibang choice kundi buhatin ito. Bridal style. Bahagya naman napatili si April. Binilisan niya ang lakad upang maabutan ang matandang lalaki. "H-Hoy ano ba--" Nang maabutan ang matanda, pumasok sila sa isang lumang gate. Kinakalawang na ang gate at maraming halaman na nakapaligid. "Tara pasok kayo--nasa loob ang kapatid ko--" wika ng matanda saka dumiretso ng lakad sa main door. Napalinga siya sa kabuuan ng Lodging Inn. Luma na nga. Mukha itong lumang ancestral house na may dalawang palapag, gawa sa bato ang kalahati at kahoy naman ang bandang itaas na bahagi ng bahay. May karatula rin sa itaas ng main door. "KALUGURAN INN" Kaluguran? Ano ba ibig sabihin noon? "A-Ang creepy naman dito--" pabulong na saad ni April. Medyo creepy nga pero at the same time maganda. Malalaki ang mga punong nakapaligid sa bahay. May napansin din siyang tanim na gulay sa gilid. "Wala tayong choice--kung ayaw mo feel free to go back to the highway and continue walking until your last breath" Umingos lang ito sa kanya. Sabay sila pumasok sa loob ng tawagin sila ng matandang lalaki na ang pangalan pala ay Mang Roger. Kaagad naman lumabas ang may ari ng Inn. "Welcome to Brgy. Kaluguran--pasensya na kayo sa aking munting Inn. Ako nga pala si Espe. Tawagin nyo na lang akong Manang Espe--" nagsulat ito sa isang record book. Tila bahagya pa itong nalungkot. "--ayy naku, isa na lang ang available na kwarto. Sampo lang ang kwarto rito dahil sa super typhoon marami ring turista ang tumuloy dito kahapon kaya naman iisa na lang ang maibibigay ko--mag kasintahan ba kayo o mag asawa? wag kayong mag alala. malalaki ang mga kwarto rito at queen size bed ang mga kama rito. makakapag pahinga kayo ng maigi" abot tenga ang ngiti ni Manang Espe sa kanila. Napaubo si April at naniningkit ang matang nakatingin sa kanya tila nagtatanong kung anong gagawin nila. Huminga siya muna ng malalim. "She's my girlfriend. We will take the last room available. Thank you" Mabilis naman ang naging pagkilos ni Manang Espe. Binigyan siya nito ng susi. "P-Pero--hindi po kami--" Tinakpan niya agad ang bibig ni April upang pigilan ang anu man ang sasabihin nito. "Roger--pasuyo naman sila sa taas. May lulutuin lang ako sa kusina" utos ni Manang Espe kay Mang Roger. Iginiya naman sila paakyat hanggang sa makarating sa dulong bahagi ng bahay. "Babalitaan ko kayo oras na meron ng biyahe sa bus station patungo Cebu--" "Thank you po--" magalang na wika niya saka tuluyan na silang iniwan ni Mang Roger. Nang akma niyang bubuksan ang kwarto, isang malakas na hampas ang tumama sa likod ng ulo niya. Oh s**t! Marahas siyang napalingon kay April. Binatukan siya nito? "What the hell?!--" asik niya. "How dare you! Bakit mo sinabi girlfriend mo ko?! At akala mo ba papayag ako makasama ka sa isang kwarto?--" galit na turan ni April sa kanya. "--over my dead body! FYI, I have boyfriend kaya kung may intensyon ka sa akin. I tell you--you. are. not. my. type." mataray na asik ni April sa kanya. Well, wala naman siyang ibang intensyon kundi makapagpahinga na. Sinabe lang niya iyon dahil walang ibang choice. Mas lalong hindi siya interesado kung may boyfriend man ito. Pinilig na lang niya ang ulo saka binuksan ang kwarto. Mabilis siyang pumasok. Kagaya nga ng sinabe ni Manang Espe, malaki ang kwarto at ang kama. Oh God, tinatawag na siya ng kama...gusto na niyang ihiga ang likod nya. Maigi na lang at may sariling banyo sa loob ng kwarto. Dagli siyang naghubad ng tshirt at nang ibaba na niya ang pantalon bigla na lamang tumili si April. "At ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!" hiyaw ni April sa kanya. Nakatakip ang isang kamay sa dalawang mata nito. Nakangising napailing siya. "Maliligo ako--dapat ka na rin maligo at magpalit ng damit kung ayaw mong magkasakit." "Get out!" sigaw nito sabay padyak. "No. Im sorry--pagod na pagod ako sa pagpasan at buhat sayo. Gusto ko ng maligo at magpahinga. Kung gusto mo ikaw ang lumabas at maghanap ng matutulugan mo!" puno ng iritasyon wika niya at saka walang pag aalinlangan naghubad ng pantalon at boxer short sabay pasok sa banyo. Bigla uli tumili si April at tumalikod. Natawa siya ng malakas. Cute! (๑•᎑< ๑)♡ tbc.....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD