Revenge

2794 Words
After five years... "I will miss you Grandpa , Grandma..." Sabi ni Ashley na nakasimangot, nagbabanta ang mga luha sa kaniyang mata . " Mommy , bakit kailangan nating umalis dito kina Grandpa Dad at Grandma Mom .." tuluyan ng tumulo ang luha ni Ashley . Georgina sigh . Inalo ang anak . " Halika nga rito. " Sumenyas siya sa anak na umupo sa kaniyang kandungan . " Ashley anak ," pinahid Niya ang luha nito at hinaplos Niya ang maganda nitong buhok . " Kailangan ni Mommy ang magtrabaho , kaya kinakailangan natin ang umalis rito ." " Bakit Mommy ? Nag wo- work ka naman dito ah . Hindi ba pwede na dito ka na lang magtrabaho malapit kina Grandpa and Grandma? Pwede naman hindi ba ? " Matalinong bata si Ashley , sa murang edad nito ay marunong na siyang umunawa sa mga bagay -bagay . Sinulyapan ni Georgina ang kaniyang mga magulang . This is her parents' idea , her adoptive parents idea . Ramon cleared his throat . "'Hmnn..ayaw mo bang sumama sa Mommy mo Ashley , hija ? Gusto mo dito ka na lang maiwan sa amin ng Grandma mo ?" Tanong nito sa apo . Bahagyang nag-isip ang bata . Maya-maya ay umiling ito ,. " Paano naman po si Mommy , mag -isa lang siya doon sa Maynila , kawawa naman si Mommy ." May bahid ng pag-aalala ang tinig ng bata . " Pero , ma- mi - miss ko rin kayong dalawa .." "Don't worry baby , seven months to one year lang naman ang kontrata ng Mommy mo doon, babalik rin naman kayo dito . Isa pa , dadalaw naman kami doon ni Grandpa mo. Remember we are just one call away ." Nakangiting sabi ng kaniyang lola . "Promise po , " tanong ng bata . " Oo naman , alam mo namang hindi kita matitiis di ba ? Halika nga rito Kay Grandma ." Lucy reached her arms , agad namanng lumapit ang bata at tinanggap ang nakabukas na mga braso ng lola . Nakaupo ang mag-anak sa living room ng bahay at pinag-uusapan ang pag-alis ng mag-ina . Nang nakaupo na ang bata sa kaniyang kandungan ay pinupog Niya ito ng halik . " I'll be missing you baby ,hayaan mo , dadalaw naman kami ng lolo mo doon sa Maynila . Huwag ka ng malungkot okay ?" Sabi ni Grandma Lucy , hinaplos ang likod ng bata . "O , siya ..sige na , magpahinga na kayo dahil maaga pa ang flight ninyong dalawa. "Ashley apo, come to Grandpa and give me a hug and a goodnight kiss . " Saad ng matandang lalaki . Tumalima naman ang bata , ngunit bago siya lumapit sa kaniyang lolo ay una na niyang niyakap at hinalikan ang kaniyang lola . Nang gabi ring iyon ay hindi makatulog si Georgina . Kahit anong posisyon ang ginawa Niya sa paghiga ay hindi siya dalawin ng antok . Naisipan niyang siyasatin muli ang mga bagahe nila ni Ashley . Nang masiguro na kumpleto na ang lahat ng kanilang mga kilangan , maging ang school records ng kaniyang anak at dokumento upang makapagpatuloy sa kaniyang kindergarten ay nagpasiya siyang bumaba sa dining room . Hindi rin naman siya makatulog kaya minabuti Niya ang magtimpla ng gatas , baka sakaling kapag nakainom siya ay dalawin siya ng antok . Bitbit ang Isang baso ng gatas , muling bumalik ng silid si Georgina. Dahan-dahan na binuksan ang pintuan . Maingat na inilagay sa mesa ang gatas na tinimpla . Ang liwanag ng lampshade ay sapat upang makita Niya ang mahimbing na pagkahiga ng anak sa kama . She sighed . Ashley is smart , may mga pagkakataon na nababahala din si Georgina dahil nagtatanong ang kaniyang anak . Hindi na mapalagay ang kaniyang loob . Nagtanong na si Ashley tungkol sa kaniyang ama . Siguro naisip ng kaniyang anak ang kaibahan ng kaniyang sitwasyon sa kaniyang mga kaklasi . May mga pagkakataon na may school activities sila , present ang mga magulang ng mga kaklasi ni Ashley . Makikita ng bata na mayroong Mommy at Daddy . Hindi nagkulang ang kaniyang anak sa suporta ng pagmamahal ng Isang ina . Ang tumatayong Daddy ni Ashley ay ang kaniyang adoptive father na si Ramon . She's grateful, for Ashley , hinahanap na Niya ang kaniyang ama . Sa murang gulang Niya , naunawaan Niya na iba ang kaniyang sitwasyon ikumpara sa kaniyang mga kaklasi . " Oh, Ashley baby , why are you sad ?" Tanong ni Georgina isang hapon ng makita niyang nakasimangot at malungkot ang anak habang nanonood sa TV . Pinapanood Niya ang paboritong karakter nito sa cartoon network . "I was thinking about "Detective Mary. " Tinuro ni Ashley ang monitor . "Look mom, detective Mary has a father and a mother . Bakit ako wala?" Nagmamaktol na tanong ni Ashley . Ang Detective Mary ay Isang cartoon show tungkol sa batang si Mary na mahilig mag-imbestiga . Sa episode na napanood ni Ashley , ipinakita ng show ang pamilya ni Detective Mary . Kasama ang kaniyang ina , ama, lolo at lola . The show is about solving crime with family together. Educational and family oriented ang tema ng show kaya hindi maiiwasan na magtanong si Ashley tungkol sa kaniyang ama . Iba ang lolo at iba naman ang papel na ginagampanan ng ama . Alam ni Georgina darating at darating ang araw na magtatanong si Ashley tungkol sa kaniyang ama. She anticipated this day , however , iba pala ang pakiramdam kapag lumabas na sa bibig ng bata ang katanungan . Parang pinipiga ang puso ni Georgina sa tanong ng anak Niya . Karapatan ng kaniyang anak na magkaroon ng Isang ama . Isang ama na piniling talikuran ang responsibilidad ng Iwan siya nito . But he doesn't know that she was pregnant . He doesn't know about Ashley . Kung sakali kayang alam Niya na buntis ako , lalayo pa kaya siya ? Ito ang tanong na naglalaro sa isip ni Georgina . But , ayaw niyang gamitin ang kaniyang pagbubuntis upang pigilin ang paglayo ni Adrian . Pero , hindi pa nga Niya nasabi ang kaniyang pagdadalang-tao ay pinili na ni Adrian ang Iwan siya , dahil Isang laro lamang para sa kaniya ang kanilang relasyon . Georgina brushed the thought away . She crouched down in front of Ashley, " Baby , your father ..." She hesitated . She almost choked her words . " Your father loves you , but ..." " If he does love me Mommy , where is he ? Bakit hindi ko siya kasama ?" Parang iiyak na si Ashley , tumayo si Georgina and turned off the television . Pahamak na palabas ito , she thought . Bumalik siya sa couch at tumabi Kay Ashley . " Listen here baby , your father went abroad , darating din ang araw na magkikita kayo . " She hated to lie , but she couldn't bear to see the sadness in Ashley's eye. She didn't know na sa murang kaisipan ng anak ay mangungulila na ito . A longing for a father's love . "Kailan siya uuwi ? Bakit hindi man lang siya tumawag ? At bakit wala akong picture ni daddy ? Paano ko siya makilala kung magkikita na kami ? " Sunod - sunod na tanong ni Ashley . "Ashley , baby ...listen to me , you're too young to understand my situation with your father . Someday , when you are big enough to understand , I'm sure malalaman mo rin ang lahat dahil sasabihin ko namn sa iyo ang tunay na nangyari sa amin ng Daddy mo . For the time being , sana maunawaan mo na hindi pa panahon para makita mo siya . Why , baby ? Hindi ka ba masaya na ako ang kasama mo ? Hindi ka ba masaya na kami ng Grandpa at Grandma ang kasama mo" mahabang paliwanag ni Georgina sa kaniyang anak . There's no use in lying , one lie will lead to another lie . However, hindi rin naman maatim ni Georgina na sabihin Niya na basta na lang siya iniwan ng ama Niya . Hindi Niya maatim sabihin na iniwan siya nito dahil para sa hayop na iyon laro lang ang kanilang pagmamahalan , na niloloko lamang siya ng kaniyang ama . It's complicated to tell such experience to a sweet child no matter how smart the child is . Kaya , labag man sa kalooban ginagamit na lamang niya ang reverse psychology sa anak . "Of course , I love you so much Mommy . I love grandpa and grandma too . I'm happy that you take care of me , I'm just asking about dad . I wonder where my dad is . " Ashley said . Habang nagsasalita ang kaniyang anak , dama ni Georgina ang pangungulila nito sa kaniyang ama . Halata sa kaniyang mata ang pananabik . Bumuntong-hininga na lamang siya . " It's alright Mommy , hintayin ko na lang ang pag-uwi ni Daddy . I mean ang pagkikita naming dalawa ." How could she replied to that statement ? She could feel her daughter's longing for her father. How could she tell her that the son of the b***h left her without even knowing that she's pregnant with her? " Sige na Mommy , manonood pa ako ng show . " tumayo ang kaniyang anak at muling binuksan ang tv . Umiling na lamang si Georgina ng maalala ang pag-uusap nilang ito . Five years ago , five years had passed since the torture happened. Ang inakala niyang magandang idudulot ng kaniyang pagdadalang-tao ay nauwi sa Isang masakit na karanansan . Nalugmok sa pagdurusa ang buhay ni Ashley ng mga panahong iyon . Dahil sa kaniyang pagbubuntis ay naunsyami ang kaniyang pagtatrabaho. Georgina knows that her adoptive parents were very disappointed to say the least . Walang mukha na ihaharap si Georgina sa kanila, bagama't tinuring siya nito na parang tunay na anak ay hindi pa rin iyon excuse upang hindi siya manliit sa kaniyang sarili . Pagkatapos ng kaniyang graduation , umuwi na siya sa kanilang lugar sa San Carlos City. Hindi Niya alam kung paano sasabihin kina Ramon at Lucy ang nangyari sa kaniya . Ang totoo, wala namang nalalaman ang kaniyang adoptive parents na may ka live in na siya . Walang usok na makikimkim , eventually , nalaman din nila na buntis siya . Since then , her adoptive parents has been giving her the cold shoulders . Naisip ni Georgina na siguro dahil sa disappointment ng mga ito . Oo nga , nakatapos siya ng pag-aaral, but they were not expecting something scandalous to happen to her . Dahil sa hiya at malamig na pakikitungo nina Ramon at Lucy sa kaniya ay naisipan ni Georgina ang magpakalayo at pumunta sa Cebu city maghanap ng trabaho upang may maitustos sa Kaniyang mga pangagangailangan . Mag-isa niyang itinaguyod ang kaniyang pagbubuntis . Lahat ng hirap na hindi Niya naranasan sa buong buhay Niya ay kaniyang tiniis . Tiniis Niya ang lahat ng hirap, pagod, at puyat maitaguyod lamang ang kaniyang pagdadalang-tao . Hanggang sa kaniyang kabuwanan ay nagtrabaho pa rin si Georgina bilang cashier sa Isang restaurant . Graduate nga siya ng kursong architecture , pero hindi Niya magawang maging choosy sa kaniyang sitwasyon , lalo na at wala rin siyang koneksyon at kakilala sa Cebu City. " Kahit na graduate ka pa sa college at mula sa prestigious University , tandaan mo darling , it's not what you know but whom you know ." Sabi pa ng Isa sa mga kasamahan niya sa trabaho . Umiling na lamang si Georgina sa kaniyang pagbabalik-tanaw . Kinuha ang kaniyang gatas at ininom. Muli niyang sinubukan ang humiga sa tabi ng kaniyang anak . "It's been five years ..." She thought deeply . As far as her concern , ayaw na niyang balikam ang alaala ng kaniyang kahapon . Tumagilid siya ng higa at sumiksik sa tabi ni Ashley . Hinalikan Niya sa noo ang kaniyang anak . Marami ang nagsasabi na nagmana sa kaniya ang hitsura ng bata. "Carbon copy mo ang bata .." naaalala ni Georgina ang sabi ng kaniyang ina . " ...except her eyes .." dagdag pa nito . Georgina closed her eyes . She inhaled deeply . She knows very well kung kanino nagmana ang mata ng bata , nagmana ito sa ama ni Ashley . Tumihaya siya ng higa , ibinaling ang kaniyang paningin sa kawalan . Muling naglalakbay ang kaniyang diwa . Bumalik ang mapait na nakaraan . "You know , you need to see a Doctor . You seem sick.." Adrian said . Hinawakan Niya ang noo ni Georgina . " Kung gusto mo , samahan kita after lunch for check up? " Dagdag pang tanong nito . " Ah, you're so sweet babe ..no need to do so, I can guarantee you that I'm fine and healthy . " She said , winking at her boyfriend . " Hmmm, ikaw ang bahala ..let's go , baka ma late pa tayo." As far as Georgina remembered mahal na mahal siya ni Adrian . Two years niyang naramdaman na tunay ang ipinakita na pagmamahal nito . And so she thought , until graduation came. She couldn't believe the revelation of Adrian . Everything was a lie . Adrian admitted that their relationship existed out of revenge . Hindi matanggap ni Adrian na pinahiya siya nito sa harap ng kaniyang barkada ng ito ay kaniyang sinampal . She was stunned . How could he ? Siya lang ang nag-iisang lalaki sa buhay Niya . Minahal Niya ng husto ang lalaki . Mula sa pagiging aloof sa opposite s*x ay naging marahas siya pagdating Kay Adrian .,kaya nga siya pumayag na makipag live in dito . Kahit na alam niyang malayong - malayo sa personalidad Niya ang desisyon na manirahan kasama ang nobyo . Sa araw-araw na panliligaw at panunuyo ni Adrian sa kaniya ay nahulog ang kaniyang loob sa binata . Minahal Niya ito ng husto , reason that she's willing to live with him under the same roof . Hindi napigilan ni George ang pananalaytay ng kaniyang luha . "How dare you , Adrian ..you ruined me . You ruined my future and you ruined myself , I could not believe in love anymore . " She thought . Pinahid ni Georgina ang kaniyang luha . Inakala Niya na hindi na siya iiyak, hindi pala mangyayari . Hindi pa rin Niya maiwasan ang maiyak kapag naaalala si Adrian . Paano nga ba Niya malilimutan ito kung si Ashley ay araw araw niyang makikita at kasama ? Ito ang naging bunga ng kanilang pagmamahalan . Hindi , si Ashley ang bunga ng kaiyang pagmamahal Kay Adrian . Tuluyan ng tumulo at sunod -sunod na ang masaganang luha ni Georgina hanggang sa siya ay napahikbi . Naramdaman niyang gumalaw si Ashley sa kama kaya minabuti niya na bumangon at pumasok sa banyo . Nang isarado na Niya ang pintuan ng banyo ay pinalayas Niya ang impit na pag -iyak . Kontrolado pa rin ang kaniyang paghikbi , ayaw niyang magising ang anak. Tuluyan ng nagising ang kaniyang diwa . Tuluyan ng bumalik ang pait ng nakalipas limang taon na ang nakaraan . Hinding- hindi Niya malilimutan ang araw na para siyang binagsakan ng langit at lupa dahil sa confession ni Adrian , na siya ay pinaglaruan lamang . Hindi Niya makalimutan ang karanasan Niya sa Cebu ng mag-isa niyang uiaguyod ang kaniyang pagbubuntis . Higit sa lahat , nakatatak sa kaniyang puso at isipan ang Isang mapait at nakalulunos na pangyayari ng isiilang Niya ang kaniyang dinadalang -tao . Si Ashley ay swerte na isinilang na buhay ..samantalang ang kakambal nito na si Ashton ay binawian ng buhay tatlong oras ng ito ay isilang. Mahina ang t***k ng kaniyang puso , kailangan nito ang sumailalim sa operasyon . Dahil sa nag-iisa si Georgina , walang sapat na pera at nalilito sa sitwasyon ay hindi alam ang gagawin . Bagama't nakiusap siya na iligtas ang kaniyang anak na lalaki . " Mom , why are you crying ? " Tanong ni Ashley Kay Georgina , nakatayo ang bata sa pintuan ng banyo . Hindi Niya namalayan na binuksan na pala nito ang pinto . Hindi Niya namalayan na napalakas na rin ang kaniyang pag-iyak , kaya nagising ang kaniyang anak . " Are you crying because you'll be missing Grandma and Grandpa too? " Lumuhod si Georgina sa harap ng kaniyang anak na babae at tuluyang napahagulgol ng iyak. " Yes..." Ang tanging sagot na kaniyang nasambit .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD