Winston’s pov MALALIM na ang gabi pero hindi pa rin siya dinadalaw ng antok. Pagod siya sa mahabang biyahe kanina pero tila buhay na buhay ang isip niya. Kung anu-ano kasi ang tumatakbo sa isipan niya. Gusto niya nang ayusin ang kanyang buhay kasama si Sue. Gusto niyang patunayan sa babae ang tapat na hangarin niya. Napaisip siya kung ano ang sasabihin niya kay Feonna. Matatanggap kaya nito ang magiging dahilan niya? Ibibigay kaya nito ang kalayaan niya? Paano kapag nalaman nito na ang pinalit niya dito ay ang secretary nito? Labis siyang nalilito pero kailangan niyang mamili. Hindi niya makakayang iwan siya ni Sue dahil kay Feonna. Ayaw niyang makita itong nasasaktan kapag kasama niya si Feonna. Kailangan niya mamili sa dalawa. Kailangan niyang gawin ang tama. Napalingo