Chapter 42

2067 Words

Nagising ang diwa ni Emma dahil sa pamilyar na amoy. Kaagad na nanuot sa ilong niya ang mabangong amoy na kay tagal din niyang hindi maamoy. Sa isiping nasa masarap siyang panaginip ay hindi kaagad nagmulat ang kanyang mga mata. Linanghap niya nang linanghap ang mabangong amoy ng taong abot langit na ang pagka-miss niya. Kusang gumalaw ang panga ng dalaga at gumihit sa bibig nito ang matamis at masayang ngiti habang patuloy na inaamoy ang mabangong simoy ng hangin. "Xander," pabulong na saad niya sa pangalan ng binata na nagmamay-ari ng mabangong amoy. Mas lalo pang tumamis ang mga ngiti niya sa labi nang tila ba mas lumapit pa sa gawi niya ang mabangong amoy nito. Na para bang ilang dangkal na lanh ang layo ng taong iyon mula sa kanya. Alam ng dalaga na sinabi na nito sa kanyang sarili

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD