#6

1226 Words
--Noah-- "Bukas pa ang byahe ng bus alas siete ng umaga, pwede ko kayo ipahatid hanggang bus station sa kaibigan ko na may tricycle--kayo na lang bahala magbayad sa kanya" wika ni Mang Roger sa kanya nang magtanong siya. "Salamat po--" Tumulong kasi siya sa paglinis ng mga naputol na sanga dahil nagkalat. Tumingila siya sa bintana kung nasaan ang silid na inupahan nila. Naroon si April nakamasid sa kanila. Nginitian niya ito, ngumiti rin ito. Damn, boy! Kanina nang makita niya itong umiiyak, doon pa lang masasabi niyang masuwerte ang nobyo ni April. What a lucky man! Pinagpatuloy niya ang pagtambak ng mga putol na sanga sa gilid. "May maitutulong ba ako?" Lumingon siya, si April. umiling siya at ngumiti. "Huwag na--kaya ko na 'to. Nga pla--sabi ni Mang Roger, bukas ng umaga ang byahe sa bus station kaya dapat agahan natin ang gising--" napaubo siya. Kanina pa niya nararamdaman ang bigat ng katawan, hinahayaan lang niya. "Pinayagan ako ni Manang Espe magluto sa kusina--kaso kailangan kumuha ng manok sa kulungan..pwede mo ba ako tulungan?" masiglang wika ni April. Mukhang maayos na ang mood nito. "Sure--ano ba lulutuin mo?" nangingiting tanong niya saka palakad na nagtungo sa likurang bahagi ng Inn. Nandoon kasi ang kulungan ng mga manok. Medyo nakapag ikot-ikot na rin siya sa buong paligid ng Inn kaya alam niya. "Tinola--kumakaen ka ba nun?" Ngumuso siya. Tinola? Not familiar. Napansin siguro ni April na napaisip siya kaya bahagyang natawa ito. "Don't tell me, hindi ka pa nakakaen ng Tinola?" nakangising tanong ni April sa kanya. Nakarating na sila sa kulungan ng manok. Nahihiyang umiling siya. Hindi siya sure, sa mga name ng mga filipino dishes though di naman siya mapili sa pagkaen, kakainin niya basta masarap at may lasa. "Its a filipino chicken soup--sige para sa'yo lulutuan kita." matamis na ngumiti si April. "Nilulutuan mo rin ba ang boyfriend mo?" medyo na curious siya at the same time nakaramdam siya ng inggit. Sana lahat nilulutuan. He sighed. Pero lumungkot ang mukha nito, "--actually, hindi ko pa siya nalutuan kahit isang beses. Madalas kasi kaming kumaen sa labas." "Oh--don't be sad. For sure, magkakaroon ka rin ng chance lutuan siya. Sa ngayon, ako muna lutuan mo pwede ba 'yun?" Bakit masaya siya sa ideyang para sa kanya ang lulutuin nito? Nagliwanag naman ang mukha nito saka ngumiti sa kanya. "Sige--umpisahan mo na hulihin 'yun manok. Ayun---'yun medyo mataba" sabay turo sa manok. First time niyang manghuhuli ng manok, pero kung para naman sa magandang babae. Why not? lulutuan naman sya nito. Pumasok siya sa maliit na fence sa kulungan ng manok. Maingat at dahan-dahan ang pagkuha niya sa manok. Subalit sablay, mabilis na nakakatakbo ang mga manok at umiiwas talaga. Pinatunog pa niya ang dalawang kamay upang bumwelo. Nang biglang niyang sinunggaban ang manok, mabilis itong tumalon palayo. Napasubsob siya sa lupa. Malakas na tumawa si April. Nakasimangot na nilingon niya ito. "Tawang-tawa?" sarkastikong sabi niya sa dalaga na patuloy pa rin sa pagtawa. Bakit ba ang sarap sa pandinig ng pagtawa nito? Pinagpag niya ang dumi sa suot na pantalon. Hindi siya susuko, matalim ang tingin niya sa inosenteng manok. Manok ka lang, gutom ako. Huminga siya ng malalim bago mabilis na dinakma ang manok. Nahawakan niya ang manok. Nahuli niya. Yess!! "April--I got it! Yes! Yahoo!" Halos mapatalon siya sa kasiyahan. Daig pa niya nanalo ng gold medal dahil sa tuwang nararamdaman. Nakangiting pumalakpak si April at nag thumbs up. "Good job---kailangan pa natin ng isa para makakaen din ang ibang guest..Ayun, wait--come here little cookoo" wika ni April at pumasok din sa fence at