#3

1209 Words
--April-- "I'm sorry ma'am but all flights going to Cebu is cancelled until further notice due to super typhoon" Laglag ang balikat niya dahil sa narinig. God! I'm stuck! Makalipas lang ng isang oras at dalawampu't limang minuto ligtas siya nakalapag sa Tacloban Airport. Subalit hindi ko sukat akalain na wala rin pala siya mahihita rito. Nakabusangot na naupo siya sa mahabang upuan. Sumulyap siya sa malaking salaming bintana ng airport. Lalo lumakas ang bagyo, ayon pa sa balita tumaas sa signal number 3 ang bagyo. Oh No! Wala na rin signal ang cellphone niya. Gusto na niyang umiyak labis na frustration. "Na-stranded ka ba neng?" Dagli siyang napasulyap sa may edad na babae nasa tabi niya. Tumango naman siya. Gusto na niyang umatungal ng malakas dahil sa inis na nararamdaman. "San ba ang punta mo?Sa Cebu?" tumango siya uli sabay bahing sa hawak niyang tissue. Mukhang sisipunin na ata siya. "Pwede kang mag bus patungo Cebu. Magpahatid ka sa bus station. Pag maaga mo maabutan ang byahe sa bus kadalasan nasa anim na oras lang pero pag tanghali kana..matagal ang byahe nasa siyam na oras abutin--" wika ng may edad na babae. Tama. Sasakay na lang siya ng bus. "Thank you po--" mabilis pa sa kidlat ang kilos niya at lumabas ng paliparan. Kahit malakas ang hangin, hindi siya nagdalawang isip na mag abang ng taxi. Kaya naman ng may humintong taxi, kaagad niya kinuha ang bagpack pero naunahan siya ng may balasubas na sumakay ng taxi. Mabilis niyang hinila ang pinto ng taxi ng akmang isasara na ito ng lalaki. Aha! Ito 'yun lalaki katabi niya sa eroplano. "Excuse. Me. Ako nauna tumawag ng taxi--mang aagaw ka!" grabe kahit malakas ang ulan, biglang uminit ang bumbunan niya. "Sorry miss--I booked this taxi kanina pa. Wala akong inagaw sa'yo. So--please close the door kasi nababasa na ako--" "So? Ako hindi nababasa? Napaka-ungentleman mo naman!" gigil na asik niya sa lalaki. Kita niya rin na naiirita na ang lalaki. Umingos siya wala siyang pakialam kung mairita ito. "Sir? Ma'am? Magkakilala po ba kayo? Kung gusto niyo magshare na lang po kayo san po ba tungo ninyo maam?" tanong ng taxi driver. Pansin niya na naiinip na rin ito. "Sa bus station manong driver. Papuntang Cebu po" tugon niya. "Ayun naman pala! Sakay na kayo maam. Doon din si Sir, para di na kayo magtalo." "Maraming thank you po--" matamis siyang ngumiti sa driver saka umusog sa backseat kung saan nakaupo rin ang lalaki. Hindi na umimik pa ito subalit dama niya ang pagkabanas nito. I don't care-e-e-e-e! Panay ang bahing at singhot niya sa byahe. Wag naman sana siyang lagnatin dahil sa sipon niya. Halos trenta minutos pa lang sila nasa byahe ng huminto ang taxi. "B-Bakit po kayo huminto?" nagtatakang tanong niya. "May problema ba manong?" tanong naman ng katabi niya. Pailing-iling ang driver. "Naku Sir at Maam. Hindi tayo makakatawid. Hanggang beywang na ang baha oh--" Saka lang niya tinutok ang pansin sa harapan nila. Maraming sasakyan ang nakahinto rin dahil sa taas ng baha. May iba naman na naglalakad na sa baha para lang makatawid sa kabilang kalsada. Inay ko po! "Ilan oras ang aabutin bago humupa ang baha?" tanong ng lalaki. Luminga siya rito. Naalala niya nagpakilala ito sa kanya sa eroplano pero hindi niya tinanggap ang pakikipag kamay nito. Noah ang pangalan nito. Infairness, matatas itong magtagalog. "Ay sir. Hindi iyan basta-basta huhupa. Abutin iyan ng ilan araw lalo pa't hindi natigil ang ulan." "So? Anong gagawin namin? Don't tell me manong, kailangan namin lumusong sa baha para makatawid?" medyo napataas na ang boses niya dahil sa kabiglaan. Nilingon niya ang baha. Hanggang beywang ang baha. No way! There's no way na lulusong siya sa kulay chocolate na baha! Sumulyap siya sa katabi niya. Tinutupi na nito ang suot na pantalon. Kumunot ang noo niya. "Hey--lulusong ka sa baha?" "Yes--why?" napalunok siya. Maiiwan siya roon ng mag isa. Bat parang bigla siyang nakadama ng pangamba. Parehas naman sila ng tungo, ayaw niyang maiwan ng mag isa! Nagbigay na ito ng bayad sa driver nang akma na itong lalabas ng taxi, hinawakan niya ang lalaki sa manggas ng tshirt nito upang pigilan. He gave me an annoying look. "What?--" walang ganang tanong nito. Ngumuso siya at umarteng kawawa. "P-Please don't leave me alone." "E di sumama ka. My shirt please!" He rolled his eyes and sighed at me. Pero hindi niya pa rin binibitawan ang manggas nito. "Hindi ko kayang lumusong sa baha--" nahihiyang pang amin niya sa lalaki. Ayos lang naman kung hanggang tuhod ang baha pero ibang usapan na iyon hanggang beywang sa taas. Para ka ng tumatawid sa rumaragasang ilong pag ganun. Nakakatakot. "Not my problem. Bye." kinalas na ni Noah ang kamay niya saka lumabas ito ng taxi. Nanlalaki ang mata niya ng makitang walang takot itong lumusong sa baha. Oh s**t! Kita niya sumabay ito sa mga taong tatawid din sa kabilang bahagi ng daan. "Ano na po maam? maiiwan na kayo ni Sir. Mas mahirapan ka na po tumawid pag pagabi na po. Hindi na kayo aabot sa bus station--" "Wait lang manong--give me a sec." She breath in and breath out. Hoo! Inilagay muna niya ang sling bag sa loob ng bagpack niya saka lakas loob na bumaba ng taxi. Nagpanic siya kaagad ng madama ang malamig na tubig baha. Oh jesus! Isabay pa ang malakas na hangin. Bakit ko ba nararanasan to?! "Wait lang! N-Noah! Noah!" sigaw niya sa pangalan ng lalaki. Ngayon pinagsisihan na niya hindi siya naging friendly dito. Ayan tuloy nagsuplado na ito sa kanya. Bumuga siya ng malalim na paghinga at dahan-dahan naglakad patungo sa maraming tao na tatawid din. God! nahihirapan siyang kapain ng paa niya ang lalakaran. Pero nag maingat pa rin siya sa paglakad hanggang sa matapilok siya at tuluyan siyang natumba. Napatili siya ng malakas. "N-Noah Help!--" Holy s**t! Feeling niya nalunod siya sa baha. Dama niya ang pagsakit ng paa niya. Buti na lang may humawak sa kanya upang tulungan siyang makatayo. Jusko po basang basa na siya dahil sa baha. Hindi na niya napigilan maiyak dahil sa kamiserablehan napala niya. "Hey--stop crying. Baha lang 'yan iiyakan mo." Wala siyang pakialam. Basta umiyak siya ng umiyak ng malakas. Kahit magmukha siyang batang iniwan ng nanay, wala na siyang paki sa mga taong nakatingin sa gawi niya. Nakakaiyak talaga kasi! Subalit mas kinabigla niya ng pasanin siya ni Noah sa likod nito. Bumuntong hininga ito. "Stop crying--kung hindi ka titigil ilulob-lob kita sa baha. Ayusin mo ang kapit mo--" iritableng saad ni Noah sa kanya. Suminghot-singhot siya saka umayos ng kapit sa leeg nito habang ang isang kamay nito nakasuporta sa binti niya. Infairness naman, napanatag naman siya dahil sa ginawa nito. Matangkad kasi ito kaya kahit nakapasan siya hindi siya abot ng baha. Napangiti siya. First time in her life na pinasan siya ng lalaki sa likod..tapos kahit basang basa na ito. Ambango pa rin ng buhok at batok nito.. She sigh..sorry Danny..hindi ko napigilan ang sarili kong amuyin si Noah. ✺◟(∗❛ัᴗ❛ั∗)◞✺
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD