Chapter 2

2103 Words
NAKASANDAL si Freya sa bumper ng kotse niya. Kanina pa niya hinihintay ang paglabas ni Ylac Brillantes sa gusaling iyon. Gusto kasi niya itong kausapin tungkol sa nagawa niyang kasalanan. Gusto niya itong makausap para sana makipag-areglo. Medyo naalarma kasi siya sa isiping baka ituloy nga nito ang pagsampa ng kaso sa kanya. At baka malaman pa iyon ng mga magulang niya. Ayaw na ayaw pa naman ng magulang niya na makaladkad ang pangalan nila sa anumang eskandalo. Freya family is very influential in the high ranking government officials. Kaya ayaw na ayaw ng mga ito na nababahiran ang magandang pangalan nila sa anumang eskandalo. Iyon din ang naging kondisyon ng ama ng payagan siya nitong mag-aral ng kolehiyo sa Maynila. Papayagan lang daw siya nito na mag-aral sa lungsod basta maipapangako niya na hindi siya gagawa ng kahit na anong bagay na makakasira sa magandang pangalan nila. Pumayag naman si Freya sa kondisyon ng ama. Kung iyon lang ang tanging paraan para mapapayag niya ito ay gagawin niya. Nais kasi niyang humiwalay mula sa poder ng mga magulang. Lalong-lalo na sa kanyang ama. Mahigpit kasi ito sa kanilang dalawa ng Kuya niya lalong-lalo na sa kanya. Sa sobrang higpit nito ay para na siyang nasasakal. Wala din siyang kalayaan sa mga nais niyang gawin kapag malapit lang ang presensiya ng ama. Lagi kasi itong nakabantay sa lahat ng gagawin niya. Hindi din niya magawa iyong mga gusto niyang gawin. Tulad na lang ng pagpunta sa bar para magsaya kasama ang mga kaibigan. Hindi niya magawang makipag-overnight sa bahay ng kaibigan niya kasi hindi siya pinapayagan ng ama. Kaya iyon ang ginawa ni Freya. Nag-ingat siya. Pero kung may nagawa naman siyang kapalpakan ay hindi niya iyon pinapaalam sa mga magulang. Maingat lang niya iyong nilulusutan. Maayos naman nakapagtapos ng kolehiyo si Freya sa kilalang unibersidad sa Maynila sa kursong Fine Arts. Ngayon ay isa na siyang pintor. Masaya si Freya dahil unti-unti na ring nakikilala ang pangalan niya sa napili niyang career. At kakatapos lang din ng gallery na ilan sa mga obra niya ang tampok. Biglang naalala ni Freya iyong sinabi ni Jade sa kanya ng ikwento niya rito ang buong pangyayari at kung bakit nakita nitong nag-uusap sila ni Ylac. "Oh, god! Freya. What you have done? Hindi mo alam kung sino ang binangga mo. Hindi mo ba alam? Na bawat salita ng mga Brillantes ay ginagawa nila. Kung sinabi nitong idedemanda ka niya. Talagang idedemanda ka niya." "Ano ang gagawin ko?" kinakabahan na tanong niya sa kaibigan. Jade shrugged her shoulder. "I don't know." Mula sa pagkibit-balikat ng kaibigan at mula sa sabihin nitong hindi nito alam kung ano ang gagawin niya ay do'n na siya nabahala. Hindi na rin siya mapakali. Kaya sinabi niya sa kaibigan na mauna na itong umalis. Sinabi niya rito na, gagawa pa siya ng paraan para makausap si Ylac. Gagawin niya ang lahat para huwag nitong ituloy ang demanda laban sa kanya. Aaminin din niya sa sarili na nakaramdam siya ng takot sa kaalamang baka ituloy ni Ylac ang pagdedemanda sa kanya. Resisting an arrest resulting to damage and properties at obstruction of justice ang pwedeng isampang kaso sa kanya dahil sa kapabayaan niya. At kapag nagkataong magkatotoo ang banta nito baka umabot iyon sa kaalaman ng magulang niya. Lalong lalo na sa kanyang Papa. Baka mamaya ay pauwin na siya nito sa Probinsiya at ipilit nito ang matagal na nitong gusto na ipakasal siya sa anak ng kapartido ng ama niya sa Politika. Actually, mayroon na siyang isang warning sa ama niya. Noong muntik na siyang makulong dahil sa bribery. Minsang na kasing nasita si Freya ng Traffic Enforcer na nag-over speeding siya. At dahil medyo nagmamadali siya noong araw na iyon ay naisipan ni Freya na i-bribe ang Traffic Enforcer. Unfortunately, ang taong gusto pang i-bribe ni Freya ay isang mabuting mamayan ng bansa. Sa halip na tanggapin ang suhol niya ay dinala siya nito sa presento. Inireport nito ang ginawa niyang panunuhol. At hindi pa doon nagtatapos. Gusto din ng traffic Enforcer na sampahan siya ng kasong Bribery. Doon na naalarma si Freya. Kaya kailangan na niyang humingi ng tulong. Tinawagan niya ang Kuya Anthony niya para humingi ng tulong. Isang kasing abogado ang Kuya Anthony niya. Gaya ni Freya ay sa Maynila din naninirahan ang Kuya niya. At alam niyang ito lang ang tanging makakatulong sa malaking suliranin na kinahaharap niya. Hindi naman nagdalawang isip ang Kuya niya. Tinulungan siya nito. Ito ang gumawa ng paraan para hindi siya tuluyang makulong dahil sa kasalanan niya. At ang buong nangyaring iyon ay umabot sa kaalaman ng ama niya. Nabingi nga si Freya sa sermon ng ama noong tumawag ito sa kanya. At dahil sa warning ng ama ay naging maingat na si Freya sa pananatili niya sa Maynila. Isa pa daw kasing kapalpakan niya sa Maynila ay papauwiin na siya nito sa Probinsiya at ipapakasal nga siya nito sa anak ng kapartido nito sa ayaw at sa gusto daw niya. Iyon ang dahilan kung bakit gustong-gusto niyang kausapin si Ylac. Ayaw kasi niyang umuwi sa kanila at lalong-lalo na ayaw niyang makasal sa lalaking hindi niya mahal. Napatuwid si Freya ng tayo nang makita niya ang taong kanina pa niya hinihintay na lumabas sa gusaling iyon. Mababakas sa mukha nito ang pagkagulat nang makita siya. Pero agad namang naglaho sa mukha nito ang pagkagulat ng magsimula itong maglakad papunta sa nakaparadang sasakyan nito. Hinarang niya ito sa dinadaanan nito. "Can I talk to you, Yla—I mean, sir?" wika niya ng magtama ang mata nila. Wala siyang nakikitang anumang emosyon sa mukha nito habang nakatingin ito sa kanya. Ang tanging nakikita ni Freya ay ang kagwapuhan ng lalaki. "Please?" nilangkapan niya ang boses na pagmamakaawa. Hindi niya inalis ang tingin rito hanggang hindi ito nagsasalita at hanggang hindi nito pinagbibigyan ang pakiusap niya. "I told you, I'm bus— "I know, I know." sansala niya sa sinasabi nito. "Ops, sorry." nakangiwing paunmanhin niya nang makita ang ekspresyon ng mga mata nito. Nag-peace sign din siya. Halata kasing hindi nito nagustuhan ang ginawa niyang pansansala sa sinasabi nito dahil biglang nagsalubong ang mga kilay nito. "I'm tired, Miss. Mag-usap na lang kayo ng lawyer ko." ani Ylac saka niya nito nilagpasan. Nakasimanot na muli niya itong hinabol. Pinigil niya ang akmang pagbubukas nito ng pinto ng driver seat sa pamamagitan ng paghawak sa pinto. Nagbabalang tingin ang ipinagkaloob nito sa kanya ng magtama muli ang mata nila. "Give me five minu— "Sinabi kong p**o— "I'll do the talking." sansala muli niya. "Hindi ka naman mapapagod kung ako ang magsasalita at makikinig ka lang. Promise!" dagdag niya. Itinaas pa niya ang kanang kamay na tila nanunumpa. Binalewala na niya ang nagbabalang tingin na ipinagkaloob nito sa kanya ng sa pangalawang pagkakataon ay pinutol muli niya ang sinasabi nito. Ang mahalaga para kay Freya ay ang makausap ito. "Nakasalalay sa pag-uusap natin ang kaligayahan at kalayaan ko. Kaya parang awa muna. Kausapin mo na ako." nag-puppy eyes pa si Freya. Freya sighed in relief when Ylac finally agreed. At sa sobrang tuwa ay hindi niya napigilan ang sayang nararamdaman napayapos siya rito. "Ang bait mo. Sana kunin ka na ni Lord." mahinang wika niya. Habang palihim na inamoy-amoy ito. Hmm...he smells so good! "Get off your hands on me." narinig niyang wika nito. May himig din iyon na pagbabanta. Agad naman siyang lumayo at humingi ng paunmanhin rito. "Sorry. I got carried away." aniya, nakita niyang tiningnan nito ang suot nitong relo. "Your five minutes starts now." anito, "W-what?" "Your time is running, women." tila nayayamot na wika nito na nanatiling nakatanga siya sa harap nito. Nang muling sulyapan ni Ylac ang suot na relong pambisig doon lang niya naalala na may dapat pa siyang ipaliwanag at ipakiusap rito kung bakit nasa harap siya nito ngayon. And for pete sake! Talagang limang minuto lang ang ibinigay nito sa kanya. Hindi man lang nito ginawang sampung minuto na lang. Anong ikino-complain mo? You suggested it! sita sa kanya ng bahagi ng isipan. "Four minutes and thirty seconds." "Huwag mong ituloy ang demanda." direktang pahayag niya. Nang akmang magsasalita ito ay inunahan muli niya ito. "Kasi kapag ituloy mo at umabot iyon sa kaalaman ng magulang ko ay katapusan na ng maliligayang araw ko. May warning na ako sa kanila. Na kapag may kapalpakan na naman akong nagawa sa Maynila ay ibabalik nila ako sa lugar kung saan ako nanggaling at ipapakasal sa lalaking hindi ko mahal sa ayaw at sa gusto ko. And knowing my father kung ano ang sinabi ay mangyayari. Sa pamilya namin, bawat salita ng aking ama ay batas. Tulad mo. Kapag sinabi niya, iyon ang gagawin niya. Kaya ba iyon ng konsiyensiya mo? Kaya ba ng konsiyensiya mo na naging miserable ang buhay ng isang tao dahil lang sa isang simpleng kasalanan na kung tutuusin ay kaya-kayang naman solusyunan?" hindi niya binigyan si Ylac ng pagkakataon na magsalita kaya nagpatuloy siya. Limang minuto lang ang ibinigay nito sa kanya para makausap ito kaya dapat hindi siya magpatumpik-tumpik. "Kaya parang awa muna huwag mong ituloy iyong pagdedemanda mo. Maliit lang naman ang naging damages ni Mr. Lambhorjini. Kung gusto mo ako na lang ang bahalang magpaayos kay Mr. Lambhorjini. May kilala akong mekaniko." sumagap muna si Freya ng hangin bago siya nagpatuloy. Medyo hinihingal na kasi siya sa walang tigil na pagsasalita. Nang sapat na iyong nasagap niyang hangin ay nagpatuloy siya. "Alam kung mali at ginawa ko. Mali iyong pagtakas sa isang kasalanan. M-may emergency lang kasi. Yla—I mean, sir. Alam kung huli na pero gusto kong humingi ng sorry sa'yo. Sorry. Hindi na mau— "Your time is up." putol nito sa sinasabi niya. "But...I'm not done yet." aniya, napakurap-kurap pa. "Your time is up." hindi nito pinansin ang sinabi niya. Masyado din nakakunot ang noo nito. Bubuksan muli sana nito ang pinto ng kotse sa driver side ng pigilan muli niya ito sa pamamagitan ng paghawak sa braso. Akma rin sana siyang magsasalita ng biglang tumunog ang cellphone niya. Hindi niya sana papansinin iyon pero nadi-distract siya. Hindi tuloy niya masabi ng maayos ang gusto niyang sabihin at ipaliwanag kay Ylac dahil sa tunog nang cellphone niya. Binitawan niya si Ylac saka niya kinuha ang cellphone sa kanyang bag. Shit! sambit niya sa isip nang makita ang rumihestrong pangalan sa screen ng cellphone niya. Maybe her father's sense that she in on trouble that's why he's calling. Arggh! Pipindutin na sana ni Freya ang answer button ng marinig ang pag-andar ng sasakyan ni Ylac. Hindi niya namalayan na nakasakay na pala ito sa sasakyan nito. Shit! sambit niya uli sa isip ng tuluyang nakaalis na ang sasakyan ng binata. Nanlulumong nasundan na lang ng tingin ni Freya ang papalayong sasakyan nito. Tumigil na rin ang pagtunog ng kanyang cellphone. "BAKIT hindi mo sinasagot ang tawag ko, Freya?" sita agad ng Papa ni Freya na si Fernan ng tawagan ito ng dalaga pagdating niya sa condo unit niya. "I'm sorry, Papa. N-naka silent mode kasi ang cellphone ko." aniya, nakagat din niya ang dila dahil sa pagsisinungaling niya sa ama. "B-bakit po pala napatawag kayo?" tanong niya kapagdaka. Gamit ang libreng kamay ay tinatanggal niya ang suot na Jacket. "Your mom, asking kung kailan ka uuwi rito. Isang buwan ka nang hindi pa umuuwi sa'tin. Your mom was worried about you." ani Fernan. Your mom was worried about you. "What about you, Papa?" tanong ni Freya. Mababakas sa boses niya ang pinaghalong pagtatampo at pag-asam. Pagtatampo dahil hindi pa niya nakakaringgan ang ama na sabihan siya nitong nami-miss at nag-aalala na ito sa kanya. Pag-asam naman dahil umaasa siyang sabihin sa kanya ng Ama na; Anak nami-miss na kita. Kailan ka ba uuwi rito sa'tin? Nag-aalala na rin ako sa'yo? Sa tuwing tatawag kasi ito sa kanya ay ang ina lagi ang nag-aalala para sa kanya. But when her father finally spoke. She was stunned. Her eyes were misty, too. Hindi niya inaasahan na sasabihin nito iyon. Hindi niya inaasahan na aaminin sa kanya ng ama na nag-aalala ito at nami-miss na siya. "Of course, hija. Anak kita, siyempre nami-miss at nag-aalala ako sa'yo. Walang amang hindi nag-aalala sa kanilang anak." wika ng kanyang ama na si Fernan. Huminga ng malalim si Freya. "Okay, Papa. Susubukan ko pong umuwi diyan sa susunod na buwan." ani Freya bago tinapos ang pag-uusap nila ng ama. Ibinagsak ni Freya ang katawan sa malambot na kama at ipinikit ang mata niya. Pero pagpikit ni Freya ng mga mata sa halip na ang magulang ang maisip ay ang seryosong mukha ni Ylac ang nakita niya. Pati ang sinabi nitong idedemanda siya nito dahil sa ginawa niya ang umalingawngaw sa kanyang isipan. Napabangon tuloy si Freya bigla ng maisip iyon. Kailangan niyang umisip ng paraan kung paano niya muli ito makakausap para kumbinsihin uli ito na huwag ng ituloy ang demanda laban sa kanya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD