Chapter 6: Breathless Fionah's POV

1988 Words
Nasa kasarapan na ako ng tulog ng walang anu-ano'y may tumabi sa akin sa kama at niyakap ako sa baywang. Agad akong bumalikwas ng bangon sa pag-aakalang may ibang taong nakapasok sa kwarto ko. Sisigawan ko na sana ngunit agad kong naaninag ang mukha ni Ziel. Pinaikot ko ang mata ko sa ere saka bahagyang ikiniling ang aking ulo. Imposibleng pasukin ako ng iba sa pamamahay nila. Itong lalaking ito lang naman ang pwedeng pagsuspetsahan. "Anong ginagawa mo rito?" mataray kong utas. "Natutulog na ako istorbo ka!" asar na dagdag ko pa. Inirapan ko siya saka asar na nag-inat at humikab. Nakakainis naman, naistorbo tulog ko. Makakarating na ako sa America sa panaginip ko. Inistorbo pa ng lalaking ito ang pangarap kong makapunta roon. Pati ba naman sa panaginip mapupurnada pa? Hay naku! Kahit kailan talaga panira ng moment ang demonyong halimaw na 'to. Ano na naman ba kailangan nito sa akin? s*x na naman ba? Jusko! Pagpahingahin naman niya ang perlas ko. Kahapon pa ito pinapasukan. Baka lumuwag na ng wala sa oras. Tsaka natatakot na ako sa posibleng maging resulta ng pagpapaubaya ko kay Ziel. Pangalawang beses na kanina na may nangyari sa amin. Nakatatlong rounds pa siya sa akin. At ang masaklap, bumigay na naman ako sa may front seat ng kanyang kotse. Hindi man lamang kami umabot sa disenteng lugar. Feeling ko tuloy mababang uri ako ng babae na kung saan-saan na lang magpapabutas. Ang cheap-cheap ko na ba? Gosh! Ano bang nangyari sa akin? Bakit bumibigay ako sa kanya ng ganito? Nawawala na ba ako sa tamang pag-iisip? Nalihis na ba ako sa tamang landas? "Lumayo ka nga sa akin! Lumabas ka na rito!" angil ko ng tangkain na naman niya akong yakapin. Itinulak ko siya sa kanyang dibdib ngunit nanghina lang ang mga kalamnan ko. Bumigay ang mga ito at napahaplos ako roon. Ngunit agad ko ring tinanggal ang mga palad ko ng ma-realize kong minanyak ko na yata si Ziel. Bumabaliktad na yata ang sitwasyon namin. Jusko! Nakaka-tempt naman kasi. Ang matipuno, ang tigas-tigas at---oh my goodness! Anong mga pinagsasabi ko? "Shhh! Don't make a noise. Baka marinig ako ni Papa at mahuli akong naririto sa kwarto mo," aniya ng pabulong. Tinakpan niya ang bibig ko at saka binigyan ako ng kakaibang ngisi. Nanlaki ang mga mata ko sa ngising iyon. Patay! Napansin yata niya ang paghaplos ko ng pasadya sa chest niya. Ang lakas pa naman ng pakiramdam ng lalaking ito. Siguradong hindi nakaligtas iyon sa kanya. "Ano ba kasing kailangan mo sa akin?Bakit ka naririto? 'Di ba may kwarto ka at doon ka dapat matulog?" Sunud-sunod na tanong ko nang matanggal ko ang palad niya sa aking bibig. Sinamaan ko siya ng tingin pagkatapos nang maamoy ko ang sigarilyo sa palad niya. Gross! Ang baho ng palad niya. Amoy sigarilyo! Alam ko may pagkaadik itong si Ziel sa sigarilyo. Lagi ko siyang naiispatan sa school na naninigarilyo. Hindi niya ako tagasubaybay, sadyang lantaran lang talaga ang paninigarilyo niya. Ito ang napansin ko sa kanya. Mabuti na lang napanatili niyang mapula ang kanyang mga labi at walang masamang amoy ang kanyang hininga. Ang sarap lang niya humalik at ang tamis-tamis ng dila at la---s**t! Ano bang mga pumapasok sa utak ko? Bakit puro mga katangian niya ang naglalaro sa loob ng aking utak? Jusko! Masama na ito! Tinatamaan na ba ako sa kanya? Natilihan ako sa isipin kong iyon. Kinagat ko nang mariin ang aking labi at napilitan akong murahin ang aking sarili sa isip. "Gusto kong matulog sa tabi mo. Tiyak na hindi ako makatulog magdamag kakaisip sa iyo. Lalo na at dingding lang ang pagitan natin," nakangisi niyang saad. Pagkatapos ay pinaglakbay niya ang kanyang paningin sa kabuuan ng aking mukha. "Napakaganda mo talaga kahit saang anggulo kita tingnan," dagdag pa niya sa mapang-akit na boses. Tinitigan niya ako nang matiim habang nakaangat ang sulok ng kanyang labi. Natukso akong tumitig. Nakakahipnotismo ang paraan ng pagtitig niya sa akin. Naramdaman ko ang pamumula ng aking pisngi. Hindi ako sanay na purihin ng ganito. Lalo na at galing sa isang napakagwapong nilalang. Ano raw? Ano 'yong sinabi ako? "P-Pwede ba, bumalik ka na ng kwarto mo. Matutulog na ako. Maaga pa klase natin bukas at ayokong ma-late dahil sa 'yo," asiwang sabi ko. Pinilit kong pinakaswal ang aking tono ngunit sablay dahil pumiyok ako sa may bandang dulo. Nakaka-tense kasi itong lalaking ito. Ang hirap maghabol ng hininga. Nakaka-intimidate masyado ang presensya niya. Lalo na kapag nakatitig siya nang matiim sa akin. Sabayan pa niya ng pagngisi na tila laging nang-aakit. Hindi ko tuloy mapigilang kabahan at makadama ng kakaibang excitement. Pakiramdam ko nauubusan ako ng hininga. "Ayoko, dito ako matutulog," wika niya sa marahan na tono. "I want to hug you tight and feel the warmth of your body. Don't worry baby. No touch, no s*x. Just a plain kiss from your lips. That's all I wanna do kung iniisip mong may gagawin akong iba sa 'yo." Malamyos ang pagkakasabi niya ng mga katagang iyon. Hindi ko tuloy napigilan na napasinghap, mas kabahan at mas mataranta. Grabe si Ziel magbitaw ng mga salita. Kinikilabutan ako. Gagawin ba talaga niya iyon? Matitiis kaya niya ang init ng kanyang katawan? "Pumayag ka na baby. Gigising na lang ako ng maaga para hindi ako makita ni Papa," aniya pa. Tapos ay pinadaan niya ang daliri sa braso kong nakahantad. Nakaramdam ako ng kiliti. Napapikit, kasabay ng pagtriple ng pagbilis ng aking paghinga. Pakiramdam ko talaga mauubusan na ako ng hininga sa ginagawa niya. "'D-Di ba hindi pwede? Bilin 'yan ng Papa mo kanina bago tayo matapos kumain," Kinakabahan na sabi ko nang maisip ko ang bilin ng Papa niya kanina sa hapag-kainan. Inalis ko ang kamay niya sa aking braso at umatras ako sa kabilang banda ng kama. Nakataas ang kilay niya. Inignora ko naman iyon at tinabunan ng kumot ang aking katawan saka nahiga. Ayoko na. Baka bumigay ako sa mga haplos niya. Mababali ang pangako ko sa aking sarili na wala ng mangyayari sa amin ni Ziel ngayong gabi. Gusto kong magpahinga. Pakiramdam ko hapung-hapo ako at sobrang nananakit ang mga kasu-kasuhan ko. Tsaka ayoko ng kanyang ideya. Ayokong makatabi siya sa isang kama. Mahirap na at baka maulit na naman ang nangyari sa front seat. Alam ko kung gaano kaaktibo ang kanyang sandata. Naalala ko ang usapan sa hapag-kainan kanina. Halos itago ko ang aking sarili ng mga oras na kaharap ko ang kanyang pamilya. Paano kasi ay napakaprangka ng kanyang Papa. Nakakatakot pa dahil pormal lang ang hilatsa ng mukha. Mabuti na lang at marahan ang tono nito makipag-usap. Panatag ang loob ko dahil doon. Sumasabay ako sa kanilang usapan at minsan ay nakikipagbiruan din. Ngunit ng malagay ako sa hot seat at tanungin ang tunay na relasyon namin ni Ziel ay hindi ko mapigilang kabahan. Hindi ko kasi alam ang isasagot ko lalo na at hindi naman totoong kami na. Siya lang naman itong nagdesisyon na mag-on na kami. Wala naman akong magawa dahil ayoko naman siyang mapahiya. Si Ziel ang tagasalo ng tanong at nakikisabay naman si Shayne na halatang tuwang-tuwa na malamang kami na ng kanyang kuya. Alam ko naman na botong-botong siya sa akin. Kaya hayun, wala akong magawa kung hindi sumunod na lang sa agos. Aliw na aliw naman ako sa kanyang Mama sa pakikipag-usap. Pakiramdam ko nga close na kami masyado. Sabik ako sa ina kaya ganoon na lang ang atensyon binigay ko kay Mrs. Kim. Paano maaga akong naulila. Iyong ama ko naman ewan ko kung saang lupalop naroroon. Noong isinilang kasi ako at mamatay ang aking ina ay hindi ko man lang namulatan ang kanyang mukha. Ang sabi ng mga taong nag-alaga sa akin ay galit na galit daw sa akin ang aking ama dahil ako ang sanhi ng pagkamatay ng kanyang asawa. Naiintindihan ko ang aking ama. Wala akong hinanakit sa kanya kahit iniwan niya ako at pinabayaan. Ang ikinasasakit lang ng aking kalooban ay ang pagtrato sa akin ng Lolo at Lola ko. Lumaki ako sa poder nila at kahit minsan ay hindi ko naramdaman mahalaga ako at mahal nila ako. Hindi sila naging mabuti sa akin habang lumalaki ako. Habang lumalaki ako ay padagdag ng padagdag ang pagkamuhi nila sa akin. Ang sakit-sakit noon para sa akin lalo na at ipinamumukha nila sa aking ako ang may kasalanan kung bakit namatay ang aking ina. Kaya naman nang magdalaga ako ay naisipan nila akong patirahin sa isang apartment. Malayo sa kanila at sa mga kamag-anak naming nakakakilala sa akin. Paano ayaw nilang mabatid ng mga ito ang kalupitang ginagawa nila sa akin dahil mataas ang tingin ng mga ito sa kanila. Mayaman kasi ang ina at ama ng ina ko. Ayaw nila akong makita at makasama. Pwes maging ako ay gayundin kaya naman pabor sa akin ang paglayo sa kanila. Ayoko ng makatanggap ng rejection at pagmamalupit sa kanila dahil hindi nila ako tanggap at malas lang daw ako sa kanilang pamilya. Kaya heto ako ngayon mag-isang namumuhay. Umaasa sa kakarampot na allowance na pinagkakasya ko para sa sarili ko araw-araw. May trust fund naman ako na nakalagay sa bangko ngunit hindi ko pwedeng kunin hangga't hindi ako nakaabot ng bente dos. Tsaka may usapan kami ni Lolo na kapag naka-graduate ako ng Magna c*m laude ay ipapamana niya sa akin ang lahat ng kanyang ari-arian sa akin. Ngunit kapag hindi ko natupad ang gusto niyang mangyari ay mapupunta sa charity fund ang lahat ng kayamanan niya. Iyon ang kanilang kondisyon para makamtan ko ang yamang iyon. Ngunit sa tingin ko ayaw talaga nila iyong ibahagi sa akin kaya pinahihirapan nila ako ng ganito. Ganito sila kalupit sa akin. Pera ko naman iyon kung tutuusin dahil wala silang ibang pagbibigyan ng kanilang yaman kung hindi ako lang. Ako lang ang kanilang nag-iisang apo dahil solo nilang anak ang aking ina. Bakit may kondisyon pa 'di ba? Pinaghirapan din iyon ng aking ina dahil siya ang nagpayaman sa Lolo at Lola ko bakit nila ipinagkait sa akin? Hindi ko naman kasalanang mamatay siya sa panganganak sa akin para isisi nila ang lahat ng ito sa akin. Ito ang dahilan kung bakit nagsisikap akong mag-aral. Kung bakit lagi akong mag-isa at nagmumukmok kasama ang mga libro at notebook. Kung bakit hindi ko mapansin ang ibang taong nakapaligid sa akin. At kung bakit iniiwasan ko ng husto si Ziel. Aaminin ko mapapabilis niya ng sobra ang aking puso. Subalit binabalewala ko ito dahil sagabal siya sa mga pangarap ko. Ngunit hindi ako makatakas sa kanyang mga palad. Siya itong todo effort na mapalapit sa akin. Ang angkinin ang buo kong pagkatao at heto nga at nangyari na ang lahat ng gusto niyang mangyari. Bagsak na ang lahat ng aking pangarap. Alam kong iyon ang kahihinatnan ng lahat ng ito. Anong magagawa ko? Si Ziel iyan. Lahat ng gustuhin niya nasusunod at kanyang nakukuha. Isa na ako sa mga iyon. "Tsk! I don't care! Dito ako matutulog sa ayaw at sa gusto niya!" Matigas at may pinalidad na turan niya. Hinila niya ang kumot na nakapulupot sa katawan ko at nakisiksik sa akin. Niyakap niya ako sa baywang at ibinaon ang kanyang mukha sa aking balikat. "Let's sleep baby. Bago pa magbago ang isip ko at magawa na naman kitang dalhin sa langit," mapanuksong bulong niya. Nanigas ako nang maramdaman ko ang pagtama ng kanyang mainit na hininga sa aking balat. Nakaramdam ako ng alinsangan lalo na at bigla siyang umangat at mabilis na sinakop ang nakaawang ko ng mga labi. Mapusok ang kanyang halik na hindi ko maiwasang tugunan. Nang handa na akong mas palaliman pa ang aming halikan ay saka naman siya tumigil at bumagsak sa tabi ko. "Good night baby," pilyong utas niya bago niya pinikit ang kanyang mga mata at saka muling ipinulupot ang kanyang braso sa aking baywang. Mahinang napabuga ako ng hangin. Sinamaan ko siya ng tingin saka napalabi. Bakit parang binitin yata niya ako?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD