Chapter 40

2162 Words

Bago pa man tumakbo ang sasakyan na pinasukan ng dalaga ay tila ba nahimasmasan na ito at bumalik na sa katinuan. Alanganin siyang nagsalita para ibigay sa lalaki ang address ng apartment na uuwian niya. Hindi sumagot ang lalaki nang sabihin niya ang address dito at tanging tipid na tango lang ang naging tugon. Hindi rin nakaligtas sa mga mata ni Emma ang pagiging mailap ng mga mata nito na tila ba may iba siyang iniisip. Ilang sandali pa ay bakas na ang labis na pagtataka sa mukha ng dalaga habang lulan siya ng tumatakbong sasakyan. Mabagal lamang ang takbo niyon dahil hindi pa rin humuhupa ang ulan. Ngunit kahit alam niyang sinasalubong nila ang ulan ay hindi siya makaramdam ng takot sa kanyang puso. Paminsan-minsan ay napapasulyap siya sa lalaking nagmamaneho ngunit hindi niya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD