"I'M SORRY, Ma'am. But Sir Ylac is busy right now." magalang na sagot ng sekretarya ni Ylac kay Freya ng tanungin niya ito kung pwede ba niyang makausap ang boss nito. Nagpunta muli si Freya sa YB Jewelry para personal na kausaping muli ang binata sa naging atraso niya rito. Hindi susuko si Freya hanggang sa hindi niya makumbinsi si Ylac na huwag na nitong ituloy ang banta nito. Wala pa naman sa bokabularyo niya ang salitang pagsuko.
"Miss, this is important matter. Kailangan ko talagang makausap ang boss mo." hindi sumusukong wika ni Freya. Hindi talaga siya aalis hanggang hindi niya nakakausap si Ylac.
"Ma'am busy po talaga si Sir Ylac ngayon. Mahigpit po kasing bilin ni Sir na huwag siyang istorbuhin ngayon. Kausap niya kasi si Attorney Feliz."
Nanlaki ang mata ni Freya ng marinig ang sinabi ng Sekretarya. Lalo na ng maisip kung sino ang kausap ni Ylac ngayon. "A-attorney Feliz?" banggit niya sa pangalan ng kausap ng lalaki.
"Yes, Ma'am."
Shit!
"Hmm...Miss, may ideya ka ba kung ano ang pinag-uusapan nila?" nagbabakasakaling tanong niya.
"I'm sorry, Ma'am. Wala po akong ideya."
Tumango lang si Freya. Kinagat din niya ang kuko sa daliri. Paraan niya iyon para makapag-isip siya ng maayos kung ano ang gagawin niya para makausap at kung paano niya makukumbinsi si Ylac. Palakad-lakad din siya sa Hallway habang mataman nag-iisip kung ano ang susunod niyang hakbang. Napahinto siya sa paglalakad ng biglang bumukas ang pinto sa opisina ni Ylac. At may lumabas na isang matandang lalaki roon. Nahinuha ni Freya na ito si Attorney Feliz na tinutukoy ng secretarya ng binata na kausap nito.
Nang tuluyan ng nakalabas at nakaalis ang matandang lalaki ay binalingan niya ang sekretarya ni Ylac. Lumapit siya rito at ipinatong ang kamay sa table nito.
"O, Miss. Umalis na iyong kausap ni Sir Ylac. Baka pwede ko na siyang makausap. Pakisabi hinahanap siya ni Freya Martinez." nakangiting wika niya sa babae.
Nagkamot ito ng ulo pero tumango naman. "Salamat." aniya rito.
Mayamaya ay pinindot nito ang intercom na nakalapag sa mesa nito. "Excuse me, Sir Ylac. A certain Freya Martinez wants to talk to you." imporma nito sa lalaki.
"Hindi niyo po siya kilala, Sir?" wika ng sekretarya na nakatingin sa kanya. Napakunot ang noo si Freya ng marinig niya ang sinabi nito. Abat! ang magaling na lalaki. Hindi daw siya kilala?
"Miss, sabihin mo kilala niya ako." pamimilit niya rito. Muling nagkamot ito ng ulo. "Pakisabi na lumabas siya sa opisina niya para makita niya ako at makilala." pagpapatuloy niya.
"Okay, sir. I'll let her in." nakahinga ng maluwag si Freya ng sa wakas ay pumayag na rin si Ylac na makapasok siya sa opisina nito para makausap niya ito.
"Thank you, Sir Ylac." sinadya niyang lakasan ang boses para marinig ng binata iyon.
-----
"PLEASE sit down, Miss." iminuwestra ni Ylac kay Freya ang visitor chair na nasa tapat ng mesa ng binata.
"Thank you, Sir." pasasalamat niya rito ng tuluyan na siyang nakaupo. Pagkaupong pagkaupo niya ay agad niyang pinagsalikop ang mga kamay dahil sa kabang nararamdaman ng sa wakas ay magkaharap na sila ng binata.
"Ikaw iyong babae kagabi." ani Ylac mayamaya. Ahh! Akala niya ay hindi siya nito matatandaan. Mabuti naman at natatandaan na nito ang mukha niya.
Nakangiting tumango si Freya. Mabuti naman at nakilala na siya ngayon ni Ylac. "Nice meeting you again, Sir Ylac." wika niya. Nanatiling nakapaskil ang ngiti sa kanyang labi kahit ang totoo ay kinakabahan siya. Lalo na sa klase ng tinging ipinagkakaloob nito sa kanya. Pero tinatagan lang niya ang kalooban. "By the way, I am Freya Martinez." pagpapakilala niya sa sarili.
"What do you need from me?" hindi nito pinansin ang pagpapakilala niya. Masyado din itong straight forward kung magsalita at magtanong.
Hmm...Masyado ding stiff! Halikan ko kaya?
Tumikhim siya. "Narito ako para humingi ulit ng patawad sa inyo." sabi niya agad sa pakay kung bakit siya naroon sa opisina nito. Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa rito. Ayaw niyang sayangin ang precious time nito. "Sir, please kahit ano gagawin ko. Huwag niyo lang ituloy iyong pagde-demanda." napasandal agad si Freya mula sa kinauupuan ng pasadahan siya ng tingin ni Ylac mula ulo hanggang paa. Isinara din niya paitaas ang zipper ng suot niyang jacket ng huminto ang tingin nito sa mukha niya. Tumaas yata ang lahat ng balahibo niya sa katawan sa sandaling iyon habang nakatitig siya sa itim na itim na mata ni Ylac. Suma-total kasi ay may ideya na si Freya kung ano ang laman ng utak ni Ylac.
"I need you."
Sabi na nga eh!
"S-sir?" sa sandaling iyon ay gusto na niyang magtatakbo paalis sa opisinang iyon at kalimutan na ang balak na kausapin at kumbinsihin ito. Pero ang walang hiyang mga binti niya ayaw makisama. Parang may malaking tipak na bato ang nakadagan do'n at hindi siya makaalis o makagalaw man lang. Huminga na lang siya ng malalim.Tumikhim din siya para maalis ang bara na namumuo sa kanyang lalamunan. "I'm s-sorry. Pero hindi ako sang-ayon sa one night stand, Sir. Iba na lang ang hingiin niyo." lakas na loob na sabi niya kay Ylac. Napakurap si Freya nang makita ang bahagyang pangsungaw ng ngiti sa labi ng binata. Pero hindi niya alam kung ngiti ba iyon o ano. Bigla kasing nawala iyon. Pero kapansin-pansin ang kislap sa mata nito. Lalo tuloy itong gumwapo sa paningin niya. Natutukso tuloy siyang sumang-ayon sa nais ni Ylac. Natutukso siyang makipag-one night stand rito! Napatili si Freya sa isip sa itinatakbo ng isip niya sa sandaling iyon. Marahan din niyang ipinilig ang ulo para maalis kung ano man ang iniisip niya.
"It's not what I meant." Ylac said.
"Mabuti naman kung ganoon." nakahinga si Freya ng maluwag. Akala niya ay ang virginity niya ang kabayaran sa kasalanan na nagawa niya rito. Kahit gwapo ito ay hindi niya ibibigay ang katawan niya rito para lang mabayadan ang naging kasalanan niya.
Weh? Kanina nga gusto mo siyang halikan, anang intrimedang isipan. At kanina nga natutukso kang makipag-one night stand sa kanya.
Umaayos ng upo si Freya. Tumikhim muli siya. "So, ano po ang ibig niyong sabihan na, you need me?" tanong niya kay Ylac.
"Do you know how to cook?" sa halip na tanong nito.
"Yes."
"What about household chores?"
"Yes." sagot niya. Hindi maintindihan ni Freya kung bakit tinatanong sa kanya ni Ylac ang mga bagay na iyon. Gayunman ay sinasagot naman niya ang mga tanong nito ng maayos. Marunong naman kasi siya sa mga gawaing bahay. Dahil pinili ni Freya ang maging independent kailangan niyang matuto. Kailangan niyang pag-aralan ang mga gawaing bahay. At proud siya sa sarili dahil kahit lumaki siya sa isang marangyang pamilya ay kayang-kaya niyang gawin ang lahat. Magluto, maghugas ng pinggan, maglaba, maglinis ng bahay at higit sa lahat ang maglinis ng sariling banyo. Sisiw na sisiw na iyon sa kanya. Sa tagal ba naman niyang nanirahan mag-isa ay kayang-kaya niya ang mga iyon.
"Good." ani Ylac tumatango-tango. "I want you to be my housemaid for two weeks." dagdag nito.
Muntik ng malaglag ang panga ni Freya ng marinig niya ang sinabi ni Ylac. Hindi, nalaglag nga! Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito. Siya, si Freya Martinez? Gagawin nitong housemaid? Aba! Aba! Ibang usapan na ito. Kung tutuusin ay maliit lang naman ang kasalanan niya rito kayang-kayang solusyonan. Iyon nga lang ay ayaw ni Ylac na magpa-areglo sa naging kasalanan niya rito. Masyado kasing ma-pride ang Ylac na ito.
Akmang magpo-protesta si Freya ng magsalita ito. "I don't want to hear any protest from you. Now, you choose. I'll talk to my lawyer about this issue or you would be my house maid for two weeks?" seryosong wika nito.
Nakaramdam ng bahagyang alinsangan si Freya sa sandaling iyon kahit may aircon sa loob ng opisina ni Ylac. Ibinaba niya ang zipper ng suot niyang jacket.
"W-wala ka bang mga katulong?" sa halip na tanong niya.
"Choose." masyado talagang dominante ang lalaking ito. Hindi man lang nito sinagot ang tanong niya. Bakit kasi sa dinami-dami ng kotse na pwede niyang mabangga kotse pa ng dominanteng lalaking ito ay nabangga niya. Ang buhay nga naman! Saklap!
Bumuntong-hininga na lang si Freya. Mas gusustuhin pa niya ang maging housemaid nito for two weeks kaysa ituloy ang pagdedemanda sa maliit na kasalanan niya rito. Mas pipiliin niyang magpaalipin rito ng dalawang linggo kaysa maalipin siya habang buhay kapag nalaman ng ama niya nagawang kapalpakan uli niya. "Okay. Payag na ako." pagpayag na lang niya. Napataas ang kilay ni Freya nang makita ang bahagyang pagsungaw ng ngiti sa labi ni Ylac.
"OUCH!" daing ni Jade ng pitikin ito ni Freya sa tainga ng tumawa ito ng malakas ng matapos niyang ikwento rito kung ano ang kinalabasan ng pag-uusap nila ni Ylac kanina ng pumunta siya sa opisina ng huli. Tinawagan niya si Jade na magkita sila sa paborito nilang coffee shop matapos ang pag-uusap nila ni Ylac. Kailangan kasi niya ng makakausap sa sandaling iyon. "Ang sakit naman niyon, Freya." palatak nito sa kanya habang hawak-hawak ang nasaktang tainga.
"Magiging housemaid na nga ang beauty ko. May gana ka pang tumawa diyan." nakasimangot na wika niya kay Jade.
"Anong masama kung tumawa man ako?" nakataas ang isang kilay ni Jade.
"Para kasing pinagtatawanan mo pa ang sinapit ko." nakasimangot pa rin na wika niya. At ang magaling na kaibigan niya tumawa pa nga! Tumigil lang ito sa pagtawa ng tiningnan niya ito ng masama. Kinuha ni Jade ang order nitong cappuccino na nakalapag sa mesa saka ito sumimsim mula roon.
"Dapat nga masaya ka pa dahil hindi na itutuloy ni Ylac iyong pagsampa niya sa'yo ng demanda sa kasalanan mo sa kanya." ani Jade.
"Paano ako magiging masaya, Jade eh, aalipin ako ng lalaking iyon." himutok ni Freya. Walang dapat na ikasaya si Freya sa sitwasyon niya ngayon dahil kahit saang anggulo tingnan, kaliwa, kanan, gilid, harap man at likod ay agrabyado pa rin siya. Well, wala naman masisisi si Freya sa nagyari. Kasalanan naman kasi niya ang lahat. Kung sana hindi niya tinakasan iyong naging kasalanan niya kay Mr. Lamborjhini ay hindi sana mangyayari ang lahat ng ito sa kanya. Now, she will pay all the consequences on what she did.
"Kung ganoon ka-gwapo at ka-hot ang lalaking mag-aalipin sa'yo. Aba, aba, huwag ka ng magdalawang isip at magpakipot pa. Sunggaban muna agad. With open arms and open leg—
Hindi na nito natapos ang ibang sabihin ng ibato niya rito ang tissue paper na dinampot niya sa mesa. Pinandilatan din niya ang kaibigan. Mabuti na rin at kunti lang ang customer sa loob ng coffee shop sa araw na iyon dahil nakakahiya naman kung maririnig nila ang pinagsasabi ni Jade sa sandaling iyon.
"Iyong boses mo hinaan mo." sita ni Freya kay Jade.
Ngumiti lang ito sa kanya bago ito muli sumimsim sa in-order nitong cappuccino. "Alam mo may dear friend, huwag mo ng intindihin kung gawin ka mang katulong ni Ylac ng two weeks. Mas mabuti na iyon kaysa ituloy niya ang demanda. Kasi kapag nagkataon ay baka umabot pa iyon sa kaalaman ng magulang mo. Alam mo na siguro ang susunod." sabi nito sabay kibit balikat. Bilang kaibigan ni Jade ay alam nito ang warning na ibinigay sa kanya ng ama. Alam nito na kapag may kapalpakan na naman siyang nagawa sa lungsod ay papauwiin na siya nito sa probinsiya nila. Alam din ni Jade ang susunod na mangyari kapag nagkataon.
Tumango si Freya bilang sagot. "Kaya nga pumayag na akong maging housemaid niya. Mabilis naman lumipas ang araw. Baka paggising ko isang araw tapos ko na palang bayadan iyong kasalanan ko sa kanya." aniya saka siya bumuntong-hininga.
"So, doon ka muna titira sa condo niya ng dalawang linggo?" tanong ni Jade mayamaya.
Tumango muli siya. Iyon din kasi ang sabi ni Ylac sa kanya ng matapos silang mag-usap. Kailangan niyang tumira sa condo nito ng dalawang linggo para magampanan niya ng maayos ang magiging trabaho niya. Mabuti na lang at kakatapos lang ng gallery niya. Wala siyang pagkakaabalahan sa susunod na mga araw. "Paano ang Kuya Anthony mo? Paano kapag pumunta siya sa condo mo at hanapin ka?"
"Napag-isipan ko na ang bagay na iyan." aniya kay Jade. "Mamaya ay tatawagan ko siya."
"Sasabihin mo sa kanya ang totoo?" nakataas ang isang kilay nito.
Sunod-sunod ang ginawa niyang pag-iling. "Siyempre, hindi 'no!" sagot ni Freya. "Kilala mo naman si Kuya Anthony, hindi ba? Kapag nalaman ni Kuya ang bagay na ito ay hindi mo siya mapipigilan makialam." aniya. "Baka sa halip na makatulong siya sa'kin ay baka mas lalong lumaki ang problema ko." patuloy niya. Masyado kasing overprotective ang nakakatandang kapatid sa kanya. Dahil pareho silang naninirahan sa lungsod ay dito siya hinabilin ng mga magulang. Twice a week ay pumupunta ang Kuya niya sa kanyang condo para kamustahin. Kahit abala din ito sa trabaho ay naglalaan ito ng oras para magkita at magkasama silang dalawa. Lagi nga nitong ibinibilin sa kanya na lagi daw siyang mag-ingat. Lalong-lalo na kapag hawak niya ang manibela. At kung may pupuntahan daw siya na malayong lugar ay dapat ipaalam niya rito. Lalong-lalo na kung sino ang kasama niya para hindi daw ito mag-alala. At alam din ni Freya na inire-report nito ang bagay na iyon sa kanilang ina.
-----
IBINAGSAK ni Freya ang sarili sa sofa sa kanyang condo unit pagkarating niya roon matapos niyang makipagkita sa kaibigang si Jade. It was very tiring day for her. Wala naman masyadong ginawa si Freya sa araw na iyon para mapagod. Nakausap lang naman niya si Ylac at ang kaibigan niya. Pero pakiramdam niya lahat ng lakas niya ay biglang nawala sa katawan. Para siyang cellphone na drain ang baterya.
Marahang bumuntong-hininga si Freya. Bumangon siya mula sa pagkakahiga sa sofa. Dinampot niya ang shoulder bag na basta na lang niyang initsa kung saan at kinuha mula roon ang kanyang cellphone. Kailangan pala niyang makausap ang Kuya Anthony para makapagpaalam. Pero bago niya i-dial ang numero nito ay nag-practice pa si Freya kung ano ang sasabihin sa kuya niya. Kung ano ang isasagot niya sa posibleng itanong nito sa sasabihin niya. Nang makapag-practice na si Freya ay i-d-nial na niya ang numero ng nakakatandang kapatid. Nakatatlong ring iyon bago nito sinagot ang tawag niya.
"Anong problema, Freya?" bungad agad na tanong ni Anthony sa kanyang tawag. Hindi naman napigilan ni Freya ang mapangiti dahil doon.
"Wala akong problema, Kuya." sagot niya. Nakagat niya ang ibabang labi dahil sa muling pagsisinungaling niya sa mga taong malapit sa kanya. Kinakailangan naman niyang gawin iyon para sa kapakanan niya at para na rin hindi mag-alala ang mga ito.
"So, bakit ka napatawag?" ani Anthony.
"Bawal na bang tawagan ang kuya ko ngayon?" nakataas ang isang kilay niya kahit hindi nito iyon nakikita. Freya smiled when she heard him chuckled over the phone.
"Sige na, Freya. Direktahin mo na ako kung ano ang gusto mong sabihin sa'kin kung bakit ka tumawag."
"Okay. Magpapaalam sana ak—
"Where are you going?" putol nito sa akmang sasabihin niya.
"I'm going to Batangas tomorrow." she anwered.
"Anong gagawin mo roon?"
"Vacation." tanging sagot niya. Ayaw niyang dugtungan ang sagot. Mahirap na baka mahalata nitong nagsisiningaling siya. Kilala pa naman ang Kuya Anthony niya.
"Sinong kasama mo roon?" tanong muli nito.
"Mag-isa lang ako."
"Mag-isa ka lang?" ulit nito sa sinabi niya.0
"Oo."
"Bakit ang tipid ng sagot mo?"
Napakamot ng kilay si Freya sa sumunod na tanong ng Kuya niya. Baka kasi mahalata mo ako na nagsisinungaling. "Sinasagot ko lang naman ang mga tanong mo sa akin, ha." nakangiwing wika niya.
"May nililihim ka ba sa akin. Freya?" mayamaya ay tanong nito.
"Wala ah!" defensive na sagot niya. Oops. Natutop agad niya ang bibig.
Freya, relax ka lang. Baka makahalata ang Kuya mo na may inililihim ka, paalala ng isipan sa kanya.
"Kuya Anthony, wala akong inililihim sa'yo 'no. Gusto ko lang naman magbakasyon. Gift ko na rin ito sa sarili ko matapos iyong gallery." paliwanag niya.
"Okay, okay. Basta inform mo ako kapag nasa Batangas ka na. At mag-iingat ka sa pupuntahan mo. Kapag nagka-problema ka itawag mo sa'kin."
Freya smiled. "I will, Kuya."
-----Itutuloy----