maingat na kinuha ang isang manok sa harapan nito at walang kahirap-hirap na binuhat. napaawang ang labi niya at saka madilim ang mukhang lumapit kay April. "Sana ikaw na lang pala ang kumuha--that's unfair, dinaan mo sa lambing 'yung manok!" Malakas namang natawa ang dalaga. "I need two chickens--kaya nagpatulong ako sa'yo. Sunggab ka kasi ng sunggab--" muli itong tumawa ng malakas sabay turo sa mukha niya. Tumaas ang kilay niya. "W-What?" Bahagya itong huminto sa kakatawa pero andoon pa rin ang nakakalokong ngisi ni April. "Y-You have--chicken s**t in your face--" humalakhak uli ito tuptop ang bibig at naiiling. "--nevertheless, you're still handsome and cute though" Sumimangot siya. Mabilis siyang lumabas ng fence at walang lingon na pumasok at dumiretso sa kusina. Nilagay niya ang manok sa loob maliit na refrigerator at naghilamos sa lababo. Kakainis! Hindi niya alam kung compliment ba 'yun o ano. Nakasunod naman si April. "Nasaan na 'yun manok?" Tinuro niya ang refrigerator habang nagsasabon ng mukha. Naiiling na kinuha ni April ang manok. Hawak nito ang dalawang manok magkabilaan. Damn! ang cool lang nito tignan na walang kaarte-arteng may hawak na buhay na manok sa dalawang kamay. Buong akala niya kasi maarte at brat ito. Nang matapos makapaghimalos, nagtanong siya anong susunod na gagawin. "Well, ang next ay--kill the chicken. Gilitan mo sa leeg ang manok. Magpapakulo lang ako ng tubig--" Tumindig ang balahibo niya. "Kill--the chicken? Why?" "Anong why? alangan naman lutuin ko ng buhay at may balahibo pa? Kuha ka ng maliit na palanggan--ayun ang kutsilyo" sabay turo sa lagayan ng mga kutsilyo. Umiling siya. No. No. He's not a killer. He can't do that. "Hindi ko kaya! Ayoko--hindi ko kaya pumatay ng chicken. Kawawa sila!" matigas niyang sabi. Natawa naman uli si April. Mabuti na lang at napasukan sila ni Mang Roger. Eto na ang gumawa, pinatay ang kaawa-awang manok sa harapan niya. Kitang kita niya ang pag sirit ng dugo ng manok. Nanlalamig siya. Oh god! Umiikot ang paningin niya. Mabilis siyang naduwal sa lababo, lahat ata ng laman ng tiyan niya ay isinuka niya. Oh lord! Latang-lata siya. Dama niya ang paghaplos ni April sa likod niya. Pakiramdam niya tatakasan siya ng ulirat. Nawalan siya ng balanse at tuluyan natumba saka nawalan ng malay. Nang muli siyang dumilat nasa kwarto na siya at nakahiga sa kama. May malamig na bagay nakapatong sa noo niya. Kinapa niya iyon. Puting towel na basa. Tatayo na sana siya ng bumukas ang pinto at ang nakangiting mukha ni April ang nasilayan niya. "Anong nangyare?" naguguluhan tanong niya. "Hinimatay ka kanina--tapos nilagnat ka. Eto 'yun niluto kong tinola--tikman mo" malamyos na wika ni April. Napasulyap siya sa bowl na hawak nito. Naalala niya 'yun manok. "Huwang kang mag alala--binigyan ko ng hustisya 'yun manok, sinarapan ko ang luto ko para worth it naman ang pagkamatay nila" nangingiting turan ng dalaga sa kanya. Lumunok siya ng laway at ngumuso. "Bat parang kinukumbinsi mo ko wag maawa sa manok?" umismid siya saka kinuha ang bowl. Tinikma niya ang Tinola. Hmm, infairness walang lasa? Lukot ang noong tumingin siya kay April na pigil sa pagtawa. "Bakit walang lasa?--" "May sakit ka kasi, kaya wala kang panlasa." "Hindi nga? Wala ako malasahan eh. Amoy ginger lang--" nakasimangot na wika niya. Gusto pa naman niyang malasahan ang luto nito pero nagkasakit pa siya. Napabuntong hininga na lamang siya. At least, nilutuan pa rin siya ng dalaga. "Ubusin mo 'yan--tapos inumin mo itong paracetamol." Tumango siya saka pinagpatuloy ang pagkaen ng Tinola. What a great experience! ˎ₍•ʚ•₎ˏtbc....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD