Chapter 2

1617 Words
Emma Ngayon ang araw nang punta namin ng Maynila. Maaga pa lang ay gising na ako upang asarin si Kuya, hindi ko alam kung kailan ako makakauwi dito sa aming probinsya kaya susulitin ko na habang nandito pa ako. Maaga rin gumising ang mga kapit-bahay namin na mga reporter, mas malakas pa yata ang signal nila kaysa sa Globe, sa subrang lakas ng signal nila ay nakakagawa sila ng kwento. Mga bagay na kahit hindi mo pa man nagagawa ay natatapos na nilang ipangalandakan sa mga kausap nila na ganito at ganyan ka. Kaya siguro walang asenso ang Pilipinas dahil sa mga kapit-bahay kong chismosa. "Mag-iingat ka doon Emma, mamahalin at papakasalan pa kita!" nakangiting sabi ni Natoy at kinindatan pa ako. Ang lokong lalaking 'to, ang sarap sana niyang sabunutan ngunit paano ko gagawin 'yon kung wala naman siyang buhok. Marahil ay wala itong buhok sa pang-itaas na ulo ngunit nasisiguro kong may buhok ang alaga nitong nasa ibabang bahagi ng kanyang katawan. Lihim kong kinurot ang aking sarili dahil sa pumasok sa isip ko. Hindi ko yata kakayanin na sabunutan ang alaga ni Natoy. "Wag mong sirain ang umaga ko,Natoy." naiinis kong sabi sa kanya pero ang loko ay ngumiti lang sa'kin kaya kitang-kita ang ngipin nitong naging pugad na ng tabako. "Bakit naman masisira ang umaga mo sa mukha kong 'to, Emma? Nakalimutan mo na bang habulin ako ng mga babae dito sa lugar natin?" mayabang na sagot nito sa'kin at tumawa pa ng malakas. Ang hangin. Kaya naman pala lagi na lang bumabagyo dahil sa kahangian ng lalaking 'to. Pwede nang maging bagyong Natoy. "Tabi nga diyan kalbo, dadaan ang magandang si ako." Pagtataray ni Ella kay Natoy at bahagya pa itong itinulak. "Emma, handa ka na?" baling ni Ella sakin kaya tumango ako. "Mag-iingat ka do'n 'nak, lagi kang tatawag sa'min ah." naiiyak na sabi ni Nanay at muli akong niyakap. "Ella, pakiusap, huwag mong pabayaan ang kapatid ko." malungkot na turan ni Kuya kay Ella. "Akong bahala sa kanya, Pogi." nakangiting sagot ni Ella at kinindatan pa si Kuya kaya napailing na lang ang aking kapatid. Umalis kami ng bahay na umiiyak si Nanay at Tatay, nag-aalala sa kung anong buhay ang naghihintay sa'kin sa siyudad. Kinakabahan ako dahil hindi ako sanay na malayo sa pamilya ko ngunit kailangan kong makipagsapalaran para makatulong sa kanila. Habang nasa himpapawid ang Eroplanong sinasakyan namin papuntang Maynila ay tahimik lang akong nakaupo sa tabi ng bintana pero ang katabi ko ay mahimbing ang kanyang tulog. Naghahalo ang emosyon na nararamdaman ko, nasasabik at kinakabahan sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Maingay na paligid ang sumalubong samin pagkalabas pa lamang ng Airport, maraming sasakyan at maraming tao na iba't iba ang direksyon na pinupuntahan. Nakangiti akong umiling nang maisip kong nasa siyudad na nga pala ako at wala na ako sa lugar na tahimik at may preskong simoy ng hangin, wala na ako sa probinsyang kinalakihan ko . Ibang iba ang lugar na 'to sa kinagisnan kong buhay. "Pasensya ka na sa mga tambay na 'yon Emma, gano'n lang talaga sila tumingin pero mababait naman." hinging paumanhin ni Ella pagkapasok pa lang namin sa tinitirhan niya, tinutukoy nito ay ang paraan ng tingin ng mga taong nakatambay sa makipot na eskinita na dinaanan namin. Parang hinuhubaran na nila ako sa paraan ng tingin nila at ang iba ay sumisipol pa. "Nagandahan lang sila sa'yo kaya gano'n na lamang sila umakto, masasanay ka rin." napangiti na lang ako sa sinabi ni Ella. Alam kong masasanay rin ako sa mga gano'n. Wala akong karanasan sa pag-ibig ngunit alam ko sa aking sarili na may landi rin akong tinatago sa katawan, siguro ay kusa na lang 'yon lalabas pag nakita ko na ang katapat ko. Kinaumagan ay maaga kaming pumunta ng bar na pinagtatrabuhan ni Ella para ipakilala ako sa kanyang Manager. "Emma Macapuno, naku… ang ganda mong bata ka. Filipinang-filipina ang kutis, alagang probinsya at kulay kayumangging magbibigay sa'kin ng malaking salapi!" nakangiting papuri ng matandang bakla na si Oca pero Mamse daw ang gustong itinatawag sa kanya. Macapuno ang gamit kong apelyido sa trabaho dahil 'yon ang payo ni Ella. Kailangan daw na itago ang totoo kong pagkatao kung gusto ko ng tahimik na buhay. "Paniguradong mas dadami pa ang mga mayayaman na pupunta mamayang gabi, o Ella turuan mo siya ng tamang kembot!" nakangiti niyang sabi na para bang may maganda siyang naiisip. Natatawa ako habang pinapanood si Ella na tinuturuan akong kumembot. Kung ganito lang pala ang gagawin ko ay hindi ako mahihirapan sa klase ng trabahong pinasok ko. Tibay at lakas lang ng loob ang tanging kailangan ko upang magawa ko ng tama ang trabaho ko. "Basta Emma, alam mo na ang gagawin mo ha, habang nagsasayaw ka ay dapat na nakatingin ka sa mga nanonood sa'yo. Mahalaga ang eye contact upang mas maakit mo pa ang customers." seryosong paliwanag ni Ella na tinanguhan ko. Aaminin kong kinakabahan at natatakot ako na baka hindi ko magawa ng tama ang lahat ng tinuro nila sa'kin. "Wag kang kabahan, isipin mo na lang na ikaw ang reyna ng intabladong 'yon, kaya mo yan Kitty." napatawa ako sa sinabi niya, pinalitan nila ang pangalan ko at Kitty daw ang tawag nila sa akin pag dito sa loob ng Oca's Cave. Ako si Kitty na bagong reyna ng entablado at hindi si Emma. Ako si Kitty na magbibigay- aliw sa mga kalalakihan na uhaw sa laman loob. Ako si Kitty na handang hubarin ang mga saplot sa katawan para lamang sa pera. Ako si Kitty na handang gawin ang lahat para sa kanyang pamilya. Nanginginig akong bumuga ng malakas na hangin. Subrang lakas ng t***k ng puso ko at mas lalo pang kinabahan nang makita ang dalawang piraso ng puting tela na susuotin ko. Sanay akong magsuot ng mga maiikling damit at nagsusuot rin ako ng t-shirt na labas ang pusod pero parang gusto ko na lamang umatras nang makita ko ang susuotin ko sa sandaling 'yon. Tanging maliit na puting tela lang ang nakatakip sa dibdib ko at halos tuktok lang ng magkabilang dibdib ko ang natatakpan at puting panti na sa isang marahas na hila lang ay matatanggal na. Gano'n pa man ay may parte pa rin sa akin na nagpapasalamat dahil hindi nila lubos na makikita ang buong mukha ko dahil sa suot kong itim na maskara. "Hoy Kitty, bilisan mo diyan at ikaw na ang susunod!" nakangiting tawag ni Mamse sa'kin kaya nakangiti akong tumango dito. "Kitty, uminom ka muna nito nang mabawasan 'yang kaba mo," pumasok ng dressing room si Ella na may hawak na basong naglalaman ng malinaw na likido mula sa bote ng alak. "Vodca 'yan, inumin mo na dahil ikaw na ang susunod." pagpupumilit pa ni Ella kaya wala akong nagawa kundi ay inumin 'yon. Parang may gumuhit na kung ano sa lalamunan ko pababa sa tiyan ko ng inumin ko iyon. Napangiwi ako sa pangit ng lasa nito kaya hindi ko naubos. "Kitty,ikaw na," tawag sa'kin ni Mamse na tinanguhan ko. Madilim ang entablado nang pumasok ako. Kasabay ng maharot na musika ay sinalubong rin agad ako ng hiyawan ng mga kalalakihan sa audience. Salamat sa alak na pinainom ni Ella sa'kin dahil nabawasan ang kaba at hiya ko sa katawan. Nagkaroon ako ng sapat na lakas ng loob para sa gagawin kong pag-aaliw sa mga naghihiyawan na kalalakihan na nasa harapan ko. Kasabay ng maharot na musika ay unti-unti rin akong gumalaw. Bahagyang bumukas ang ilaw at pinapaliguan ng maliit na liwanag nito ang buong katawan ko. Kung kanina ay naghihiyawan ang mga lalaki, ngayon ay napalitan 'yon ng katahimikan nang magsimula na akong sumayaw. Ramdam ko ang mga matang nakatitig sa'kin mula ulo hanggang sa aking paa. Nagsimulang gumapang ang init ng mga titig na 'yon sa buong katawan ko. Mula sa malulusog kong dibdib, pababa sa flat kong tiyan hanggang sa pang ibaba ko na bakat na bakat. Kagat labi akong sumayaw habang patuloy na kumakalat sa katawan ko ang kakaibang sensasyon. Ramdam ko ang nag-aalab at pumapasong titig sa buong katawan ko. Muli akong pumikit at iginiling ang katawan na tila ba nang-aakit. Bahagyang naghiyawan ang mga kalalakihan dahil sa ginawa kong iyon kaya napamulat ako ng mga mata at tumingin sa kanila. Hindi ako tumigil sa pagsasayaw. Mas lalo ko pang iginiling ang aking beywang. Nasasayahan ako sa nakikitang pagnanasa mula sa mga kalalakihan. Ramdam ko ang u***g ko sa maliit na tela na tila ba gusto nitong kumawala sa manipis na telang tumatakip dito. Napangisi ako ng maalala ang tinuro nila sa akin. Dahan-dahan ko iyong tinanggal sa tuktok ng dibdib ko at inihagis iyon sa mga kalalakihan. Napangiti ako ng makita kung paano sila mag-unahan para lamang makuha ang manipis na telang pinang-takip sa u***g ko. Napatingin ako sa lalaking nakakuha nang maliit na telang iyon nang tumayo ito at muling inihagis iyon sa lalaking tahimik na naka-upo sa madilim na bahagi ng club. Kitang-kita ko kung paano tumaas ang sulok ng labi nito at saka ibinulsa ang nasabing tela. Naghiyawan ang mga lalaking kasama nito sa isang lamesa dahil sa kanyang ginawa. Napalunok ako ng magsalubong ang aming mga mata. Napa-iwas ako ng tingin nang hindi ko na matagalan pa ang init ng titig nito at humarap sa ibang kalalakihan habang patuloy na gumagalaw ang aking katawan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD