Chapter 7: Our first encounter. Fionah's POV

1945 Words
Alas-otso na pala g umaga nang sipatin ko ang oras sa wall clock. Mukhang napasarap yata ang tulog ko at 'di namalayan ang pagtunog ng alarm clock. Sabagay mamaya pa namang ala-una ang klase ko. Sinadya kong mag-alarm para ma-remind ako na gumising ng maaga. Maglalaba kasi ako ng uniporme at maglilinis dito sa apartment. Nag-iinat ako na bumangon at naupo sa kama. Pilit kong sinusupil ang antok na humihila sa akin para mahiga muli. Parang kulang pa yata ang tulog ko, maaga naman akong natulog kagabi. Sabagay masarap matulog ngayon, lumalamig na kasi ang panahon dahil nalalapit na ang Disyembre. Saan kaya ako mamasko? Pwede ba roon kina Lolo at Lola? Nami-miss ko na sila kahit hindi nila ako gusto. Sabik na akong makita sila kahit na kinamumuhian nila ako. Hay, kailan kaya sila maging mabuti sa akin? Kailan kaya nila matatanggap na hindi ko kasalanan na mamatay si Mommy? Si Daddy kaya, nasaan kaya siya? Naiisip pa kaya niya na may anak siyang inabandona o baka naman ibinaon na niya sa ilalim ng lupa na buhay pa ako. Hanggang ngayon, sa akin pa rin labas ang sisi. Bakit hindi nila isipin na wala akong sala? Bakit hindi nila tanggapin na hindi maibabalik ang buhay ng aking ina kahit pa iwan nila ako o kaya ay mawala ako? Ilang beses ko rin hiniling na sana ako na lang ang nawala. Sana ako na lang ang namatay para hindi ako nahihirapan ng ganito. Ang hirap mamuhay mag-isa lalo na wala akong karamay. Walang nag-aalaga sa akin kapag may sakit ako. Wala akong karamay kapag malungkot. Nakakasawa na laging sarili ko na lamang ang kausap ko. Nagmumukha na tuloy akong praning. Hay. Tama na nga ang pagda-drama. Wala naman mangyayari kahit maglupasay pa ako ng iyak. Walang magbabago dahil ito ang kapalaran ko. Mamumuhay ako na mag-isa at malungkot. Itinali ko ang mahaba kong buhok bago ako nagpasyang samsamin ang madudumi ko na damit at magtungo sa ibaba. Dadalhin ko na para hindi na ako aakyat pagkatapos ko na mag-almusal. "Oh, Fionah, mabuti at naabutan kita." Bungad agad sa akin ng landlady ng makita niya akong pababa. Tila paakyat yata siya sa kwarto ko at may sasabihin. "Magandang umaga po Aling Delia, " bati ko. Tumigil ako sa paghakbang at ipinagpatuloy ang pagsasalita. "Bakit po? May sasabihin po ba kayo?" "Ay, oo Ineng. Maniningil sana ako ng advance sa upa mo. Mamalengke kasi ako ngayon at kulang ang budget. Tutal bukas naman na ang bayaran eh baka nagpadala na ang mga guardian mo," walang ligoy na saad niya habang malawak ang ngiti. Kuuu. Mamamalengke raw? Magsusugal na naman ang matandang ito sa kabilang kanto. Hindi na nadala na matalo araw-araw. "Heto po." Inabot ko ang dalawang libong papel na hinugot ko sa aking bulsa. Talagang hinanda ko na 'yon dahil hindi ako matutulog dito bukas at baka magngangawa na naman ang matanda kapag late ako nagbayad. "Maraming salamat Fionah. Sige maiwan na kita at baka mahuli pa ako." Agad itong nagmadali sa paglalakad at nawala agad sa paningin ko. Napasimangot na lamang ako sa kawalan nang maiwan akong mag-isa. Sabi na nga ba, magsusugal na naman ang lelang. Sabagay, sarili na lang niya binubuhay niya. Mabilis ang ginawa kong paglalaba. Uniporme lang naman at ilang undies tsaka isang rubber shoes. Kailangan ko magmadali dahil maglilinis pa ako. Kakain, magpapahinga at maya-maya lang ay lalakad na ako patungong Hanzford University. "Ano kaya ginagawa ni Ziel? Nasa school na kaya siya?" bulong ko sa aking sarili. Tumigil ako sa pagpiga ng damit at tumunganga sa kalangitan. Noong isang araw pa ang huli naming pagkikita. Hindi ko man aminin sa sarili ko ay nami-miss ko rin ang halimaw na iyon. Nababagabag na nga ako dahil hindi na siya mawala sa sistema ko. Pilitin ko man ay hindi ko magawa. Masyadong malakas ang atraksiyon na nadarama ko para pigilan ko pa. Natatakot tuloy ako na tuluyang mahulog dahil nangangamba ako baka laro ito sa kanya. Hindi pa rin ako kumbinsido na in love siya sa akin. Baka maiwan akong umaasa at mawala sa akin ang lahat. Bakit sa akin pa kasi na-in love ang halimaw na 'yon? Hindi dapat ako, dahil hindi pa pwede. Magtatapos muna ako at magtatrabaho. Magpapatayo ng bahay at sarili kong pagkakakitaan. Hindi ako karapat-dapat kay Ziel dahil hindi ako buo. Alanganin ako sa kanya lalo na at mataas ang reputasyon ng pamilya nila. Kahit sabihin pang mababait ang parents niya hindi sapat ito para mapanatag ako. Gusto ko rin naman may ipagmalaki ako kahit magkaroon man lang ako ng titulo. Teka nga muna. Bakit ang layo na ng narating ng isip ko? Bakit kasali si Ziel sa mga pangarap ko? Ibig bang sabihin nito ay siya ang lalaking gusto ko makasama habang buhay? Oh my gosh! Nai-in love na ako sa kanya. No. Hindi muna pwede. Kakasabi ko lang na hindi ito ang oras para isipin ko ang mga ito. Padabog na tinapos ko ang pagsasampay kahit na lumilipad pa rin ang aking isipan sa kung saan. Hanggang sa umakyat ako ng kwarto at magsimulang maglinis ay si Ziel pa rin ang iniisip ko. Lahat ng nangyari sa amin ay sinasariwa ko. Simula noong araw na una kaming nag-engkwentro. "Nico, asan ka na ba? Kanina pa ako naghihintay dito sa labas ng apartment ko" naiinis na bulyaw ko kay Nico buhat sa hawak kong cellphone. Halos durugin ko na ito sa gigil dahil kanina ko pa siya tinatawagan. Mala-late na ako sa school at halos kalahating oras na akong naghihintay. "Pasensya ka na insan, kagigising ko lang. Mag-taxi ka na lang muna at mamayang hapon na kita ihahatid. Bawi na lang ako ng lunch sa 'yo mamaya," aniya sa nagmamadaling tinig tila mala-late rin siya. "Ano pa bang magagawa ko? Pero sana man lang tumawag or nag-text ka man--" "Kagigising ko lang insan. Sige na ba-bye na at maliligo pa ako." "Pero ang hirap---" Naputol ang sasabihin ko nang mawala siya sa linya. Ang bastos talaga ng lalaking iyon. Napapadyak ako sa inis at galit na nagmartsa sa kalsada. Maglalakad na lang ako kesa mag-abang ng taxi. Ang hirap kaya sumakay dito sa amin. Nakalimutan ba niyang Lunes at paunahan sa pagsakay. Bahala ng mapudpod ang takong ng sapatos ko kesa makipagtulakan ako sa ibang estudyante. Bahala na rin ang first subject ko, tutal wala pa namang quiz na na-missed. Magtatanong na lang ako sa mga kaklase ko kung ano ang napag-aralan nila. "Ay kabayong bulag!" hiyaw ko nang muntik na akong masagasaan ng isang itim na kotse na mabilis na nakapagpreno sa harap ko. "Hoy! Bumaba ka nga r'yan! Kala mo sa 'yo ang kalsada, muntik mo na akong masagasaan ah!" Kinalabog ko ang pintuan ng kotse at nagtalak nang nagtalak. Nabubwisit ako dahil parang sino ang kumag. Alam niyang patawid ako ng pedestrian lane hindi man lang nagpreno. Alam ba niya mga rules ng kalsada? Napaka-reckless driver! "Ano ba! Bumaba ka r'iyan! Harap---" Naputol ang sasabihin ko ng biglang bumukas ang drivers seat at lumabas doon ang isang maputi at matangkad na lalaki. Mabilis na umikot siya at pumunta sa tabi ko. "Did I hit you? Sa'n banda, tara dadalhin kita sa hospital." Sunud-sunod na turan niya habang sinisipat ang aking katawan. Mabilis ko naman siyang napigilan at inis na inalis ang kamay niyang nakahawak sa baywang ko. Bulag ba siya? Wala naman akong tama. Teka nga, minamanyak ata ako ng kumag na 'to. "Pwede ba Mister, hwag ka ngang OA. Kita mo namang hindi ako napano 'di ba?" pagtataray ko. Tinulak ko siya palayo sa katawan ko at inis siyang tinalikuran. Kung mamalasin ka nga naman ng araw. Late na nga ako sa school. Muntik na ako masagasaan tapos mamanyakin pa ako ng gagong driver. Hindi na lang humingi ng sorry, naiintindihan ko naman. "Fionah wait!" "Huh!" Kunut-noong napalingon ako nang makita kong tumatakbo ang lalaking may-ari ng kotse. Alam niya pangalan ko? "Ihahatid na kita ng school," aniya ng makalapit. "No thanks. Hindi kita kilala at pwede h'wag mo akong kausapin." Ipinagpatuloy ko ang paglalakad at binilisan ito. Naalala ko, uso ang kidnapping ngayon. Binebenta raw 'yong mga kidney ng mga nabibiktima nila. Isa siguro ang lalaking ito sa kanila, sayang may kagwapuhan pa naman. "Hey! Pinapasundo ka ng pinsan mong si Nico!" Hirit pa nito habang umaagapay sa paglalakad ko. Hindi ko naman siya pinansin at naglakad nang mas mabilis. Ang mga kidnapper nga naman. Lahat aalamin makabiktima lang. Pati pinsan ko kilala niya. Kahit kilala pa niya Lolo at Lola ko hinding-hindi ako sasama. Malay ko, baka modus niya lahat ng ito sumama lang ako sa kanya. "Pwede ba! Hwag mo nga akong kausapin! Mala-late na ako at istorbo ka sa paglalakad ko!" "But Fionah, your cousin called me and he asked me to pick you up." Tila mauubusan ito ng pasensiyang paliwanag nito. Salubong na kasi ang kilay at tila handang manakal anumang oras. "Tama na nga sa mga palusot mo Mister. Bumenta na 'yan sa akin kaya hindi mo ko maloloko. Akala mo hindi ko alam na nagbebenta ka ng kidney at balak mong biktimahin ako. Pwes! Mali ka ng binibiktimahin!" sabi ko. Nagpalinga-linga ako sa paligid at siniguradong maririnig ng ibang estudyante ang sinasabi ko. Mukha namang natakot ang kaharap ko dahil parang litong-lito siya at hindi mapakali. Sinamantala ko naman iyon at mabilis na tumakbo. Subalit wrong move iyon dahil natapilok ako at bumagsak sa lupa. Ang masama pa nito ay sa kanal ako nahulog at---. "Anong nginingiti mo riyan insan?" "Ay, kabayong bulag!" hiyaw ko nang biglang may magsalita sa likuran ko. Muntik ko ng mabitawan ang hawak ko sa gulat. Agad akong umikot at nakita ko si Nico na nakataas ang kilay. Mukhang kanina pa siya naririto. "Sino ba iniisip mo? Ang lawak ng ngiti mo r'yan, para kang naengkanto," tudyo niya. "W-Wala naman. May naalala lang ako," natataranta na utas ko. Patay! Nahuli niya akong nagde-daydreaming. Siguradong hindi niya ako titigilan ng kantiyaw. "Ano bang ginagawa mo rito? Maaga pa naman para sunduin mo ako," pag-iiba ko ng usapan. "Si Ziel ba insan?" Napaubo ako sa tanong niya. Hindi siya nagkamali. "Sus. Huwag mo isipin 'yon. Mahal ka no'n." "Tse! Hindi ko siya iniisip," kaila ko. Tumalikod ako at mabilis na nagtungo sa may bandang bintana. Pero mukhang wala siyang balak na tantanan ako dahil sumunod siya sa akin. "Fionah, walang masama kung ma-in love ka kay Ziel. Mahal ka niya at alam kong hindi ka niya pababayaan." Hindi ako tumugon. Nagbingi-bingihan ako at nagsimulang maglinis. Ayokong pag-usapan ang paksang ito. Hindi ko alam kung ano ang magiging saloobin ko. Baka matuklasan ko na pareho na kami ng nararamdaman ni Ziel. "Hindi kita pipilitin umamin, pero gusto ko na mag-ingat ka." Natigil ako sa pagwawalis at puzzled na nilingon siya. Hinintay ko pa ang idudugtong pa niya. Seryoso ang mukhang niya ng magpatuloy sa pagsasalita. "Ingatan mo ang sarili mong h'wag mabuntis Fionah. Alam ko na may nangyari na sa inyo." Napaiwas ako ng tingin. Ramdam ko ang pamumula ng aking pisngi. Hiya ako na pag-usapan ang ganitong topic. Kahit magsinungaling ako na wala pa, I know 'di siya maniniwala. Siguro nakwento ni Ziel sa kanya ang sanhi kung bakit hindi ako nakauwi noong gabing dinala niya ako sa bahay nila. Ang lalaking iyon talaga ay napakatsismoso! "Here, take this." Napilitan ako na ibalik ang mata sa kanya. Inaabot niya sa akin ang isang maliit na pink box na tila isang box ng gamot. "Inumin mo 'yan kapag ano...ahmn...alam mo na," nahihiyang saad niya. Tinitigan ko ang box. Binasa ko ang pangalan nito at nalaman ko na birth control pills iyon. "It will make you safe, Fionah. I know you need that."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD