Sue’s pov NAGISING si Sue sa haplos ng kamay ni Winston sa kanya. “Wake up Sweetheart,” pukaw sa kanya ni Winston. Nag-stretching muna siya bago dinilat ang mga mata. Nakatulog siya dahil sa inis sa lalaki at sa babaeng humalik dito kanina. Umakyat yata ang dugo niya sa ulo. Naging Gabriela Silang siya kanina. Nagulat pa siya nang makitang nakahinto ang sasakya nito sa isang tabi. “Bakit?” tanong niya sa lalaki. Nakasimangot pa rin siya dito. “Gutom na ako sweetheart,” turan nito. Hinimas pa nito ang tiyan. Napaangat ang kanyang kilay. “I miss you, Sweetheart,” wika pa sa kanya ni Winston. Hindi niya ito pinansin. “Nasaan na ba tayo?” tanong niya sa lalaki. “Nasa daan pa rin. Hindi ko naman kasi alam kung saan ako liliko kaya huminto na muna ako,” sagot