--April--
NANG MATAPOS siya makaligo at magpalit ng bihisan. Napako ang tingin niya sa lalaking sobrang himbing na ang tulog sa malambot na kama.
What a rude man!
Kinuha niya ang isang unan at kumot, sa sahig siya hihiga nunca tatabi ako sa lalaking hindi ko naman nobyo. Hmmp!
Ilan minuto lang ng mahiga. Iniisip niya kung hinahanap ba siya ni Danny?Napatingin siya sa cellphone, wala talagang signal kahit konti. Napabuga siya ng malalim na paghinga. Argh!
Nanlaki bigla ang mata niya ng may dagang mabilis na tumawid sa mga hita niya. Napatili siya sabay bangon at talon sa kama.
Oh my! I hate rats!
"What happened?-" tanong ni Noah. Nagising ito.
Sumiksik siya sa binata sabay turo sa sahig.
"M-May daga--may daga!!"
Noah just huffed and rolled his eyes at muling bumalik sa paghiga.
"Ang arte--" Noah whispered.
Subalit, matalas ang pandinig niya kaya narinig niya ang bulong nito. Malakas na hinampas niya ito ng unan.
"H-Hindi ako maarte! Ayoko lang sa daga!--"
gigil na sambit niya.
"Iisipin ko na lang--gumagawa ka lang ng dahilan para makatabi ako. Tsk"
pilyong ngumisi ito sa kanya.
Whoa! Nag uumapaw sa confidence itong taong 'to por que gwapo.
Muli niya itong hinampas ng unan.
"Ayokong makatabi ka! Dapat nga ikaw ang nasa sahig, saka uulitin ko--I have a boyfriend!"
"So?--Don't worry. A girl like you is not my cup of tea. At mas lalong hindi mo ko mapapahiga sa sahig dahil magbabayad din ako rito."
puno ng iritasyon na wika ni Noah.
Pinapakulo talaga nito ang ulo niya. Not cup of tea? Me? As if I care!!
Pabagsak siyang nahiga sa kabilang side ng kama at tinalikuran ang lalaki.
Nakakainis!
Huminga siya ng malalim. Eto ang unang beses na may makakatabi siyang lalaki sa iisang kama. My god! Samantalang, hindi pa nga niya nakakatabi ang nobyo sa kama..for two years hindi pa talaga kahit isang beses.
Relax, April. Walang makakaalam nito.
Wala naman mangyayareng iba, matutulog ka lang. Kalma self.
Siguro sa labis na pagod kaya mahimbing na rin siyang nakatulog.
Kinaumagahan, wala na siyang namulatan na katabi. Sumilip siya sa cellphone niya. No signal pa rin. Alas otso na ng umaga.
Mabilis siyang pumasok sa banyo upang maligo at makapagbihis.
Nang matapos dagli siyang bumaba, naabutan pa niya na paalis na ang iba pang turista na tumuloy sa Inn.
Tirik na ang araw pero bakas sa labas ang hagupit ng bagyo. Maraming puno ang lumaylay at natumba.
"Naku--maraming bahay ang nasira at saka marami rin ang nawalan ng bahay. Nakakaawa. Diyos ko po."
dinig niyang sambit ni Manang Espe ng mapasukan niya sa kusina.
Nandoon din si Noah na nagkakape.
Tumikhim siya upang agawin ang pansin ng mga ito.
"Ay--magandang umaga. gusto mo ba ng kape? may almusal akong tinda. Kaen na--" pang aalok sa kanya.
Kimi siyang ngumiti at naupo sa katapat na upuan ni Noah.
"Morning--" bati ng binata sa kanya.
"M-Morning din--" tugon niya.
Naglapag ng tortang talong, adobong sitaw, laing at mainit na kanin sa mesa si Manang Espe.
"Hala sige kaen na--itong nobyo mo kumaen na 'yan. Tinulungan pa akong magsibak ng kahoy para pang gatong ko sa pagluto."
abot tengang ngiti ni Manang Espe.
Muntik na siyang masamid dahil sa pag aakala talaga nitong mag kasintahan sila ni Noah. Matalim na sinulyapan niya ang binata. Nagkibit balikat lamang ito saka ngumisi.
She sighed. Hahayaan na lang niya, tutal oras na makarating na siya ng Cebu, hindi naman niya ito makikita pa.
Saglit na umalis si Manang Espe dahil may kakausapin sa labas.
Naiwan sila ni Noah sa kusina.
Tahimik lang siyang kumaen habang ito pa-simpleng nagkakape sa harap niya.
"Taga Cebu ka ba? Kaya ka pupunta doon?"
kapagkuwa'y tanong ni Noah at matiim nakatunghay sa kanya.
Umiling siya.
"Nope. Sa manila ako. Need ko lang puntahan sa Cebu ang boyfriend ko."
"Taga Cebu ang boyfriend mo?"
nakataas ang kilay ni Noah.
