Chapter 8: What's wrong with my plate? Fionah's POV

2314 Words

"Kumain ka ba ng almusal mo kaninang umaga Fi? Mukhang gutom na gutom ka yata?" sita sa akin ni Shayne ng tanghaling iyon. Narito kami sa canteen at kumakain ng lunch. "Kumain naman ako bakit?" sagot ko. Pumulot ako ng lechon kawali at sinawsaw ito sa sarsa. Sumubo ako ng kanin at sinunod ang lechon. Medyo napapikit pa nga ako dahil ang sarap-sarap. Pakiramdam ko ito ang pinakamasarap na putaheng natikman ko sa tanang buhay ko. "You look like a food monster," natatawang turan ni Shayne. Napamulagat ako at kunot-noo na napasulyap sa kanya. Tinaasan naman niya ako ng kilay saka pinunasan niya ang kanyang labi ng napkin at natatawa na nagpatuloy. "Parang nauubusan ka ng pagkain girl. Ang dami kaya nito and I don't think so kung mauubos natin itong lahat." Iminuwestra nito ang palad sa mga

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD