Chapter 1

1116 Words
Emma "Pakiusap, bigyan niyo pa ako ng isang buwan na palugit para matubos ang sakahan ko!" nagmamakaawang sambit ni Tatay, pulang pula na rin ang kanyang mukha at nagtutubig din ang kanyang mga mata habang nakaluhod sa harap ni Mang Ben. "Puro ka na lang palugit, wala naman nangyayari. Pag hindi niyo pa natubos ang lupain niyo ay pasensya na ngunit ibibinta ko na ito sa mga Reyes, kailangan ko rin ng pera para sa pamilya ko." nauubusan nang pasensiya na tugon ng matanda kay Tatay. Napaangat ng tingin si Tatay dahil sa narinig, kahit walang kasiguraduhan na makakaya niyang gawan ng paraan ang pagtubos sa kanyang sakahan sa loob ng isang buwan ay hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa. Umaasa pa rin siya na magkakaroon ng milagro na mabago ang dapat na mangyari. Tanging ang maliit na sakahan na lang 'yon ang alaala ng yumaong magulang ni Tatay at kung maaari ay ayaw niyang mawala iyon sa kanyang pangangalaga ngunit minsan ay sadyang hindi naaayon sa mga kagustuhan natin ang mga nangyayari, may mga araw na susubukin ng tadhana kung gaano tayo katatag, kung hanggang kailan at kung hanggang saan mo kayang harapin ang mga pagsubok sa iyong buhay. Dumating ang delubyo sa pamilya namin, nagkasakit si Nanay at walang-wala kami ng panahon na 'yon kaya ang sakahan ni Tatay ang nagsagip sa'min. Kung hindi dahil sa sakahan na 'yon ay baka nawala na rin sa'min si Nanay. Nagtagal siya sa loob ng hospital dahil sa sakit niyang high blood na humantong pa sa kinailangan niyang e monitor sa loob ng ICU nang ilang araw kaya naubos ang lahat ng perang pinasanlaan ni Tatay sa kanyang sakahan. Napakahirap na makita ang magulang mong nagmamakaawa sa iba para lamang bigyan kayo ng maayos na buhay at mapakain sa araw-araw. Kahit hindi man katulad sa iba na marangya ang pamumuhay basta ang importante ay kumakain kayo ng tatlong beses sa isang araw at malulusog ang bawat miyembro ng pamilya. "Maraming salamat Ben, pangako...gagawa ako ng paraan." may paniniguradong pangako ni Tatay kay Mang Ben bago ito lumabas ng aming munting tahanan. Napatingin ako kay Tatay na naghihinang napaupo sa upuan na gawa sa kawayan at matunog na bumuntong hininga. Halata sa kanyang mukha na nahihirapan siyang mag-isip ng paraan. Tahimik akong naglakad papalapit kay Tatay at umupo sa kanyang tabi. "Tay, sasama po ako kay Ella pabalik sa Maynila, magtatrabaho po ako doon para matubos natin ang sakahan niyo." napabaling sakin si Tatay sa kanyang narinig, nabibigla at hindi makapaniwala sa aking sinabi dahil kahapon lamang nang kausapin at imbitahan akong sumama ni Ella sa kanyang pinagtatrabuhan ay mabilis akong tumanggi. Alam nilang ayaw kong malayo sa kanila. "Sigurado ka ba anak? Pasensiya na't nadadamay ka pa sa problemang ako dapat ang gumagawa ng paraan upang malutas." nanghihinang sambit ni Tatay kaya agad akong yumakap sa kanyang braso. "Ano ka ba 'Tay, pamilya tayo kaya dapat lang na magtulungan tayo." nakangiti kong turan kaya napangiti na rin ang aking Ama. "Ang swerte ko talaga sa'yo, napakabait mong anak." pang-uuto pa sa'kin ni Tatay kaya biglang umepal si Kuya. "Siya lang ba ang mabait 'Tay? Ako rin naman ah, nakalimutan niyo na bang ako ang katulong niyo sa bukid?" nagtatampong tanong ni Kuya kaya napatawa kami ni Tatay. "Kuya, mas mahal ako ni Tatay kaya tanggapin mo na," pang iinis ko sa kanya at binuntatan pa iyon ng mahinang hagikgik kaya napangiti na lang siya at ginulo ang buhok ko. "Naku bunso, kung hindi lang kita mahal ay baka sinapak na kita!" natatawa niyang sambit kaya napatawa ulit kami ni Tatay. Ganyan 'yan si Kuya, madaling maasar at mapikon pero mahal ako niyan. "Kayong dalawa, pareho kayong mabait at maasahan, palagi niyong tandaan na mahal na mahal namin kayo ng Nanay niyo!" nagkatingin kami ni Kuya sa sinabi ni Tatay at sabay na napatawa dahil sa pagdadrama namin. Kahit papaano ay napagaan namin ni Kuya ang kalooban ni Tatay. Sandali niyang nakalimutan ang problema dahil sa kakulitan namin. "Ano na namang drama niyo mag-aama diyan? Halina't tayo'y mag umagahan na, lalamig na ang pagkain." nakangiting sambit ni Nanay kaya sumunod na rin kami sa kanya sa loob ng kusinang tanging kurtina lang ang namamagitan at nagpapahiwalay mula sa maliit naming sala. Simpleng umagahan ngunit masaya lalo pa't buo ang mga kasapi ng pamilya. Kahit na alam kong kapos kami sa pangangailangan ay masaya pa rin kami basta magkakasama naming hinaharap iyon ay masaya pa rin ang kahihitnan nang lahat. Hindi nawala ang kulitan at tawanan namin ni Kuya sa harap ng hapagkainan. Napapangiti na lamang sina Nanay at Tatay habang pinagmamasdan kami. Mamimiss ko ang ganitong klase ng buhay pag nakapunta na ako ng Maynila. Mamimis ko sila ng subra-subra. Nakakalungkot lang isipin dahil kailangan kong mapalayo sa kanila para makatulong. Tanging iyon lang ang alam kong paraan upang makatulong kay Tatay. Alam kong hindi madali at alam kong mahirap ang trabahong papasukin ko pero sabi nga nila, darating at darating ang oras na kakapit ka sa patalim. Ang alam ng pamilya ko ay sa hotel nagtatrabaho si Ella, wala silang kaalam-alam sa totoong trabaho ng kaibigan ko. Tanging ako lang ang nakakaalam ng bagay na 'yon. "Naku Emma, hindi ka magsisisi, hindi ka mahihirapan sa one hundred thousand na kailangan mo para sa sakahan ni Tatay Arthuro, sa gandang mong 'yan, siguradong pag-aagawan ka ng mga customer doon." mahinang sabi ni Ella habang naghahanda ako ng mga gamit ko na dadalhin sa Maynila. at kalaunan ay bigla na lamang siyang tumawa ng malakas na para bang kinikilig sa kanyang naiisip. "Ang popogi ng mga lalaki do'n Emma, baka maka-bingwit ka ng magpapayaman sa'yo,malay mo," napailing na lang ko sa mga pinag-iisip at pinagsasabi niya. 'Di naman ako umaasang makakahanap ng lalaking magpapayaman sa'kin, ang tanging hangad ko lang sa buhay ay makatulong sa aking pamilya at mabigyan sila ng maganda at maayos na buhay. Hindi ako naghahanap ng lalaking mamahalin ako dahil hindi ako nagmamadali sa bagay na 'yon, handa akong maghintay kong kailan siya darating sa buhay ko at kung kailan ko maramdaman ang totoong pag-ibig. Ngunit sa pinapasok kong klase ng trabaho ay alam kong mahirap nang makahanap pa ng matinong lalaki na magmamahal sa'kin ng totoo. Hindi ako umaasa pero magbabakasakali pa rin ako kung darating man ang oras na 'yon sa buhay ko. Sabi nga nila ay walang mawawala sa'yo kung susubukan mo ngunit kailangan mo lang magtira para sa iyong sarili para kung sakali man na darating ang araw na pagsawaan at iwanan ka niya ay may natira pa rin para sa iyong sarili kahit kunti lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD