Simula

1079 Words
Sabi nila ang pagpuputa daw ang pinakamababa na propesyon sa buong mundo. Isang bayarang babae. Hindi katulad ng ibang propesyon, ito ay hindi mo na kailangan pang pag-aralan para makapasok. Ang kailangan mo lang ay hubarin ang iyong pagkatao at maging laman-bagay na nagbibigay aliw sa mga kalalakihan. Sa ganitong klase ng trabaho, iba't ibang klase ng tao ang makakasalamuha mo. 'Yong iba ay maiintindihan ka kung bakit 'yon ang naging trabaho mo at irerespeto ka pa rin nila sa kabila ng lahat ngunit karamihan sa kanila ay punung-puno ng paghuhusga ang matatanggap mo. Ituturing kang maruming tao at salot sa lipunan. Sa ganitong klase ng trabaho,dapat alam mo kung paano kontrolin ang iyong sarili. Pero sadyang mapaglaro ang tadhana, kahit ilang ulit mo pang sabihin sa sarili mo na "trabaho lang at walang personalan", ay darating at darating ka pa rin sa punto na maramdaman mo 'yong pinakamasarap na pakiramdam, ang magmahal, pero ang pinakamasakit sa lahat ay maramdaman mo 'yon sa lalaking may nagmamay-ari na. Ang pinakamasakit sa lahat ay maramdaman mo iyon sa sinasabi nilang maling tao at maling panahon. Paano kung sa paulit-ulit niyong pagtatalik ay may mabuo sa sinapupunan mo? Ano ang gagawin mo? Paano mo haharapin ang kinabukasan? Paano ka makakaligtas sa giyera ng pag-ibig kung sa umpisa pa lamang ay alam mo nang ikaw na ang talunan? How can you love the person without even getting hurt If you always feel unworthy? How can you handle the most heavy responsibilities in your life? Sabi nila, kung masakit na, tumigil ka na. Kung 'di mo na kaya, sumuko ka na. Kung napapagod kana, magpahinga ka. Kung nahihirapan kana, pakawalan mo na. Dahil may mga bagay na kailangan mo nang bitawan kapag mabigat na. May mga bagay na sadyang nakakasakit na.. Sa puntong hindi mo na kaya. Mga bagay na kailangan ipaubaya na lang sa iba kapag alam mong hindi mo na matatawag na iyo pa. O... Naging pagmamay-ari mo ba talaga? Masakit man isipin.. Masakit man damhin.. Pero hindi mo maiaalis ang katotohanang.. Hindi ikaw ang mahal niya. Na hindi ikaw ang tinitibok nang puso niya. Na alam mong walang magiging katapat ang pagmamahal na ibinibigay mo sa kanya. Pero okay lang 'yan.. Iiyak mo lang.. Ilabas mo ang lahat ng sakit.. Hanggang sa wala kanang mailuha pa.. At wala ka nang mararamdamang hapdi pa dahil 'di mo namamalayan.. Namamanhid kana.. Kapag naisip mong sumuko na, kapag naisip mong wala ng saysay ang iyong buhay, alalahanin mong may isang buhay na tinitingala ka at umaasa sa'yo. Mahirap man ang buhay, magpasalamat ka lalo na't pinagkalooban ka ng isang anak na bubuo sa iyong pagkatao. "Krista is back," napalingon ako kay Xander na bigla na lang nagsalita pagkatapos nang mahabang katahimikan. 'What's your plan?" mapait akong ngumiti sa naging tanong niya. Ano bang gusto niyang mangyari? Alam kong katapusan na ng mga maliligayang araw ko na kasama siya ngayong bumalik na pala ang babaeng ihaharap niya sa altar. "Uuwi na ng probinsya, may laman na naman ang bank account ko kaya pwede na akong magsimula ng maliit na negosyo." sinubukan kong idaan sa biro ang pera niyang naging laman ng bank account ko. Pinilit kong patatagin ang boses ko nang sabihin ang mga salitang 'yon upang hindi niya mahalata ang pait do'n. Kahit gustuhin ko man na manatili sa tabi niya ay hindi na pwede, ang usapan ay usapan at tutupad ako sa usapang iyon kahit na ayaw kong malayo sa kanya. Lalayo ako sa kanya kahit gustong-gusto ko pa siyang makasama. Minsan ay pinapahiram tayo ng tadhana ng mga taong makakasama natin sa maikling panahom upang bigyan tayo ng leksyon. Upang makaramdam tayo ng kasayahan kahit na hiram lang na sandali. "Hmm...go back to your province, get married and have a happy life!" nakatingin sa kalangitan nitong sambit. Sunod-sunod ang naging paglunok ko. Sinusubukan na huwag ipakita sa kanya na nasasaktan ako. Pinipilit sa sarili ko na ayos lang at makakaya kong harapin ang katutohanan na tapos na ang ugnayan namin. Ngunit paano ko gagawin 'yon? Paano ako magpapakasal kung sa iba ikakasal ang lalaking mahal ko? Paano ako magiging masaya kung sa iba siya masaya? Alam ko naman na darating ang araw na'to, na matatapos ang ugnayan namin kapag bumalik na ang babaeng mahal niya. Akala ko noon ay handa na ako. Akala ko noon ay handa na akong mawala siya nang tuluyan sa'kin ngunit hindi pa pala. Masakit pa rin tanggapin na kahit wala pang nabubuo ay agad nang magtatapos. Maghihiwalay na ang landas namin na hindi ko man lang nasasabi sa kanya ang totoong nararamdaman ko. Alam kong nasa usapan na bawal kami magkagusto sa isa't isa, sinubukan kong pigilin ang sarili kong mahalin siya pero nabigo ako dahil habang tumatagal ang ugnayan namin ay mas lalo lang nahuhulog ang puso ko sa kanya. Mas lalo ko lang siyang minamahal kahit na alam kong may mahal na siyang iba. Mas lalo ko lang siyang minamahal sa bawat segundo na mayroon ako. Mas lalo ko lang siyang minamahal kahit na alam kong masasaktan lang ako sa huli. Napatingin ako sa kanya nang biglang tumunog ang hawak nitong cellphone, itinaas niya iyon upang ipakita sa'kin at bahagya pa siyang lumayo bago sagutin ang tawag. Napahawak ako sa aking dibdib at ramdam ko ang subrang sakit nito. Nasasaktan ako ngunit hindi ko magawang sabihin sa kanya dahil natatakot ako sa maaari niyang isagot. Ayaw kong umasa dahil alam kong hindi kami pareho nang nararamdaman. "I have to go, we're having our family dinner together with her family." nagmamadali siyang umalis pagkatapos sabihin ang katagang 'yon. Walang lingon siyang lumabas ng apartment ko. Mapait akong napangiti at masakit sa loob na tinanggap ang katotohanan. Mahirap ngunit kailangan kong tanggapin na hanggang dito na lamang ang nararamdaman ko. Masakit dahil alam kong hanggang pang-kama lang ako para sa kanya. Alam kong pinapanatili niya lamang ako para sa kanyang nag-iisang hangarin na hindi mag-isa, kailangan niya lamang ng isang kasama sa kama at nang isang kalaro sa sekswal. Hindi niya ako minahal at hindi niya ako mamahalin dahil iisang babae lang ang itinitibok ng kanyang puso. Iisang babae lang ang pinangarap niyang iharap sa altar at hindi ako 'yon. Kailanman ay hindi magiging ako 'yon dahil tanging ang init lang ng katawan ko ang kailangan niya. Nakikita lang niya ako kung kailangan niya ng kalaro sa kama. Hanggang pang-kama lang ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD