Feonna’s pov INAGAW ni Feonna ang sigarilyong sinindihan ni Ren, pagkatapos nitong umupo sa kama at sumandal ang likod sa headboard ng kama. Agad niya iyong nilagay sa bibig at hinithit. Binalot niya ang katawan ng kumot. Muling nagsindi si Ren ng sigarilyo. “Magagawa mo naman diba ang gusto ko?” tanong niya kay Ren. Hindi siya tumingin dito. “Oo naman,” sagot ni Ren. “Mukhang wala kang alam sa ginagawa ng asawa mo Feonna,” wika sa kanya ni Ren kaya napatingin siya sa lalaki. “About? He’s businesses?” tanong niya pa. Umiling si Ren sa sinabi niya. Naintriga siya sa sinabi nito. Nakakunot ang kanyang noo. “May source na nakapagsabi sa akin na may kinalolokohan ngayon ang asawa mo,” wika sa kanya ni Ren. Natigilan siya sa narinig mula sa lalaki. “Baka magul