Bat ang cute nito pag nakataas ang kilay?
"Hindi rin. Naroon lang siya dahil sa work--balak ko siyang puntahan doon para i-surprise sana"
wika niya sabay subo uli ng kinakaen.
"Sumugod ka sa bagyo para i-surprise ang boyfriend mo--tsk, damn! paano kung pagdating mo sa Cebu wala na siya?-- nakabalik na pala ng Manila, anong gagawin mo?"
Napatigil siya. Oo nga. What if hindi na niya maabutan si Danny doon. OMG!
"See?--hindi mo naisip 'yun possibility na baka wala ka ng maabutang boyfriend sa Cebu?"
nakangising turan ni Noah.
"Malakas ang pakiramdam ko maabutan ko siya roon. Wala pa naman flights ngayon kaya for sure stranded din siya roon. At saka--ayoko mag isip ng negative. Kailangan maabutan ko siya."
determinadong saad niya saka mabilis na uminom ng tubig.
"Anong surprise mo sa boyfriend mo?"
seryosong tanong ni Noah.
Ngumiti siya ng matamis.
"Balak kong mag propose ng kasal sa boyfriend ko--"
mukhang nabigla ata si Noah dahil naibuga nito ang iniinom na kape sa mukha niya. Argh!! s**t!
Napahiyaw siya.
"Noah!!--"
Pero imbes mag sorry. Tumawa ito ng tumawa. Malakas itong tumatawa habang sapo ang tiyan.
Binato niya ito ng tinidor. Nakailag naman ito.
Bwiset!
Kaagad siyang nagtungo sa lababo at naghilamos. Walang tigil pa rin ito sa pagtawa. Gago talaga!
"Stop laughing! Treat me like a joke--I'll tell you, I will slap you hard like its funny!" nanggigil na asik niya kay Noah.
Mukhang natinag naman ito kaya tumigil na rin ito sa kakatawa.
"S-Sorry. Its just--so freaking funny. Wait--are you pregnant?"
kumunot ang noo niya sa tanong nito.
"No! Anong nakakatawa sa sinabe ko?--masama bang babae ang mag initiate ng kasal sa lalaki? At saka--two years na kami so dapat--"
muli na namang natawa si Noah.
May pahampas hampas pa ito sa mesa.
"Two years?-- that's it? Dahil lang naka two years na kayo, aayain mo siya? How can you be so sure na tatanggapin niya ang alok mo? Hindi ka naman buntis walang rason para magmadali sa pagpapakasal and besides ipaubaya mo na 'yan sa boyfriend mo..kung mahal ka niya talaga, siya mismo ang kusang gagawa ng paraan para makasama ka habang buhay..."
lintanya ni Noah sa kanya.
How can she be so sure that Danny will accept her proposal?
"Danny loves me. Di ako maglalakas ng loob sumugod at magbyahe kahit may bagyo kung hindi ako sigurado. He will accept my proposal. He will marry me!"
paasik na sabi niya saka nagmadaling umakyat sa silid nila.
Nahiga siya sa kama.
Ang daming What if's na tumatakbo sa isip niya.
Ano bang gagawin niya kung tanggihan siya ni Danny?
Oh saints! bwiset na Noah! Talagang dinagdagan pa ang stress niya!
Narinig niya ang pagbukas ng pinto pero hindi siya nag abalang tumingin. Alam niyang si Noah iyon.
"I'm sorry if I made you upset. Marriage is a serious matter. Marami nga ibang couple na 10 years bago nagpakasal--wala akong sinasabe na hindi ka mahal ng boyfriend mo, ang akin lang..let him do it. Kung hindi pa siya nagpo-propose sa'yo baka kasi masyadong pang maaga..just saying"
napaupo siya sa kama.
Nakaupo rin si Noah sa kabilang side ng kama. Nakatitig sa kanya.
Huminga siya ng malalim.
Kinuwento niya kay Noah ang nangyari mula ng makita niya ang nobyo na may binili sa jewelry store hanggang sa date nila ng gabing iyon, 'yung disappointment na naramdaman niya dahil sa iba ang expectation niya.
He just love Danny so much that's why she's doing this...she wanted to expressed her love.
Hindi niya namalayan na tumulo na pala ang luha niya.
Masuyong pinahid ni Noah ang basang pisngi niya.
"Okay I understand. Mamaya tatanungin ko si Mang Roger kung pwede na tayong magbyahe patungo sa bayan..baka sakali may byahe na sa bus patungo Cebu."
pang aalo sa kanya ni Noah saka marahan siyang niyakap.
What in the world is this? Tila may kuryenteng gumapang sa buong katawan niya ng magdikit ang balat nila ni Noah.
Why she feels so good because of his hug?
Madalas naman din syang yakapin ni Danny pero hindi ganito ang feeling.
Ano ba 'to April?
(ɔ ˘⌣˘)˘⌣˘ c)♡ tbc...