Alas-nuebe na gabi nang makarating kami ni Fionah sa mansyon ng aking mga magulang. Pareho kaming nanlalata habang magkahawak-kamay kami na pumasok ng bulwagan. Parehong nahuhulog na ang aming mga mata at gusto ng matulog. Gusto ko na nga sanang dumiretso sa kwarto ko. Humilata na at matulog. Ngunit naisip ko kung ano ang ipinunta ko rito. I know they are waiting for me. Pangit naman kung hindi ko sila pakikihirapan. Lalo na at nag-aabang sina Mama at Papa na ipakilala ko sa kanila si Fionah.
Inabisuhan ko na sila kanina habang nasa school ako na ipapakilala ko ng pormal sa kanila ang nobya ko. Gusto kong iharap at ipakilala sa kanila ang susunod na magdadala ng aming apelyido.
I know it's too early to do this. But f**k! I can't wait any longer. Nais ko ring ipakita kay Papa na nagbago na ako. Magseseryoso na ako sa isang babae. Si Fionah naman ang dahilan kung bakit mas lumalala pa ang pambabae ko. Past time lang naman dapat iyon. Subalit naging hobbies ko na dahil gusto ko siyang kalimutan.
Pinalagutok ko ang buto sa may leeg ko nang maramdaman kong tila nangawit yata ito. Tsk! Sabagay, nakatatlong rounds kami sa front seat ng kotse ko. Nakaupo ako at nakasandal habang si Fionah ay nasa ibabaw ko at kinabayo ako.
Damn! I can't get it out of my mind. Nakakapag-init kapag sumasagi sa isipan ko iyong nangyaring hot s*x sa frontseat ng aking kotse. Parang gusto ko muli ulitin sa aking kama.
Sinulit ko ng mga oras na iyon si Fionah, dahil hindi kami maaaring magtabi sa iisang kama. Strikto na si Papa sa akin at alam kong pagsasabihan niya ako na hindi dapat kami magkatabi sa pagtulog ni Fionah. Natatakot kasi siya na baka may mabuntis ako sa ganitong edad.
Well, sorry na lang sa kanya. Nasa plano ko na ang buntisin si Fionah. Next month malalaman ko na ang resulta. Alam kong nakakagulat ito na balata, pero wala akong pakialam dahil ang gusto ko ang masusunod.
Kayang-kaya kong buhayin si Fionah na hindi humihingi ng tulong sa kanya. Marami naman akong negosyo na nag-aakyat ng limpak-limpak na salapi sa account ko. Kumikita na ang mga ito ng milyun-milyon. Sapat na siguro 'yon para magbuhay-reyna sa piling ko si Fionah.
"Are you okay, babe? Gusto mo bang diretso ka na lang sa guest room? Sasabihin ko na lang kina Papa at Mama na masama ang pakiramdam mo," masuyong turan ko kay Fionah. Inilapit ko ng bahagya ang aking katawan sa kanya saka siya inakbayan.
Gusto kong makalma siya. Kita ko kasi na hindi siya mapakali. Tapos paulit-ulit pa siyang nagbubuntong-hininga ng malalim. Nag-aalala tuloy ako na baka natatakot siyang makaharap ang mga magulang ko.
"Relax babe. Hindi nangangagat ang mga magulang ko. Ako lang ang nangangagat at alam na alam mo 'yan," biro ko para pagaanin ang kanyang kalooban. Binigyan ko siya ng isang makalaglag-panty na ngiti na sinimangot lang niya. Natawa tuloy ako.
"Puro ka kalokohan," inis na utas niya sabay irap. Natawa na naman ako. Ang ganda talaga niya kapag ganito ang ekspresyon ng mukha niya. Kaya ang sarap lang asarin. "Are you serious about this? Hindi mo naman ako kailangan ipakilala sa mga magulang mo. As far as I know hindi pa kita sinagot, hindi pa tayo." Pagpapatuloy niya na masama pa rin ang hilatsa ng mukha. Inalis din niya ang pagkakaakbay ko sa kanya na siyang ikinunot naman ng noo ko. Napatigil tuloy ako sa paglalakad at hinarap siya.
"Hindi pa ba sapat ang mga nangyari sa atin para hindi maging opisyal na tayo? Hindi mo na ako kailangan sagutin Fionah. Akin ka na simula ng may mangyari sa atin," asar na utas ko sabay buga ng hangin. Napaatras naman siya. Napalunok. Namula ang kanyang pisngi saka napayuko.
"I-Iyon ba ang basehan mo, Ziel? Hindi ibig sabihin na nakuha mo na ako ay tayo na. Paano kung isa lang ito sa mga laro mo? Malay ko, baka marami ka ng dinala rito at ipinakilala sa kanila."
"f*****g s**t! Hindi pa ba malinaw sa 'yo kung ano ang relasyon natin? Tinatanong pa ba 'yan Fionah? Ipapakilala na kita sa kanila dahil seryoso ako sa relasyong ito. Seryoso ako sa 'yo. And for your information, ikaw lang ang dinala ko rito at ipapakilala ng pormal sa kanila. Aaminin ko, marami akong dinala rito. Ngunit isa man sa kanila ay hindi ko ipinakilala ng pormal sa mga magulang ko. Ikaw ang gusto kong ipakilala sa kanila...ikaw lang Fionah."
"B-Bakit ako? Bakit hindi na lang iba? I'm not ready for this. I'm not ready for this relationship. Magiging complicated ang buhay ko kapag naging boyfriend kita. Magugulo ang tahimik kong mundo. Masisira ang mga pangarap ko."
Napatiim-bagang ako sa sinabi niya. Damn! Anong tingin niya sa akin distraction? Pwede naman niyang abutin ang mga pangarap niya kahit narito ako sa tabi niya. Tutulungan at susuportahan ko siya.
"I-Iuwi muna ako, Ziel. Please, don't do this to me. I'm not ready for this really."
"f**k! You should ready yourself! Ang tagal kong hinintay 'to Fionah. Please, give me this chance to love you. I promise to you, sabay nating tutuparin ang mga pangarap mo. Just stay with me and be mine," frustrated na bulalas ko. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya nang mahigpit na mahigpit. Iyong parang hindi siya makakawala. Iyong hindi siya maagaw ng sinuman.
I've never been this frustrated all my life, ngayon lang. Sa kanya lang.
***
Natapos ang dinner ng gabing iyon na puro kantiyaw at sermon ang inabot ko sa kapatid at mga magulang ko. Ayos lang naman iyon para sa akin dahil sanay na ako sa pangangantiyaw ng kapatid ko at panenermon ng aking mga magulang.
Maging si Fionah ay hindi nakaligtas. Mabuti na lang at nasasabayan niya ang kapatid ko at nasasagot niya ang tanong ng mga magulang ko. Sabik na sabik siya na kausap ang Mama ko na tila gusto niya ang atensyon nito. Asiwa man siya sa mga katanungan ng Papa ko ay maayos naman niya itong nasasagot. Tsaka nasa tabi naman niya ako na handang saluhin ang ibabato sa kanya.
Pumasa siya sa taste ng Papa ko. Iyon ang nakita ko dahil magiliw niya itong tinatanong at kinakausap. Nahawa na marahil siya kina Mama at Shayne. Paano botong-boto sina Mama at Shayne kay Fionah. Wala na tuloy akong ikinababahala kung sakaling sabihin ko sa kanila na balak ko ng mag-asawa. Madali naman siguro nila iyong matatanggap.
Itinatak ko lahat ang sermon ni Papa sa akin. Siya lang naman itong mahilig manermon sa akin. Kung noon, ipapasok ko ito sa tenga ko at palalabasain pagkatapos sa kabila. Ngayon, seryoso akong nakinig sa kanya kanina at tinandaan lahat ng sermon niya.
I know this is for my own good. Hindi tayo sinesermunan para ipamukha sa atin ang maling gawa natin. Bagkus, sinasabi nila ito para magtanda tayo. Sundin ang mga payo nila at ating tahakin ang mabuting landas.
Ito ang gustong iparating ng ating mga magulang sa atin. Nais nila tayong turuan para hindi tayo mapahamak at nalihis ng landas. Dahil ang mga magulang natin ang ating gabay para mapabuti ang ating kinabukasan. Ngunit sa side ko ay mukhang mabibigo ko ang aking mga magulang. Nahuli na si Papa para sa sermon niya sa akin kanina. Alam kong madi-disappoint siya sa akin dahil mag-aasawa ako ng maaga. Magkakaapo siya ng wala sa oras at babagsak ang mga pangarap niya para sa akin.
But I hope he'll understand. Napagdaanan din naman niya ang naranasan ko. Ngunit mas maaga ko lamang ito mararanasan kaysa sa kanya. Paano, nag-asawa siya sa edad na beinte-dos. Ako, malamang disiotso. Maagang mag-aasawa at maagang magkakaanak. Who cares! The hell I care! This is what I want. Ito ang nakakapagpaligaya sa akin.
Tutuparin ko pa rin naman ang mga pangarap niya sa akin. Tatanggapin ko ang posisyong inilaan niya sa akin pagka-graduate ko ng kolehiyo. Pamahalaan ko lahat ng negosyo niya kung iyon ang gusto niya. Kayang-kaya kong triplehin ang kita ng mga ito kung gusto niya.
"Why you're still awake baby? Hindi ka ba makatulog na hindi katabi si Fionah?" pabirong wika ni Mama ng tumabi siya sa akin sa teresa at nakitanaw sa kalaliman ng gabi.
Nanggaling siya sa baba base sa tasa ng tea na hawak niya. Siguro, hinihintay niya si Papa na umakyat kaya naisipan muna niyang magtsaa at makipagkwentuhan muna sa akin.
"Ma..." agad akong umangal na siyang ikinahalakhak niya. Alam naman niyang iyon ang isa sa rason ay mang-asar pa talaga. Kanina pa nga ako rito sa teresa dahil gusto kong puntahan si Fionah sa kwarto niya. Asar lang dahil nasa baba pa si Papa. Makikita kasi niya ako mula roon kapag nagpunta ako ng guest room. Kaya naman naririto ako sa teresa. Inaabangan ko ang pag-akyat niya. Tataymingan ko ang pagpasok niya sa master's bedroom.
"Ikaw talaga na bata ka! Mamaya mabuntis mo. Malalagot ka sa Papa mo!" Natatawa ng pinong kinurot niya ako sa tagiliran. Impit akong napahiyaw sa ginawa. Napaatras ako at napangiwi.
"Ang sakit naman, Ma." reklamo ko. Napahalakhak siya sa naging reaksyon ko. Napangiti naman ako habang nakatitig sa kanya.
I missed her. Tagal na hindi ako nakauwi rito. Mabuti na lang at nag-text si Papa at pinauwi ako. Humingi siya ng tawad sa akin na agad ko namang ibinigay. Maliit lang naman ang pinagtalunan namin. Tsaka kasalanan ko rin naman kaya nagkasagutan kami.
Chance ko rin kasi ito na ipakilala na sa kanila si Fionah. Si Fionah ang proof ko para ipakita ng unti-unti na akong nagbabago. Tsaka gusto ko ng umuwi ng bahay namin. Nami-miss ko na kakwentuhan si Shayne at kakulitan sina Zirro at Zaynne. Ang dami kong na-missed sa kanila. Mabuti na lang talaga at in-text ako ni Papa.
"Ma naman, that's my plan. You know that, right?" Nagkakamot ng ulo kong turan sa kanya.
I told her before na kapag na-basted pa ako sa pangalawang pagkakataon ay ako na ang mismong kikilos para mapasaakin si Fionah. Pinagsabihan niya ako na huwag ko iyong isagawa dahil baka mas lalong lumayo ang loob ni Fionah sa akin. Pero matigas ang ulo ko, hindi ko sinunod. Atat na ako. Pakiramdam ko maagaw siya ng kung sinuman kapag hindi pa ako kumilos. Tsaka mas mabuti na ang sigurado. Kaysa mag-abang na lang ako at maghabol na wala akong nakikitang improvement. Atleast, may pinanghahawakan na ako kay Fionah. Hindi siya basta-basta makakawala sa akin ng ganoon-ganoon na lang.
And about her feelings for me. I'm glad to know na may pagtatangi rin siya sa akin. Pilit man niyang itago at i-deny ito sa akin ay huli na. Alam ko na gusto rin niya ako. Hindi siya bibigay ng ganoon sa mga halik at haplos ko kung wala siyang gusto sa akin. Hindi ako assuming, pero iyon ang nakikita ng mata ko at nadarama ng puso ko. Her eyes can't deny it. Her heart can't control it. Sisiguraduhin kong mahuhulog siya sa akin ng malalim, gaya ng pagkahulog ko sa kanya.
"I know it, baby. Susuportahan kita. Pero, sigurado ka na ba sa mga ginagawa mo? Sigurado ka ba sa mga desisyon mo? Baka nabibigla ka lang baby ko? Napakabata mo pa para sumuong sa ganyan na responsibilidad. Why don't you enjoy your life? Marami pang darating na pangyayari sa buhay mo. At saka, kung kayo talaga ang itinadhana ni Fionah para sa isa't isa, kayo talaga ang magkakatuluyan." Humigop siya ng tsaa at pagkatapos ay sinulyapan ako nang matiim.
Hindi ko naman maiwasang mapabuntung-hininga ng malalim sa lintanya niya. Isa rin siya na paulit-ulit sa salita. Heto na naman siya. Alam ko naman na hindi dapat ako magmadali. Ngunit, ito ang gusto ko. Ito ang inaasam kong mangyari. Hindi ko yata kayang imadyinin ang sarili ko na may maging relasyon akong seryoso bukod kay Fionah. At ganun din kay Fionah. Makakapatay ako ng tao kapag may ibang nakahawak at nakahalik sa kanya. Sabi ko nga possessive ako at teritoryal.
"Ganoon din naman ang pupuntahan ng lahat Ma. Bakit hindi ko ito isagawa ng mas maaga?" sabi ko na iniiwas ang aking paningin sa kanya. Tumingala ako sa kalangitan at tinanaw ang nag-iisang bituin na nakikita ko.
Napangiti ako nang kuminang ito na tila natuwa na napansin ko. Maihahalintulad ko si Fionah sa bituwing iyon. Malayo at mahirap abutin. Ngunit kapag pinaghirapan na maabot ay maabot din. Walang imposible sa mundo. Tamad lang talaga ang mga tao na kumilos kung minsan. Inaasa lang nila sa tadhana ang lahat. Pero kung tutuusin, tayo naman talaga ang gumagawa ng ating tadhana.
"Ziel, hindi mo naiintindihan ang nais kong iparating."
"Naiintindihan ko po. Ayoko lang pong pakawalan ang chance na 'to. Masyadong matagal na po ang pinaghintay ko. Hindi ko na po kakayaning maghintay pa ng matagal. Alam naman po ninyong si Fionah ang kukumpleto ng buhay ko."
"Hay...ano pa bang magagawa ko kung hindi ang suportahan ka."
"Salamat Ma." I smiled. I reached for her and hugged her tight. I'm so blessed to have a mother like her. Wala na yata akong mapagkukumparahan sa kanya. Pinalaki man niya akong spoiled ay hindi naman ako naging abusado. Naging mabuti akong anak kahit pasaway ako palagi. Sakit man ako ng ulo ni Papa ay hindi naman ako lumalampas sa mga limitasyon nila.
"Ehem. Oh tama na ang lambingan ninyong dalawa. Naiinggit na ako rito."
Napakalas ako sa yakapan namin ni Mama nang marinig kong pekeng umubo at nagsalita si Papa sa may gilid namin. Nabungaran ko ang lawak ng ngiti sa labi niya at amuse na titig sa amin.
"Babe, tara na. Maaga pa ako bukas," aya niya kay Mama na nakangiti lang din at nakatitig sa kanya. Agad lumapit si Mama sa kanya at yumakap sa bewang nito. Hinalikan naman siya ni Papa na ikinaikot ng aking mga mata.
Halatang in love pa rin sila sa isa't isa kung magtitigan at maglambingan sila. Nainggit tuloy ako. Haist! Sabagay, walang makapaghihiwalay sa dalawang ito. Mahal na mahal nila ang isa't isa.
"And you young man, go to your room now and rest." Baling ni Papa sa akin bago sila naglalakad patungo sa master's bedroom.
"Yes, Pa."
"Goodnight, Ziel." sabay na wika nina Mama at Papa.
"Night Pa, night Ma."
"Be a good boy, Ziel." Pahabol na bilin pa ni Papa bago sila nagpatuloy sa paglalakad at pumasok sa kanilang kwarto. Napangisi na lang ako at hindi na nakuha pang sumagot.
You know I'm not a good boy, Pa. I know you know that dahil pareho tayo ng likaw ng bituka pagdating sa mga babaeng mahal natin.