"OKAY. Expect me there in thirty minutes." wika ni Freya Martinez sa kaibigang si Jade. Kakalabas lang ni Freya sa Ross Restaurant ng tumawag ito sa kanya. Nagpapasama kasi si Jade sa kanya na pumunta sa YB Jewelry ang pinakasikat na Jewelry Store sa buong bansa. Bibili kasi si Jade ng pangre-regalo sa boyfriend nito para sa second year anniversary ng mga ito. Dahil wala naman ibang gagawin si Freya sa araw na iyon ay pumayag siyang samahan ang kaibigan.
"Okay. Drive safely, Freya." paalala pa ni Jade bago ito nagpaalam. Nangingiting iiling-iling naman si Freya habang inilalagay ang kanyang cellphone sa loob ng kanyang bag.
Okay. Drive safely, Freya, ulit niya sa isip sa sinabi ni Jade. Hanggang ngayon ay wala pa ring tiwala ang kaibigang si Jade sa driving skills niya. Ayaw na ayaw pa nga nitong sumakay sa kotse niya sa tuwing siya ang driver. Mas gusto pa nga daw nitong mag-commute na lang kaysa sumakay sa kotse niya. Kaskasero daw kasi siya masyado sa pagmamaneho. Para daw siyang lasing kapag hawak ang manibela ng kotse niya. Para din daw siyang hinahabol ng sampung halimaw sa bilis ng pagpapatakbo ng kotse niya. Overtake daw kasi siya ng overtake. Pinagtatakahan nga ni Jade ay kung paano siya nakakuha ng lisensiya sa paraan daw ng pagmamaneho niya.
Hindi lang ang kaibigan ang walang tiwala sa driving skills ni Freya. Pati ang mga magulang at nakakatandang kapatid ay walang tiwala sa kanya kapag hawak na niya ang manibela. Mayroon kasing masamang karanasan si Freya sa pagmamaneho ng sasakyan.
Iiling na napangiti si Freya ng maalala niya noong minsang isinakay niya ang kaibigang si Jade sa kotse ng minsang coding ang sasakyan nito. Grabe kasi ang kapit ni Jade sa upuan nito kahit nakaseat-belt na ang kaibigan. Panay din ang usal nito ng dasal habang ito'y nakapikit.
"Lord iligtas mo po kami sa kapahamakan. Marami pa po akong gustong gawin sa buhay. Gusto ko pa pong tuparin ang mga pangarap ko. Gusto ko pa pong magkaroon ng sariling pamilya." naalala niyang dasal ni Jade habang ito'y nakapikit minsang isinakay niya ito sa kanyang kotse.
Napailing na lang si Freya na kinuha ang remote control key ng kotse niya sa loob ng bag. Pinindot niya ang unlock button. Tumunog iyon, tanda ng pagbukas. Binuksan ni Freya ang pinto sa driver seat. Initsa lang niya ang hawak na bag sa may passenger seat saka siya sumakay. Then, Freya started the engine. Iminaniobra niya paatras ang kotse niya ng hindi sinasadyang nasagi ng likod ng kotse niya ang katabing mamahaling kotse na nakaparada sa tabi niya. Napakagat siya ng labi wala sa oras. Masyado kasing masikip ang parking space dahil sa dami ng nakapark ro'n.Tumunog pa ang alarm ng kotseng nabangga.
"Oopps, sorry Mr. Lamborghini." hingi ng paunmanhin ni Freya sa pobreng kotse. Ibinaba niya ang windshield ng kotse niya. Saka sinilip ang mamahaling sasakyan na nabangga. Inimpeksiyon din ni Freya kung malaki ba ang naging damages ng Lamborghini. Freya sigh with relief nang makitang maliit lang na gasgas ang tinamo ng mamahaling kotse ng masagi niya iyon. Nagpalinga-linga din si Freya sa paligid ng parking lot kung may ibang tao do'n na nakasaksi sa nangyari. Napangiti siya ng wala siyang makitang ibang tao ro'n. Ang ibig sabihin niyon kasi ay walang saksi sa nagyari. Makakatakas at makakalusot siya ng walang aberya.
Freya flipped her hair and smile sweetly. "I'm sorry again, Mr. Lamborghini. But I gotta go 'na. Mala-late na kasi ako sa usapan namin ng kaibigan ko. She expected me there in thirty minutes, eh." maarteng wika niya. Sa huling pagkakataon ay pinasadahan muli ni Freya ang Lamborghini bago niya pinaandar ang kotse paalis sa lugar na iyon.
"FREYA!" tawag sa kanya ni Jade ng makababa siya sa kanyang kotse. Nasa bukana na ito ng YB Jewelry. Siya naman ay nasa parking lot na ng nasabing establishimento. Nakangiti siyang naglakad papunta sa direksiyon nito.
"Hindi ka ba nahuli ng Traffic Enforcer?" wika ni Jade ng tuluyan na siyang nakalapit rito. Tiningnan din nito ang suot na relong pambisig saka muling tumingin sa kanya. "And as I expected. Dumating ka nga on time." natatawang dugtong ni Jade.
"Ikaw kasi eh, walang kang bilib sa driving skills ng kaibigan mo." natatawa ding wika ni Freya. Gaya ng sinabi ni Freya sa kaibigan. Saktong tatlumpong minuto ang dating niya sa YB Jewelry. Kung siguro...
Nakagat ni Freya ang ibabang labi. Sinundot kasi ng konsensiya si Freya ng maalala niya ang Lamborghini na nabangga niya at ang ginawa niyang pagtakas sa naging kasalanan. Kung hindi siguro niya tinakasan iyon ay baka late siya sa usapan nila ng kaibigan niya. At baka hidi pa siya nakapunta sa usapan nila.
Huwag ka ng makonsensiya, Freya. Nakapag-apologize ka naman eh, wika ng walang konsensiyang isipan niya. Ipinilig na lang ni Freya ang ulo para iwaksi ang mga pumapasok sa isipan niya.
Niyakag na siya ng kaibigan na pumasok sa loob ng nasabing establishmento. Tumalima naman siya. Gustong namang mamangha ni Freya sa nakikita ng mata pagkapasok nila ni Jade sa loob ng YB Jewerly. Kahit hindi ito ang unang beses na nakapunta si Freya sa YB Jewelry ay hindi pa ring maiwasan ni Freya ang mamangha. Lalo na no'ng makita niya ang mga nakadisplay na mga mamahaling alahas sa YB. Marami kasing naka-display na mamahaling alahas na glass shelves. Iba't-ibang klase at desenyo ng alahas. Milyon-milyon din ang halaga ng bawat naka-display. Tanging may kaya lang sa buhay ang makakabili ng ganoon kahalagang mga alahas.
"Freya." pukaw sa kanya ni Jade. Sumulyap siya rito. "Kilala mo ba ang may-ari ng YB Jewelry?" mayamaya ay tanong ni Jade.
"Not really. But I know his name." she said. "He is Ylac Brillantes, right?"
"Yes. Ylac Brillantes was Jewelry Magnet." anang kaibigan. "Initial ng first at last name niya kinuha ang business name ng jewelry niya. Kaya tinawag na YB Jewelry. At ang pagkakaalam ko. May pag-aari din siyang private beach resort somewhere in Batangas. Bunso siya sa tatlong anak na lalaki ni Franco Brillantes- ang isa sa pinakamayamang angkan sa buong Pilipinas. At ni Lorraine Crisostomo- a former beauty queen. May nakakatandang kapatid din siyang lalaki. And there name was; Zach and Xavier Brillantes. They were born with a silver spoon in their mouth. May kanya-kanya din negosyo ang dawalang nakakatandang kapatid ni Ylac. And take note, Freya. Hindi lang sila simpleng mga negosyante. They were also the hottest bachelor in town. They were gorgeous, hot and oozing with masculinity. Para silang anghel na ipinadala sa lupa para maghimagsik ng appeal sa mga kababaihan. They were all good catch and good looking. Kaya maraming mga babaeng nahuhumaling sa magkakapatid na Brillantes dahil sa mga katangian na iyon. Kahit meron silang kakaibang attitude." mahabang litanya ng kaibigan. "The Three Brillantes was very authocrative and domineering. They were all bossy. And women can drool with them, stare with them as long as they want. But you cannot reach them. Sila kasi iyong tipo ng mga lalaki na kayang-kaya mo na nga silang abutin. Gayunman ay hirap na hirap ka pa rin na abutin sila. Dahil hindi sila basta-basta yumuyukod. Partikular sa isang babae." pagpapatuloy nito.
Tatango-tango naman si Freya habang pinapakinggan ang pagsasalarawan ng buhay ni Ylac Brillantes na iyon. At sa pamilya mismo ng huli. "So, what's his favorite color?" tanong niya kay Jade kapagdaka.
"What?" nakakunot ang noo na tanong ni Jade sa kanya.
"Ang sabi ko, ano ang paboritong kulay ni Ylac?" ulit na tanong ni Freya sa kaibigan
Jade shrugged her shoulder. "I don't know. At bakit mo itinatanong sa'kin ang paboritong kulay ni Ylac?" nakataas ang kilay na tanong nito.
Ngumisi siya. "Nagbabasakali lang ako na alam mo kung ano ang paboritong kulay ni Ylac. Daig mo pa kasi ang google sa dami ng alam mo sa buhay ng mga Brillantes." wika niya.
Jade smiled sweetly, she flipped her hair too. "Crush ko kasi iyong isang nakakatandang kapatid ni Ylac. Iyong si Xavier isa siyang mahusay na car racers. Pag-aari din niya iyong sikat na XB Motors." nakangiting wika ni Jade. Magsasalita sana si Freya ng inunahan siya nito. "Pero hindi ko pa rin ipagpapalit ang boyfriend ko." kabig nito bigla. Mukhang nabasa nito ang nasaisip niya. "O, sige. Dito ka lang muna. Pupunta lang ako sa Comfort Room." ani Jade. Nang makaalis ang kaibigan ay humakbang siya sa glass shelves at sinisipat ang mga engagement ring na nakadisplay ro'n.
NAPAKUNOT ang noo ni Ylac Brillantes nang makita niya ang pamilyar na kotse na nakaparada sa parking lot ng YB Jewelry na pag-aari niya. Ito iyong kotse na bumangga sa Lamborghini niya. Hindi pwedeng magkamali si Ylac sa sapantaha. Kitang-kita kasi ng mga mata niya kanina ang buong pangyayari. Nasa Ross Restaurant kasi siya para i-meet ang isang investor na gustong mag-invest sa private beach resort niya sa Batangas. Paalis na siya noon sa nasabing establishmento nang makita niya ang pagbangga ng kotseng pula sa kanyang Lamborghini. Ang buong akala niya ay bababa ang sakay niyon para tingnan man lang ang naging damages ng kotse niya pero sa halip na bumaba ay pinasibad nito ang kotse paalis. Tumakas ito sa kasalanan nito. Mabuti na lang ay natandaan niya ang plate number ng naturang sasakyan. Nakita din niya kung sino ang driver niyon dahil hindi naman tinted ang salamin ng kotse nito. Now, he will going to teach her a lesson.
Ylac hurriedly went out to his car. Niluwagan niya ang suot na kurbata at inilihis hanggang siko ang manggas na suot niyang long sleeved habang naglalakad siya papasok sa pag-aaring gusali. Hindi niya pinansin ang mga nakakasalubong niya papasok sa YB Jewelry. Kahit ang pagbati sa kanya ng security guard na naroon ay hindi niya pinansin. Sanay naman ang mga ito sa kanya.
Finally, when Ylac is inside he automatically search the place. Hanggang sa huminto ang tingin niya sa babaeng abala sa pagsisipat sa nakadisplay sa glass shelves ng YB. He walks towards her and stop when he already beside her.
MULA sa pagsisipat sa mga nakadisplay na mga jewelries ay naramdaman ni Freya na may tumabi sa kanya. Hindi man lang siya nag-abalang tingnan kung sino iyon. Ipinagpalagay na lang ni Freya na isang staff iyon ng YB Jewelry at nais siyang i-assist.
"Hmm...sa lahat ng engagement rings na nakadisplay rito. Nasaan ang pinakamahal?" tanong niya sa staff habang ang mata ay abala pa rin sa pagtingin sa mga nakadisplay. Nagtaka si Freya ng wala siyang nakuhang sagot mula rito. Kaya do'n lang siya nagkaroon ng pagkakataon para lingunin ito.
Uh-ohh wika ni Freya sa isip ng magtama ang mata nila ng staff. Pinigil din ni Freya ang sariling huwag mapanganga nang makita niya ang pinakagwapong mukha na nasilayan ng mata niya sa buong buhay niya. The guy was abominably gorgeous with his dark blue long-sleeved na nakalihis hanggang sa ibabang siko nito. Hindi rin maayos ang pagkakasuot nito ng necktie. And the word abominably gorgeous was not enough to describe the physical features of the man standing beside her. Guwapong-guwapo kasi ito sa paningin niya to the tenth power. Kahit seryoso ang mukha nito habang nakatingin din ito sa mukha niya. The man was taller too. Hindi kasi siya umabot sa leeg nito kahit naka-high heels na siya. Kinakailangan pa nga niyang tumingala rito para magpantay lang ang mukha nilang dalawa. Parang pamilyar sa kanya ang mukha ng lalaki habang patuloy niya itong tinitignan. Hindi lang niya maalala kung saan niya ito nakita. Pero nasisiguro niyang nakita na talaga niya ito.
"It's nice to see you." the man huskily said with a serious face. Wow! Hindi lang mukha ang gwapo. Pati boses ay gwapo!
Nice to see you? So, ang ibig sabihin nagkita na talaga sila. But where? When? How? Wala siyang natatandaan.
"You look familiar to me. But I don't remember your name? Nagkita o nagkakilala na ba tayo?" nakakunot noo na tanong ni Freya. But instead of answering her question, the man grab her wrist and pull her toward the exit door.
"Teka, teka, saan mo ako dadalhin?" nagpapanic na tanong niya ng hilain siya nito palabas ng gusali. Kidnapper yata ang gwapong lalaki? Uso pa naman ang k********g ngayon. Ano ang gagawin niya? Hihingi ba ito ng ramson sa ama niya kapalit ng kalayaan niya. At anong mangyayari sa kanya kapag nakuha siya nito? Baka patayin at r**e-in siya nito? Nahindik siya sa isiping iyon. Hindi siya papayag! Kailangan niya ng humingi ng tulong. Tumingin siya sa mga security na naka-assign doon para humingi ng saklolo. Sa higpit ng security sa nasabing gusali ay nasisiguro niyang maliligtas siya mula sa gwapong kidnapper niya. Pero nagkamot lang ng ulo ang magaling na security. Lalong nanlaki ang mata niya sa ginawa ng security guard. Mukhang magkasabwat ang mga security guard at ang lalaking ito? Isa itong inside job! Sisigaw na sana si Freya para humingi ng saklolo at makuha rin niya ang atensiyon ang mga taong naroon ng mapahinto siya ng maramdamang lumuwang ang pagkakahawak ng lalaki sa kamay niya at ng huminto sila sa labas.
"You don't know who I am?" magaspang na wika ng lalaki. Saglit na tiningnan siya nito. "But maybe, that car would help." anito, sabay turo sa kotseng nakaparada katabi ng kotse niya. Sinundan naman ni Freya ang itinuro ng lalaki para lang manlaki ang mata sa nakita. Natutop din niya ang bibig para pigilan ang sariling mapasinghap.
"Mr. Lamborghini..." mahinang sambit ni Freya nang makita ang kotseng nabangga niya kanina. Nagpalipat-lipat ang tingin ni Freya sa kotse at sa mukha ng lalaki.
"So, you already recognize it?" anito ang tinutukoy ang kotse. Nakahalukipkip na din ang lalaki.
Freya just nodded.
"Good. Because I sue you." wika nito bago siya nito iniwang nakatayong nag-iisa sa labas ng YB. Freya took for a while to absorb her mind what was happening. Pero nang maabsorb ng utak niya lahat ng nangyayari ay nanlaki ang mata niya.
I sue you, paulit-ulit na umaalingawngaw sa utak niya ang katagang binitawan mismo ng gwapong lalaki.
Freya huwag kang tumunganga diyan. Idedemanda ka na ng gwapong lalaki. Do something! wika sa kanya ng isang bahagi ng isipan.
"Hey, you!" tawag niya sa lalaki. Pero ang magaling na lalaki hindi man lang nito pinansin ang pagtawag niya. Sa halip ay dere-deretso lang ito sa pagpasok sa loob ng YB.
"Hey, Mister!" tawag muli niya. Lakad takbo ang ginawa niya para makahabol siya rito. Hindi niya pinansin ang mga empleyado na nakatingin sa kanya. Sa wakas nakaagapay na rin si Freya pero hindi pa rin siya pinapansin ng gwapong lalaki. Dere-deretso pa rin ito sa paglalakad. Now, its her time to do something. Hinawakan niya ang lalaki sa braso nito. Lihim siyang napangiti ng huminto ito sa paglalakad. Dahan-dahan itong lumingon sa kanya. Masama na ang timpla ng mukha nito ng magtama ang mata nila. Pero hindi pa rin nakababawas sa angking kagwapuhan ng lalaki sa halip ay nakadagdag pa iyon rito. Pagkatapos ay nakakunot ang noo na tiningnan nito ang kamay niyang nakahawak sa braso nito. Agad namang binitawan ni Freya ang pagkakahawak sa braso nito. Hindi dahil sa masamang tingin ng lalaki ro'n. Kundi doon sa kanina pa niya nararamdaman na mainit at tila koryenteng dumaloy sa buong katawan niya na pilit niyang binabalewala.
"I...I want to talk to you." aniya na hindi tumitingin sa mata nito.
"I'm busy. Talk to my laywer instead." anito at tuluyan na siyang iniwan. Naiwan tuloy siyang nakatulala sa kanyang kinatatayuan. Hanggang sa maramdaman niya ang presensiya ng kaibigan niyang si Jade sa kanyang tabi.
"I thought you don't know him?" takang tanong ni Jade ng tuluyan na itong makalapit sa kanya. Nakakunot ang noo na binalingan niya ang kaibigan. Hindi kasi niya maintindihan kung ano ang pinagsasabi nito. Inakbayan siya nito. "Ikaw, ha? Pinaglilihiman muna ako. Kilala mo pala si Ylac Brillantes?" iiling-iling na wika ng kaibigan niya.
"Y-ylac Brillantes?" nanlalaking matang tanong niya. "Don't tell me..."
"Okay. I'll tell you." nakangiting biro ni Jade. "He is Ylac Brillantes. The man we're talking about a while ago. The one and only owner of YB Jewelry. Hindi mo ba siya nakilala?"
"Oh, god!" mahinang sambit ni Freya habang sapo-sapo niya ang sariling noo.