Magmula ng magising si Emma nang hating-gabi na iyon ay hindi na ulit siya nakatulog pa. Ngunit sa halip na umiyak siya ng umiyak at sumigaw nang sumigaw habang nagmamakaawa ay mas pinili na lamang niyang manahimik habang nakahiga sa sofa. Pagod na siyang sumigaw dahil tila ba wala naman nakakarinig sa kanya. Mag-isa lamang siya sa malaking bahay na iyon na hindi niya alam kung saang lupalop ng mundo siya naroroon. Hanggang sa sumapit ang umaga ay nanatiling nakabukas pa rin ang kanyang mga mata. Sa tuwing bibigat ang talukap ng kanyang mga mata ay kaagad din nagigising ang kanyang diwa at tila ba naaalarma sa tuwing may ingay siyang naririnig sa kanyang paligid. Hindi niya matukoy kung ingay iyon ng kung anong hayop o ng tao na sumisilip sa kalagayan niya. Hindi niya sigurado pero alam